Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

"Beh dapat nakisali ka din para sinapak mo silang dalawa." Ani ni Wena sabay sapak sa ere. Loko talaga tong babae na toh.

"G*gi edi ako yung nabugbog. Wala din yung pagsali ako, ako pa napuruhan."

"Eh bat ka naman kasi nakichismis ka pa?Tas nung nakita ka, takbo takbo ka." Sermon nito habang kavideocall ang jowa. Araw-araw yan pramis, sinasama pa nga ako sa call minsan.

"Marites kase ako bi, hindi maiwasan ng pawers ko."

Ilang saglit ay dumating na sina Loraine, Dana at Nica kasama ang mga pagkain namin. Inutusnan ko kasi bumili kasi nga tinatamad ako. Hindi din sila nagreklamo kasi pera ko yung gamit. Opo, nanlilibre po ako. Hindi man halata sa mukha pero kaya ko gawin yon.

Minsan nga lang.

Si Loraine lang talaga yung inutusan ko, at dahil marami siyang hahawakan, ay nakitulong na din yung dalawa. Titingnan nila rin daw kasi yung court kasi alam na. Hay naku mga batang toh.

Nag-uusap na kami kung kailan ang pwedeng gala namin kasi di na din kami lumalabas ng sama sama.

Gusto ko sana sa sabado kaso full day kami nun sa kompanya dahil wala namang pasok. Ganun din sa linggo. Edi pano na yan? Twice a month nga nagiging half day yung linggo kaso this week, full day kami.

Last week di kami nakapaggala kasi etong si Dana nilagnat. Edi move uli ang plano. Next week na lang ang napagdesisyunang gala dahil yun na lang ang available naming day.

"Umalis si kuya. Maglalakad tayo ngayon." Paalala ni Loraine sa tabi ko.

"San siya pupunta?"

"Ewan ko ba. Siguro nasa kapehan na naman yun. Dun yung lagi diba pag naggagawa ng project niya."

"Sabagay. Free internet kase beh, saka ganda kaya dun. Istitik!" Ewan ko din sa kuya nito, meron naman silang internet, pero sa tingin ko mas gusto niya gumawa ng trabaho niya sa mas tahimik na lugar. Maingay kasi dun samin, pano ba naman ang rami namin dun. Kahit nasa sarili kang kwarto mo, rinig na rinig yung ingay sa labas.

"Malapit lang naman yung building, ilang saglit na lakad. Bii na din tayo ng milktea para may libangan habang naglalakad." Yaya ko sa kaniya.

"Basta ikaw manlibre." Sagot niya sa akin.

"Anong ako?! Ikaw na!"

"G*ga! Nilibre kaya kita ng shawarma nung nakaraan!"

"Eh, wala akong pera!"

"Bat pa tayo bibili? Pang isang tao lang yung dala ko ngayon!"

"...Sige na nga." Lumalaki na din utang ko dito kay Loraine. Baka isang araw sugudin na ako sa kwarto ko at kunin lahat ng pera ko.

***************

"Good Evening!" Bati ko nang makapasok kami sa recording room. Dun na kasi kami nagkikita para sabay-sabay kaming lahat magpractice, at tsaka para masanay na din kasi hiwalay kaming nagpractice ng isang linggo.

"Good evening. Natagalan ata kayo ngayon." Bati ni ate Em habang tinotono ang kaniyang gitara.

"Wala kase si kuya Kyle kaya naglakad kami. Saka bumili muna kami milktea." Napakilala na namin yung kuya ni Loraine sa banda nakaraan dahil nagtanong din sila kung sino yung laging sumusundo sa amin. AT kung nagtataka kayo bakit di kami sabay nila ate Jasmin at ate Sam...

Sinubukan naming itry na sabay sabay na pumunta sa building kaso ang problema yung schedule. Nag-iiba-iba kasi dahil sa mga prof. namin saka mas nauuna sila matapos kesa sa amin kaya ang ganap, itinuloy na lang ni kuya Kyle ang paghatid-sundo sa amin.

Habang nag-aayos ako ay nakita ko si ate Jasmin na may kausap sa kaniyang selpon. Base sa mukha niya, hindi kaaya-aya ang pag-uusap nila. Hindi ko pinahalata na nakikinig kasi baka makita ako, edi panira ako diba.

"Thank you po, papunta na po ako." Huling sabi sabay sara ng tawag. Lumapit siya kay ate Em at may sinabi bago kinuha ang mga gamit at umalis. 

"Bat umalis si ate Jasmin?" Tanong ko ng makalapit ako kay ate Em.

"Ah yun...may kailangan lang daw siya puntahan. Sasabihin ko naman kay 'te Bea kaya don't worry. Di siya papagalitan nun." Tanging tango na lang ang aking naisagot at tinulungan si Loraine sa pagaayos ng gitara. Ayoko nang pag-usapan pa, baka sabihan akong chismosa.

Nang makatapos kami ng isang kanta ay biglang pumasok sa room si ma'am Beatrice kasama ang isang lalaking may kaidaran. "Everyone, lipat tayo sa meeting room." Ani ni ma'am Beatrice.

