Katuloy ng ikatlong kabanata...
Trisha / Xiaoran's POV
"T-teka! F-feng N-nai!," nag-aalinlangan kong saad habang kung anu-ano ang nilalagay at ginagawa niya sa buhok at mukha ko.
"Prinsesa wag kayong magalaw," malumanay na suway ni Feng Nai kaya napahugot na lang ako ng malalim na hininga at bumuntong saka umayos ng upo.
May ibibigay siyang papel na pula... Sabi ni Feng Nai, basain ko daw ang labi ko saka ipitin ang papel...
Hmmm... Ay bokya! Nagkakulay ang labi ko! Namangyan ako ah!! Ganito pala ang lipstick dito!
"Tapos na Prinsesa Ran," anunsyo niya nang matapos ilagay ang isang bulaklaking hair pin sa buhok ko.
Tumingin ako sa gintong salamin na nasa harap ko...
Napakaganda at mayaman pala ni Cheng Xiaoran... Ang kulay dilaw na kimonong may mga palawit ng emerald stones mula sa baywang hanggang sa dulo ng kimono na hanggang sa alak-alakan ko ay napakaelegante... Baka lahat ng ilalarawan ko na pag-aari ni Xiaoran na ako na ngayon ang may pagmamay-ari ay elegante..
Ang buhok niya ay parang nakalawit saka inipitan ng bulaklaking panipit sa buhok... Mabango rin ang buhok ko kaya ayos ang pagpapahirap ko sa sariling hugasan ang sariling buhok...
Ang sapatos ay normal lang at walang takong na kagaya sa pinanggalingan ko... Lahat na nandito ay halos perpekto na...
Kaya lang sa labas ng lugar na ito... inaapi siya ng marami dahil sa mahina niyang katawan at hindi marunong sa pagcultivate!!! Hindi rin siya magaling sa martial arts...
Hayyy!!! Paano ba nagkaganito ang katawan niya? Ano ba ang dahilan at hindi niya kayang magcultivate? Ni ang palakasin man lang ang katawan?
Buti na lang at inererespeto pa rin siya ng tao dahil pamilya siyang babae ng mga prinsipe, hari, at reyna ng kahariang Huolan kung hindi... Mas masahol pa ang aabutin niya dito...Baka nga magpakamatay siya kung nagkataon.
Napabalik na lang ako sa ulirat ng may babaeng nagsalita sa labas...
"Nasaan si Xiao Xiao?," dinig kong tanong ng isang babae mula sa labas ng kwarto. Malumanay at walang pagkainis ito ngunit mahihimigan ang pag-aalala at pagkasabik...
Agad na nagbukas ang pinto ng aking silid. Napatanaw agad ako doon...
Nang matanaw ko sila agad akong napatayo at ipinatong ko ang aking kamay sa isa, inilagay sa harapan saka ako yumuko; tanda ng paggalang.
"X...xiao Xiao!," pagtawag ng pangalan ng aking ina at agad akong niyakap.
"M-mahal na inang reyna," pagtawag ko dito dahil naririnig ko siyang humihikbi. Niyakap ko siya saka hinimas himas ang kanyang likod.
Natatandaan ko tuloy si mama... Ano na kaya ang kalagayan niya ngayon? Walang mag-aalo sa kanya ngayong panahon... Wala na ako eh.
"H-hindi mo na...k-kailangan pang... maging p-pormal Xiao Xiao...m-magulang mo ako," naluluhang sambit ng aking ina. Kumalas ako sa yakap. Saka tumawa.
"Hahaha! Mahal na inang reyna, hindi ko po maaring sirain ang etiquette... Bilang anak ng reyna at hari ang hindi pagpapakitang galang ay kawalan ng respeto sa kaharian," nakangiti kong paliwanag habang nangangaral ang aking mga kamay.
Nagpunas ng luha ang reyna gamit ang manggas ng kimono niyang damit.
Ngumiti ito ng pagkatamis- tamis. "Malaki ka na talaga ngayon!!! Alam mo na ang tama at mali...," nagmamalaki niya saad.
"Pero sana nga lang maprotektahan ka namin tuwing may mang-aapi saiyo... Tignan mo nga! N-nalason ka pa!!! At.. at wala man lang kaming nagawa kundi ang ipagdasal ka sa mahal na Buddha...," umiiyak niyang saad... Nakakaawa! Ako yun! Dahil sa akin-ni Xiaoran pala edi sana hindi sila mag-aalalang lubusan sa akin. Kung sana hindi lang mahina ang katawang ito edi sana... Hay buhayyyyyy!!!
"W-wala din kami ng ama mong hari dahil... hay...dahil sa maraming gawain sa kaharian...Tapos ang mga kuya at lolo mo...," naluluha na naman niyang sambit pero agad ko namang pinunasan ang mga ito.
"Mahal kong inang reyna... Maniwala kayo...Hindi ko na sila hahayaang saktan pa nila ako muli... Sinasagad nila ako eh... Tama na siguro yung ilang galos, sugat, panglalait at panglalason nila sa akin...," ngumiti ako dito na parang sinasabing 'ayos lang ako'.
Hindi ko inaasahang babatukan ako ng reyna. Nagugulat kong hinimas-himas ang nananakit kong binatukan.
Gaano ba kabigat ang kamay ng reyna? Parang isang tonilada ata eh!!! Ang bigat!!!
Nga pala siya ang ina ng mga magagaling at gwapo niyang... Kaya niyang yanigin at wasakin ang mga imprastraktura ng isang engkantasyon lamang...at kaya rin niya itong agad maibalik ng ilang segundo lamang.
Kaya kaya rin niyang makapatay ng tao sa isang suntok lamang! Maraming takot sa dugong bughaw na pamilyang Cheng... Kaso napagbalingan ng mga takot na iyon ang isang Xiaoran na walang kamuang - muang at kaawaawa kapag wala sa puder ng proteksyon ng pamilya... Hay!!!
Nakakahanga nga dahil ang lakas ang pagpipigil na wag siyang makapatay ng tao...
"P-para saan po iyon?," nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sa tingin mo iilan lang ang galos at sugat na natamo mo? Kung hindi lamang magaling ang manggagamot ng emperyo,baka tadtad ka na ng pilat," naiinis na saad ng reyna.
"Ahh ganun..Baka gusto nyo pa pong dagdagan ang mga sugat ko?," sarkastiko kong hasik.
Napatawa lang ang reyna ninyo... Pffft! Abnoy ata ang inang reyna ni Xiaoran... Hahaha!!! Parang tropa lang kami kung magsalitaan ah... Magaling!
Nakitawa na rin ako sa kanya...
Maganda naman na sana ang pamumuhay ni Xaoran kaso nga lang laging merong hindi mapakaling gumawa ng kasama; sakit na nila siguro iyon! Pero kahit anong mangyari dapat mapalakas ang katawang ito at mapataas ko agad ang rango at level ng cultivation ko sa lalong madaling panahon.
Tumingin ako sa kawalan at ikinuyom ko ang aking palad sa malapit sa dibdib ko.
Hindi nila dapat inaapi ang Cheng Xiaoran ng Kahariang Huolan, makakakita sila ng halimaw... Tingnan lang nila kung sino ang nilalait nila.
* ngisi...Tignan nyo lang! Maghihiganti ako! Kung hindi ko na maipaghihiganti ang sarili ko mula sa pinanggalingan ko. Dapat maghiganti ako para sa akin at sa may-ari ng katawang ito!
×*×Tapos na ang Kabanata 004×*×
Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...
Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...