Third Person's Point Of View.
NAG-AAYOS ng buhok si Ellaine samantalang papikit pikit naman sa Bus ang kasama nya. "Hoy, Erika. Kinginaka, Tulog ka na nga lang buong araw kahapon tas inaantok ka paring letche ka!" Sermon nito sa kanya.
"Hmm." sagot naman nang kaibigan nito.
"Jusko!" Yon na lang ang nasabi nya at napasapo nang noo.
Wala pang kalahating oras ng makarating na silang lahat na magkakatrabaho sa bahay ni Doc Foster. Umaliwalas ang itsura ni Ellaine ng makalabas sila sa Bus at nakangangang tinignan ang ganda ng bahay ng Doctor.
Kung titignan ay simple lang ang bahay sa labas ngunit ng makapasok sila ay mas lalong nanlaglag ang kaniyang panga sa pagkamangha. Samantalang ang kasama nya ay inaantok parin habang naglalakad.
Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang makapunta na silang lahat sa lugar kung saan gaganapin ang kaarawan ng kapwa nila Doctor. "Yin..." Tumingin naman sa kanya ito at tsaka inismidan. "I think I'm starting to fall inlove again." halos tumulo na ang laway ni Ellaine habang nakatingin sa isang lalaki na nakangiti habang nakikipag-usap sa mga kaibigan nito.
"Tsk." tanging tugon naman nito at tsaka inilibot ang tingin sa buong paligid.
Nag-umpisa ng magsalita ang Host at sunod-sunod na ang naging hiyawan. "At ngayong narito na ang lahat, magsibigay naman tayo nang masiglang pagpalakpak!" Maganang pagkasabi ng Host at napakembot pa dahilan para matawa ang mga nanonood. Nagsipalak-pakan naman ang lahat na naroon liban na lamang sa katabi ni Ellaine.
"Boring." saad ni Yin at tsaka inikot ang mata.
Taas kilay naman syang nilingon ni Ellaine. "Kj ka talaga"
"Nye nye."
"Andito tayong lahat, salo-salo dahil ang araw na ito ay kaarawan ng ating napagaling at napaka talinong Doctor, Walang iba kung hindi si Doctor Zildjian Foster!" Masiglang ani ng Host sabay palakpak ng malakas. "Inaanyayahan ka namin Doctor Foster, nais naming marinig ang iyong saloobin!" Umakyat naman ito sa Stage at kinuha ang Mic sa Host na ngayon ay halos mahimatay na sa kilig.
"Hello, Mic test" Agad nag si-tilian ang lahat ng marinig ang boses nito.
Nag-hampasan pa ang ibang babae, si Ellaine naman ngayon ay nakahawak na nang mahigpit sa braso ni Yin, at pilit namang inilalayo nito ang kanyang braso sa kamay ni Ellaine dala narin sa higpit nang pagkakahawak sa kanya. "Y-yin sya na ata si Mr. Right"
"Si Doctor Foster yan, tanga."
Binitawan naman ni Ellaine ang braso nya at tinignan sya ng masama. "Alam ko." masungit na ani nito.
"Psh."
"Kj talaga kahit kailan" bulong ni Ellaine sa kanyang sarili.
"YIN!!!" napatingin silang dalawa ni Ellaine sa sumigaw. Agad itong tumakbo papalapit kay Yin at niyakap ito ng mahigpit.
Nang bumitaw na sya ay tsaka sya sumimangot. "Oh? Ano nanamang nangyari?" Tanong ni Yin dito.
"Wag mo ng tanungin masisira lang ang araw mo, Sa akin sira na ang araw ko. Meron kasing mga impakta at impakto sa labas." Saad nito at tsaka parang batang nag cross arm.
"Sira na ang araw ko bago pa kami pumunta dito kaya sabihin mo na." sabi ni Yin.
"Edi mas lalong masisira kapag sinabi ko!"
"Edi wag."
"Hays, nakita ko kasi si Enxi kanina kasama ang Daddy nya, tapos nung lumapit ako sa kanya tinanong ko sya kung anong ginagawa nila dito at ansabi nya kamag-anak daw nang Daddy nya si Zildjian" may bahid na pag kairita ng sabihin nya iyon.
