Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan?

🇵🇭shistineJdLd1
--
chs / week
--
NOT RATINGS
11.3k
Views
Synopsis
Si Trisha Herlaz ay isang modelo at magaling na martial artist at cultivator. Ngunit isang araw habang siya ay pararangalan ng "Noble Excellency Award" isang matagal na niyang inaasam-asam na parangal sa martial arts school, hindi inaasahan ang kaguluhang magaganap kung saan dito masasawi si Trisha... Ngunit hiniling niya na sana manatili pa siyang buhay at maenjoy ang buhay... Kaya nang magmulat siya ng mga mata doon niya nalaman na nasa ibang bansa at panahon siya. Napag-aralan niya ang mga sitwasyon at kailangan niyang ipaghiganti ang may-ari ng katawan na gamit niya. Siya na si Cheng Xiaoran, ang nag-iisang prinsesa ng kahariang Huolan di marunong magcultivate ng inner chakra at chi. At may mahinang katawan kaya naaapi ng mga taong may alam sa martial arts! Ngunit napakaarogante, mainipin,at makulit nito... Nagkagusto rin si Xioran sa isang napakagwapong anak ng pamilyang Fei, isang napakagaling na cultivators na pamilya sa kahariang Huolan,dala sa kanya sa kapahamakan sa nakaraan nito. Gusto nitong maghiganti sa lahat ng tao na nanakit sa kanya kasama na ang lalaking pinakamamahal niya. At itama lahat ng pagkakamali... Pero kailangan nya munang mahanap ang "nakatadhana" para sa kanya upang masira ang sumpa... Ngunit ayaw payagan ng hari't reyna si Xiaoran na lumabas ng kastilyo dahil mapanganib daw para sa kanya. Ngunit buo na ang pasya niya... Para makalabas ng kastilyo, kailangan niyang magbalatkayo bilang isang lalaki upang hindi mahalata ng pamilya niya na sumuway sa kanya Habang nasa sitwasyong iyon nakatagpo siya ng bakla na napakakulit at laging lumalapit sa kanya... Magagawa kaya ni Trisha na ngayon ay si Xiaoran na ang kagustuhan ng may-ari ng katawang gamit niya?... Basahin ang mangyayari sa kwento ni Trisha Herlaz na naging si Cheng Xiaoran sa makalumang panahon... Halika tunghayan mo ang bawat mangyayari sa buhay ni Xiaoran. Basahin mo ang kwento niya....
VIEW MORE

Chapter 1 - Unang Kabanata

Third Person's Point of view

"Trisha. Trisha? Trisha!!! Uy gumising ka na anak! Mahuli ka pa sa graduation!!!,"sigaw ng isang babae mula sa kusina. Ngunit walang sumasagot ni kaluskos man lang.

"Tanghali naaaaaa!!!," sigaw ng babae na kanyang ina. Pagkarinig nun ay agad na tumayo si Trisha.

Magulo pa ang buhok niya. Hindi pa naliligpit ang higaan, bumaba na agad siya papuntang kusina.

Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina pakakita sa kanya na magulo ang buhok kahit na bagong ligo at mabango.

"Ma! Para kayong nakakita ng multo!," palahaw ni Trisha sa ina.

Natuliro ang kanyang ina at kumuha ng tissue at suklay.

"Ikaw ang may kasalanan Trisha, anak! Totoo, mukha kang zombieng  white lady!," sabi ng kanyang ina animo'y tumatawa sabay abot ng suklay sa anak.

"Bakit kasi alas dose kana natutulog!? At saan ka pumupunta!?," nagagalit ngunit nag-aalalang tanong ng ina ni Trisha.

"Ma! Alam niyo naman pong may night shift po ako eh!," sagot ni Trisha habbang nagsusuklay ng buhok.

"Kung hindi na lang sana namatay ang ama mo edi sana hindi ka na nahihirapan pa sa pagtratrabaho... Tapos ako naman * sob...Hindi...Wala akong kwenta...ni hindi kita matulungan... Napakawala kong kwen-"

"Ma maniwala ka...Kahit kailan ay hindi kayo naging walang kwenta...At ma tumigil na po kayo sa pag-iyak. Nakakasama po iyan sa inyong kalusugan!," pag-aalo ni Trisha sabay yakap sa ina at hinihimas ang likod.

×××××××××××××××××××××××××××××××

"Uy Gizelle," pagtawag ni Trisha sa kaibigan habang umuupo.

Dahan- dahang luminga si Gizelle. Tapos nang makita si  Trisha ay agad niya itong niyakap.

"Uy buti nakarating ka bago magsimula! Kung hindi ako ang kukuha ng trophy!!!," pagbibiro nito.

"Pasensya na natanghali lang ng gising. Tingnan mo nakarating aman ako," pagdadahilan ni Trisha sabay kalas sa yakap.

"Psst! Magsisimula na," saad ni Gizelle.

Tumango lang si Trisha at itunuon ang paningin sa stage...

