Disyembre 21
Gabi na ng makauwi ako sa pilipinas. Alas-dose na at saktong saktong December 21 na. Sa tatlong buwang nakakalipas ay napakaraming nangyari sa buhay ko. Hindi ko na nga alam kung ano pa nga ang dapat kong isipin o problemahin sa mga iyon, dahil kahit anong gawin kong pag-iwas ay kailangan ko pa ring harapin at pagtiyagaan ang problemang nagawa ko. Ako nga ba?. Ako nga ba ang gumawa ng problema? Maybe.
Ngayon lang ako nakarating dahil pinamadali ko talaga ang pag flight dahil nong isang araw ko lang nalaman na ikakasal na pala si Azhi. Kay bilis ng pangyayari, parang kahapon lang nang malaman kong buntis si Enxi. Pero ngayon malalaman ko na lang agad-agad na ikakasal na sila. Hindi ba't masyadong madali para don?.
Ayoko pa matulog dahil marami pa akong balak gawin, pero gusto ng tumumba ng sarili ko. Sinubukan ko pang tumayo pero ang mata ko ay di nakakasabay dahil hindi ko maibukas. Nagtimpla ako ng isang tasang kape upang hindi makatulog, pati sa pag-timpla ko ng kape ay lumilihistro sa akin ang itsura ni Azhi at Enxi na nakangiti sa isa't-isa. Pinikit ko ng marahan ang aking mga mata at pilit na iniiba ang aking imahinasyon.
Ilang araw na akong hindi nakatulog, at hanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin ang sarili kong huwag makatulog dahil buo na ang desisyon ko na ipaglaban si Azhi. Gusto ko pa sanang sugatan ang pala-pulsuhan ko para naman mas magising ako sa ulirat ngunit maging ang katawan ko ay naghihina na rin dahil sa kapuyatan.
Buong-buo na ang desisyon ko at pipigilan ko ang magaganap na kasal hanggang sa makakaya ko. Lumihistro naman ang imahinasyon kong itsura ni Azhi na nakangiti sa akin, Ngunit tuluyan na akong natumba at nahilo hanggang sa makatulog.
NANG magising ako ay hindi ko na alam ang gagawin ko, halos hindi na ako magkanda mayaw sa pag shower at pag toothbrush maging ang pagbihis ko. Nang tumakbo na ako papalabas, napansin kong baliktad ang suot ko. Maging ang suot kong pantalon ay baliktad rin.
Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na iyon pinansin pa, pati ang suot kong tsinelas ay magkaiba pa. Pero agad din akong bumalik sa loob at kumuha ng sumbrero. Ng maisuot ko ito at nagmamadali ulit akong lumabas.
Agad akong pumara ng Taxi. "Bilisan mo!" sigaw ko dito at tsaka niyugyog ang balikat nya mula sa likuran ng makapasok na ako sa backseat.
"Ma'am madidisgrasya po--"
"Wala akong pake please lang manong." Pamputol ko sa sasabihin nito.
Napakamot naman ito ng noo at tsaka pinaharurot ang pagdridrive nito ng makapunta na kami sa tapat ng Catalina Hotel ay halos manlumo pa ako ng makita ko kung gaano kadami ang mga taong nasa labas. Halos lahat ay may hawak na sari-sariling pamaypay. Naisip ko pang pumunta lang ang iba diyan upang makichismis. Dahil halata naman sa pagbubulungan nila.
Paano ako makakapasok sa loob?
Agad lumiwanag ang mukha ko ng maisip ko ang bintana sa kusina. Tumakbo ako papuntang likuran at wala na akong pake kung sino pa ang makabungguan ko. Meron pang nagreklamo at minura pa ako.
Hindi ko na sila binigyan ng pansin at nagmamadaling binasag ang salamin ng kusina nila ng makarating ako, wala namang nakakita sa akin dahil busy sila kapapanood sa Projector, umakyat ako ng dahan-dahan, sinasamantala ko ang pagiging busy nila sa panonood sa magaganap na kasal.
