DALAWANG linggo na ang nakakalipas at wala pa rin ang nakakahanap kay Yin. Halos hindi na makatulog si Ellaine at Sirui para lang hanapin ito at kung saan saan na silang CCTV napadpad.
Ilang linggo ding kulang sa tulog si Sirui maging ang iba nitong kaibigan, ginugol nila ang kanilang oras sa paghahanap kay Yin.
Imposibleng makaalis na lang sya ng ganon kadali.
"Dalawang linggo ng nawawala si Yin, mag paskil na lang tayo ng-"
"Baka magalit sayo yon kapag bumalik. Sigurado naman akong babalik sya." pamputol ni Ellaine kay Sirui.
Nagcecellphone ito at kanina pa hinahantay na magreply si Yin sa text nya sa messenger, Online ito. Laking gulat nya pa ng makita nya itong online kanina.
'I'll be back at three months I promise. Hntyin ko lang gumaling mga sugat k. :>333' chat niito sa kanya.
Nakahinga naman sya nang maluwag, ikinwento nya ang mga ito sa kanilang mga kaibigan na hanggang ngayon ay hinahanap din si Yin. Hindi rin maipaliwanag ni Ellaine ang nararamdaman nya ngayong irita sa ginagawang pagtago nito.
"Guyss!"
Agarang naagaw lahat ng pansin ng magkakaibigan ng humihingal na pumunta sa kanilang harapan si Rochelle. "Hinuhuli nila si Yin ngayon!"
"Ano?!" napatayo si Ellaine at tinignan ng nagtatakang tingin ang kaibigan.
"Base rito, nakita sa CCTV ang mismong itsura ni Yin na sya talaga ang pumasok sa bahay nila Enxi noon." hapong-hapo ito at hindi alam ang unang sasabihin.
Naalarma ang magkakaibigan at binuksan din ang kanilang Cellphone upang tignan ang Issue. "Ang sabi sa balita. Yin is guilty."
Nabitawan ni Sirui ang hawak nyang cellphone at nakaawang ang labing tinignan ang bintana. Natampal ng noo si Ellaine dahil sa pagkadismaya.
"Nagtatago daw sya ngayon kase Guilty sya! Tinakbuhan nya ang batas." dagdag nito.
"Hindi! Pinapagaling nya lang ang kaniyang sugat." depensa ni Sirui.
"Kung ganoon, bakit hindi na lang sya sa Hospital magpagaling. Maybe Yin is really a guilt--" natigil sa pagsasalita si Cyrus at tinikop ang bibig ng makita ang masamang titig sa kanya ng mga kaibigan.
"She can't do that I swear!" utas ni Rochelle.
"I agree. We need to find the evidence, na she's not guilty." sang-ayon ni Sirui.
"But she need to face this and tell them the--"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Cyrus, kahit anong pagpapaliwanag ni Yin ay hindi maniniwala ang batas lalo na sa nakitang ebidensya." si Sirui na halos hindi na alam ang uunahin.
"Alam natin ang kaya nyang gawin kapag galit sya, baka ginawa nya talaga iyon." nagsitinginan kay Cyrus ang lahat.
"Naniniwala ka talaga kay Enxi? Sa bagay, baliw na baliw ka nga roon non e." sarkastikong pagkasabi ni Sirui.
"Nagsasabi lang ako ng opinyon ko!"
"Wala kaming pake sa opinyon mo at hindi ka namin tinatanong!" pambabara ni Sirui.
"Bakit masama ba magshare ng opinyon?!"
"Oo! Lalo na't galing sa demonyo." depensa ni Sirui.
"Tumigil na kayo!" sigaw ni Ellaine dahilan para mapatigil ang dalawa.
"It's either, she is guilty or she is innocent. Tama ka Cyrus. Yin is a devil when she got mad. And I hate her sometimes with that. Nakita ko na kung paano sya magalit. She's really a scarry like what Enxi's said. She almost killed our classmate back then. She can't control herself when she's angry." pahayag ni Ellaine. "And, I know that. Hindi nya kayang idamay sa galit nya ang mga taong wala namang kasalanan. O kaya balak nya lang saktan si Enxi at hindi ang bata." dagdag nito.
