Katuloy ng ikalimang kabanata...
"Halika," utos ng reyna. Lumapit ako sa kanya at agad niya akong niyakap.
Ang init. Parang ina ko lang ang aking kayakap. Pero ang totoo naman ay siya na ang magiging ina ko. Masaya ako na nasa kamay ako ng isang ina. Kahit wala siyang sabihin, naiintindihan ko siya. Nag-aalala ang reyna para sa kanyang anak.
"M-mahal...na rey-,"pinigilan niya ako sa pagsasalita.
"Shhhh! Ganto na lang muna tayo Xiao Xiao...," saad niya at niyakap pa niya ako ng mas mahigpit na para bang ayaw niya akong mawala. Niyakap ko rin siya at aking hinilig ang aking ulo sa kanyang balikat.
"Alam mo natatakot ako minsan kapag naririnig ko na nasasaktan ka... Kasi baka kapag hindi na kinaya ng katawan mo... Baka... Baka... Baka... B-baka mawala ka na...At hindi na kita pwedeng mayakap muli kahit kelan," naririnig ko ng magsimulang gumaralgal ang boses niya.
"Ma-mah---," sa pangalawang pagkakataon pinigilan niya ako sa pagsasalita.
"Hayaan mo muna akong magsalita at sabihin lahat ng gusto kong sabihin," malumanay niyang saad kaya tuluyan na lang akong natahimik upang makinig.
"M-maaring maiisip mo na wala kaming p-pake sa iyo... Pero sa-sana malaman mo na masakit sa kalooban ng isang ina o ng isang magulang na makita ng abk na nasasaktan... Pwede kitang tulungan pero... Dahil sa katungkulan ko sa mundong ito...," humihikbing saad ng reyna. Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Huwag po kayong mag-alala, mahal na inang reyna, hindi ko iniisip na ganun kayong klaseng magulang," matamis among ngumiti at sinseryong nagsalita.
"...Isa pa po... Dapat ako ang magpasalamat sa inyo dahil kung wala po ako sa pamilyang ito... siguro... siguro baka wala na po ako sa mundong ito," sinseryo kong saad.
"Salamat din po kasi lumaki akong malusog at may maalwang buhay," sabi ko pa. Nagulat ako nang hawakan ng reyna ang aking ulo saka ginulo- gulo. Namula ako. Hindi ko alam ang pakiramdam dahil aking mga magulang lang ang gumagawa nun sa akin.. Parang parehas lang sila... Parehas na mapagmahal na magulang!
"Mhhhmm... Xiao Xiao... Nasa edad ka ng labing-lima...At maglalabing- anim sa susunod na tatlong buwan...," nakangiting saad ng reyna ngunit mahihimigan doon ang pag-aalala kahit na halatang tinatago ang ganung tono.
Inosente akong nagtaas at direktang tumingin sa mga mata ng reyna. Mukha siyang hindi mapakali... Nagsisimulang bumuo ang mga butil sa kanyang noo. At bahagya ding nanginginig ang kanyang kamay.
Tinanggal niya niya ang kamay ng makitang nakatitig sa kanya.
"Pabayain na... Xiao Xiao...Di ba sabi mo maganda ang panahon bakit hindi tayo pumuntang buong pamilya sa isang pasyalan. Para bang bonding ng pamilya," pag-iibang usapan ng reyna.
"Mhmm...Maganda ang panahon ngayon pero pasensya na po,inang reyna... Gusto ko po sanang mamasyal mag-isa ngayon.," pagtanggi ko sabay tango.
"Ay sayang! Pero osige... basta mag-iingat ka," paalala ng reyna.
Tumango ako at humarap sa hari't reyna saka...
"Mahal kong inang reyna at amang hari... Maganda po ang ngayong panahon...Lalabas po muna ako saglit," paalam ko sa hari't reyna saka nagbigay galang.
Tumango ang hari simbolo na pinapayagan niya ako.
"Idala mo na rin si Feng Nai," dagdag saad ng reyna.
Hahakbang pa lang ako nang biglang...
Kruuuuuuk!!!
Napatingin sa akin ang lahat. Napatigil din ang mga matatakaw kong kapatid sa pagkain... Nanlaki ang mata ko at napatigil saka ginala ang mga mata sa kaliwa at kanan,tinitignan kung ano ang mangyayari sa paligid...
Diba sabi ko hindi ako gutom! Bakit ayaw mong makisama ng tiyan ka!? Aalis na nga ako't lahat!!! Tapos--- arghhhhh!!!
Agad na nakarinig ako nang hiyawan at sigawan sa sakit. Palibhasa pinaka malakas si kuya Xianhua, edi mas triple ang sakit na inabot nila kaysa sa mga batok ko hahaha!!! Yan kasi hindi namimigay!!! Tsk tsk tsk!!!
Nagulat ako nang dinayamudom nila ako bigla. Nagsitakbuhan ang mga kapatid kong kumag at pinasakan ako ng isang buong pandesal ni Xaitu!
Tingnan ko na lang siya ng masama. Wala naman akong magawa kahit na naluluha na ako sa pagnguya! Buo ba namang pandesal ang ilagay sa bunganga mo... Tingnan lang natin kung hindi ka magkaunda-ugaga sa paglamon! Bawal ko namang tanggihan at baka magalit si Buddha dahil nagsayang ako ng pagkain...Pero ang inaalala ko ay baka mailuwal ko ang pagkain sa harap ng mga kumag kong kapatid niyan!!!
Nang malunok ko na ang natitirang pagkaing nasa bibig ko agad nainilapit nila ang kani-kanilang pagkain sa akin! Nakakairita! Hindi ba nila nakikitang ayaw ko na!?
"Arrrrghhhh! Ano baaaa!!! Papatayin ninyo ako!? Yung isang buo ba ga naman ang isubo ninyo sa akin!!! Makakain ko ba naman agad yun!?...," naiiritang sigaw ko sa kanila kaya natatakot silang lumayo sa akin.
"...Buti nga nakakahinga na ako ng maluwag!!! Kakagaling ko lang sa pagkalason!!! Kailangan ko pang magpahinga!!!...," naiinis ko pang sigaw.
"Xiao Xiao, ganyan ba ang tinuro namin?...Alam namin iyon pero kapatid mo parin sila at masama rin para sa iyo ang sumigaw...Sa tingin ko kailangan mo pang madisiplina at turuan ng mga etiquette... Ano sa tingin mo, mahal kong hari?," malumanay na saad ng reyna.
Nang marinig ko yun ay agad akong nakaramdam ng hiya kaya napayuko ako. Saka bumuntong hininga ako ng bumuntong hininga. Hanggang sa ilang pang saglit bago kumalma ako...
"Mhhmm... Tama ka mahal kong reyna... Ang prinsesa ay dapat umaktong mahinhin at magalang...," sang-ayon ng hari.
"Ang parusa kong ipapataw ay... Aralin at kopyahin mo ng sampung beses ang etiquette ng isang prinsesa at aralin mo na rin pati ang mga paraan upang maging malakas ang iyong katawan at makapagcultivate ka ng chi at mapataas mo ang ranggo mo," hatol ng hari sa akin.
Huh? Huh!? Anong sampung beses na kolopyahin!? Gaano kakapal nun! Hala!! Lagot na!!! At ano naman kinalaman nung pagcucultivate sa ugali ko? At ang pagpapalakas?
Doon pa lang ako nag-angat ng ulo. "P-pero...," tatanggi sana ako kaso inunahan na ako ng hari.
×*×Tapos na ang kabanata 006×*×
Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...
Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...