Naalimpungatan ako, nag-inat inat ako at inangat ang tingin sa kisame. Sana ngayong pagkagising ko ay panaginip lang ang nangyari kagabi. But my hope is slowly faded when I realized that his here. Sleeping under my bed.
Kinurot ko ang aking braso at mahinang sinabunutan ang sarili. I should be mad at myself, I let him fvcked me even I knew that he has a wife. Tanghali na ng pumunta sya dito at ng matulog kami ay umaga na kami nagising. Dala na rin siguro ng sobrang pagod at hindi na namin nagawa pang kumain.
I went to the kitchen and cook for our breakfast, kailangan nya munang kumain bago umuwi. Aakto na lang ako ng parang walang nangyari.
I cook pancake. Ito lang ang pinakamadaling nakita kong lutuinkakain youtube. Hindi ako masyadong magaling magluto kaya sana naman ay pagpasensyahan nya na ito.
Inayos ko na ang lahat sa lamesa maging ang kubyertos.
Nang maayos na ang lahat ay naupo na lamang ako sa upuan at hihintayin syang makalabas gaya na lang ng lagi kong ginagawa dati nung akin pa sya. Bumilis ang kaba ng makita kong gising na sya.
May hinahanap sya at ng tumingin sya sa akin ay tila ba dismayado sa nakita nya. Ineexpect nya ba na si Enxi agad ang makikita nya? Kumislot muli ang aking puso. Bakit nga ba ako mag aasume na maeexcite syang makita ako e' lasing lang naman sya kahapon kaya may nangyari sa amin.
Kalahati ang saya na nararamdaman kong narinig ko kahapon na nagseselos sya kay Thadeus at kalahati din ang kalungkutan dahil alam kong lasing lang sya at di nya alam ang sinasabi nya.
Ang hirap nang basahin ng kilos nya, kung dati alam na alam ko kung nagsisinungaling sya ngayon ay hindi ko na alam.
Alam ko noon kung nagsasabi ba sya ng totoo at hindi, sa kalagayan ngayon ay hindi ko na alam kung paano sya magsinungaling. Parang lahat kasi ng sasabihin nya sa akin ay wala ng katotohanan. Ganito pala ang mawalan ng tiwala, kahit na ipilit nilang totoo ang lahat pero dahil wala ka ngang tiwala ay hindi ka naman maniniwala.
Dismayadong dismayado ang itsura nya, hindi talaga ako ang inaasahan nyang makita. Pumunta sya papalapit sa akin at kinuha ang tubig sa lamesa.
Hinihiniling ko lang na sana ay wala syang maalala sa nangyari kagabi.
"How I ended here?" he ask.
Baritono ang boses nya at hindi ito ang nakasanayan ko noon. His voice isn't like this before when he's talking to me. If he talk to me, para syang bata na naeexcite sa akin t'wing kausap ako. But now? Ofcourse. Everything will changed.
Hindi sa lahat ng oras mahal nya ako. Minahal nya nga ba talaga ako? O gaya na lang nang dahilan na lagi kong naiisip na ginagamit nya lang ako para makalimutan si Enxi. Kung ganoon bakit parang sincere sya sa mga sinasabi nya sa akin noon.
Ang hirap, ang hirap na alamin ang mga kasagutan. Gusto kong tanungin sya kung minahal nya ba talaga ako.
"How?."
I looked at him then sighed, I shrugged and sipped my coffee.
Tinignan nya lang ang pancake at tinalikuran na ako. "Enxi will need me." he declaired.
Pumunta na sya sa pintuan at paa-paang lumabas.
Tinignan ko ang pancake na niluto ko, ilang beses ko na sya nilutuan pero hindi man lang sya tumitikim kahit na pasadahang tikim lang.
I felt pain.
Ang dali-dali lang sabihin ng pain pero ang iba talaga ang epekto sa kaloob-looban. Malakas akong bumuntong hininga at inayos na lang ang lahat. Inilagay ko sa Ref ang Pancake na hindi man lang ginalaw ni Azhi. Ako na lang ang kakain mamayang hapon.
Papasok na ako sa trabaho ko ngayon, ayoko namang maging pabigat sa mga ito at baka masesante pa ako sa trabaho.
Sa dami kong absent, it's miracle that they didn't fired me. Wala man lang silang sinasabi about sa mga absent ko.
"Yin!" agarang bungad sa akin ni Ellaine at niyakap ako. "Alam mo ba sumugod dito kahapon si Enxi at tinatanong kung nasaan ka dahil baka kasama mo daw si Azhi, pero syempre di ko sinabi kung saan ang apartment mo bahala sya letche sya." nanggigil na wika nito. Umakto pa sya na tinitiris tiris nya si Enxi gamit ang kanyang daliri.