Natahimik naman si Yin at tsaka inilibot ang tingin. Ang kaninang bagot na bagot na itsura nya ay napalitan nang poker face. Habang si Ellaine at Sirui naman ay nagpapalitan ng masamang tingin at parang nag-uusap sa bawat titigan nila. Nilakihan pa nya nang mata si Sirui at tsaka tinaasan ng gitnang daliri. "Ay! Gaga to ah!" Nagsimula na silang magbangayan at ang isa naman nilang kasama ay iba ang iniisip.
"Di ka naman maganda kaya wala ka pang Jowa!" asar ni Sirui dito.
"Hoy! Hindi pa kasi tamang panahon para sa love love na yan" pambawi ni Ellaine na ngayon ay nakapamewang na at tinuro turo pa si Sirui.
"Gaga! Walang tama-tamang panahon noh, pangit ka kase!"
"So ganun na yon? Naka depende na sa may mga Jowa at asawa ang mga magaganda ngayon? At kapag wala naman pangit na?!" pikon na pagkatanong nito.
Namumula narin ang tenga nya dahil sa inis.
"Oo ganon na yun ngayon at wala ka ng magagawa dun!"
"I need to pee." Pamputol nya sa dalawa nyang kaibigan na ngayon ay nagbabangayan na.
Sabay namang napatingin sa kanya ang dalawa nyang kaibigan.
Hindi nya na hinintay ang sasabihin ng kaibigan nya at umalis na sya. Hindi nya alam kung asan ang banyo kaya naman tinanong nya ang isang babae na halatang bored na bored. Lumapit sya dito. "Do you know where the cubicle is?" tanong nito dito.
Umiling iling naman ang babae. "Don ka magtanong" sabay turo nito sa lalaking mag-isang umiinom sa gilid habang pinapanood ang kaganapan sa stage. "Kapatid yan ni Zildjian kaya alam nya na ang pasikot sikot dito." dugtong nito.
Tumango tango naman si Yin.
"Salamat" hindi nya na hinintay ang sasabihin nito at lumapit na sa lalaking itinuro ng babae kanina.
Kinalabit nya ito, nawala naman ang ngiti ng lalaki ng lingunin sya nito. "Why?" Masungit na pagkatanong nito.
"Do you know where the cubicle is?"
Nawala naman ang sungit sa mukha nito, "Punta ka lang don" Itinuro nya ang daan. "Tapos kapag nandon kana, lumiko ka pakanan. Makikita mo na ang Cubicle, alam mo naman siguro pinagkaiba ng She at He kaya kapag nabasa mo yung She dun ka pumasok" Paliwanag nito.
Napakunot naman ang noo ni Yin dahil dito. "Pinapalabas mo ba na tanga ako at hindi ko alam ang pinagkaiba ng She at He?"
Tinaasan naman sya ng kilay ng lalaking kausap nya. "Malay mo." nakangising pagkasabi nito.
Nanlaki ang mata nya ng kwelyuhan sya nito at inilapit ang mukha nya sa kanya. "Ginagago mo ba ako?" maangas na pagkatanong nito. Napaawang pa ang panga nya.
Napatitig sya sa mata ng babae, Amoy nya narin ang hininga nito na amoy mentos. Dumapo din ang tingin nya sa labi nito.
Nang mapansin ni Yin ang pagbaba ng tingin nito sa kanyang labi ay marahas nya itong itinulak dahilan para mapaupo ito sa sahig. Mabuti na lamang at busy ang mga tao sa pag-sasaya at hindi napapansin ang nangyayari ngayon dito.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo Miss?"
Napalingon naman si Yin sa nagsalita at bumungad sa kanya ang isang Chinitong lalaki, matangos ang ilong at hindi kapulahan ang labi. Sa tingin pa lamang ay naisip nya na kaagad na kasing edad nya lamang ito.
"Alam ko" sagot nito, binalik nya ang atensyon nya sa lalaking kinwelyuhan nya kanina.
