Chereads / Reset [Cheater Series #1] (TAGALOG) / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Erika Millario Lozano's Point Of View.

NAPAPIKIT na lamang ako ng mariin habang pinapanood ang videong nag-viral, parang mas gusto ko na lang kainin ng lupa ng dahil sa sobrang kahihiyan. Sanay naman na ako sa kahihiyan pero tangina lang, iba ito e.

Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kong uminom, inaamin ko lahat ng nararamdaman ko. Bakit ba naman kasi naisipan ko pang uminom sa Bar na iyon at nagpa-bida bida sa stage.

Balak ko pa naman sanang bumalik sa trabaho ngayon kaso nga lang alam ko na kaagad ang tingin na matatanggap ko mula sa mga katrabaho ko. Maging si Ellaine na nang gising sa akin ay pinaulanan na ako ng pang-aasar nya. Hawak hawak nya ang cellphone nya habang pinapakita sa akin ang sinasabi nyang nag viral. "O di'ba, pero wag ka Erika di mo lang nakita yung machong nag-buhat sayo!" halos mapatalon pa sya sa tuwa sa kanyang pagkwekwento.

Tama lahat ng kinwento ko. Matapos mangyari yung kasal ni Azhi at Enxi ay agad na akong nag book ng flight papuntang China. Laking pasasalamat ko na lang at nahanap ang dalawa pang bomba. Ang sabi ng pulis non, delikado daw ang bombang iyon dahilan para mamura ko sya. Kailan pa ba hindi naging delikado ang bomba.

"Tas alam mo ba? Matapos ang nangyari sumugod si Lysander don sa Bar! Hindi ko alam kung napapanood nya ba ng Live yung video oh baka naman nalaman nya lang na nakauwi kana! Ewan! Wag na nating isipin ang letcheng yon." nanggigil na giit nito. "Hoy! Bakit ka tulala diyan?"

Tumingin lang ako sa kaniya. "Aruy, nahihiya ka noh? Ayan inom inom ka pa kase ng marami! Sadgirl of the year goes to you!" pumalakpak pa sya.

Inismidan ko na lang sya at tumayo na. Ang aga-aga nya akong ginising para lang sirain ang araw ko. Hindi naman sya nagkamali dahil nasira nya ngang talaga. Puro paninisi sa sarili ang naiisip ko ngayon. Kung hindi na lang sana ako uminom at pinilit na lang ang aking sariling matulog mula sa apartment ni Jerlyn Jay ay hindi na sana humantong pa sa ganoon.

Nakatakip lang ang aking kamay sa aking mata, pilit na huwag tinitignan ang view ng bahay na ito. Ni ano sa bahay na ito ay ayaw ko ng makita. Bakit ba kasi dito pa ako dinala. Naisip ko pa ngang masyado akong isip bata ng dahil sa ginagawa ko. Well, isip bata na kung isip bata basta ayaw ko lang makita ang bawat sulok ng bahay na ito.

Kung dati komportable ako dito ngayon ay hindi na, maging sa lamesa at sa labahan ng mga damit ay ayaw ko na ring makita pa! Nakikita ko sa aking imahinasyon ang istura ni Azhi sa akin noon na galit na galit sya sa akin. Maging ang mga ala-alang ayaw kong alalahaning muli ay sunod-sunod ng nagsilabasan sa aking isipan.

Ang pagsigaw nya sa akin.

"You're annoying!"

Ang ala-ala kung saan nakita ko ang mga damit nilang nagkalat-kalat lamang sa gilid ng bahay na ito, ayaw ko ng alalahanin ang lahat. "Ellaine, Help me!" saad ko, hindi pa rin tinatanggal ang pagkatakip sa aking mukha.

Narinig ko ang hakbang nitong patakbo. "Ayos ka lang?!" agad na bungad nito, hinawakan nya ang dalawa kong kamay na nakatakip sa aking mukha at pilit iyong tinatanggal.

"Don't!" reklamo ko. "Help me to get out of here without seeing anything." halos kapusin pa ako ng hininga.

I feel strange, I hate myself more now. Narinig ko ang malalim niyang pag-hinga at tsaka ako inalalayan upang makababa at ipinunta sa labas. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko na ang preskong hangin.

Ibinaba ko ang aking kamay at minulat ang aking mata. Bakit nga ba ako natatakot. I just smiled on myself. Tama nga ang sinabi ng iba na nasa huli ang pagsisisi, pinagsisisihan ko na kung bakit hinayaan ko lang si Enxi na agawin sa akin ang asawa ko.