I just smiled.
Sinuri ko si Ellaine, kung tititigan para lang syang loko-lokong tao, but if you know her true identity it will shock everyone. Except me.
I know her since then. She looks simple. Mukha lang syang may kaya.
Naupo na ako at hinihintay ang isa kong pasyente, may sakit itong PSTD. Karamihan sa mga naririto ay puro may PSTD.
I can't blame them, nagkaroon din ako ng PSTD noon, mabuti na lamang at nalagpasan ko rin.
"Erika Millario!" agad napukaw ang atensyon naming mga naririto.
Napatingin ako kay Enxi, namumula ang kanyang mata maging ang kanyang ilong. Galit na galit sya.
Tumayo ako at humingi nagpaalam muna sa pamilyang narito, tumango naman sila na mukhang naiintindihan ang sitwasyon. Lumapit ako kay Enxi at naguguluhang tinignan sya.
Did she cry? Fvck. It's not good on her health.
Napaawang ang labi ko at tumagilid ang aking ulo ng sampalin ako nito, tanging tunog na lang nang pagkasampal nya ang naririnig rito.
Masama na ang tingin ni Ellaine kay Enxi at alam kung anumang oras ay susugurin nya na ito, kaya inunahan ko na sya. Sinenyasan ko sya na huwag na ituloy ang kanyang balak.
Naintindihan nya naman ang nais ko ngunit matalim pa rin ang ipinupukol nyang tingin kay Enxi.
"Don't stress yourself. It's not good at your baby." utas ko.
She just look at me with sorrowfull in her eyes. She looks so pissed.
"Let just talk about what you want to talk if you're in a good stable." I added.
Isang sampal na naman ang namutawi sa aming pagitan. Even she hurt me. Hindi ko sya papatulan. I'm thinking about the baby in her womb.
"Alam mong asawa ko na si Lysander pero nilalandi mo pa rin sya?! Bakit kayo magkasamang natulog sa iisang apartment?!." she screamed.
"He's drunk." I said calmly.
"Woah... Baka pinagsamantalahan mo ang pagiging lasing nya!" aniya at sinabutan ako.
Sobrang lakas nang pwersang ipinupukol nya. Akmang lalapit na sana si Ellaine pero sinenyasan ko ang lahat na walang magtatangkang lumapit.
Isinasagad nya ang aking ulo sa baba. Natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa pananakit ni Enxi, natatakot ako sa mangyayari sa anak nya.
Hinayaan ko lang syang sabunutan at pagsasampalin ako hanggang sa mapagod sya. "Alam mo namang kasal na kami di'ba?" napawi ang galit sa kanyang boses at napalitan ng pait.
I nodded, So, kung alam kong kasal na sila ngayon. Bakit sya noon, alam nyang kasal kami ni Azhi pero anong ginawa nya?.
Ang sarap sigurong isigaw lahat ng sama ng loob sa kanya noh? Ang sarap siguro isigaw at ipamukha sa kanila na sila yung unang nagkamali. At sila ang may kasalanan sa lahat.
Pero bakit ko nga ba sila sisisihin? Bakit ko nga ba sila sinisisi sa tadahanang kinalabasan namin ni Azhi.
Pumayag namana ko di'ba, hinayaan ko lang sila. Hinayaan ko sila at pinanood ko lang kung paano unti-unting nawawala ang lahat sa akin. Kung gusto ko naman talagang maging kami ni Azhi sa huli, dapat ginawan ko yon ng paraan. Kami naman ang gumagawa ng tadhana. Kung talagang gusto naming umabot hanggang sa huli.
Paano nga ba kami aabot ng huli, kung ako lang naman ang may gusto na manatili, ako lang.
Umiyak siya sa harapan namin at pinapamukhang ako ang may kasalanan.
"Ako naman talaga ang mahal nya e' hindi ikaw. Kami talaga ang para sa huli umeksena kalang!" bulgar nya. "Tanggapin mo na lang kase na hindi ka nya minahal at ako lang ang mahal nya!" matapang na wika nito.
Tumango tango na lang ako sa mga bawat salitang sinasabi nya. Para akong sinampal ng katotohanan. I badly want someone right now to understand wha I'm feeling, i badly want my Ace now. But reality slap mw again. Ace is died. How can he cheer me up?.
Oh. In heaven I guess.
