Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 6 - CHAPTER 5

Chapter 6 - CHAPTER 5

Blue cardigan top...

White denim wide leg pants...

White rubber shoes...

And a bucket hat for add-ons...

"Hmm...Paltan ko kay—"

"Arat na. Kanina ka pa oh. Malalate na tayo." Sabay hila sa akin paalis ng kwarto. Sinara niya naman yung kwarto kaya di ako nagtampo.

Well guys, this is it. The first day ng training, ACK!! AYKENAT!! Kakauwi lang namin ni Loraine dahil nga magbibihis muna kami tsaka iuuwi na rin yung bag na kaybigat-bigat di naman ginagamit lahat ng laman.

Natapos nang mabihis si Loraine at ngayon ay iniintay niya na lang ako. Naka cargo pants siya na black tas silk blouse na dark blue, edi waw fashionable deba.

Di kasi ako makapili kung eto ba o yung pa polo na black na binili ko online. Sabay kasi dumating tas ayun, di na ako makapili kung anong susuotin ko. Pero dahil nahila na ako paalis ni Loraine ay wala na ko choice, eto na susuotin ko.

20 minutes lang naman ang biyahe papunta sa building dahil hindi naman siya ganun kalayuan sa amin. At ayun nga, 5 minutes kaming nalate dahil sa akin. Hayaan mo na, deisyon ako, mag intay sila.

Inintay ko munang magpaalam si Loraine sa kuya niya bago kami sabay pumasok sa loob. Himala din na nakapayag ang kuya niya dito. Usually, di kami papayagan nun tas sesermonan pang mga isang oras. Tandem sila ni ate Aby. Magpinsan eh, kami din naman ni Loraine.

Di tulad ng kuya niya, yung mama ni Loraine mukhang mas excited pa dun sa anak. Nung ikinuwento niya yung pag-email sa amin ng kompanya ay agad na natuwa si tita at sinabi pang pag nakapasok ay humingi siya ng autograph ni Regine Velasquez. Idol ng mama ni Loraine si Regine saka halos hindi nawawala ang mga kanta nito sa videooke. Eto namang si Loraine, nakisama na din para mapayagan ng kuya.

Pero sa totoo lang, gusto talaga ni Loraine toh. Araw-araw pag papalapit na yung pagpunta namin, laging naguupdate yan sakin. Gusto ko ngang sabihing mauna na siya magtrain pero baka ituloy nga. Wag na, sabay dapat kami.

Si ate naman nagkaroon pa ng secret meeting with kuya Kyle before akong payagan. Lumpagpas din sila isang oras dun sa kusina namin, nahuli na nga silang kumain eh. Dumadaan-daan kase ako, kunwari kukuha ng tubig. Nakikichismiss ako baka payagan pala. Oh ano kayo? PUMAYAG!!

"Nanginginig ako, di naman ako naiihi." Ani ko habang Nakapulupot ang aking braso sa braso niya.

"Aircon lang yan, malamig eh." Sagot ni Loraine habang sabay kaming nagkalad papunta sa elevator. Naks, sosyalin kami.

Sabi din kasi ni ma'am Beatrice, dun uli kung saan kami nag-usap magkikita. Namemorise ko din kung saan yun kaya Ok lang nang walang guide.

Nang makarating ay kumatok muna ako bago pinagbuksan ng pinto. "Akira, Loraine, andito na pala kayo."

"Sorry po, medyo nalate kami."

"Eto po kasi ang bagal magbihi—aray." Kinurot ko ang braso nito na nagpapigil sa kaniya na ituloy ang sinasabe.

"Don't worry, kakatapos lang rin naming magmeeting kaya its fair lang for both of us. Come in, I'll introduce you two to the band." Pumasok kami sa loob at nakita ang kasama niya sa loob. Limang tao ang nasa loob, apat na babae, isang lalaki. Tumayo na sila at ipinakilala ni Ma'am Beatrice.

"Everyone, this is Akira Santos and Loraine Fajardo, they will be our temporary trainees starting today. Akira, Loraine, this is the group that I manage. Meet EliXir."

