Ellaine Tuazon's Point Of View.
"Ang funny di'ba?! Napigilan ko ang pagsabog ng bomba pero hindi ko napigilan ang kasal nila. Kaya ikaw! Lysander." Itinuro nya ang isa sa mga nagvivideo. "Kung naririnig mo ito, sagutin mo ang tanong ko." bumaba sya at pagewang-gewang sa paglalakad.
Lumapit sya sa isang babaeng nagvivideo. "Eto ba ang kapalit kapag minahal ka ng husto?" tanong nito habang umaawang pa ang kanyang labi at namumungay ang mata na itinuro ang Camera. "Kasi kung ito lang pala ang kapalit. Tangina, ano bang akala mo sa akin sponge ako? Na kahit lamas-lamasin mo ay hindi masasaktan? Hah? Sponge na kahit punit-punitin mo walang nararamdaman?" tumawa ito ng mahina at tsaka masamang tinignan ang Camera.
Nagulat na lamang kami ng magsuka sya sa sahig, doon na ako agarang lumapit at tinapik-tapik ang kanyang likuran. "Arghh, fvck this life!" huling ani nito at pinilit pang tumayo ngunit biglaan na lang sya napahiga sa sahig.
Agad na nagpanic ang lahat maging ako ay natataranta na rin, "Hoy putanginamo huwag kang tumunganga diyan gago!" turo ko don sa isang lalaking mukhang malaki ang katawan.
Namamadali syang lumapit kay Erika at binuhat ito ng pa-bridal style. Iniisip ko na kaagad na aasarin ko si Erika bukas na binuhat sya ng isang lalaking maskolado ang katawan. Imbis na mag-alala tuloy ako eh natatawa pa ako.
Ngunit mas lalong naging akward ang buong paligid ng malakasang nagbukas ang pinto na animo'y gusto na itong sirain.
Tumambad sa amin ang mukha ni Lysander na mukhang susugod sa giyera, ngunit napalitan iyon ng nakakamatay na tingin ng makita nya ang kalagayan ni Erika. Agad akong natuwa sa ideyang pumapasok sa isipan ko.
Mukhang magkakaroon na ng suntukan dito, "Go kuyang macho labanan mo si Lysander mas malaki yang katawan mo sa kanya kaya labanan mo sya, pagnatalo ka putanginamo."
Mas lalong nagdilim ang tingin ni Lysander at agarang dumapo ang kamao nito kay kuyang macho. Mabuti na lamang at hindi nya nabitawan si Erika. "Tinulungan ko lang sila." nag-iigting na pangang pag ka ani nito. Ang hot naman ni kuyang macho.
Marahas nitong kinuha si Erika at sya naman ang nagbuhat kay Erika ngayon ng pa-bridal style. Kung kanina ay kinikilig ako sa pagbuhat ni kuyang macho, pero kapag si Lysander ang nagbuhat tse. Letche.
"Hep hep hep! Sasama ako at baka may gawin ka pang masama sa frenny ko." mataray na pagkasabi ko dito.
Hindi ko naman gusto sanang si Lysander pa ang mag buhat sa amin, kaso lang natatakot ako sa tingin nya ngayon. Iba din ito magalit eh magwawala. Minsan na itong nagalit non e, kawawa naman ngarod itong kaibigan ko dahil lagi na lang naiipit sa gulo.
Ewan ko diyan kay Erika ang hilig magmahal ng wild. Rawr, una si Ace. Grabe din yun kung magselos nakakaputangina. Mas nakakatakot pang magalit iyon kaysa kay Lysander. Kung nagwawal si Lysander ibahin nyo si Ace, halos makapatay yon kapag galit na galit e.
Pero kung hindi siguro namatay si Ace, baka siya ang asawa ni Erika ngayon at hindi si Lysander na tangina. Naiisip ko palang na kung buhay pa si Ace baka nanlalamig na ang bangkay ngayon ni Lysander at pinaglalamayan na sya dahil sa ginawa nya kay Erika. Yun pa, hahayaan nya bang may manakit kay Yin nya.
