I was talking to my patient when Sirui poke me.
"Why?" I asked.
"Baby shower daw nila Lysander bukas." she said annoying.
"Oh. I can't wait see the baby's face." Deklara ko.
Kumunot ang noo nito ng balingan ako ng tingin. "Bakit parang masaya ka pa?"
"Hindi ba dapat?"
"Oo. Dapat isumpa mo sila na sana panget ang magiging anak nila!" nanggigil na saad nito.
Humalakhak naman ako. "Lysander is too handsome and Enxi is too beautiful, kaya paano magiging pangit ang anak nila? Liban na lang kung pinaglihian ka." biro ko rito.
Agad na umasim ang mukha nya. "Aba e, kung paglilihian rin naman nila ang mukha ko, sino ba sila bakit ang kapal ng pagmumukha nila." aniya
"Laki ng galit mo ah."
"Syempre! Bwisit yun e. Kung marunong lang talaga ako mangkulam, mata, ilong, bibig, leeg, ang tutusukin ko ng karayom sa kanilang larawan. Mga pakening shit sila." gigil nya.
Ngumiti na lang ako at tsaka itinuloy ang pakikipag-usap sa pasyente. "Kailan pa po ba sya nakakaranas ng ganito?" Tanong ko sa magulang ng pasyente. Umiling-iling naman sya na para bang problemado.
"Hindi ko po alam dahil busy po ako sa trabaho at ngayon ko lang nalaman na ganyan na ang nangyayari sa kanya." deklara nito.
Napa-poker face naman ako, gusto ko sanang ipamukha sa nanay na ito na kasalanan nya kung bat lumala ang kalagayan ng anak nya dahil hindi man lang nagawang bantayan ng mabuti ito, iniisip ko lang na baka may rason sya at wala silang sapat na pera para matustusan ang pamumuhay kaya hindi nya na napapansin ang anak nyang naghihirap sa sakit.
"Wala po kaming pera... Pero magbabayad po ako. Maglalaba lang po ako sa ibang bahay para mabayaran ang halaga na kakailanganin nyo..." nakayukong ani nito. Sumisinghot na rin sya dahil kanina pa sya umiiyak.
"Hindi nyo na kailanganang magbayad ako na ang bahala." kalmadong wika ko.
Isa rin siguro ito sa dahilan kung bakit di ako masyadong nakakapag-ipon ay dahil kapag may mahihirap na walang pangbayad sa pagpapagamot rito ay ako na mismo ang nagbabayad.
Well, I feel there pain. Tanging mayayaman lang ang hinahayaan kong magbayad ng wasto ayon sa kinauukulan.
Agad na umaliwalas ang itsura ng nanay ng bata at agad na lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Maraming salamat Hija!" aniya.
Tipid akong ngumiti at binalingana ang anak nya na kuryosong nakatingin sa amin ng nanay nya. Ibinigay ko sa kanya ang listahan kung kailan ang bawat punta nila rito.
Nakipag Hihg five ako sa bata at hinalikan ito sa pisngi. "Be brave, hmm?"
Ngumiti sya at nakita ko ang bungi nyang ngipin, napangiti naman ako dahil don. Umalis na ang mag-ina at nanliliit na matang tinitignan ako ni Sirui na para bang may mali nanaman akong nagawa.
"Why?"
"Wala ka na ngang pera e, ako na ang bahala magbayad sa babayaran ng mga yon." utas nya.
"Ako na... I still have two million in my bank account." ani ko.
Napahinga naman sya ng maluwag.
"Alam mo, naguguluhan si Casper at Thadeus ngayon." aniya.
"Bakit?"
"Kasi, pinilit sila ng mga magulang nila na tumira sa ibang bansa. At maghanap na daw sila ng mapapangasawa."
"Anong nakakagulong isipin don? Normal lang naman yon, baka gusto lang talaga ng mga magulang nila na magkaroon ng apo." depensa ko.
"Hinde e, bakit kailangang sa ibang bansa?"
"Malay mo, gusto ng magandang lahi kaya sa ibang bansa pinaghahanap ng mapapangasawa."
"Sinasabi mo bang mapapangit ang mga lahi rito sa Pilipinas?" taas kilay na pagkatanong nya.
Natatawang umiling naman ako. "Baka kasi gusto lang nila na blue yung maya o may lahing amerikana." depensa ko ulit.
"Hmp!" umirap sya at nagcross arm. "Sa bagay, may point sila." dagdag nya.
"Kamusta anak mo?" pangiiba ko ng usapan.
"Ayon, ipinunta ko muna sa Lola nya sa China. Masaya pa nga ang gaga e, wala daw panggulo kapag naglalaro sila ng lola nya ng barbie. Jusko! Pati sila masaya din." stress na pagkasabi nyo.