Yumuko nalang ako ng mapag tanto kong hindi ko na nga pala sya asawa. "Erika are you okay?" may bahid na pag-aalalang tanong nito. Tinapik tapik nya pa ang aking balikat upang pakalmahin ako.

"Sa dami-dami ng pwedeng agawin at mawala sa akin, bakit sya pa? Bakit sya pa ang nawala at bakit sya pa ang inagaw?" wala sa sariling pagkatanong ko kay Ellaine.

I know to myself, na hindi ko na sana sila dinadamay pa sa mga kalungkutang nararanasan ko. "Sa bagay, paano naman sya mawawala at aagawin sa akin kung hindi naman talaga sya naging akin." I laughed sarcastically and then look at the blue sky.

Tangina Erika, pagod na pagod na ang isipan ko kaka isip sa mga nangyayari.

KASAMA ko si Sirui sa bilihan ng pampers, kanina ko pa sya pinagsasabihan na tigil-tigilan na ang pagsusuot nya kay Sheanna ng pampers dahil 7 years old na ito. Kinusilapan nya lang ako at tumuloy sa pagbibili. Natapos na din kasi kami sa usapan na nangyari kahapon, tinanong nya ako kanina kung totoo daw ba ang sinabi ko mula sa Video.

Tinawanan pa ako neto at tsaka nya sinabing wala daw akong pinag-bago, and when she said that. I remembered something. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Azhi noong High School pa lamang kami.

"Maraming may ayaw sa ugali mo dahil ampangit-pangit ng ugali mo! Pangit ka na nga pati ugali mo pangit din!"

"Walang nagbabago sa ugali mo pangit pa rin!"

Pinipilit ko namang ibahin ang ugali ko kahit ang hirap-hirap dahil nakasanayan ko na ang ganito. Isa rin pala sa dahilan ng pagpili nya kay Enxi ang ugali ko. Hindi pa rin papala ako nagbabago kaya pangit na pangit sya sa ugali ko.

Sunod-sunod ng nagsikuhaan nang litrato ang mga taong nakapansin sa akin. "Diyaan ka muna saglit kukuhanin ko lang yung mask." ani ko. Naguguluhanan naman sya dahil iniisip nya pa kung para saan ang facemask. Ng tumingin sya sa paligid ay doon na sya napa-tango tango.

Kinuha ko ang mask at sumbrero sa aking kotse at sinuot na ito. Nang makapasok na sa loob ay hinanap ko agad si Sirui. Lumapit ako rito ng mahanapan ko na sya.

Nakasibangot nanaman sya, tinignan ko ang tinitignan nya. Kumirot nanaman ang puso ko ng makita ko ang tinitignan nya pero agad ko din iyong iwinaksi. Hinila ko na lang ang kaniyang braso at hihilain sana sya para lumabas na lang at huwag na lang pansinin ang kaniyang nakikita pero umiiling-iling lang sya. "Let's watch them."

Sa huli ay sumuko na lang din ako at pinanood sila Enxi, mag mask o kahit may takip man sila sa kanilang ulo at mukha ay makikilala at makikilala ko pa rin sila.

Alam ko ang bawat tindig ni Azhi, sa palaging pagtitig ko sa kanya noon ay hindi ako pwedeng magkamali na sya nga ito at si Enxi.

Pinapanood nila ang mga batang naglalaro sa may Playground. Hindi ko man makita ang ngiti sa kanilang labi, kitang kita ko naman ang kislap sa kanilang mga mata. Niyakap sya ni Azhi sa likuran at hinaplos-haplos ang tiyan ng kaniyang bagong asawa.

I smiled bitterly, new wife? Tsk.

Parang may binubulong pa ito sa kanyang asawa dahilan para yumugyog ang balikat nito, tumatawa.

Ano pang dahilan at pinapanood ko sila? Kahit masakit na gusto ko pa rin silang makita, gusto ko nga rin sanang tanggalin nila yung mask para makita ko ang ngiti ni Azhi ganon rin kay Enxi.

May umbok na ang tiyan ni Enxi. Ilang buwan na rin ang tiyan nya, babae kaya ang anak nila? Sino kaya ang magiging kamukha ng bata sa kanila.

Kung may anak na ba kami noon pa man ni Azhi, ako ba ang pipiliin nya? Bakit ba kasi hindi ako nabuntis. At bakit hindi ako nagkakaanak. Sa tagal na naming magkasama ni Azhi bakit wala pa rin.

