Chereads / Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan? / Chapter 7 - Ikapitong Kabanata

Chapter 7 - Ikapitong Kabanata

Katuloy ng ikaanim na kabanata...

Umiling-iling sya habang nagsasalita. "Utos iyon... Prinsesa Ran Ran nakalimutan mo na ata na ikaw ang prinsesa at kapamilya ng mga dugong bughaw ng Cheng na malalakas sa cultivation at martial arts... siguro ayaw mo namang mapahiya at maapi pa di ba?," seryosong saad niya habang nakangiti na parang nangtatakot na simbolo ng simula ng kanyang pagkainis.

Hay! Wala akong magagawa. Ganito ang tuntunin sa mundong ito. At sila ang hari't reyna ng kahariang Dazhill na nagdadala ng Apoy bilang kanilang pangunahing elemento at sumisimbolo ng katatagan, katapangan, kagalingan, at kapangyarihan. Alangan malaki ng kahihiyan ang nadala ni Xiaoran sa kanila buti na lang at mabait ang hari at reyna kaya kailangan kong maitayo ang pundasyon ng pamilyang ito bilang pangako ko kay Xiaoran kapalit ng buhay na ito...Nga pala kailangan ko pa lang alamin kung anong problema sa katawang ito... At gagawin ko ba yung pinapakopya sa akin? Siguro. Pero kailangan ko munang magpahangin... Para kasi akong nahihilo...

"Patawarin niyo po ako sa aking inasal kanina aking mahal na amang hari at inang reyna... Pangako ko pong hindi ko na po kayo bibiguin sa pagkakataong ito," saad ko sabay bigay galang at yuko. Nakita ko pang ngumiti ng pagkatamis- tamis ang hari at reyna.

"Kung papayagan niyo na po ako amang hari at inang reyna... aalis muna ako saglit...," magalang kong saad habang nakayuko parin.

"Sige na humayo ka na anak kong prinsesa... May tiwala ako sayo Ran Ran... Ipinapakita ng iyong mga mata ang nagliliyab na determinasyon na nananalaytay sa iyong dugo...," nakangiting saad ng hari. Wala na ang nakakamatay nitong ngiti.

"Maari na naming ipaglaki ang aming nag-iisang anak na prinsesa ng Huolan," mapagmalaki pang saad ng reyna at narinig ko pang pinapatahan siya ng hari.

Napapabuntong hininga akong nagtaas ng ulo. Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay sa akin... Si Xiatu! Tumingin ako dito. Ngumiti naman ito sa akin ng matamis... Baka kung hindi ko lang ito kapatid siguro naisipan ko ng magpakasal sa kanya! Pero naiinis ako ngayon kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin. Hindi ako pwedeng gumawa ng anumang ikakainis na naman ng hari at reyna. Ng maramdaman niya na nakulo na ang dugo na parang naabot na nito ang isang daang degreeng celsus... Ay agad niyang tinanggal ang pagkakaakbay.

Muli akong tumingin sa hari at reyna na mapagmalaking ngumingiti. Mukhang supportado ako ng hari at reyna.

"Salamat sa papuri at pagtitiwala mahal kong amang hari at inang reyna...Tunay na dapat kayong pasalamatan... Pero sigurado akong kailangan din ng aking mga mahal na kuyang prinsipe ng disiplina...," magalang kong saad sa hari at reyna habang nakayuko at ang mga kamay ay nasa unahan saka mapang- insulto pa kong ngumiti sa mga kapatid ko.

"Ohh tama ka, mahal kong anak na prinsesa," sang-ayon ng hari habang nakahawak sa baba na ngumingiti.

"Lahat kayong anim na mahal kong prinsipe... Kopyahin ninyo at aralin ang etiquette para sa mga prinsipe at aralin ang tamang pamamahala ng kaharian ng labin-limang beses," utos ng hari habang isa-isang tinuturo ang mga prinsipe. Biglang humagikhik ang reyna na kanina lang ay lumuluha pa.

