Kasunod ng unang kabanata...
Trisha's POV
Wala akong makikita kahit na lumingon-lingon ako. Puro dilim lang ang nasa paligid. Nagsisimulang mabuhay ang kaba sa dibdib ko at natakpan nito ang kasiyahang dulot ng araw na ito.
Natakot na ako nang may marinig akong sigawan sa paligid at tunog ng mga paang nag-uunahang lumabas.
Napalunok ako nang may humagikhik saka ko na inihanda ang sarili ko sa anumang atake.
Humakbang ako ng isa paatras. Wala na akong naririnig. Nakakabinging katahimikan na lamang ang sumasalubong sa aking pandinig.
Naparalyze ako ng may dumaplis na kung anong bagay sa pisngi ko. Saka nakaramdam ako ng sakit at kirot. At nagsimulang gumewang- gewang. Nahihilo na ako for sure.
Wala na ako sa katinuan. Ngunit nagulat ako ng biglang may tumarak na matulis na bagay sa bandang kanang parte ko,sa tapat ng puso.
Agad akong napatumba pero may humawak sa aking bewang para ako ay hindi matumba. Biglang sumikip ang dibdib ko.
"Kung hindi mo na sana ako pinagpalit sa karangalan mo,hindi sana ito mangyayari... Trisha... Dati pa ako naiinggit sayo,sa totoo lang," bulong niya sa tenga ko at saka malakas niya akong tinulak papatak sa entablado.
Bakit nangyari ito? Ganito na lang ba ang mangyayari pagkatapos ng kaligayahan? Marami pa akong pangarap!
Mahirap ang dinanas ko para hintayin ang araw na ito ngunita ano't mawawala na lang lahat sa isang iglap.
Gusto ko pang mabuhay! Ayaw ko pang mamatay! Hindi ko pa nararanasan ang magandang buhay! Sana mabuhay ako!! Tulungan ninyo ako.
Pwede kong ibigay ang buhay ko...
Sino ka? Paanong...
Ako si Cheng Xiaoran... Patay na ako kagaya mo pero ...dahil mabait ako kaya kung gusto mo, ibibigay ko sayo ang buhay ko...
Oo gusto kong mabuhay! Kailangan kong mabuhay!!!
Kung ganun... Kailangang maipaghihiganti mo ako sa mga taong nang-api sa akin kung ayaw mong mawalan ng pag-asa! Dapat yung wala kang awa! Dapat mas masakit pa ang kamatayang sasapitin nila! Bwahahahahaha!!!
Oo pangako Cheng Xiaoran! Pangako!
Ibibigay ko na sa iyo... Eto ang mga ala-ala ko na maari mong magamit...
Sabi niya at may humipo sa noo ko sa mayroong nagliliwanag na ilaw kaya't napapikit ako.
Nang magmulat ako, agad kong nakita ang nag-aalalang magandang mukha ng isang dalaga.
Sa ala-ala niya...Tanda ko si Feng Nai ito, ang personal kong tagasilbi...
"Prinsesa Ran! Salamat sa panginoon, gising ka na!," masaya niyang sabi at lumuha.
Buhay kaya ako?
Agad kong pinisil- pisil at hinihila-hila ang kanyang pisngi...
"A-aray! Prinsesa? A-anong- ahhhh," nag-tataka niyang saad. Napakurap-kurap pa ako bago ko bitiwan ang kanyang pisngi. Namumula ang kanyang mga pisngi nang itigil ko ang ginagawa.
Nakakaramdam siya ng sakit pero parang lutang pa rin ako... Hindi! Baka nasa panaginip lang ako!
Hindi ako kumbinsado na buhay ako kaya agad kong kinagat ng madiin ang aking braso hanggang sa dumugo ito.
Narinig kong sumigaw si Feng Nai ng pangalan ko sa pag-aalala.
Aysttt! Ang hapdi!... Nakakaramdam ng sakit?... Yesss! Buhay pa akoooo!
"Feng Nai buhay ako! Buhay akooo! Hindi pa ako patay! Ang saya kooo," masigla kong sigaw habang inuuga siya kaya't napatingin sa akin ang iba pang tagapagsilbi. Nagugulat at nagtataka ang kanilang mga muka.
"Alangan buhay kayo mahal na prinsesa! Maliban sa mahina ninyong katawan at hirap sa pag-aaral ng cultivation at martial arts... Wala na kayong ikakabahala dahil mabubuhay kayo hanggat nasa piling niyo ako...," ngiwi niyang saad. Ngunit may pagmamalaki ang kanyang tono. Alam kong may parte doon nang pag-iinsulto pero wala akong pake.