Ng makapasok ako ay may likido akong nararamdaman sa aking paanan. Nang tignan ko iyon ay patuloy na sa pag-agos ang dugo mula sa aking paanan.
Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at mabilisang itinali ang paa kong nabubog mula sa salamin ng bintana na binasag ko.
Akmang pupunta na sana ako para tigilan ang nagaganap na kasal ngunit may napansin akong kakaiba sa may gilid. May itim na bag dito at napapansin ko ang ilaw na kulay pula. Napakunot naman ang noo ko dahil rito.
Nagmamadali akong lumapit doon ngunit halos mangatog ang katawan ko ng makita kong bomba ang nasa loob nito, 20 minuto pa bago ito sasabog. Agad akong naalarma, delikado ang mga narito lalong lalo na sila Azhi maging si Enxi at ang dinadala nyang bata.
Nagmadali akong tumakbo at tumalon sa bintana bitbit ang bag na may laman na bomba. May nakakita pa sa akin at tinignan ang hawak kong bag. Iniisip siguro nito na magnanakaw ako. But minding her is least of my worries now. For fvcking sake. Kailangang maitigil ang pagsabog ng bombang ito.
Nang makalabas na ako ay ipinunta ko ito sa Police station na nalalapit lang rito. Wala akong alam sa pagkalikot sa mga bomba. Kaya kailangan ko ang tulong ng pulisya. Nang mkarating na ako sa Police station ay hingal na hingal pa ako at hapong-hapo. Ibinaba ko sa desk nila ang bag at nakakunot noo namang pinasadahan ng tingin iyon ng Isang Poilce.
"May bomba sa nagaganap na kasal nila Enxi Damian at Lysander Lozano." saad ko habang nakayuko. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng sumbrero at ng hindi nila ako makilala.
Binuksan nila ang bag at agad na nataranta, tinawag nya ang iba pang mga pulis. "Maaaring hindi lang isang bomba ang nilagay sa lugar na iyon." singhal ng isa sa kanila.
"Leonardo! Patigilin mo ang bomba!" sigaw nung isa sa kaniya.
Lumapit naman ito at pinagpapawisan pang tinititigan ang bomba. "Ako na ang bahala dito at hanapin nyo pa ang ibang bomba, imposibleng isa lang ang nandon." utos nito.
Naalarma naman ako dahil sa sinabi nito, Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil mabilisan ulit akong tumakbo papunta sa bahay nila Azhi. Pagod na pagod na ang tuhod ko, itinulak ko na lahat ng mga humaharang sa akin na halos sumpain pa ako ng kamatayan.
Nang makapunta na ako sa likuran ay umakyat na ako sa kusina, kung saan binasag ko ang salamin na nakaharang dito. Napangiwi ako sa hapdi ng mahawakan ko ang bubog habang umaakyat dito, pero hindi ko na ininda pa.
Daan-daang katanungan ang tumatakbo sa isipan ko ngayon, paano kung hindi namin mahanap ang mga bomba? Paano kong mahanap nga namin pero huli na ako dahil tapos na ang kasal?
Sa ngayon ay isinantabi ko na ang hangad kong pag-pipigil sa kanila dahil mas mahalaga ay matanggal ang bomba na narito upang walang masaktan.
Lumakad na ako ng dahan-dahan at umakyat sa taas para mag-hanap ng bomba, baka sakaling dito nila inilagay sa kwarto-kwarto. Kung iisipin ay mukha akong magnanakaw. Ngunit wala namang pumapansin sa akin dahil busy sila kakatutok sa panonood sa kasal ni Azhi.
Andito na ako ngayon sa taas ng kwarto ni Lysander ngunit napatigil ako sa pagmamadali at huminto, kitang-kita ko rito ang napakalawak na salas nila. At ang salas na pinag-gagamitan nila ngayon ng kasal nila.
Nawala sa isip ko ang paghahanap sa bomba, nakaramdam na ako ng pagod at pananakit sa paanan maging sa kamay ngunit walang pikit ko pa ring sinusubaybayan ang dalawa sa baba na nakangiting nakatitig sa isa't isa.