Nakaupo parin ito sa sahig at iniinda ang sakit sa likuran nito, "Napalakas ata ang tulak mo Miss, nananakit na ang likod nang kaibigan ko oh" tawang saad ng lalaki, lunapit sya sa kanyang kaibigan at tinulungan itong tumayo.
Nang makatayo na ito ay tinignan nya nang nakakamatay na tingin si Yin.
Inismidan lang naman sya nito at tsaka pumunta na sa Cubicle para umihi.
Nagmamadali syang pumasok sa Cubicle dahil ihing ihi na sya, matapos umihi ay lumabas na sya. Humarap sya sa salamin at tinitigan ang mukha nya.
Inilapit nya ang itura nya dito at pinindot ang tigyawat na nakita nya sa may bandang ilong nito, "Can I talk to you?".
Naibaba nya ang kamay nya at tinignan ang repleksyon ng babae sa salamin "Nakikipag-usap kana." tipid na ani nito, binuksan nya ang tubig at hinugasan ang kamay.
"Alam kong narinig mo ang sinabi ni Azhi noon sa Park." Nakatitig lang si Enxi sa kanya sa salamin at tinitignan ang magiging reaksyon nito.
Napatigil naman sya sa paghuhugas ng mukha at hinarap si Enxi. "Alam mo naman pala eh" inirolyo nya ang kanyang mata at itinuloy ang paghuhugas sa mukha.
"Gusto ko lang sabihin na, papanindigan ko ang sinabi ko kay Azhi..." Napahinto sya sa paghuhugas pero patuloy parin sa pagdaloy ang tubig, "I will take Azhi, and I'm ready to fight with you." Napayuko si Enxi at kinagat ang ibaba ng kanyang labi.
"I don't care, just take him away as well as you can." Ipinagpag nya ang kamay nya at isinadya nyang ipatama iyon kay Enxi, at natalsikan naman ito ng tubig.
Inayos nya na ang sarili at lumabas don, ng makalayo-layo na sya ay napasandal sya sa pader at napahawak sa kanyang dibdib. Pumikit sya ng mariin at tsaka tumingala.
Hindi nya na namamalayan na may nakatitig pala sa kanya, napansin nyang parang may tao sa gilid nya. Ng lumingon sya don ay nakita nya ang lalaking magdamag nyang iniisip.
Nakatingin ito sa kanya at binabasa ang bawat reaksyon.
Natuod sya sa kinatatayuan nya ng tinalikuran lang sya nito at dumiretso papunta sa Cubicle.
Napatawa naman sya ng mapakla ng maalala nya nandoon si Enxi, buong akala nya ay sya ang pinuntahan nya dito.
"Ouch." Saad nito at tsaka tumawa ng peke. "Ang sakit mo naman mahalin." muli syang tumingala at tumango-tango na para bang naiintindihan nya ang nangyayari.
Napa-ayos naman sya mula sa pagkakasandal ng marinig nya ang boses ni Sirui at ni Ellaine. "Nakita ko si Azhi kanina sinundan ata sa C.r si Yin."
"Tara maki-chika sa kanila!"
Napapikit naman sya ng maraan at ng mapagtanto nyang wala na doon ang dalawa nyang kaibigan ay lumabas na siya.
Bumalik sya sa pwesto nila kanina, patuloy lang sya sa pagmasid.
May mga babaeng sumasayaw na ngayon sa gitna at tuwang tuwa naman ang karamihan.
Hindi sya makarelate sa pinagkakatuwaan nila, ginawa pang mistulang bar ang naturang okasyon ngayon.
Nag-simula na ring mapalitan ang tugtog ng may malalaswa na lirika.
Nanonood lang sya, ng may lumapit sa kanyang lalaki, nakapandamit waitress ito may bitbit bitbit itong alak at isa-isang binibigyan ang mga naroon.
Lumapit ito kay Yin at inabutan ng alak, tinanggap naman iyon ni Yin at nilagok kaagad. Ibinigay nya ang baso sa waitress.
Samantalang ang waitress naman ay hindi makapaniwala sa mabilisang paglagok nito sa basong punong-puno ng alak.