"She knows her limits Ellaine! She knows how to control her anger!"
"You didn't see her before. She was arrested before. But because of Ace connection and Ace popularty, and Ace money." nagkibit balikat sya. "I'm starting to hate her now. Kung inosente sya bakit hindi nya harapin ang media."
"Face the media? How? She almost killed by Lysander. You heard her cry in the cubicle didn't you?!" galit na sigaw rito ni Sirui.
"Dahil guilty sya kaya sya umiiyak."
Pinapanood lamang ni Rochelle at ni Cyrus ang nagaganap na away sa pagitan ng dalawang matalik na magkaibigan.
Umiiling-iling si Sirui, dismayado sa bawat salitang naririnig kay Ellaine. "So, you're now taking Enxi's side?" tanong nito gamit ang mahinang boses.
"Nakakinis na kasi sya! Palagi na lang syang mawawala sa t'wing kailangan na kailangan sya. At tayo namang mga tanga, hirap na hirap sa paghahanap sa kanya para lang malaman yung kalagayan nya tas malalaman lang natin na nagpapagaling lang pala sya sa sugat nya. Para na ring kapatid ang turing ko sa kanya pero bilang kapatid gusto ko ring itama ang ugaling nakakasanayan nya!" galit na galit nyang sabi.
Muling napailing si Sirui at tumingin sa kaniyang paanan. "Hindi mo sya kilala."
"Kilala ko sya. I know her more than you do!" anas nito.
"Kung kilala mo sya bakit--"
"Tama na!"
Napatigil na lang sila ng pumagitna si Rochelle sa kanila at inawat.
"Hindi nya gustong mag-away kayo ng ganito." aniya.
Napatawa naman ng sarkastiko si Ellaine. "Kung talagang ayaw nya kaming mag-away away edi sana narito na yon at hinaharap na ang problema nya."
"Nagpapagaling nga sya! Ikaw ba naman bugbugin ni Lysander!" si Sirui na halos maiyak na sa inis.
"Deserve." saad ni Ellaine dahilan para matuod sa kinatatayuan sila Rochelle. "If we find out that she did kill the baby. I'll be the one who will turn her down." binangga nya ang balikat ni Sirui at umalis.
Napaiyak nalang ng tahimik si Sirui at hindi na napapansin ang sunurang luha na pumapatak sa kanyang mga mata. Malalim na ang eyebags nito halatang hindi nakakatulog ng maayos.
"She's innocent right?" tanong nito kay Rochelle at Cyrus.
Napakagat sya ng labi ng makitang hindi makasagot ang dalawa dahil nag-aalinlangan pang sabihin ang kanilang opinyon dahil alam nilang hindi nya rin magugustuhan ang sasabihin nila.
Tumango-tango sya na para bang naiintindihan ang lahat kahit hindi.
"Gusto ko syang mayakap. Alam kong malaki ang problema nyang hinaharap ngayon. Gustong gusto kong ipakita sa kanya na merong taong handang pakinggan sya sa inaing nya. Pero paano? Inilalayo nya na ang sarili nya sa amin na para bang wala na syang tiwala." bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. "Kasama ko nga sya paminsan minsan pero parang hindi rin. Dahil alam kong sinusubukan nya lang makisama sa akin ganon na rin sa iba. She didn't trust anyone. She didn't trust me. She didn't trust us. Her trust faded." itinaas nya ang kanyang damit at doon na lang suminga.
Natawa sya sa ginawa nya, pero si Rochelle at Cyrus ay nanlalambot sa sinasabi nito. "Jerly Jay, promised. Pinangako nyang, ipapakita nya sa lahat na hindi kayang pumatay ni Yin ng inosenteng bata. Kampante na ako sa pangakong iyon. Kapatid yun ni Ace e." ngumiti sya sa dalawa nyang kaibigan. "Salamat sa pakikinig, bye. Wag sana kayong malunod" aniya at akmang aalis na ng mapahinto sya ulit. "Oh! Hindi pala nalulunod ang plastic. Lumulutang." mapang-asar na wika nito at tsaka nagflip hair pa sa harap ni Cyrus na para bang sinasabing may buhok syang mahaba at si Cyrus ay wala.