"This is Emily Cabrera, the leader and the group's guitarist. She also do vocals." Itinuro niya sa babaeng katabi niya. Halos kasingkatangkaran ko siya at tulad sa description ni ma'am Beatrice, siya ay may hawak na gitara.

"Ang katabi niya naman ay si Jasmin Gonzalez, the pianist and vocals of the group." Kumway sa amin ang babae na may katangkaran. Di ko lang sure kung pantay ba sila o mas mangkad siya kay Loraine. Ah basta.

"This is Samantha Del Rosario, the main vocalist of the group." Katabi ni Jasmin ay isang magandang babae na ngumiti sa amin. Hindi ko naman sinasabing siya lang yung maganda, lahat naman sila. Grabe kayo.

"And then, over there, is Leonor Alcantara, our drummer na busy kaka ML." Itinuro niya sa lalaki na nasa sulok ng kwarto, nakapokus lang sa selpon nito na para bang hindi narinig ang sinabi namin. Ganyan din kuya ko, naiintindihan ko.

"And you know me, Beatrice Ortega. I am EliXir's manager." Pagpapakilala niya sa sarili. "So now that we've introduced ourselves, do you guys have any questions?"

"Wait lang...so pwede pala apat na vocalist sa isang group?" Tanong ni Loraine.

"Yes, wala namang binigay na limit pagdatin doon diba? You can have as many as you want, Kung gusto mo, lahat pa kayo kumakanta."

"Eh pano po yun?" Turo ko sa lalake. "Kumakanta ba yun?"

"Hay nako wag na." Biglang sagot ni ate Emily. "Baka paglaruan lang yung kanta paghinayaan toh."

Napatawa naman sila Jasmin at Samantha na sinabayan ni Emily. 

"So what's gonna happen today is that Akira will be handled by Jasmin and Sam, and Loraine with Emily and Leo since silang dalawa yung bihasa sa string. Siguro kailangan kong ipaghiwalay muna kayong dalawa para mas lalo kayong mafocus. So kayo Akira, dito na lang magpractice while Loraine and the others dun sa may recording room dahil nandun ang lahat ng instruments. Magiging maingay kung dito kayo magpaparactice."

"So alright guys, simulan na natin at naggagabi na rin. I will be heading to the director's room upang magreport kaya iiwan ko muna kayo dito and good luck." Pageexplain ni ma'am Beatrice bago umalis ng room.

*************

"So siguro bago tayo magstart pwedeng masubukan muna yung boses mo. Para makita din natin kung ano yung problem."

Ako naman ay nakinig at inayos ang postura bago kumanta. Hala beh, kinakabahan ako..

Song: Taguan by John Roa

[Nagsimula sa asaran hanggang nauwi

Sa seryosohan ang pinag-uusapan

At 'di na namalayan

Na dahan-dahan na binubuksan ang pintuan

Ng ating mga damdamin na tila may

Kakaibang nangyayari di maipahiwatig

Ang ibig na sabihin may gusto ka bang aminin

Pero hindi mo na kailangan pa...]

Nang matapos ko ang kanta ay siya akong pinalakpakan nang dalawa kaya medyo nahiya ako.

"Wag na po, nakakahiya."

"Bakit ka mahihiya? Ang ganda naman ng boses mo." Puri ni ate Sam kaya lalo na naman ako nahiya. Shatp fleece.

"Maayos mong nakokontrol yung boses mo pero feeling ko may times na di naiintindihan yung sinasabi mo. Parang nangongongo. Di ako nagc-critizise, sa tingin ko kasi galing sa ilong mo yung pagkanta mo. Dapat dito ka sa may diaphragm para mas maayos mong nakokontrol yung paghinga mo." Seryosong pagkomento ni ate Jasmin kaya napaseryoso din ako. Eto na, wala nang joke joke.

"Don't worry, tuturuan ka naman naim. Nagchoir din kame bago magbanda." Dagdag ni Ate Sam.