Mala beauty and the beast lang ang peg nang dalawang yan kaso nga lang dapat, Handsome and the beast. Si Erika ang halimaw at si Ace ang handsome. Alam naman ni Erika na cursh ko si Ace eh, parehas kaming may crush kay Ace non ang pinagkaiba lang si Erika yung obssesed na obssesed kay Ace.
Naihatid nanamin si Erika sa dating bahay nila ni Lysander, gusto ko sanang pigilan si Lysander sa paghatid nya kay Erika dito, alam kong ayaw na ayaw ni Erika na pumunta dito dahil sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko naman na nagawang pigilan si Lysander at baka isang salita ko lang ay dumapo na kaagad ang kamao nya sa mukha ko.
"Bakit walang nagsabing umuwi sya nung kinasal na ako?." tanong nito gamit ang kaniyang napakalamig na boses.
Putek,kinakabahan tuloy ako. Hindi ako sanay. Pero wag dapat akong kabahan, hayaan ko nalang si Ace na multuhin ang lecheng to.
"Hindi nya rin naman sinabi sa amin..." mahinang tugon ko.
Napakamot ito sa kanyang sintido. At unti-unting nawala ang galit sa mukha nya ng may naalala sya. "Ikaw na bahala sa kanya, baka kailanganin na ako ni Enxi." lumakad na ito papalayo at tsaka kumaway pa sa akin.
Tinaas ko ang gitnang daliri ko rito. Fvck him.
Putek sya akala ko pa naman concern kay Erika tapos bigla bigla nalang aalis dahil kay Enxi.
Tumingin ako kay Erika na ngayon ay mahimbing nang nakatulog. "Dapat isumbong mo sila kay Ace sabihin mo na multuhin nya sila Lysander at sabihin nyang huwag kang sasaktan." natatawang ani ko rito.
Pinatay ko na ang ilaw maging ang lamp.
Kinuha ko ang kumot sa tagiliran nya at kinumutan sya. Nahiga din ako katabi nya. Nakalagay ang dalawang kamay ko sa aking tiyan at nakatingin sa kisame ng kwarto nya. Nilagyan namin ito ng mga star na glow in the dark dahil kapag may problema sya lagi syang tumitingala.
Dito pa naman ang hilig nyang tambayan, napaisip lang ako na bakit hindi pa rin natatanggal si Erika sa kaniyang trabaho gayong antagal nya ng hindi pumapasok. Hindi naman sa gusto ko syang matanggal, ang akin lang parang may mali. Kasi kahit hindi sya magtrabaho oh kahit hindi sya pumasok balewala lang. Tapos sinasahudan parin sya.
Meron bang tao sa likod nito? Ang tanong sino?.
Iwinaksi ko na lang ang isipan na iyon at kinuha ang Cellphone ko para makipag landian sa Omegle, chat lang ayokong mag video cam sa omegle puro kabulastugan lang naman ang nakikita ko don, kung hindi naman eh puro indiyano ang makikita mo.
'Are you horny right now?'
Agad kong pinower-off ang cellphone ko dahil sa inis, pati pala sa chat may gago.
"Hmm..."
Napabangon ako ng marinig kong umungol si Erika, nananaginip ba syang may ginagawa silang milagro ni Lysander? Halla! Sana makapanaginip din ako ng ganon, yung kaming dalawa sana ni Zildjian.
"W-why?" Binuksan ko ang ilaw at gigisingin na sana sya ngunit napatigil rin. "Ace" hinihingal na pagkasabi nito habang nakapikit pa rin ang kaniyang mata.
So si Ace ang ka Fvck nya sa panaginip nya? Grabe naman. "Hindi ko na kaya..."
Agad nanglaki ang mata ko dahil sa sinabi nito, sinasabi nya bang hindi nya kaya dahil malaki ang ano ni ano basta malaki ang ano nya basta yung ano. "H-huwag!"
