Chereads / Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan? / Chapter 5 - Ikalimang Kabanata

Chapter 5 - Ikalimang Kabanata

Katuloy ng ikaapat na kabanata...

Third Person's PoV

Habang nangangako si Xiaoran sa sarili bigla na lang may tumumbang kumpol- kumpol na mga lalaki. Napatingin si Xiaoran dun ng nakataas ang isang kilay.

(Hala! Lagot! Bakit ngayon pa! Wala pa akong kabaong! Pero kung magkataon man... Ipagdasal niyo na lang ang aking kaluluwa! ) Sa isip ng pangalawang prinsipe at kuya ni Xiaoran, Cheng Xuan,dalawampu't apat na taong gulang...Nasa ranggong Grand Master; lebel 1... Ang element ay Fire, Earth, Water, at Wood.

(Pwedeng wag munang mamatay? Manliligaw pa ako kay Bai Yan'er saka magpapakasal pa kami tapos magkakaanak ng bente tapos... arghh!!!) Ang pangatlong kuya, Cheng Xiatu,dalawampu't tatlong taong gulang .. Nasa ranggong Great Master; lebel 5... Element ay Fire, Earth, at Metal.

(Amang hari anong gagawin? Nasa bingit na po kami ng kamatayan... ) Ang pang-apat na kuya, Cheng Xilian, dalawampu't isang taon gulang... Nasa ranggong Great Master ;level 3... element ay Fire, Water, at Metal.

(Kasalanan ito nila kuya eh! Kung hindi na lang sana sila nagtutulakan!!!) Ang panglimang kuya, Cheng Xiaoming, dalawampung taong gulang... Ang ranggo ay Great Master; level 1... element Fire, Wood, at Water.

(Makukutusan kami nito sa ginagawa namin! Tingnan lang natin kung sino ang may pinakamaraming bukol!!! Hahaha!!!) Ang pang-anim na kuya, Cheng Xanchi, labing-walong taong gulang... Ang ranggo ay Master; lebel 3... Element Fire and Metal.

Tinignan ni Xiaoran ang kanyang mga kuya na nagtago sa likod ng kanilang amang hari saka ngumisi ng pagkaloko -loko.

Blag! Pokk! Blag! Aww! Pokk! Blag!

Mapagmalaking nagpagpag ng kamay si Xiaoran habang taas- noong nakapikit. Nakangiti siya na abot tenga... Halos mapunit pa nga ang mukha niya...

"Ang sakit nun ah! Buti na lang at anim na bukol lang ang naabot ko! Kung hindi... huhuhu!!! Mumultuhin talaga kita kapag namatay ako," lumuluhang saad ni Xuan.

Kung tunay ngang may multo maniniwala ako sayo!

"Huhuhu!!! Salamat prinsesang bunso naming kapatid... Binigyan mo ako ng pagkakataon upang ituloy ang hinaharap ko... Huhuhu!," nagkokowtow na saad ni Xiatu.

Tsk! Hindi ko naman kayo kayang patayin at kung kaya man hindi pwede! Mawawalan ako ng mga baliw na kuya hahaha!

"Amang hari!!! Kinutusan ako hanggang sa kamatayan ni Xiaoran! Parusahan mo nga siya," parang batang kinuhanan ng laruan kung magsumbong si Xilian sa hari.

Pssst! Kuya Xilian mas matanda pa po kayo sakin ah! Pero tingnan mo... Akala mo siya ang bunso kung umarte...

"Hmph! Kasalanan ninyo iyon eh! Kayo ba naman nagsisisiksikin tapos napadamay lang ako... Ayan tuloy may panibagong tatlong bukol na naman!," naiinis na asik ni Xiaoming at nilunok ang Healing Pill,ang tabletas na gamot upang madaling gumaling ang bukol niya.

Kase naman... Maari namang pumunta dito,patago pa... Sana magkaroon kayo ng aral! Hmph! Magiging mas malakas pa ako kesa sa inyo!