Mas lalo akong napahalakhak sa sinabi nya, laughing like there's no problem. Yeah. That's what I'm good at. Pretending.
"Anim na buwan nang buntis si Enxi di'ba? Tas tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung sumugod daw sya rito?" tanong nito na mukhang hindi pa sigurado sa huling tinanong.
Tumango ako sa tanong nya. "Mabuti na lamang at hindi nadamay ang bata sa kalusugan nya." wika ko.
"Tss. Gusto ko rin sanang isumpa yung bata, kaso nga lang wala naman syang kasalanan. Hays." nagpalumbaba sya at kumikinang ang mata. "Sana cute sya." aniya.
Kita mo to, kanina lang sinumpa nyang maging pangit. I chukcled, tumingala ako at hinarap ang kisame.
Jay Jay Millario.
Ngumiti ako sa aking naiisip, Naks.
Ambilis nang panahon parang kahapon lang nung sumugod si Enxi dito. Sa tatlong buwan na iyon hindi ko nakita maski anino nila.
Malapit ng manganak si Enxi. "At Yin! May sinabi sa akin si Enxi. Sabi nya invited daw tayo sa baby shower nya. At hihingi na rin daw sya ng paumanhin sayo."
"Paumanhin saan?".
Kahit papaano ay napangiti ako sa sinabi nya, well, kahit isipin kong kasalanan ko ang lahat gusto ko pa rin silang himingi ng tawad sa akin.
" ewan." She shrugged. "Hoy!!" nanlaki ang kanyang mata ng may matanto. "Ano yang halikan sa ilong na naganap sa Mall hah?!" sigaw nito, naagaw nya lahat ng atensyon ng mga taong narito at kuryosong nakatingin na sa amin ngayon.
Tinaas ko lang ang balikat ko at tinignan ang laptop ko. "Jusko Yin! Magsisinungaling ka na ngalang sa social media hindi pa kapani-paniwala."
"What do you mean?"
"Marami ang nagsabi na hindi daw kayo madalas magkita noon ni Thadeus at ayon sa stalker ni Thadeus dalawang beses palang daw kayong nagkikita, yun daw ang una nong nakalaban mo sya sa---" nanliit ang mata nya at nanghihinalang tumingin sa akin. "Kalaban? Ano nanaman bang kalokohan ang pinasok mo?!" tanong nya sabay pingot sa tenga ko.
"Aray, mas matanda ako sayo kayo ako dapat ang mamingot." reklamo ko.
Humalakhak naman sya na animo'y demonyo.
So, wala rin palang silbi ang pagiging hero ko sa Mall, nagmukha na tuloy akong sinungaling sa media. Buti na lamang at wala akong pake.
Bat ba naman kasi pumasok sa isipan ko ang pagpapanggap nayon.
Ng buksan ko kanina ang Instagram at Facebook ko, sunod-sunod na nagsitunugan ang notification ko.
Bakit kaya nya magagawang magsinungaling sa Media.
Baka naman gusto nya lang malaman kung nasasaktan si Lysander.
Dun talaga ako nabadtrip sa sinabi ng isa. Hindi ko nga masaktan si Lysander. Tangina nya ba. At tsaka hindi naman masasaktan si Azhi dahil don. Remember. He has Enxi.
"Sirui My cousin!"
Si Sirui lang ang lumingon, kagat kagat ko lamang ang aking hintuturong daliri at sumandal sa upuan. Alam ko na kung sino ang dumating, It was Casper. Boses nya palang ay pwede ng ipanglaban.
"Casper! Panget!" masayang bati nito at lumapit kay Casper. "Asan si Thadeus?"
"Ah eh, ayon pumunta na ng Spain. Utos ng Mama nya. Uhm kung mamimiss mo sya Erika isang taon lang naman daw sya don at babalikan ka nya." nakakalokong pagkasabi nito at kinindatan ako.
I cringed.
Narinig ko ang tili ni Sirui. "Oh my gash! Oh my god!" O.a na pagkasabi nito.
"Matutulog na ako." pampuputol ko sa balak pa nilang sabihin.
Dumukdok na ako at naririnig ko parin ang pang-aasar nila kaya inis kong tinakpan ang aking tenga.
I don't like Thadeus, kahit sya ay ganoon din. We don't like each other. Is just that. Argh. Bahala sila.
Isipin ko na lang kung ano ang ireregalo ko sa baby nila Azhi. Malapit ng manganak si Enxi. Inanounce nila na lalaki ang anak nila nung nakaraang isang buwan.
I'm happy now for them, and I'm now contented with myself. Not just myself. For something that I couldn't tell to everyone.