Baka may deperensya naman ako sa pagbubuntis, imposible namang si Azhi ang merong deperensya e. Magkaka-anak na nga sila ni Enxi. Baka imposible talaga ang mabuntis ako dahil lagi akong nabubugbog nung High School ako. Hilig pa naman nila akong suntukin sa tiyan.

Mas dumoble ang sakit sa aking isipan, hindi ako magkakaroon ng anak? Bakit ngayon ko lang naisip ang posibilidad na iyon? Gusto ko ring maranasan magkaroon ng sariling anak na manggagaling mismo sa akin. I wanted to be a good mother. Wala pa rin naman palang silbi kung sakaling wala akonh deperensya sa pagbubuntis dahil wala na si Azhi. Sa kaniya ko lang gusto magkaroon ng pamilya.

Ibinaling ko na lang ang aking atensyon kay Sirui, kanina pa pala sya nakatingin sa akin. Hindi nya naman siguro makikita ang reaksyon ko dahil nakatakip ang aking mukha.

Narinig namin ang mga tilian ng babae sa gilid.

"Sirui Chan!" sabay kaming napalingon sa lalaking sumigaw. Agad itong lunapit kay Sirui at niyakap ito. "Hoy! Sino to? Kabit mo ba ang lalaking ito?!" tanong nya sabay turo sa akin.

Tumawa ng malakas si Sirui at napahawak pa sa tiyan, samantalang parehas na magkasalubong ang kilay namin ni Casper na nakatingin sa isa't isa. Sinabihan nya akong lalaki. Mukha ba akong lalaki. "Gago. Siya si Yin!" nahihirapan pa syang bigkasin ang huling salita dahil natatawa nanaman sya.

"Ah si Yin, yung kinkwento mo sa akin. Hindi ko pa nakita mukha nyan e, tanggalin mo nga yang mask mo." utos nito.

"Wag. Hindi pwede!" palusot ko rito.

Mas lalo pang dumoble ang kaba ko nang makita kong paparating na si Thadeus, bakit ba naman kasi dito pa. Marami ang nakasunod sa kaniyang mga babae pero hindi nya man lang ito binibigyan ng ano mang tingin.

"Tanggalin mo na Yin!" pangungulit ni Sirui sa akin, tanging iling-iling lang ang ginagawa ko.

Nang mapatingin ako sa pwesto nila Enxi at Azhi ay nakatingin na sa akin ng diretso ito, matalim ang pinupukol nyang tingin na hindi ko mahulaan kung bakit. Natuod ako sa aking kinatatayuan ng si Thadeus na ang lumapit sa akin. "You look familiar." ani nito. Walang pasabi nyang tinanggal ang sumbrero at mabilisang ibinaba ang mask na nakasuot sa aking mukha.

Casper and Thadeus look shocked. Agad din nawala ang gulat sa kanilang mga mata ng unti-unti ng dumami ang mga tao sa paligid at nasa akin na lahat ang tingin ng mga narito. Maging si Enxi at Azhi ay natatakpan na rin nang mga babae.

Huminga ako ng malalim, sunod-sunod na pag flash nang ilaw ang nakikita namin. Hinawakan ko ang kamay ni Sirui maging si Casper ay hindi na napigilan ang mga babaeng pumunta sa akin para magtanong.

"Sya ba ang kapalit ni Lysander Miss Erika?!"

"Sya ba ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni Mister Lozano?"

"Wag mong sabihin na ikaw talaga ang may kasalanan kung bakit kayo nag-hiwalay!"

"Oo nga!"

"Sayang lahat ng awa at iniyak namin ng dahil sa nangyari sayo pero ikaw pala ang nangangabit!"

Umiikot na ang bawat paligid at ang mga paratang nalang nila sa akin ang aking naririnig. Masama ang tingin ni Thadeus sa mga babaeng nagvivideo ngayon. May mga guard na rin ang humaharang sa babae para hindi kami mahawakan pero meron paring nagpupumilit.

"Walang tinatagong relasyon si Yin at ang kaibigan ni Casper! Di porke't nakita nyo lang sila na nandito iisipin nyo ng sila at si Yin ang nangangabit?! Ang issue mo gaga!" inis na singhal ni Sirui habang nakatingin ng matalim sa mga babaeng narito.

"Sinungaling! Nakita ko noon sa labas si Yin kasama ang lalaking yan! Nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Yin!"

"Ikaw pala ang may kasalanan!!"

"Salot!"

Hindi ko dinamdam ang bawat sinasabi nila dahil wala namang katotohanan ang kanilang paratang, naalala ko lang na hinawakan ni Thadeus ang kamay ko non dahil binigay nya sa akin ang kwintas.

