Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 5 - CHAPTER 4

Chapter 5 - CHAPTER 4

"Ano gawin ko?"

"Edi Sagutin mo."

"Eh pano kung scam lang pala?"

"Gusto mo ba o hindi?"

"...Gusto~"

"Edi imessage mo na!" Hiyaw ni Loraine nang ibato sa akin ang unan na kanina niya pa yakap. Bat ba ang hilig nitong manghampas, mangbato? Kanino ba toh nagmana? "Kung scam man yan, edi iscam mo din!"

"Loko, HAHAHA!" Nagbalik ang mata namin sa message at napatingin sa isa't-isa. Iscam ko din ba in case? Maganda din naman yung plano na yun. At least nakaganti ako diba. Patas lang satin.

"Sige na nga." Saad ko at nireplyan ang message na dumating kaninang umaga.

[Hello Tiocrus Entertainment, this is Akira Santos.

I would like to say that I accept the offer.]

-----

"Isang linggo na ah...scam nga siguro." Sabi ko matapos ibaba ang selpon.

"Edi iscam mo na rin. Iemail mo, It's a prank!" Ani ni Loraine na winawagayway ang kamay. Hamal talaga toh!

"Eh. Mamaya pag nagsend ako nun tapos legit pala edi napahiya lang ako nun."

"Ikaw naman yung magdedesisyon sakin mo pa tinatanong."

Patuloy sa panonood si Loraine habang ako ay nanatili pa rin akong nakaktitig. Wag mo na namang isayang yung pagrerefresh ko sayo kundi lagot ka sakin. Susugurin ko tong companya na t—"...Raine..Loraine! LORAINE!!"

Sa sobrang pagkaexcite ko ay askidente akong napahablot sa kaniyang buhok. "ARAY! P*TEK NAMAN OH!"

Agad ko namang binitawan ang buhok saka hinimas ng dahan-dahan. "Sorry, hehehe..."

"Alam kong nambabatok ako pero di naman pwede gumanti ng ganyan. Beh muntik na matanggal buhok ko sa anit ko!" Inayos niya ang buhok na tinitingnan ako ng masama. Nagsorry uli ako at ipinakita na ang good news. "Ano ba kaseng nangyari at nananabunot ka dyan...Address? Ano meron?"

"G*ga tingnan mo kase oh! Galing yan dun sa may company. Beh hindi scam!" Muli ko naman siyang hinampas sa braso na nagresulta ng kaniyang pag-irap. "Ay sori g*go." Banggit ko matapos bumalik sa pagtawa.

"Anong pang iniintay mo? Ayan na, puntahan mo na."

"Ano? Agad-agad? Pwede bang kinabukasan na lang, hapon na eh." Saka tinatamad ako lumabas. Pinagluluto pa ako ng hapunan ni ate. Pano ako makakaalis niyan? "Saka may pasok bukas pano ko pupunta niyan?"

"Edi pagkatapos ng klase, pumunta kay dyan." Sagot ni Loraine. "Samahan pa kita eh."

"Weh? Samahan mo ko?" Masigasig kong tanong. Wag kayo, ngayon lang yan nag-aya samaham ako. Pano ba naman di lumalabas yan, kung di tawagin di aalis sa kwarto.

"Edi wag kung ayaw mo."

"Eto na nga ih, magpapasama na."

**************

"Bhie ang laki."

"Parang ngayon lang nakakita ah." Nagtitigan kami ni Loraine sa isa't-isa at hindi maiwasang magtawanan. Eto na naman kami, parang araw-araw na.

Well, araw-araw naman talaga, HAHAHAHAHAHA!

Pumasok kami sa loob ng building at nag-intay sa may waiting area gaya ng utos ng babaeng nasa counter. Unang beses ko lang makapasok sa isang building na ganito kaya medyo kinakabahan ako. Ang tagal ko atang naghanap ng susuotin bago kami nakaalis. Nagpalit muna kami ni Loraine kasi nga ayaw rin naming pumunta dito ng naka uniform. Ano pupunta ako dito tas may backpack pa akong sobrang bigat?