Iginaya ko ang tingin ko sa iba, Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na ang mga pulis sa gilid na pilit na nakikipag-excuse sa mga harang na tao at may dala silang aso. Alam kong hindi ako bibiguin ng mga pulis na iyon.
Nawala din ang ginhawang naramdaman ko ng sunod-sunod ng lumihistro sa aking isipan ang katotohanan. Unti-unti na akong nakaramdam ng kirot sa puso ko, kung kanina ay kaba ang nararamdaman ko ngunit napalitan iyon ng kirot, tinignan ko ang kalagayan ng dalawang ikakasal, nakangiti pa rin sila na animo'y walang problema.
Pero kung alam lang nila na may naglagay ng bomba sa kanilang kasal makakangiti pa rin ba sila ng ganiyan? Mabuti na lamang at natagpuan ko ang isa. Pasalamat na rin sa mga pulis na ngayon ay may dalawa ng hawak na itim na bag. Hindi na nila ininform ang lahat dahil tiyak na ayaw din nilang masira ang nagaganap na kasal. Mabuti naman at hindi na mamomroblema si Azhi na dapat sana ay problema lang nila. Ano pa bang magagawa ko? E, ang hilig hilig kong sumapo ng problema ng iba.
Kitang kita ko ang pagkislap ng mata at ang hindi maipintang ngiti ni Enxi, napaatras ako. Hindi ko alam kung bakit ako umaatras. Patuloy lang ako sa pag-atras habang umiiling-iling na nakatitig sa kanila. Bakit nga ba ako umaatras?, bat ako aatras? Akala ko ba buo na ang desisyon ko na ipaglalaban ko sya? Bakit ngayong nakita ko na sila ay umaatras ako.
Lahat ng tapang ko ay nawala na. Umurong na lahat ng tapang na nararamdaman ko simula pa nong naisip kong pumunta dito. Napuno na naman ng salitang bakit ang isipan ko. Bakit ba ganito. Bakit nanghihina ako?
Late na ba ako?
Natawa ako ng peke ng marinig ko ang ginawang pangako ni Lysander, kung titignan mas mukhang sinsiro si Azhi sa pangako nya ngayon kaysa sa pangako nya noon. "I, Lysander Javier Lozano promising to protect you always, love you always and be with you forever. I'll give you a good life." Saad nito habang isinusuot ng dahan dahan ang singsing.
Huli na nga ako, grabe. Kung kailan ko pa naisipang maging matapang dun pa ako naduwag. Kung kailan naisip ko ng ipaglaban sya. Ang sakit tangina.
Agad ko ng narinig ang sigawan, mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Enxi at tsaka kinuha ang Mic na hawak ni Azhi. "I am Enxi, I promise I will be well with my rule as your wife, and promising to be with you in difficult and comfort."
Napaismid ako, dapat lang. Huwag na huwag nya lang sasaktan at papaiyakin si Azhi dahil hindi ako magdadalawang isip na pakealaman ang relasyon nila kung sakaling mangyari iyon.
Sunod-sunod ko na ring narinig ang mga pagsigawan sa labas, mukhang tuwang-tuwa ang iba sa nagaganap na kasal.
"Will you promise to love her better for worse for rich or for poor until the end"
"Yes I do." saad ni Azhi habang na kay Enxi lang ang titig.
"You, will you promise to love her better for worse for rich or for poor until the end." saad muli ng pari.
"I do, father."
Gustuhin ko mang ipaglaban ka hanggang huli Azhi pero paano? Paano kita ipaglalaban sa pamamaraan ko. Paano. Hanapin mo lang ako Azhi, lumingon kalang sa akin. Ibaling mo lang ang atensyon mo sa iba, ipaglalaban kita. Hanapin mo naman ako, kahit ngayon lang.
Wag mong iparamdam sa akin na masyado mong mahal si Enxi para hindi mo na mailingon ang tingin mo sa ibang direksyon. Please. Hanapin mo ako.