"Huh!? Per-," magrereklamo pa sana si Xiatu at Xiaoming pero ulit... Pinigilan niya ulit ang mga prinsipe.

"Hindi pwedeng tumanggi... Para sa inyo din ito," saad ng hari dahilan para mapatigil ang dalawa. Napayuko ang anim na lalaki ng makita ang nakakatakot na ngiti ng hari na kagaya ng sa aking nakita kanina. Ako at ang ibang tagasilbi ay humagikhik.

"Tse! Tumahimik nga kayo sa pagpipigil ng tawa!," naiinis na sigaw ni Xiatu sa akin at sa ilang tagasilbi habang matalim na tumitingin sa amin.

"Heh?! Anong asal iyan?... Dahil diyan, idagdagan mo na rin ang pag-aaral ng obserbasyon sa laban sa mga pinapagawa ko, aming pang- tatlong prinsipe,Xiatu," lalong naging nakakatakot ang ngiti ng hari.

Psst! Kailangan ko ng umalis bago bumagyo dito sa kwarto...

"Kung ganun aalis na po ako mahal na amang hari at inang reyna," pamamaalam ko at nagbigay galang ulit ako bago tawagin si Feng Nai na mukhang may malalim na iniisip at tinitignan.

"Feng Nai," tawag ko dito saka tumingin sa mga kapatid ko at pagkatapos ay ngumiti ng tunay na magpapakainsulto sa kanila.

"H-ha?," wala sa sarili niyang saad.

"Halika samahan mo ako," saad ko at lumabas ng kwarto.

"Ikaw kasi Xiatu!"

"Ha bakit ako, eh kayo nga diyan ang hindi nagbibigay ng pgkain!"

"Psst! Walang mangyayaring maganda ang inyong patuturuan dahil lahat tayo ay may kasalanan!"

"Tama ka! Wala na eh nagalit na ang bunso nating kapatid at pinakanakakaiinis ay may dagdag na namang gawain!"

"Pero kailangan natin kung ayaw nating masunog ang ating mga buhok!"

"Hala siya! Madali lang naman iyon di ba..."

"Humph! Nasasabi mo lang iyan kasi wala kang masyadong gawain!"

"Lahat tayong pito ay may gagawin! Paano kung hindi niya gawin?"

"Maistrikto ang ating amang hari kapag dumating sa hindi pasunod sa magulang... Mahirap na! Dragon ata ang ating amang hari"

"Uyy! Napansin mo na naging mas ayos na siya... Ano kaya yung lason na iyon at nagbago ang ating nag-iisang prinsesang kapatid?"

"Pag-usapan na lang natin mamaya!"

Rinig ko pang palahaw ng mga iyon bago makalayo.

Bumuntong-hininga ako ng napakalalim. Pinipigilang tumawa. Pero itong si Feng Nai ay mukhang kung saang lupalop na napadpad ang utak... Ang lalim kasi eh!!! Ano kayang problema nito at nagkakaganto?

×××××××××××××××××××××××××××××××××

Kung nasaan ako ngayon? Nasa malawak at magandang hardin ng kastilyo. Magaganda ang bulaklak dito,iba't ibang uri at klase. Mababango pa! Ngayon ko lang din nakita ang ganitong uri ng bulaklak... Napakamahika! Gusto kong kuhanan ng litrato ngunit hindi dito pwede ang mga cellphone.

Napapabuntong hininga akong napabaling sa isang parte ng hardin na mayroong isang maliit na lawa ng mga isda na mayroong iba't ibang kulay ng lotus. Mayroong isang pabilyon sa gitna nito.

Nagtungo ako doon nakasunod sa akin si Fei Nai pero lutang pa rin. Napakunot noo na lang ako. Uupo pa lang ako nang biglang nagsalita siya.

*×*Tapos na ang Kabanata 7*×*

Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...

Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...