Nang mapansin naman ni Yin na nakatitig sa kanya ang lalaki ay binigyan nya ito nang napakasamang tingin.
Natakot naman ang lalaki at nagmadaling umalis sa harapan nya.
Ilang minuto ang lumipas ay nag-salubong ang kilay nito ng makita nya sa malayuan ang kanyang dalawang kaibigan. Gulo-gulo ang mga buhok nila at punit-punit din ang damit.
Lumapit sya dito at ng makalapit na sya ay sinuri nya ang itsura nila. "Anong nangyari?" Tanong nito.
Balisa lamang ang dalawa at ayaw sabihin ang nangyari. "Napaaway lang kami." turan naman ni Sirui at hindi makatingin sa mata ni Yin.
Tumango-tango naman si Ellaine pahiwatig na tama ang sinasabi ni Sirui. Hindi nila nakumbinsi si Yin dahil patuloy parin ang pagtingin nito sa kanila ng mapanuring mata.
"NakipagsabunutankamidonsamgakaibiganniEnxikanina" mabilisnag ani ni Sirui.
"Bakit anong ginawa nila sa inyo?" kalmadong pagkatanong nito.
"Nakita kasi namin kanina si Azhi at Enxi sa C.r,akala namin ikaw ang kasama nya. Nag-init ang ulo ko dahil don kaya sinabunutan ko si Enxi, Alam mo bang nasuntok ako nang pagkalakas lakas ng asawa mo?" iritang pagkatanong nito. "Tapos wrong timing at saktong napadpad din yung mga tropa ni Enxi don sa C.r kaya ayon binanatan din kami, pero syempre noh! Di kami magpapatalo ni Sirui." inirolyo nito ang kanyang mata.
Pero ramdam ni Yin ang pagkadismayado ni Ellaine nung sabihin nyang sinuntok sya ng asawa nito.
"Wag ka mag-alala Yin, Ipapapatay ko sila. Gagawin kong brutal yung kay Enxi." ngumisi ito pero hindi iyon ikinatuwa ni Yin.
Hinawakan nito ang braso ni Yin at matalim na tinitigan. "Wag mo syang gagalawin." banta nito.
"Bakit? Nararapat lang mamatay yan. Mang-aag---Aray!" napahawak sya sa kanyang siko ngayon. "Ikaw na nga ang tutulungan ayaw mo pa?!" galit na pagkatanong nito.
Pumagitna naman sa kanila si Sirui. "Tama na Yin at Ellaine marami na ang nakatingin sa atin ngayon."
Patuloy lang sila sa pagsusukatan ng tingin at hindi man lang pinansin ang sinabi ni Sirui.
"Kapag ipinapatay mo si Enxi. Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ni Azhi? Sino ang sisisihin? Ako di'ba?"
"Woah... What the fuck, kailan ka pa natakot sa batas?" manghang pagkatanong nito.
"Ellaine tama na..." Pag-awat naman ni Sirui na ngayon ay hindi na alam kung ano ang gagawin.
"Hindi ako takot sa batas, natatakot akong makitang masaktan si Azhi. Kaya wag na wag kang mag-kakamaling pakealaman ang mga taong mahahalaga sa paligid nya." nang sabihin nya iyon ay umalis na sya at pumunta sa labas para magpahangin.
Tinawag pa ni Sirui ang pangalan nya ngunit hindi nya na ito pinansin. Natagpuan nya na lang ang sarili nya sa garden ng mga Foster.
Naupo sya sa may puno at sumandal. Gaya ng nakasanayan ay itiningala nya ang kanyang ulo at tinitigan ang mga ibong nasa sanga.
Napangiti naman ito. " Relaxing..."
Nahiga sya sa gilid at ginawa nyang unan ang kanyang dalawang braso. At nakatulog.
Alfredo Damian's Point Of View.
(Enxi's Father)
PATULOY lang ako pagtakbo ang at patuloy din ang paghahabol sa akin ng mga armadong lalaki.
Mabuti na lamang ay hindi na nila ginulo pa ang kaarawan ng pamangkin ko.
Binantaan ako ng mga ito kanina na kung hindi ko ibibigay ang ninakaw kong impormasyon ay hindi na ako makakaabot sa pasko.
