Chapter 10 - Chapter 9

Someone's Point Of View.

Halos lahat kami ay tulala sa kaganapang nangyari, maski ang aking katabi ay napatulala.

Iniimagine ko palang na marinig ito ni Yin ay mukhang ang sakit sakit na.

Laglag panga ang karamihan at umpisa nang nagsisigawan.

"Cheaters!"

"Malanding babae!"

"Walang respeto sa taong kasal na!"

Sigawan ng iba na narito, samantalang ako ay hindi pa rin nagsisink in sa aking utak ang mga nangyayari. Napatigil sa pagsasabunot si Ellaine kay Lysander at nakatulalang kinalabit si Sirui.

Tumingin ito sa kanya na galit na galit ang mata na para bang gustong gusto ng patayin si Enxi, samantalang tinanggap na lang ni Enxi ang mga sabunot at sampal na iginagawad sa kanya ni Sirui.

Napatingin ang iba sa tinititigan ni Ellaine, ngunit napakunot ang noo namin ng mapansing halos manlaki ang mga mata ng nakatingin sa likuran.

Nung makita kong tumingin don si Lysander ay napatulala rin sya.

Kaya naman dala ng kuryosidad ay tumingin ako sa likuran, ngunit nagaya lang din ang reaksyon ko sa reaksyon ng karamihan.

Nakatayo si Yin sa likuran at nakatingin lamang sa pwesto ni Lysander at ni Enxi.

Hindi ito gumagalaw at lahat ay natahimik na ngayon ay nakatingin na sa kanya.

May hawak syang box ng cake at papel, sa kabilang kamay naman ay hindi ko mawari kung ano ang hinahawakan nya roon.

Ito ang pagkakataong hindi inaasahan ng lahat. Gusto kong isumpa si Lysander sa ginawa nya kay Yin gustong gusto ko.

Nakatingin ang lahat sa kanya na ngayon ay nanginginig ng hawak hawak ang box ng cake.

Nakasalamin ito ng kulay itim pero hindi nya maitatago ang pasa nya sa kanyang tagilirang labi.

Naglakad sya pero muntik din syang matumba, pero ginawa nya pa rin ang makakaya nya para mapunta don sa harap.

Sa kanya nakatingin ang lahat nang narito na para bang hinihintay na magalit sya at sugudin si Enxi.

Ngunit kabaliktaran ng inaasahan namin ang ginawa nya, humawak sya sa tiyan nya at paika-ikang naglakad sa harapan ni Lysander.

Unti-unti ng namumuo ang luha sa aking mga mata, Yin don't deserve this. nagmamahal lang sya at hindi nya dapat maranasan ang ganitong sakit. Walang karapatan si Lysander para gawin nya iyon kay Yin. Wala syang sapat na rason. Walang wala. At hinding hindi ko ito papalagpasin.

Kinuha nya ang Mic na nasa sahig at tsaka nagsalita. "H-hello" I can sense her voice was cracked. "Don't blame Azhi for this..." she continued.

Tahimik lang kaming lahat at inaabangan ang susunod nyang sasabihin. "Birthday nya ngayon, kaya pwede ba palampasin nyo nalang ang nangyari a-at umakto na walang nangyari?" tanong nito.

Unti-unting nagreklamo ang karamihan sa mga kaibigan nyang narito, maski ako. Paano nya nababalewala ang mga ganyan?

"Naghiwalay na kami ni Azhi, matagal na."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko, ang hirap isink in sa utak lahat ng nalalaman ko.

"Bakit ba pinapanigan mo pa iyan Erika?!"

"Pwede mo syang kasuhan."

Napa-iling iling sya ng marinig nya ang mga sigawan ng kaibigan nyang narito. "Sorry to dissapoint you, ayaw kong sirain nyo ang birthday ni Azhi. Wag nyo nalang syang sabihin ng masasamang salita hmm?".

Napatingin ako sa gilid para pigilan ang namumuo nanamang mga luha, pagkatingin ko sa gilid ay umiiyak na si Sirui samantalang si Ellaine ay masamang nakatingin sa gilid.

Ang mga magulang naman ngayon ni Lysander ay nakatayo lang, hindi alam ang gagawin.

At ang tatay naman ngayon ni Enxi ay umiiyak na rin, patuloy sya sa pag-iyak at pag-hingi ng tawad rito. Nginitian lang sya ni Yin at tsaka ibinaba ang mic.

Inabot nya kay Lysander ang cake na binili nya.

Iaabot nya sana ang nasa kaliwang kamay nya ngunit napatigil sya, nagdadalawang isip kung ibibigay nya ba oh hindi.

Hanggang sa ibinulsa nya nalang iyon at tsaka nginitian ang lahat bago tumalikod.

Ng makatalikod na sya ay hinabol sya ni Ellaine. "Bakit ba ganyan ka?!" Sigaw ni Ellaine dito.

Napatigil lang sya sa paglalakad ngunit hindi nya ito nililingon. "Bakit ba hinahayaan mo lang? Siguro ay tinatanong mo na sa sarili mo kung bakit ginagawa ni Azhi sayo ito noh? Gusto mo bang sagutin ko hah??" halos manggalaiti sya sa galit. "Dahil halos wala kang pakealam! Halos wala kang pakealam sa nararamdaman ng iba! Yin kahit minsan man lang sana iparamdam mo naman sa iba na may pake ka. Na meron kang kahit na pagmamalasakit sa kanila! Pero tama ka din. Hindi sisisihin dito si Azhi, dahil ikaw ang dapat sisihin. Dahil unang-una wala ka namang ginawa para paghiwalayin si Azhi at Enxi diba? Alam mong nagkakamabutihan na sila peron anong ginagawa mo? Yin... Tao ka pa ba? Bakit parang kahit anong gawin namin sayo balewala lang?!" Napakalakas ng sigaw nito.

