Chereads / Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan? / Chapter 8 - Ikawalong Kabanata

Chapter 8 - Ikawalong Kabanata

Katuloy ng ikapitong kabanata...

"Prinsesa Ran, may mga isdang Koi na kakapadala po dito kahapon... Kung gusto po ninyong-," hindi ko na pinatapos si Feng Nai at agad na tumayo .

"Nasaan?! Gusto kong makita! Feng Nai dali," sigaw ko dahil sa pagkasabik na makakita ng isdang Koi. Alam kong mahal iyon at maganda!

Nakanganga at hindi makapaniwala na nakatingin siya sa akin. Tsk! Hindi ba siya nagagalak? Di bale...

"Feng Nai! Itikom mo iyang bibig mo baka pasukan ng langaw!!!... Ano? Daliii!!! Maganda ang isdang Koi!!! Nagkakahalaga ang pinakamura ng isang milyon!," halos patili ko ng sigaw at tumakbo ako palabas ng pabilyo, nakabaling ang aking ulo sa kanyang kinalalagyan.

"Ma-mahal na prinsesa! Wag po kayong tumkbo, baka madapa po kayo diyan s-," bago pa niya masabi lahat ng nais niyang sabihin nagkatotoo na nga ang kanyang tinuran. Ayan na nga ang sinasabi niya e. Madadapa at madadapa ako!

Naapakan ko ang laylayan ng aking damit. Nawalan ng balanse at sa isang iglap, halos mahalikan ko na naman ang sahig kung hindi ko naituon ang dalawa kong kamay.

Ala! Nakakahiya! Sana walang nakakita maliban kay Feng Nai. Lamunin na sana ako ng lupa!

Nakakapagtaka, kelan pa ako naging lampa? Sumpain ba ang bunganga ni Feng Nai? Kung hindi, bakit ako nadapa? O dahil lampa na nga talaga ako? E! Di nga?!

Habang kung ano ng kabalbalan ang pumapasok sa isipan ko, dali- daling lumapit sa akin si Feng Nai ng may nag- aalalang ekspresyon sa mukha. Tinulungan niya akong tumayo at pinagpagan ko ang aking damit.

"Feng Nai, ako lang ba o naging lampa na ako?," sa huli tinanong ko pa rin sa kanya para sigurado.

"Mahal na prinsesa Ran dati na po kayong lampa o baka nakalimutan niyo rin po iyon?," nagtatangkang sagot niya na halos magpadapa na naman sa akin.

Ano kamo?! Dati pang lampa?! Di nga?! Hindi ako makapaniwala!

Nilingon kong muli si Feng Nai ng may hindi makapaniwalang mukha. Tatawa- tawa pa nang nakangiwi, mahina at nahihiya.

Nang makita ko lang na naguguluhan siya sa inaasal ko saka ko lang napagtantong hindi siya nagloloko.

"Ahaha... Ganun ba?" Ibig- sabihin hindi ako yung lampa pero itong katawang ito ang lampa? Buhay nga naman, hay!

"Ti- tignan natin yung mga isdang Koi! Dali kanina ko iyon gustong makita!," pag- iiba ko ng usapan. 

Ayaw ko nang pag- usapan pa ang kalampahan ng katawan kong ito at naiintindihan naman ito ni Feng Nai.

Kaya tumango ito at hindi na binanggit pa ito para palalimin.

Bagkus ituon niya ang atensiyon sa lawa na katabi ng pabilyon saka sinabing ,"Mahal na prinsesa Ran, kakapadala lang po ng mga isdang Koi dito sa artipisyal na lawa ng lotus. Siguradong nasa ilalim ang mga ito ng dahon ng lotus. Patirik na rin po ang araw at iinit na ang temperatura sa paligid. Kung nais pong makita nangangailangan po kayo nito."

Naglabas siya ng... ano iyon? Maliliit na bato?! Kulay itim at kahoy na mas maliliit pa sa kuko ng hinliliit ko ng sampung beses. Tapos parang holen ang hugis, pabilog.

"Pagkain po ng mga isdang Koi," saad niya nang nakita niya ang nagtatanong na mga mata at nakakunot na noo.

Inihagis iya yung mga bato? sa artipisyal na lawa ng lotus. Nagsilabasan ang mga kahel at pulang kulay na mga isda.