"Akira Santos?" Rinig kong tawag sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang isang babaeng naka formal suit, maikli ang buhok at may hawak na clipboard. "Beatrice Ortega, I was the one who sent you the email."

Agad naman akong napatayo sa aking inuupuan at nagpakila bago makipagkamayan. Sumunod naman si Loraine na ipinakilala ang sarili.

Lumipat kami sa isang room at nagpatuloy sa pag-uusap. Wag kayo, nag elevator kami, MWAHAHAHAHA! First time ko kase, mga hamal kayo.

"I'm sure you you already know why I emailed you two weeks ago. About the video that we saw you posted online, I was wondering if you would like to be part of our company. We found that you have a potential in becoming a great singer. I already talked to the director and they gratefully approved the request. So what do you say?"

...Shuta English.

Potek na yan, required ba magenglish? Bat walang nagsabi sakin? Hindi pa naman ako mataas sa literature. Bhie nagg-grammarly lang ako, nagbabayad pa ako ng premium para kunware hindi kuha sa internet.

Pilipino po ako hindi ako foreigner. Obvious naman diba sa balat ko.

"Uh.... Ma'am?"

"Yes? Would you like to read the contract now?"

"Ay hindi po!" Ani ko sabay iling. "Magtatanong lang po sana kung pwedeng... Pakitranslate? Hindi po ako fluent sa english. Sorry po."

Nanahimik ang babae at tintigan na lang ako. Sorry po ate! Wala talaga akong naintindihan.

Agad na iniayos ng babae ang postura at mahinang umubo. "I'm sorry. Nakasanayan ko lang."

"Ok lang po!" Pinapahirapan mo pa kasi ako ate eh.

"Alright. As I was saying..." Luh english pa din eh. Scam tong si ate. "Napanood kasi namin yung video katulad nung sinabi ko sayo sa email. Napag-isipan namin, why not give you two a try? We actually liked your video, kaso may unting flaws lang pero I'm sure na pwede naman iyon ienhance. Pinakita rin namin ito sa director and he said he will try you two out for about a week. Under that week, ioobserve nila kung hindi nasayang ang pagpili namin sa inyo."

"You see, ang members din namin ang kasama sa nagdecide na ipasok kayo. I am actually a manager handling a band. We were not that big but just like any artist, we are doing our best to create music. I also suggest na isali kayo sa banda, pero sa tingin ko ay kailangan muna ng unting improvement bago kayo maisali."

Tumingin ako kay Loraine ang napataas ng kilay. Mind reader naman siya, alam niya nasa utak ko ngayon.

"What do you say? Wanna try it out? Or if you don't want to sing, maybe other talents. Open naman ang company in any other forms of the artist's entertainment skills."

Bumalik ang titig ko sa kaniya at narinig na sumagot si Loraine. "Pwede instruments na lang? marunong ako mag-guitar."

"We do have guitarists in out band...How about bass? We do have one pero kasi temporary lang. Nahihirapan din kami kasi most bands needed a bassist. It would be great contribution kung kaya mo."

"I mean, pareho lang naman sila ng guitar diba? Siguro kaya ko naman..." Waaah! Baka Loraine yan. Gusto niya lang talaga yung sweldo HAHAHAHAHA. Excited kasi pagnasali siya, makakabili na ng comic.

"Then, I guess its settled. Its a pleasure to have you two as our new recruits. Welcome to Tiocrus Entertainment. May a blessed bond connects us."

*************

Beep.. Beep.. Beep..

Dagad kong pinatay ang alarm at bumagon sa kama. Dumeretso ako sa banyo at naghugas ng mukha matapos at tumingin sa salamin.

Natanggap ako diba? Kami ni Loraine..

Nagsign na din ako ng contract sa kanila kagabi. Kasama ko si Loraine...

Next week ang start namin...

"...Ehe."