Nagtatakang tumingin sa akin si Sirui, "Hindi yan totoo!" hirit nito.

"Wala talaga silang relasyon!" awat naman ni Casper.

Nakatanggap na ako ng mga masasamang salita, bulungan, pagmumura nila at sumpa mula sa kanila.

Mas mabuti naman na siguro ang ganito na ako ang sinisisi nila sa lahat kaysa kay Azhi. Hindi na lang ako iimik at hahayaan ko na lang sila na paniwalaan ang hindi naman totoo basta lang maging normal ang buhay ni Azhi.

"Tama kayo."awat ko sa kanilang lahat.

Tumahimik ang lahat at nagugulumihanang tumingin sa akin. Meroong nakatingin sa akin na puno ng galit at meron namang naguguluhan at nagtataka.

"Yin! Ano ba!" sigaw ni Sirui pero hindi ko na sya tinugon.

Lumapit ako kay Thadeus at tsaka sya binulungan. "Ride me on my trip, I need you master." I whispered huskily.

Tumingin sya sa akin gamit ang nagtataka nyang mga mata pero pinanliitan ko lang sya ng mata. "Pumayag ka na lang, sabihin mong matagal na tayong may secret relationship. I need you, please help me Master. I'm begging you." Napapikit pa sya ng mariin halatang hindi sya makapaniwala sa naririnig nya mula sa akin.

"Nahihibang ka na ba! Sirui, bakit ba nagkakaganyan ang kaibigan mo?!"

"Yin please pakinggan mo kami ni Casper, sabihin mo sa kanila ang totoo!"

Umiling-iling lang ako habang na kay Thadeus pa rin ang paningin, nagmamakaawa ang matang ipinupukol ko sa kanya. Tumango-tango naman sya at tsaka naka cross arm na hinarap ang mga babaeng narito.

"Totoo ang lahat." Nagsimula ng magbulungan at magsigawan ang iba. "Matagal na kaming may relasyon." sabi nito at tumingin sa akin.

Lumapit sya sa akin at hinila ang aking bewang palapit sa kanya, hinapit nya ito ay nakakalokong ngumiti sa akin.

What.the.fvck.

Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa mukha ni Thadeus na nakapikit habang nakahalik sya sa aking ilong. Gustong-gusto ko syang itulak. Pero may tumitigil sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kaniya gamit ang gulat kong ekspresyon. Ng makuntento ay humiwalay na sya at namumungay ang kaniyang mata na nakatingin sa aking labi.

Tumigil ang bulungan at nakakabinging katahimikan ang namutawi sa lugar na ito, hindi ko binibigyan ng pansin ang iba maski sila Sirui dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Thadeus.

Halik lamang iyon sa ilong pero napaka big deal na non sa akin! Maging sa iba ay napaka big deal din nito sa kanila.

May narinig akong napakalakas na tunog mula sa aking tagiliran pero nakatulala pa rin ako sa ere, wala na sa harapan ko si Thadeus dahil parang may humila rito. Hindi ko naman nagawang sundan pa ng tingin kung saan sya nag punta dahil hindi pa rin nagsisink in ang lahat sa akin.

"Kaya pala."

Mas lalo akong nanigas sa aking kinatatayuan at hindi makatingin sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni Azhi. Malamig ang tono ng kaniyang pananalita at hindi ko alam kung ano ang reaksyon nya ngayon.

Napataas naman ako ng noo, at tsaka kinakabahang hinarap ito.

Para akong sinaksak nang sampong karayom ng makita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mata habang nakatingin sa akin. "Hindi mo kailangang itago ang katotohanan para lang iligtas ang pangalan ko!" pasigaw ngunit may diin na ani nito. "Hindi mo kailangang magpahalik para lang mapatunayan iyon! Hindi mo kailangan!"

Magpahalik? It's just on the nose. Bakit parang napakamakasalanan ng ginawa ni Thadeus dahil don.

Kinwelyuhan nyang muli si Thadeus at tsaka sinuntok muli. "Ano ba!" anas ko. "Matagal na kitang niloloko! Kaya balewala lang lahat sa akin." I said Coldly.

Nanginginig ang kaniyang labi maging ang kaniyang kamay, bumaling ulit sya sa akin. Kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. Gusto kong matawa sa naging reaksyon nya, bakit nakikitaan kita ng sakit sa mga mata mo Azhi kung talagang si Enxi ang mahal mo.