Napayukom ako ng kamao, akala ko ay kaibigan nya ang isang ito.

Humarap si Yin sa kanya at tsaka taas noo itong sinagot. "Alam mo ba kung bakit hinahayaan ko lang? Dahil kung talagang mahal nya ako kahit na sino pang babae ang magkagusto sa kanya oh kahit sino pang babaeng umakit sa kanya ay hindi sya magpapa-akit. At alam mo ba kung bakit hinahayaan ko lang silang magsama? Dahil a-" Napatigil sya sa pagsasalita at napahawak sa tiyan nya. "Dahil gusto kong malaman kung sino ang pipiliin nya." dagdag nya. "Tama na..." nagmamakaawang saad nito.

Napahawak ako ng mariin sa basong hawak ko. Babae din ako at alam ko ang pakiramdam kung paano ang maiwan pero mas masakit ang sinapit ni Yin.

"Tama ka, ako dapat ang sisihin dito." dugtong nya at paika-ikang tumakbo papalabas.

"Yin!!!" sigaw ni Sirui at tsaka ito hinabol papalabas ngunit bago muna ito lumabas ay sinuntok nya sa mukha si Ellaine. "Gago ka!"

"Sundan nyo sya!!" sigaw ng isa sa kaibigan ni Yin.

"Tama sundan nyo sya delikado kapag ganyan si Yin hindi sya nakakapag concentrate sa ginagawa nya at alam kong pupunta yan sa pinaka paborito nyang lugar." natatarantang ani nito.

Agad rin akong nataranta sa sinabi nila tumakbo ako palalabas at nakita kong naghahabulan na ang mga ito ng kotse, si Yin ang nangunguna at sa sobrang bilis na pagpapatakbo nya ay hindi namin sya mahabulan.

Dalawang kotse ang humahabol kay Yin na kung saan naroon sa kabila si Sirui at Azhi, pati ang tatay ni Enxi at si Ellaine. Sa kabilang kotse naman ay ang mga kaibigan ni Yin sa kanyang trabaho.

At magisa ko lang sa kotse ko. Kita ko kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ni Yin, naalala kong sinanay nga pala sya ng kapatid ko sa pagdridrive.

Kung buhay lang sana si Kuya Ace, hindi nya hahayaang magkaganyan si Yin. Hinding hindi nya hahayaan yan.

Ipinreno ko na ang koste ko ng huminto na sya kaya napahinto din ang sasakyan nila Lysander. Bumaba na sila sa kanilang kotse ganon din ako.

Pero.

Napatakip ako ng aking mukha ng makita ko kung paano pinaandar ni Yin ang kotse at itinama ito sa isang poste.

S-sinadya nya iyon. Sinadya nya.

"YIN!!!"

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko habang tumatakbo palalapit sa kotse nya. Ng buksan ko ang kotse nya tumambad sa akin ang duguan nyang kamay.

Nakapatong ang ulo nya sa manibela, itinulak naman ako ng kung sino sa aking likuran at tinignan ang kalagayan ni Yin.

Kita ko ang padaan ng guilt sa kanilang mga mukha, hindi lang dapat guilty ang nararamdaman nyo. Hindi lang iyon.

Inis kong kinwelyuhan si Lysander, hindi nya ako kilala pero wala na akong pake. "Wala kang kwenta." tugon ko dito at binitawan na rin.

Hanggang makakaya ko ay hindi ako mananakit ng taong malapit dito sa akin dahil binalaan na ako noon ni Yin na huwag na huwag ko daw sasaktan at pakekealaman ang mga malalapit sa kanya.

Unti-unti nang nagsiagos ang mga luha sa mata ko, kahit anong pilit ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Napamahal na ako kay Yin at nangako din ako sa kuya kong hindi ko hahayaang masaktan sya.

Nang tignan ko ang buong paligid ay halos manghina ang buong katawan ko ng mapagtanto kong ang lugar na sinasabi ng kaibigan nyang paborito nya ay ang lugar kung saan nakalibing ang aking kapatid.

Malapit lamang ang puntod ng kapatid ko dito at tinanaw ko iyon mula sa malayo. Hindi nga ako nagkakamali.

Nanghihinang tumakbo ako papalapit sa puntod nito. "Kuya..." sumbong ko dito at tuluyan ng humikbi.

"He hurt Yin... He hurt your Yin." sumbong ko ulit.

"Yung babaeng pinaka-inaalagaan mo sinasaktan lang nya. Y-yung babaeng itinuturing mong reyna binabalewala lang nya. A-at wala man lang akong nagawa. B-buntis ang kabit ni Lysander. Hindi ko alam kung paano nya lahat natitiis, nadisgrasya sya kuya at wala akong magawa."

Humihikbing tumingin ako sa kinadisgrasyahan ni Yin, may ambulansya na at binubuhat na ito.

Kita ko ang mga pangamba sa mata ni Sirui at ng iba pa.

Samantalang wala naman akong makitang emosyon kay Lysander. Demonyo talaga.

"Kung hindi kayang maghiganti ni Yin kay Lysander, ako ang gagawa para sa kanya." inayos ko na ang sarili ko at nakangising tumingin kay Lysander.

Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo. Lysander Javier.

************************************

RE•SET