"Let's give an applause for Trisha Herlaz for achieving the "Noble Excellency Award" with her excellent cultivation and astonishing martial arts skills," masiglang pagbati ng mc.

Saka maririnig ang masasaya at masigabong palakpakan at hiyawan sa paligid. Dumagundong ang buong paligid at nasisiguro kong mapapatakip ka ng tenga sa sobrang lakas ng ingay.

Halos lahat ay nagsisigaw sa tuwa nang malamang siya ang nakakuha ng parangal. Akala mo sila ang pararangalan, sobrang saya nila at supportado sila kay Trisha.

Maraming guro at eatudyante ang nakasaksi sa paghihirap na dinanas niya bago makamit ang minimithi.

Hindi lang pasa ang naabot ni Trisha tuwing mag-eensayo. May panahon pa ngang nabubungian siya. Hindi lang isa ang nalalagas na ngipin niya kundi lima! Minsan naman mukha na siyang buhay na bangkay dahil hindi lang sa maari na siyang ikumpara sa tingting ay napakamaiitim na ang kulay ng eyebugs niya,halatang walang tulog.

Masasakit din ang natatamo niyang sugat mula sa mga kamao, sipa, kutsilyo, katana, at ibang mga armas. Nababalian din siya ng buto at nacoconfine. Para siyang matandang uugod-ugod kung minsang dumating sa paaralan dahil sa bitbit niyang pang saklay upang makalakad.

Hindi mo maiisip kung paano iyon natitiis at binabalewala niya. Kinabukasan kasi pagkadating palang niya ay nakangiti na niyang binabati lahat ng dumaraan.  May inilalaan din siyang oras para sa mga kaeskwela niya. Napakay-buti niyang talaga. Siya ang naging idolo ng marami.

Mula sa kinauupuan, si Trisha ay tumayo at  mapagmalaking naglakad siya sa pulang karpet paakyat ng entablado. Sumisigaw sa pagmamalaki ang suot niyang puting kimono na pag-aari ng yumao niyang ama na ginawa rin ng kanyang ina na may sakit.

Bawat madaraanan niya ay namamangha. Ngiting-ngiti siya na abot hanggang tenga ang kanyang ngiti na halos ikapunit na ng kanyang mukha. Inaalala niya na maari niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina at magawan ng mas magandang libingan ang ama.

Pero talagang walang maipaglagyan ang kanyang tuwa. Nakalimutan niya pandalian ang sakit na dinanas niya. Halos tumalon na siyang umakyat sa entablado.

Sino ba naman ang hindi matutuwa, matagal ng gusto ni Trisha ang ganoong pangaral at ngayon ay nasungkit na niya.

Halos labin isang taon niyang ginugol ang sarili sa pag-aaral ng martial arts at cultivation. At ngayon ay nabayaran lahat ng paghihirap niya.

Kumikinang ang mata niya nang abutin ang isang estatwang gawa sa 24 karat gold. Kahit sino ay maaring masilaw sa purong ginto na estatwang ito. Nakaukit sa plaka nito ang mga salitang lalong nagpakinang at nagpanabik sa kanyang abutin ang kanyang premyo.

"Noble Excellency Award" yan ang salitang nakaukit doon. Maluwag at nanabik na inabot niya ang premyo. At saka magiliw na nakipagkamay sa mga sponsors, guro, at master martial artists.

Napakahalaga ng araw na ito sapagkat hindi lang katapusan ng kanyang pag-aaral sa Leurel Martial Arts and Kungfu Integraded School ay dahil nakamit niya ang pinakamataas na parangal para sa mga magsisipagtapos.

At isa naroon din ang mga master martial artists sapagkat minsan lang itong dumalo sa mga kasiyahan.

Isa sila sa mga naging idolo ni Trisha upang makamit ang inaasam. Wala na sigurong paglalagyan ang tuwang nakaipon at nadaragdagang kasiyahan sa puso niya. Hindi na rin maalis ang kanyang mga matatamis at matagumpay na ngiti.

Ngayon naman ay hahakbang na siya papunta sa host-room upang magbigay talumpati.

Napakasaya niya kaya't hindi niya maisip kung ano ang kanyang uunahin na sabitin. Maraming tumatakbong paraan ng pagbibigay speech niya sa mga tao ngunit nanatili siyang nakatingin sa ina niya sa isang dako, nakaupo ito at binibigyang lakas-loob ang anak.

Trisha's PoV

Pati ang nasa paligid ay hindi rin maalisan ng ngiti sa mukha. Lalo na ang mga kaibigan ko na nagkakandaluha na kahit hindi pa ako nagsisimulang magsalita.

Bumuntong- hininga ako at humugot ng malalim na salita bago itapat ang bibig sa mikropono.

"Ako...," iisa palang na salita ang nabigkas ko nang biglang pumatay ang mga ilaw. Nagulat at natakot ang marami. Mayroon ding nagsisimula ng magpanick! Samantalang ako ay napalingon sa likod ko.

×*×*×Tapos na ang Kabanata 001×*×*×

Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...

Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...