Matapos nun ay nagsimula na kaming magpractice at hindi ko na alam kung gaano kami katagal. Puro aaAh tas yung mga paraan kung paano maayos saka clear yung pagbabanggit nung mga words.

"...Nagsimula sa asara—"

"Wag mong madaliin kasi parang yung sinasabi mo lang saran. Medyo ilakas mo din yung boses mo kasi mahina siyang pakinggan." —Sam

"May times kasi na mas iingay yung music kesa dun sa boses kaya mas ensure na rin kung malakas saka clear yung pagbiggkas mo para mas maintindihan nung manonood." Saad ni ate Jasmin. "Itry natin ng may piano."

"Nagsimula sa asaran hanggang nauwi sa seryosohan..."

"Yun!" Nakipag-apiran si Ate Jasmin na nagpagaan sa damdamin ko.

Habang kami ay nagpatuloy ay naririnig ako ang malaks na tugtog ng instrumento di kalayuan sa amin. Lumipat muna kami sa isa pang recording studio dahil nga gusto daw itry akong ipractice ng may instrument.

Mukhang si Loraine ata yung nagp-play ng gitara. Medyo marunong si Loraine maggitara kasi may violin siya sa bahay. Tinuruan siya ni kuya Kyle tas lagi naming pinaglalaruan yon. Kunware nagcoconcert kami tas ako yung singer tas siya yung background music. Minsan naman kasama namin si Alex at nagduduet kami kahit nawawala na kami sa tono. Yun lang nagbobonding na kame.

Nang magdesiyon kaming magpahinga ng saglit, kami ay nag-usap-usap tungkol sa kung ano anong maisip. Nalaman kong mas matanda lang sila ng isang taon sa akin at magbestfriends sila simula elementary. Dun din pala sila sa school namin nag-aaral kaso magkaiba kami ng course kaya di nagkakasalubungan. Mas malayo din ang building nila sa amin saka may mas malapit na canteen sa kanila na dun nila pinagtatambayan.

Syempre sinabi ko din na parehas kami ng school at nagdesisyunan na lang na sabay-sabay nang pumunta dito simula bukas.

Bumalik na kami sa pagpapractice at nang sumapit na ang 10, ay tumigil na kami at tinapos na ang pagtuturo.

"So medyo nagimprove ka na. Unti na lang, kaya pa yan." Saad ni Ate Jasmin.

"Medyo napaos ako dun HAHAHAHA. Ang tataas." Sabi ko habang hinihimas ang aking lalamunan. Shuta napaos nga talaga ako.

"Di pa pala tayo nakakakain. Tara, sa may cafeteria, kain na tayo hapunan." Yaya ni Ate Sam bago magunang umalis.

"May cafeteria pala dito? Di ko nakita kanina...."

"Nasa may likudan yung cafeteria. Diba may malaking pinutan dun sa may tabi ng waiting area, pagbukas nun cafeteria. Mini restaurant din kasi yun." Sabay kaming lumabas ni Ate Jasmin at nagpatuloy papunta sa cafeteria.

Pagdating namin doon ay nakita ko sina Loraine, ate Emily at Kuya Leo na kumakain na. Sinabayan namin sila at nagsichikahan na. Si ma'am Beatrice ay nasa meeting pa at sinabi nila na maya maya pa siya matatapos doon.

So anyways, dun ko nalaman na si Ate Emily at kuya Leo Pala ay magjowa (EDI NA OLL!). Kaya pala makaasar siya kanina, HAHAHAHAHAHAHA.

Natagalan na naman akong makatapos kumain at nang dumaitng na ang kuya ni Loraine, ay dali dali ko nang tinapos ang pagkain ko. Nagpaalam na kami sa kanila at nagpasalamat bago umalis ng building. Medyo napagod ako ngayon, pero worth it din kasi ang saya pala nito.

Tandaan na simula ngayon ay eto na ang magiging takbo ng araw ko, mas lalo kong nasasabik na dumating na agad ang bukas.

-AR PHANTOM