Alam ko na kung sakaling ibibigay ko ang imporamasyong nasagap ko ay papatayin parin ako ng mga ito.
Tanging isang tao lamang ang naiisip kong makakatulong sa akin ngayon. Ang babaeng nagngangalang Erika Millario.
Nabasa ko ang pangalang iyon sa Files na ninakaw ko, ang babaeng nagngangalang Erika Millario ay ang pinaka ingat-ingatan nilang babae.
Hindi ko kung ano ang meron sa babaeng yun kung bakit ang Erika Millariong iyon ang pinaka-iingat ingatan nilang babae.
Handa akong magmakaawa sa babaeng yun ngayon para patigilin ang mga armadong lalaki.
Napahilamos ako ng mukha at hingal na hingal.
Hindi ako pwedeng mag pahinga at ano mang oras ay mamamatay na ako kung maabutan ako ng mga ito.
Wala na akong matakbuhan! Napapalibutan na nila ako.
Isa-isa silang lumapit sa akin. "Wag kayong lalapit!" utos ko sa mga ito.
Nagtiniginan lang sila at malakas na nagtawanan. "Ibigay mo lang kasi ang ninakaw mo Alfredo para di ka na maghirap." nakangising ani ng armadong lalaki.
Hinawakan na nila ang braso ko, nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas. " Tulong!!!" sigaw ko.
Tulungan nyo ako! Maawa kayo.
"Ang ingay!" lumuwang ang pagkahawak sa akin ng mga lalaking ito ng may marinig silang magsalita.
Sabay-sabay kaming napalingon doon at nakita ko ang asawa ni Lozano. Si Yin. Ang karibal ng anak ko kay Lysander Javier Lozano.
Yin lang ang alam kong pangalan nito, hindi namn sya kainteresante.
Napakusot-kusot ito ng mata halatang galing sa tulog. "Nagising tuloy ako." reklamo nito.
Sumandal sya sa puno at tinitigan ang mga lalaking nakahawak sa braso ko. "Miss sino ka ba?" Anas naman ng isa.
"Yin." tipid na ani nito.
Natawa naman ang mga lalaki at pinalibutan narin sya ngayon ng mga armadong lalaki.
"Boss anong gagawin natin sa babaeng toh?" Ngising asong pagkatanong nito.
"Dating gawi." ani naman ng isa.
Susuntukin sana siya ng isang lalaki ng saluhin nya ang kamao nito. "Too slow."
Sinipa nya ang lalaki sa maselang parte nito dahilan para mapahiga at mamilipit ng sakit sa sahig.
Hanga rin ako sa babaeng ito.
Halos manlamig ang buong katawan ko ng may magtutok ng baril sa aking ulo. "Subukan mong manglaban at sabog ang bungo ng matandang toh." saad ng lalaking may hawak ng baril.
Napatingin naman ako sa babaeng iyon. "Huwag...please huwag kang lumaban" nanginginig na ani ko.
Umiling-iling pa ako.
Ayaw ko pang mamatay.
Nagulat na lamang ako ng suntukin sya ng isang lalaki sa sikmura. Napahawak sya doon sa kanyang tiyan at napapikit.
"Tindi rin ng babaeng toh ah! Exciting!" turan ng isa sa kanila.
Isa-isa ng pumila ang mga lalaki at pinag susuntok sya sa mukha,sa sikmura at braso.
Animo'y ginawa syang punching bag ng mga ito.
Halos manlumo ako ng makita ko kung paano sya manghina, kung paano nya pinipilit ang sarili nya na huwag manlaban. At paano mapaluhod sa sunod-sunod na suntok na natamo nya.
Puro awa nalang ang nararamdaman ko ngayon, gusto ko ng tulungan ang kawawang babaeng ito.
Nagpumiglas ako pero mas lalong sumasakit ang pala-pulsuhan ko dahil mas dinidiinan nila ang pagkahawak nila kapag pumipiglas ako.