"Kung akala mong ikaw lang ang nagloko nagkakamali ka. Lolokohin mo palang ako. Naunahan na kita." kalmadong pagkasabi ko, I crossed my arm and look at the media. "Kaayawan nyo man ako wala na akong pakealam. I'm a cheater."

Nang titigan ko ang lahat, lahat sila ay naguguluhan at mukhang hindi alam kung ano ang paniniwalaan. I shrugged my shoulder. Inilahad ko ang kamay ko kay Thadeus upang tulungan syang makatayo. Tinanggap nya naman iyon.

Nakahawak ng mahigpit ang kanang kamay ko kay Thadeus at akmang aalis na sana ng biglang may humila sa aking kaliwang kamay. Alam kong si Azhi ito. Hinarap ko sya pero hindi ko sya tinignan sa mata.

Ayokong makita ulit na nalulungkot ang mata nya. Baka nagsisinungaling lang ang mata nya na nalulungkot sya dahil sa nangyari kanina. O baka naman nagpapanggap lang syang nasasaktan.

Hindi ko na pinagkakatiwalaan ang bawat ano sa kanya. Maging ang sinasabi nya ay hindi ko na pinagkakatiwalaan. I am afraid to trust someone again. Wala na akong pinagkakatiwalaan. Maging ang sarili ko ay hindi ko na pinagkakatiwalaan.

Nawala na lahat. Maging ang kaibigan ko ay hindi ko na rin pinagkakatiwalaan, nasasaktan ako dahil hindi ko man lang magawang pagkatiwalaan si Sirui at Ellaine gaya na lang ng tiwala na ibinigay nila sa akin. Pero naduduwag ako. Naduduwag akong magtiwala ulit.

I faced him without any emotion.

"Bitawan mo ako." utos ko rito.

Mas diniinan nya ang paghawak nya sa aking kamay. "Hindi ako naniniwala sayo! Kasasabi mo lang sa Bar kahapon na sinubukan mo akong ipaglaban at itigil ang kasal namin ni Enxi dahil mahal mo ako!" may halong hinanakit sa boses nito.

"Sinungaling ako kapag naka-inom ako ng alak." I said cooly.

Ansakit, I want to be alone right now.

"Pero totoong may bombang nakuha di'ba?!" giit nito. "Kailan ka pa natutong magsinungaling Yin?"

Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang kamay, nasasaktan na ako.

Wag mo naman na sana ako pahirapan Azhi. Ginagawa ko lang ito para sa inyo ni Enxi. At sa future ng magiging anak nyo. Ayaw kong lumaki ang bata na inaasar itong mang-aagaw ang kanyang nanay. Ayoko ng ganon.

Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay ni Thadeus at ginamit iyon upang ipang-tanggal sa kamay ni Azhi na mahigpit na nakahawak sa akin. "Matagal na akong nagsisinungaling sa iyo."

Nabitawan nya na ang aking kamay at ginamit ko na ang pagkakataong iyon upang makatakas sa lugar na ito. Napatingin pa ako kay Enxi. Masama ang tingin nito sa akin na para bang nais na akong patayin, But I just ignored her. Napatingin din ako kay Sirui na ngayon ay pilit na pinagsisink in sa kanya ang nangyayari. Ang mga babae namang narito ay umiwas na nang makitang dadaan ako. Ang kanilang mga istura ngayon ay naguguluhan sa nangyayari.

Hinila ko na si Thadeus papalabas, hindi pa sya nakakapagsalita ng suntukin ko na ang kaniyang mukha.

Tumabingi ang kaniyang mukha at nang mahimasmasan ay tinignan nya na ako ng naiirita na tingin.

"Hindi ko sinabing halikan mo ko sa ilong."

"Pero sinabi mong tulungan kita!"

"Hindi kailangan ang halik don." saad ko at sinuntok syang muli.

Binunggo ko ang kanyang balikat at tinalikuran sya.

Bakit si Thadeus pa rin ang napasama ngayong hiningi ko naman ang pabor na ito. Agad na dumaan ang guilty sa aking kalamnan. Malakas akong napabuntong hininga at hinarap sya.

"I'm sorry." ani ko.

"Forgiven." aniya.

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Poker face lamang sya at alam kong galit sya.

"I'm really really sorry."

"Forgiven."

Napaismid na langa ko at tsaka sya muling tinalikuran. Napahiya na nga sa Media si Thadeus pero parang kalmado pa rin sya at walang pakealam sa imahe nya.

************************************

A/N

Hindi po ako magaling sa pag-eenglish, pagpasensyahan nyo po ako kung meron mang mali ang grammar.

re•set