Chereads / Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan? / Chapter 3 - Ikatlong Kabanata

Chapter 3 - Ikatlong Kabanata

Kasunod ng ikalawang kabanata...

Trisha's POV

May isang malaking paliguan na gawa din sa marmol at may mga pulang rosas na nakalagay sa tubig na maaligamgam. Nangangamoy ang paligid ng halimuyak ng rosas.

Anong aakalain ko sa mga mayayaman, alangan mayayamanin ang una kong maiilarawan!

Sa aking pinanggalingan... Maagang namatay si papa sa edad kong lima... At nagbanat ng buto si mama ng mag-isa upang makakain at makapag-aral lamang ako... Hanggang magkasakit siya ng Pneumonia. Nahihirapan siyang huminga kung minsan kung hindi sya uminom ng gamot... Bawal din sa kanya ang umiyak sapagkat nakakasama iyon sa kalusugan niya, baka lumala ang kanyang sakit...

Ngunit hindi ko alam na dahil nadagdagan ang kanyang pinaggagastusan mas dinoble  pa niya ang pagtratrabaho... Nakakalungkot lang dahil kahit anong sakit ko na siyang nakikitang nagpapagod para lang maitaguyod ako hindi ko siya mapigilan o matulungan man lang... Buti na lang isang araw nakatanggap ako ng buong matrikula sa paaralang Leurel Martial Arts and Kung Fu Integrated School, hindi na naging problema ang pag-aaral ko dahil sagot na nilang lahat..

Pero kahit na ganun naisipan kong kumuha ng panggabing trabaho para masusutentuhan ang pangangailangan... Huwag ka na ring magtataka kung ang aming ulam ay tuyo at tabos- talbos lang ng gulay... Musta na kaya ang buhay dun...? Napapaisip tuloy ako kung bakit may taong mahirap at mayaman...

Hay!

Habang nasa pag-iisip, hinuhubad ko ang kimono kong suot... Sa totoo lang ang hirap tanggalin! Mainit din ang suot na ito!!! Ganto ba ang suot sa lugar na ito?

Lumusong ako sa tubig. Magaling! Napakabango na maaligamgam pa ang tubig.

T- teka... Paano ako gagamit ng panghugas ng buhok? Ang hirap naman neto!!!

"Ammm... Ku- kung sino man ang nandiyan! Pwedeng paabot ng... ng... ng panghugas ng buhok...," pakiusap ko sa mga tao pero walang sumasagot ni kaluskos sa paligid.

"Sabi ko... Paabot ng panghigas ng buhok...," pag-uulit ko saka nakinig ulit

kung may sasagot ngunit wala.

"Nakikiusap ako!!! Paabot. Ng. Panghugas. Ng . Buhok!," makaawa ko na talaga pero wala pa rin.

"Ano ba!? Intensyon nyo ba akong pagtagalin at babarin sa tubig!? Gusto ko lang ang abutan ng panghugas ng buhok!!! Nakikiusap ho ako ng maayos pero para akong tanga na nakikiusap sa mga multo!!!," halos maubusan na ako ng hangin at malapit na ring manuyo ang lalamunan ko.

Matagal bago may pumasok na tagasilbi.

Nanginginig itong inilahad ang mga dahon sa akin. Kumalma naman ang aking loob.

"H- heto p- po m- mahal na... prinsesa... K- ung w- wala n.. na po.. m- maaari na p.. po ba ak- kong u- umalis?," nangangatal at natatakot na saad ng tagapagsilbi sa akin sabay abot ng mga kung anumang dahon ito...

"Sige," malumanay ko nang sang-ayon ko sabay kumpas sa kanya paalis.

Nakita ko pa gilid ng aking mga mata ang pangingilid ng kanyang mga mata habang dahan- dahang nagpapatong ng kanyang kamay sa isa pa at ilalagay sa harap sabay mabagal na tumango bago nagmamadaling nagtatakbo na siyang umalis.

Anung nangyari dun? Inaway ko ba at parang aping- api? Tanda ko lang Sumigaw lang naman ako kanina ah!

Ganyan yung ginagawa nung mga chinese at japanese anime na napapanood ko... Ganun daw ang paggalang...

Ibinalik ko ngayon ang tingin sa dahon na nasa palad ko...

Ngayon... Paano ito? Kakaiba din dito no... Ano kaya ang dawag dito? Nakakanangyan naman eh!!! Kung ikiskis ko na lang kaya sa buhok ko saka banlawan ng tubig na nandito...

Sige, ganun na lang!! He he he!!!

××××××××××××××××××××××××××××××

Umalsa na ako sa tubig. Napabuntong hininga akong tinutuyo ang sarili.

Paano ba naman ilang minuto ko pang tinignan ang dahon bago ilahid dito sa mahaba at makulot ng kunting buhok na eto...

Nang matapos ako sa aking ginagawa saka nagsilapitan ang mga tagasilbi na kanina pa nakatayo sa gilid ng paliguan.

Ayyy... Talaga bang ganun dito? Sinisilipan na nila ako habang naliligo uh! Sana pala si Feng Nai na lang ang kasama ko dito, edi baka mas komportable pa ako...

Napangiwi na lang ako sa pahirap na pagsusuot ko ng parang kimonong damit...

Kanina ang hirap maglinis ng buhok ngayon naman ang damit? Puro na lang ata malas ngayon?

"Prinsesa kami na lang po," sabi ng isang tagasilbi. Sabay lapit sa akin at inayos ang pagkakasuot.

Buti naman at nakaramdam ka!

Napangiwi na lang ako nang malamang maraming mali sa pagsusuot.

Lumabas na ako ng banyo na karugtong ng silid ko.

Dumako ako sa aking silid at nakita ko doon si Feng Nai na may matamis at masiglang ngiti.

Walang anu-ano ay agad itong nagtatakbo at hinila ako.

×*×Tapos na ng Kabanata 003×*×

Pwede nyo po ba akong bigyan ng boto, at komento... Ano na rin po... Ahh pafollow na rin po sa wattpad... shistine po ang author...

Basahin at subaybayan niyo na rin po ang iba kong kwento... Salamat po...