"AKIRA!" Malakas na bigkas ni Loraine ng binuksan niya ang pinto. Tinitgan ko lang sya na parang dali-daling gustong umalis.

"Anyare sayo? May lakad ka ba o ano?" Nagbago agad ang timpla ng mukha nito at humalukipkip.

"T*ng*na mo talaga. Alam kong natanggap ka na dun pero di ka pa naman permanent dun. Bhie anong oras na?"

Napakunot naman ako ng noo at kinuha ang selpon sa bulsa ng short ko. "...7:20. Oh?"

"Beh, 7:30 dapat nasa school na tayo, Diba sabi mo may activity ka pang gagawin dun?"

AY SHUTANG GALA! OO NGA PALA! "Wait lng bhie!"

"Chinat kita kagabi ah. Sabi ko mag-alarm ka."

"Nag-alarm nga ako, kaso ibang oras nalagay ko."

Nagmadali na akong magbihis at inilagay na sa bag ang dapat ilagay. 7:45 na ng makarating kami sa school at agad kong hinanap si Dianne na kanina pa nag iintay sakin.

"Sabi ko 7:30, anong oras na?"

"Nalate ako ng gising sori." Minadali ko na ang pagsagot at buti naman at nakaabot ako. Nagsimula na din ang first subject at salamat kay Dianne, may activity ako. 

Nang dumating ang break time ay kaagad akong bumaba at bumili ng pagkain bago makipagkita kayla Loraine at Alex. Nagpaplanong magjogging tong dalawa na toh sa linggo kasi why not daw?

"Basta gumising ka ng 5 ah" Tugon ni Alex.

"Maaga naman ako gumising, etong si Loraine pagsabihan mo. Siya tong 12 na gumising." Sabay turo kay Loraine na nanonood sa kaniyang selpon.

"Pagwalang pasok lang yun syempre." Depensiya niya. "Gumigising naman ako ng maaga. Mag-aalarm ako boi."

"Basta mga 5:30 alis tayo." 

"Oo. Basta gumising kayo. Last week na plano wala din kase walang nagising." Komento ko at nanumbalik sa pagkain. Ilang saglit ay umating ang kaklase ni Alex at kinausap ito bago sumama sa kaniya. Kami uli ni Loraine ang natira at nagpatuloy lang kami sa aming ginagawa.

Parehas na Garde 12 sina Loraine at Alex ngunit magkaiba sila ng section kaya hiwalay silang dalawa. Nagkikita rin naman sila pag gagawa ng homework at kung gagawa ng project.

"Anong oras uli tayo next week?" Tanong ko nang maalala ang training namin. Hindi naman sa excited, pero parang ganun na nga.

"Monday. After school. 5:30-10:30 daw tayo."

"Nakapagpaalam ka na ba?"

"Kay mommy oo kay kuya hindi." Sagot ni Loraine. "Alam mo naman pag nagpaalam ako ng ganun, papagalitan ako. Parang timang yun eh."

"Ako na di pa nakapagpaalm ni kanino. Samaham ko kong magpaalam."

"Ayoko nga. Kuya ko nga di ako makapagpaalam, sa ate mo pa kaya. Diba kakarap ng nun sayo kagabi?" Ayan naalala ko tuloy.

"Nagbebeatbox na nga ako sa utak ko nun. Nakalimutan ko kasing linisin yung lamesa kasi nga tinapos ko pa yung assignment. Kakain na nun kami tas nakita ni ate, edi ayun...nirap ako. Tinalo pa si eninem."

"Di kasi ginawa ng mas maaga..."

"Nagtitiktok ako. Kakamemorize ko lang nung step bhie, baka mawala sa utak ko."

"Bahala ka." Tumunog na ang bell at oras na para bumalik sa sarili namin room. "Pagpaalam mo ko kay kuya ah." Banggit ni Loraine nang makatayo.

"Sige ba, basta pagpaalam mo ko kay ate."

"Deal."

"Deal." At kami ay nagkamayan bago umalis sa aming pwesto.

-AR PHANTOM