Ngunit hindi sya lumilingon. Ni isang lingon man lang ay wala, Tanging nakay Enxi lang ang atensyon nya na animo'y isa itong napakahalagang babae na hinding hindi nya kayang mawala.
Look Azhi.
" You may now kiss the bride."
Sabay ng pagpalakpak ng mga tao at ang sigawan ng mga taong nasa labas ang pagtingala ko.
Ang sakit sakit na tangina.
At mas lalo pang lumakas ang sigawan. Ayoko na ibaling ang tingin ko. Ayaw ko ng makita ang nangyayari.
Mukhang hindi naman sya nasaktan ng pakawalan ko sya, bakit parang ako lang? Ako lang ang nasasaktan.
Gustuhin ko mang tigilan ang pagluha sa aking mga mata at mag panggap na ayos lang kahit na ansakit sakit na. Kahit na hindi ko na kaya.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako nalilingon sya para hanapin ako, na para hanapin ang presensya ko.
Ngunit kasabay na lamang ng pagsuko ko ang pagtulo ng luhang hindi ko inaasahan.
Mukhang wala naman syang pinagsisisihan sa ginawa nya dahil kahit hindi ko masyadong maaninag ang itusra nya ay alam kong napakasaya-saya nya.
Napaatras ako ng napaatras hanggang sa naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa pintuan.
Umakyat na ang mga magulang ni Lysander sa taas upang makapagkuha ng litrato ngunit ang mga magulang naman ni Enxi ay nananatiling nasa ibaba lamang at hindi sila nililingon.
Nakita ko na ng buo ang itsura ni Lysander, Ang saya-saya nya. Halos kuminang ang kanyang mga mata. Hindi sya nakalingon sa anumang Camera oh ni kahit saan. Nakatingin lamang sya kay Enxi at hindi ibinabaling sa iba. Habang may malawak na ngiti.
Ang ngiting gustong-gusto kong lagi nyang dala, at ang ngiti na gustong gusto kong makita sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko.
Pinunasan ko ang pumatak na luha sa aking mga mata at tumalikod na. Everything cleared. Masaya na ako dahil maayos na ang lahat sa kaniya, gayunpaman. Para sa aking sarili ay hindi ako masaya. Hindi ako masaya dahil hindi ko man lang sinunod ang gusto ng puso kong pigilan sila at maging makasarili at agawin sa kay Enxi si Azhi. Pero tama nga namana ng isipan ko. Para saan pa nga ba kung sa una at huli ang tunay nya pa ring pag-ibig ang tinitibok ng puso nya. Na hanggang sa huli ay sila pa rin ang pinagtagpo at silang-sila parin talaga ang itinadhana.
Ibinulsa ko ang aking kamay at hindi na nilingon ang kaganapan na nangyayari mula sa baba tulad na lang nang ginawa nya, tulad na lang nang ginawa nyang hindi pag-lingon sa akin kung kailan gustong-gusto ko at kung kailang hinihiling at inaasahan ko. Napapikit ako ng marahan at pinakaramdaman ang bawat paligid.
Sa mga oras na ito, tuluyan na kitang papakawalan. Masakit pero tanggap ko na, na tuluyan ka nang nawala na wala man lang akong nagawa. Papakawalan na kita, papakawalan na kita tulad na lang ng gusto nyang mangyayari. Pero bakit parang labag pa rin sa akin? Gusto kong pakawalan ka ng bukal sa loob ko pero bakit pati ang paglaya sa sayo masakit din? Bakit lahat na lang masakit.
Buhay na lang ba ako ngayon para dumama nang sakit. Buhay pa rin ba ako para lang masaktan.
Napaupo ako sa sahig nang maramdaman kong dumadanak nanaman ang dugo sa aking paanan. Pinunasan ko iyon ngunit nagalit lamang ako sa sarili ko ng maramdaman kong may luhang lumalabas mula sa aking mata.
Kasabay ng pag-agos ng akinh mga luha sa aking mata ang salitang lumabas sa aking bibig. Ang hindi ko inaasahang sasambitin ko.
"Pinapalaya na kita..."