Enxi Damian's Point Of View.
"You're so Cruel!" bungad ni Athena sa akin.
I can't help but smiled.
"Stop this bullshit Enxi." I see anger in Melicia's eyes. "Hindi ko alam kung bakit ka humantong sa ganito. Kararating ko lang at malalaman kong nagsinungaling ka sa lahat!" she look so pissed.
I don't give a damn care right now.
Maging si Athena ay nakonsenya sa nangyari kay Yin. Maging ang isa kong kaibigan na si Krizelle. But me? Not even an inch.
"She cried in cubicle. Narinig daw iyon ng mga humabol sa kaniya." si Athena at tumingin sa akin na para bang kinokonsenya ata ako.
She cried? In cubicle? Woah... That's new.
"I'm gonna tell it to po--" I look at Melicia.
I gave her a dangerous look.
"Tell it. Hindi mo alam ang hahantungan mo." wika ko at tsaka binaling ang tingin kay Athena. "Khane Lozano really died."
"Hindi sya totoo!"
Hinagis ko ang basong may laman ng tubig sa kanyang tagiliran. "I have a twin!" giit ko.
"How?!" gulantang tanong nito.
"Nakuhanan ako noong sinugod ko sya. Sya ang dahilan ng pagkamatay ng isa kong anak. At dapat lang syang magdusa sa ginawa ni Lysander dahil sya talaga ang pumatay sa anak ko!" gigil na ani ko.
Nangangati ang kamay kong masampal syang muli. She's the one who should blame. Sya ang may kasalanan ng lahat. It was her fault.
Kasalanan nya.
"Bakit kasi sumugod ka?" nagugumilahanang pagkatanong ni Melicia.
"I found out, that Lysander slept with Yin's apartment." I said coldly and took another glass of water.
At ang sugat na ipinakita ko sa lahat ay peke lang, Yin deserve more pain. She killed my Son.
Itinikom nila ang kanilang bibig, ayaw na nilang magsalita pa dahil alam nilang mainit ang ulo ko ngayon. At first. Naawa pa ako kay Yin, meron din akong konsensya sa kanya. Pero nung pinatay nya ang anak ko ay hindi ko matanggap.
Tinatatak ko pa rin sa isipan ko na si Yin talaga ang pumatay sa anak ko. Alam nya ng asawa ko si Lysander pero natulog parin sila sa iisang apartment.
Hindi ko na rin sinabi kay Lysander na alam kong natulog sya sa apartment nito. Gusto ko syang pagdudahan sa lahat. Pero nang makita ko kung paano nya bugbugin si Yin dahil sa nalaman nito ay natuwa ako. Pinatunayan nya sa aking hindi nya mahal si Yin.
Yeah... If he loves Yin. Hindi nya dapat yon sasaktan. Yon ang alam ko sa kanya.
And he never hurt me physically.
Bakit nga ba nagkakaganito na ako. Bakit nagiging heartless na ako pagdating sa dating asawa ni Lysander. Nagseselos ako, pinatay nya ang anak ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag maghiganti sya sa akin ay wala akong laban. Natatakot ako na baka bumalik sa kanya si Lysander. Pero noon yon. Narealized ko na ngayon kung gaano nya ako kamahal.
It just that, I can't forgive her what she did. Nakikipaglandian sya sa asawa ko non kaya ko sya sinugod. At kung hindi sya nakikipaglandian sa asawa ko ay hindi rin mamatay ang anak ko. Balak ko pa sana nong sabihin kay Lysander at isurprise sya na kambal ang anak namin tapos bigla-bigla na lang akong makukunan. Nagpapasalamat ako at meron pa akong isang anak.
Pinipigilan ko na lang huwag maluha sa t'wing inaalala ko silang magkapatid. Magkamukhang magkamukha ba sila?
Ansakit.
Hindi dapat ako nangungulila andiyan pa naman ang isang baby sa tiyan ko. Khane Javier ang ipinangalan ko sa namatay kong anak at Kiel Javier sa nabuhay.
I love them both.