"Tama na yan!" Sigaw ng isang kararating lalaki. Hingal na hingal ito. "Ano di'ba sabi ko sa inyo ngayon mag manman lang kayo sa gilid--" nanlaki ang mga mata nito at halos nanigas sa kanyang kinatatayuan ng makita nya ang kalagayan ng babae.
Nakahiga na ito at nakahawak pa rin sa tiyan nya, namimilipit ito sa sakit.
Gusto ko syang tulungan. Kung hindi dahil sa akin ay hindi nya ito mararanasan.
Kawawang bata.
"ANONG GINAWA NYO???" malakasang sigaw nito.
Umalingawngaw pa ang boses nito.
"ALAM NYO BA KUNG SINO ANG BABAENG BINUGBOG NYO HAH? SIGURADO AKONG MALALAMAN AT MALALAMAN ITO NI--" Tumigil sya sa pagsasalita at isa isang binigyan ng suntok ang mga armadong lalaki.
Pati ang mga lalaking nakahawak sa akin ay sinuntok nya rin dahilan para mabitawan nila ako.
Agad akong lumapit sa batang babaeng ito. "Pasensya ka na, Ija" saad ko dito.
"A-azhi..." parang batang pagkasabi nito.
Nakahiga pa rin sya at nakahawak sa kanyang tiyan.
"L-lysander" nanghihinang ani nito. "Go to h-him, i-ilayo m-mo sya dito d-delikado dito." halos hindi nya na mabaligkas ang sinasabi nya.
May binubulong pa sya sa sarili nya.
At unti-unti na syang nawalan ng malay.
It's my fault. Nahihirapan na sya pero kapakanan parin ng asawa nyang wala namang pakealam sa kanya ang iniisip nya.
Pinahid ko ang luhang namumuo sa aking mga mata.
"Tulungan nyo akong dalhin sya sa Hospital!" Reklamo ko sa mga ito ng makabawi na ako ng lakas.
Umurong lahat ng takot ko.
"N-no" ani nung lalaking sumigaw kanina.
"K-kapag nalaman ni J ang tungkol dito, mamamatay kaming lahat." dagdag nya.
Nalito ang lahat, lahat ay may naiwang pagtataka sa mga mukha. "Ang babaeng binugbog nyo ay ang babaeng pinaka iingat-ingatan ni Master J" nakayukong ano nito.
Erika Millario? Sya ba yan?
Paano nangyaring ang simpleng babaeng ito ang pinaka iingat-ingatang babae nila. At ang mas pinagkakataka ko ay bakit sya binugbog ng mga lalaking ito kung sya ang pinaka iingat-ingatang babae nila.
"We're doomed!"
Isa-isa na silang nag panic.
"Putangina! Mamamatay ang babaeng ito kapag hindi nyo pa sya dinala sa Hospital! At kapag nagkataon yun mas lalo kayong ipapapatay!" sigaw ng isa sa kanila.
Nanginginig na rin ito sa takot. "A-alam natin ang kayang gawin ni J, idadamay nya ang pamilya natin. Please gumawa kayo ng paraan!"
"Bakit ba kasi hindi nyo ipinakita ang Picture ni Erika Millario sa amin? Darius? Buong akala namin ang Sirui Chan na yun ang totoong nagngangalan ng Erika Millario kaya iyon ang binabantayan namin!"
"Tanga, Inutil!" nakatanggap nanaman ito ng isang suntok mula rito.
"Ipunta nyo sa Lola ko ang babaeng iyan. Sigurado akong magagamot nya ito dahil magaling yun an mangagamot."
Kahit kita ko ang mga takot at panginginig sa kanilang mga kamay ay ginawa nila ang kanilang makakaya para mabuhat si Erika Millario.
Hinintay pa nilang makarating ang Van at sinakay na ito doon. "Sumama ka sa amin at ikaw ang magbabalik sa kanya sa kanila. Hindi ka na namin pagbabantaan basta siguraduhin mo lang na kung sakaling magaling na si Erika ay ibabalik mo sya ng ligtas sa kanila." saad nung Darius.
Nabawasan ng tinik ang aking pangamba.
Maraming Salamat Yin, you saved my life.
Magbabayad ako ng utang na loob sayo. Pangako.