Mas lalong lumaki ang mata ko, pinipilit ba sya ni Ace na mag-sex sila sa panaginip ni Erika. Hindi toh pwede! Kailangan ko nang syang gisingin at baka mabuntis pa sya ni Ace sa panaginip nya.
Papandagan ko na sana sya ngunit hindi nanaman natuloy, "Huwag kang umalis..." garalgal na ani nito.
Nawala na sa isipan ko ang kahalayang namumuo sa akin, bat kasi naman may pa-ungol effect pa. Akala ko tuloy nag f-fvcky sila sa kanyang dreams. Namumuo na ang pawis ni Erika sa kaniyang noo.
Baka nangungulila pa rin sya kay Ace, kaya hahayaan ko na lang muna syang lasapin ang kasarapan ni Ace sa kanyang panaginip.
"I love you..." pabulong na ani nito pero sapat na para marinig ko.
Hindi ko alam, pero sa pagkakataong ito iniisip ko na parehas lang sila ni Lysander na ginamit ang isa't isa. Dahil si Lysander mahal nya pa rin pala talaga si Enxi kahit na antagal tagal na nilang nag-sama. Samantalang si Erika naman napaghahalataang nangungulila pa rin at hindi pa rin matanggap ang pagkamatay ni Ace.
Sus maryusep, first love never dies nga. Pero bakit ako? Nandidiri ako sa first love ko. Ang gulo-gulo ng Love story nilang dalawa. Pero kung talagang mahal talaga ni Erika si Ace bakit parang apektado sya kay Lysander?
Aba! Baka eto na ang sinasabi nilang dalawa ang puso, weh?.
Agad kong nilapit ang tenga ko sa bandang puso ni Erika at pinakinggan ang tibok ng puso nya. Tangina, tibok ng puso ang puta mung timang lang ang gago.
Pero sabi nga nila bawal mamangka sa dalawang ilog, pero sa bagay. Patay ang karibal ni Lysander kay Erika. Karibal? Putek nalilito na ako sa naiisip ko.
Bahala sila lovelife nila. Pero nagpapasalamat pa rin ako kay Enxi, ng dahil sa kanya nalaman ko kung gaano katatag ang pagmamahalan ni Erika at Lysander, at mas lalo akong nagpapasalamat kay Enxi dahil nalayo si Erika sa taong hindi nya deserve.
Minsan napapaisip nalang ako na baka hindi talaga si Lysander at Erika ang para sa isa't isa, ouchh. Mapapakanta na lang talaga tayo ng kanyang hindi tayo pwede pinagtagpo pero hindi tinadhana.
Medjo natatangahan lang ako sa lyrics na Pinagtagpo pero hindi tinadhana. Mga gago. Kung hindi talaga sila ang nakatadhana sa huli kasalanan na nila yon, kasalanan naman nila kung bakit sila hindi nagkatuluyan, kapal nga ng pagmumukha ng kaibigan kong si Leah sisihin ba naman ang tadhana.
Unang-una sa lahat sila naman ang gumagawa ng tadhana nila, tignan nyo nalang ang kaibigan kong si Leah, hindi daw sila talaga itinadhana nang jowa nyang gangster ng pinas. So ibig sabihin non... Bahala sya.
"Can I just stay?"
Natauhan nalang ako sa pag-iisip ng magsalita nanaman si Erika, stay? Uhmm. Stay ba sa doggy position nila?
Tangina mo Ellaine ang dumi ng utak mo, kailangan mo ng linisan.
Nakita ko ang pagngiti ni Erika habang nakapikit, woah... Dapat pala lagi nalang syang matulog diyan. Char.
Humiga na lang din ako ulit at tsaka pumikit. Agad akong kinilabutan ng humangin ng malakas, inagaw ko ang kumot na nakasuot sa katabi ko at tinalukbong iyon sa akin. Bahala na sya diyan gustong gusto nya naman makita si Ace eh, ako hindi.
Sus maryusep, kung mumultuhin nya naman sana si Erika sana huwag nya na akong idamay.
Nakatulog ako ng dahil sa takot.
************************************
re•set