Umayos na ako ng tayo at yumuko ng bahagya. "I'm sorry, I should go... Take care of your baby... " I stopped, thinking if I should continue my word. "And take care of Azhi." I forced a smile then walk away not minding someones look.
I need a rest, I want a peace.
Naisip ko na minsang tapusin na lang ang buhay ko, pero kung tatapusin ko ba ang buhay ko mawawala ba talaga ang problema? O ako lang ang mawawala pero hindi ang problema. Maiiwan ko lang ang problema pero hindi naman yon mawawala. Magmumukha lang akong mahina dahil sasabihin nilang ganon lang iyon at ambabaw naman ng dahilan ko.
Mababaw para sa kanila, para sa mga taong dumadanas din ng gantong sakit tulad ko. Hindi.
Tinakbo ko ang kotse ko at pinaandar iyon papunta kung saan ko sinadya ang madisgrasya. I didn't regret what I did. Kung sana namatay na lang ako non.
Pumunta ako kung saan inilibing si Ace. Ang ganda ng pinaglibingan sa kanya. Parang ginawang bahay. Hinawakan ko ang pangalan nyang naroon.
Noon pa man sinabi nyang kapag namatay sya ayaw nyang icremate. Kaya hiniling ko sa mga magulang nya na wag na syang icremate at ilibing na lang. Ngumiti ako sa harap ng lapida nya.
Nanghihinayang ako sa bawat nangyari, masyado pang bata si Ace para mamatay. We still young when he left me.
Im just 16 that time while he's 17, when he died.
Hindi pa rin ako naniniwalang patay na sya pero ano ang ginagawa ko rito? Kitang kita naman na bangkay nya ang inilagay rito noon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na patay na sya. Kung kaya ko lang ibalik ang oras.
I wanna reset.
I want to go back, Gusto kong bumalik sa mga panahon na si Ace lang ang mahal ko. Na sya lang ang prinoproblema ko. Ayoko na sa panahong ito, sa panahon kung saan nagmahal ako ng iba pa bukod sa pinangakuan kong mamahalin ko habang buhay.
Even Ace died, I won't stop loving him. I still love him. This place where he burried is my Comfort. Ang bahay din namin dati ni Azhi ay Comfort din, kaso nga lang, hindi na ngayon. Nakakatakot na ang pumunta roon. Wala naman akong magandang dahilan para matakot don, pero bakit ganto na lang ang takot ko na pumunta ron.
Naupo ako sa sahig at pinagmasdan na lamang ng mabuti ang kanyang lapida.
Sana ako na lang ang namatay noon at hindi sya. Sayang at may patutunguhan pa sya samantalang ako wala na. Walang wala akong patutunguhan, pati yung taong dahilan kung bakit ako lumalaban ay iniwan na rin ako. May mahal palang iba. Mahal pa rin papala ang dati nya.
Sobrang mapaglaro ang tadhana, nakakatangina lang. Tanginalang naman.
"Ace, Kung buhay ka pa ba. Tayo ba hanggang huli? Kasal na ba tayo ngayon?." I ask.
Tumingala ako upang tigilan ang mga namumuong luha sa aking mga mata. Thanks god it's effective. Napigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
I don't want to cry this way, ayokong umiyak sa harap mismo ni Ace. Iiyak na lang ako kapag ayos na ang lahat. Dapat ganon. I shouldn't cry, wala pa naman akong karapatang umiyak dahil kasalanan ko kung bakit nagkakaganto ang lahat. Wala din akong karapatang maging mahina. Wala. Wala.
Gusto kong yakapin si Ace at sabihin sa kanya kung gaano na kahirap ang nangyayari sa buhay ko. Sa t'wing masaya ako at sa t'wing may oras ako lagi akong pumupunta rito at kinwento sa kanya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Bakit ngayon ay nahihirapan akong sabihin sa kanya na nakakapagod na.
Antagal na ng panahon ng mamatay sya, ilang taon na. But I still miss him.
"I miss you." I whisper to the air like he can hear me.
I'm tired of hoping that someday, Azhi and I will have a baby. All of my hope faded. When I realized to myself that I can't be pregnant. Hindi na ako nagpapakunsulta sa Doctor dahil alam ko naman na ang kasagutan.
Baka hindi talaga pabor sa akin ang magkaanak.
I wish Enxi will be fine.
And I wish that everything will be fine.
And I wish, I won't get mad at Azhi when the times come that I didn't love him anymore.
Ayokong dumating ang panahong magagalit ako sa kanya at tatanungin sya kung bakit nagkaganito. Ako na lang dapat pa ang maghirap.
That's how much I love him.