"Mga isdang Koi?! Ang ganda!," manghang- manghang saad ko. Ngayon ko lang nakita ang sinasabing mamahaling isda.

Sa selpon ko lang ito nakikita nung nakaraan kong buhay sapagkat wala akongiras para pumunta sa mga water parks o bumili man lang. Ke mahal ba naman ng mga isdang iyon.

Feng Nai's POV

Sa umpisa nagulat ako at hindi makapaniwala sa ikinikilos ng mahal na prinsesa.

Ngunit napangiti at tumawa ako ng mahina nang makita ko ang masayangmukha ni Prinsesa Ran.

Nung mga nakalipas na taon, halos mapagmataas, arogante, mainipin at mahilig manakit ng inosente at mas mababa sa kanya ang mahal na prinsesa Ran kaya marami ang nagagalit at gustong maghiganti sa kanya.

Pero tignan mo nga naman siya ngayon. Tuwang- tuwa siya sa bagay na kanyang nakikita.

Simula nang magising ang prinsesa ng matanggal ang lason sa kanyang katawan tila natanggal na rin ang masasamang pag- uugali ng prinsesa.

Napansin ko nga lang na tila naging makakalimutin at nakatawa ang prinsesa. Siguradong mas maganda na ang kasalukuyang ugali ng prinsesa ngayon kesa nung nakaraan.

Ngunit mapapatawad ba si prinsesa Ran ng mga taong inagrabyado niya dati? Siguradong hindi magiging madali ang lahat sa hinaharap lalo na kay Prinsesa Ran.

Di bale hanggang nandito ako, si Feng Nai, gagawin ko ang lahat basta mapanatili ko lang na maayos at maganda ang buhay ng mahal na prinsesa kahut anong mangyari...

...

Third Person's POV

Ilang oras na ding nasa tabi ng artipisyal na lawa ng lotus si Cheng Xiaoran hanggang sa naburyo na siya.

Wala pang isang araw nang nakapunta siya dito sa pamamagitan ng pagsanib sa katawan ng pumanaw na prinsesa ng Huolan pero napagtanto niya na halos wala pa siyang alam sa mundo o anong uri at anong lugar ba itong kinabibilanganniya ngayon.

Tumayo siya at tumingin kay Feng Nai. "Feng Nai, alam mo... Sa totoo lang... Ahm... Nakalimutan ko na kasi kung nasaan ang silid aklatan dito sa palasyo... Kung pwede... Kung pwede sanang isa-... Ipunta mo nga ako kung saan na yung silid aklatan dito ehehe...," nahihiyang saad ni Cheng Xiaoran habang 'di lapat na kinakamot ang tabing sentido.

"Mahal na prinsesa Ran, kung may gusto po kayong itanong bakit hindi niyo na lang po sa akin itanong baka kaya ko naman pong sagutin?," suhestiyon naman ni Feng Nai.

Oo nga, no? Pwede ko naman sa kanya direktang itanong pero... Ayaw kong umasa sa kanya. Baka pag nagkataon sa mga araw pang magdadaan hindi ko na magawang maging mapag- isa at lagi na lang akong aasa sa iba. Naku! Hindi iyon maari!

Sa nakaraan kong buhay kinaya at tiniis ko ang lahat ng sakit para marating at makamit ko ang aking inaasam na pangarap. Ngayong may panibago na akong buhay magpapadala ba ako sa kaginhawaan ng buhay at makalimutang tiisin ang paghihirap at mawalan ng motibasyon sa buhay.

"Salamat Feng Nai pero nais ko sanang ako ang aalam at hahanap ng nais kong alamin... Kaya kung pwede ba sana'y samahan at ipakita mo sa akin ang silid aklatan dito sa palasyo?," tumanggi si Cheng Xiaoran sa suhestiyon ni Feng Nai at sa muli'y itinanong niya ang lugar kung saan na yung silid aklatan.

Nagulat pa at nanigas ng ilang segundo si Feng Nai bago mahimasmasan.

"Uhh... Kung iyan po ba ang nais ninyo mahal na prinsesa Ran bakit hindi?... Samahan ninyo po ako," sa huli'y umayon si Feng Nai sa kagustuhan ni Cheng Xiaoran at nagsimulang maglakad...

*×*Tapos na ang Kabanata 8*×*

Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...

Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...