Agad akong napayakap sa kanya saka kumalas. "Buhay akooo!," muli ko pang sigaw at nagtatalon sa higaan.
Blag!!!
"Prinsesa!," palahaw ng mga tagasilbi dahil napamali ang pagpatak ko at nahulog sa sahig. Napakalakas ng pagkahulog kaya gumawa ito ng malakas na ingay na nagpakaba sa mga tagasilbing naroon.
"Hahaha! A-ayos lang ako! H-huwag ninyo akong alalahanin," kumakaway at tumatawa kong pang sabi upang maitago ang pagkapahiya.
A-aray! Malas naman oh! Ang sakit kaya ng nguso ko! Napahalik pa tuloy ako sa sahig nang wala sa oras! Kainis!
"A-ayos lang po kayo Prinsesa Ran?," nag-aalala niyang tanong at sinuri ang kabuuan ko.
"Oo naman Feng Nai! Huwag mo nga akong maliitin! Kahit na mahina ako may magagawa pa naman ako!!!," naiinis kong saad sabay hawak sa nguso.
Nanlaki ang mga mata ng mga tagasilbi. Agad naman akong niyakap ni Feng Nai.
"Huhuhuhu!!! Nagbago ka na! Ang aming prinsesa ay bumait na! Huhuhu! Bilis tawagin nyo ang ang hari at reyna at sabihin nyo ang pangyayari ngayon!," naluluhang utos ni Feng Nai nang humiwalay siya sa yakap.
Nangunot pa ang noo ko. Ano ba dati ang ugali ni Cheng Xiaoran?
Agad na tumalima ang dalawang tagasilbi sa utos ni Feng Nai.
"Feng Nai...," tawag ko dito. Lumingon ito sa akin sabay tanong nang,"Ano iyon mahal na prinsesa?"
"Sabi mo...Sabi mooooo...mooo... moo...,"saad ko habang nakahawak sa baba at nag-iisip...
"Ano pong sinabi ko?," nagtatakang tanong niya sabay naningkit ang kanyang mga mata.
Ano nga ba ang sasabihin ko?
"Ano nga ba ang sasabihin ko?," balik pagtatanong ko sa kanya habang napakamot ng pisngi.
Nanlaki bigla ang mga mata ko... Bigla kasi siyang bumagsak sa sahig.
"Fe-Feng... Nai?," nag-aalalang tawag ko dito habang nakatingin sa bumagsak na hindi kumikibong katawan niya. Sinipat-sipat ko pa ang pisngi nito.
"Uy Feng Nai!!!," sigaw ko na dito kaya nagugulantang itong tumayo.
"P-pasensya na po mahal na prinsesa," paghingi niya ng paumanhin saka napakamot ng sintido.
"Nagulat lang ako...kasi...kasi ...ano... kasi hindi naman kayo kakakalimutin eh...," pagdadahilan niya pa.
Tumaas ang isa kong kilay habang diretsang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Ano bang klase ng lason ang nainom ninyo at naging ulyanin na kayo, dinaig pa ninyo ang heneral-lolo ninyo eh?," nahihiyang tanong niya pero ang dating sa akin ay para siyang nang-iinsulto.
Ulyanin agad? Hindi pa nga ako umeedad ng bente ih! At ano daw nalason? Paano? Nakakaepekto ba yung ng utak at parang kumikitid na ang utak ko eh!!! Baka naman---
"Nalason ako ika mo!?," nagugulat kong tanong. Tumango-tango ito ng mabagal.
Napahawak ako ng magkabilang pisngi at ipagdikit ko! Eh bakit buhay pa ako? Di ba nga ang sabi patay na daw siya at pinaltan ko daw siya para maghiganti, ang kulit! Hindi makaintindi!
"Ahhhhh...Prinsesa," tawag niya sa akin. Ngumiti ako dito ng matamis at sinabing ,"ayos lang ako."
Kahit hindi kumbinsado ay nanahimik na lang siya sa isang tabi.
Habang tahimik siya... Napatingin ako sa sarili... Kung titignan si Xiaoran ay napakaayos manamit, elegante lagi at laging aangat ang kanyang angking kagandahan... Napatingin naman ako sa paligid... Gawa sa marmol ang dingding ng kwartong ito. Ang patingin ko ay napukol sa higaang ito. Maganda at elegante ang dating ng higaan. Mayroong kurtina na puti saka nakakudrado at may parang ibabaw na tela, tunay na para sa isang prinsesa. Idagdag mo pa ang mga kagamitan sa loob... Lahat mukhang nagkakahalaga ng hindi bababa sa halagang isang milyon...
×*×Tapos na ang Kabanata 002×*×
Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...
Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...