Pumasok kami sa loob ng meeting room at tabi-tabing umupo habang sina ma'am Beatrice at ang lalake ay umupo sa aming tapat. 

"Before we start, let me first introduce to you Akira, Loraine. This is Greyson Mojica, Tiocrus Entertaiment's director. Sa kaniya ko kayo pinakiusapan na isali kayo sa banda."

Sinuri kong mabuti ang direktor at medyo kinabahan kasi ang talas nung tingin. Para bang tutuklawin ka pag gumalaw ka.

"Hello to you two, Akira, Loraine. As what Beatrice said, I am the company's director. I am here to give you the announcement about whether you two are accepted or not in our company." Technically di pa kami kasama sa grupo kasi nga temporary palang, para bang try out before the finals lang peg namin.

"For the past 2 weeks, we have been observing you two based on Beatrice's report. Based on the records we acquired and also the grades that we're enlisted by our President himself, I would like to say that you two have grown so well since the day you enter this company. Now, according to the report the president gave, you two do have a great potential to star one day, however, there were some flaws that he saw that he thinks needed more time to build up."

Napalunok na lamang ako sa sarili kong laway at nararamdaman ko na ding namamawis ang kamay ko. Mukhang di pa kami makakasali dito ah. Shuta kayo sayang yung halos tatlong linggo ko!! Edi sana di niyo na kami pinagbigyan!!!

Kalma, wala pa.

"Overall, on the results stated in my hands today..." Kuya wag magbagal, dali na. Sabihin niyo na!!

"Akira Santos, Loraine Fajardo..." Bat kasi binabagalan, di naman toh beauty pageant! Hindi po ko miss universe kaya paki fast forward.

"Congratulations, you are now officially members of EliXir."

Nang mabigkas iyon ng direktor ay agad na napataas ang ulo ko, ang titig ko dumeretso sa kaniya. weEeeEEEeeEHhhh? DddDIiiIIi nnNNGgGAAAaaaaAAa? 

Mabilis kong niyakap si Loraine sa sobrang tuwa kasabay ang hiyawan ng ibang miyembro, Sayang si ate Jasmin, edi sana kasama siya magcelebrate dito kung di siya umalis. Agad naman akong nabatukan ni Loraine dahil nga di na daw siya makahinga. Sori pi, excited lang.

"As the president's request, Akira and Loraine is to be added to the group as official members. Here is the contract in joining the group. Please be sure to ready everything completely before signing. Once you sign it, you can never go back."

Ibinigay na sa amin ni ma'am Beatrice ang kontrata at dahan-dahan ko itong binasa. Ay, 5 years contract pala ito. Available for renewal before the contract due. Payment is...ay...AY! Shalala iba din. Masaya siguro ang diwa nito ni Loraine deep inside. Ayan na si dream collection niya.

Nagtinginan muna kami ni Loraine sa isa't-isa at nagkaroon ng unting pagpupulong bago napagdesisyunang isign ang contract. Hala kayo, member na ako! No backing out na dis!

"Congratulations again. I hope to work happily with you two from now on." Sabi nito sabay kamay sa aming dalawa ni Loraine. Luh boi, pawis kamay ko.

Eh bahala siya, lahat naman nagpapawis.

"And now that you two are official members, why not celebrate it with a tradition?" Ano daw? Tradition? Ano yun? "We actually have this tradition in the company na every new-commer has to write a song for their respective group or in this case pag solo ka, sarili mo. That song shall be your debut song and it will be performed in live or digital. Ganito rin ang ginawa namin sa EliXir when they are just starting and to great news, their debut accomplished over 10 000 streams."

Shuta, di ako marunong dyan. Bara bara pa naman ako, basta may maipasa, tapos. "So now, in your case, gagawa kayo ng isang song in any kind of topic you want, and you will perform it with your other members." Tinitigan ko si Loraine at ngumiti. 

Hehehe, eto pala may magaling magsulat. Magaling to sa essay kaya, dito din ako nagtatanong pag essay yung activity namin. Wala kang takas, Loraine.

"I expect maybe in three days, a song for your comeback. Now that you have increased in members, sana ay pati na din ang popularity ng group. If you need help, you can ask the others dahil sila din ang nagsusulat ng mga kanta nila. Do you two have any comment on this?"

"Sir...isang kanta lang po diba?" Tanong ko matapos magtaas ng kamay. Mamaya isa-isa pala ito edi pano na ako? Di ako marunong magsulat ng kanta.

"If you are worried na one song per person ay don't be. You can just have one song para sa inyong dalawa. But if you like, you can write two individual songs." Medyo napahinga naman ako ng maluwag dun. At least diba di na pahirap. 

"Ay ok na po. Isa na lang po gagawin namin." Buti pa to si sir, yung prof. namin hindi ganito. Di naman sa nagpaparinig pero parang ganun na nga HAHAHAHAHA!

"Alright. Anything more to add?" Umiling na si Loraine matapos at ito ay kinumpirma na ng direktor. Wala na din akong idadag pa kaya umiling na din ako.

"Good, If there's no more questions regarding this, then I will take my leave."

-AR PHANTOM