"Hahaha! Kung sino ang pinakabata siya ang makakakuha ng mas maliit ma bilang," makangiting saad ni Xanchi habang nakapameywang pa.

"Edi ibig sabihin lang nun konti lang ang kukuhanin mong mung beans pasted bun," nakangising saad ng kung sino na may dalang tatlong dosenang mung beans pasted bun na nasa lalagyan.

Nawala ang ngisi ni Xanchi at napatingin ang magkakapatid sa direksyon nung nagsalita. Natigilan silang lahat saglit bago nagsisigaw.

"Ang mahuhuli, mauubusan!," palagaw ni Xilian sabay takbo.

"Hala naman!!! Uy mga kuya!!! Tignan niyo lang, uubusan ko kayo eh!," nakakunot noong dada ni Xanchi.

"Bahala kayo dyan! Kanya- kanyang kuha!," nakangiting saad ni Xuan habang hindi magkaunda- undaugaga sa paglalagay ng maraming pandesal na pinalamanan ng munggo sa plato nya.

"Nandiyan na ang kalaban! Atake!," sigaw naman ni Xiaoming at naglabas pa ng kursilyo ang luko!

"Hoy t- teka!!! Matatakaw!!! Huwag ninyo akong ubusan!!!," bumabalik sa ulirat na sigaw ni Xiatu habang nagkakandarapang tumatakbo.

Xiaoran's PoV

Pffft! Mga patay gutom! Pero hindi tumataba! Paano at ang ganda pa rin ng kanilang mga katawan? Nakakapagtaka naman!

Bahala na kung ano ang matira sa akin...Kaysa masaktan pa ako kapag sumali sa mga patay-gutom kong kong kapatid! Mahina pa naman itong katawan na ito... Baka sipa lang taob na naman ako!!! Tsk tsk tsk! Kakagising ko lang eh!

Para silang halimaw ih! Kukuha palang ako ng isang piraso, nandyan na ang matatalim nilang tingin sa akin. Kainis.

Naglakad na lang ako palapit kina inang reyna at amang hari na nakangiti at tuwang- tuwang nanonood sa aking mga kapatid na nagkakagulo dahil lang sa pagkain!

"Ang ganda ng panahon," pabulong kong saad. Kararating ko lang mula sa pagkabuhay... Kailangan ko munang malaman ang magandang plano sa hinahanap... Pero alangan kailangan ko munang maglibot! Hindi dapat masayang ang pananatili ko dito kung hindi ko makikita ang ganda ng lugaw na ito!

"Oh Xiao Xiao, bakit hindi ka kumakain?," takang tanong ng reyna.

Matamlay na umupo ako sa tabi ng reyna.

"Hindi naman po ako gutom, ayos lang din po ako... Baka mapano lang ako kapag sumali ako...," paliwanag ko. Napapalunok akong tumingin sa kanila.

Sa totoo lang gusto kong kumain nun! Alam ko si Kuya Xianhua ang nagluluto nun at minsan nya lang gawin yun... Akala ko pa naman para sa akin ang mga iyon kasi ako ang galing sa may sakit... Nadismayado ako... Sakit kaya ng kalooban ko dun!!!

"At isa pa po tignan nyo sila...," nakangiwi kong saad habang nakaturo sa mga lalaking kumakain na parang nagutom ng sampung araw!

"Nom! Nom! N- Hoy akin 'yan kuya eh!," Xanchi.

"Blehhhh!!! Inagawan mo rin naman ako eh!!!," Xaioming

"Hoy mga aso't pusa!!! Marami pa dito oh!," Xilian.

"Takte! Ang tatakaw ng mga bulate sa bituka ninyo!," Xinhua.

"Ilan ba nakain nyo na?," Xuan

"Sana mas marami pa ang niluto mo kuya!," Xiatu.

Napapapikit na lang ako ng mata sa inggit ba o inis?

"Halika," utos ng reyna. Lumapit ako sa kanya at agad niya akong niyakap.

*×*Tapos na ang Kabanata 5×*×*

Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...

Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...