"Ikaw!" sabay turo sa akin nito.
Napakamot naman ako ng batok, sagot ko ang babaeng ito kapag may nangyaring masama sa kanya. Mali pala ang desisyon ko na yayain pa itong uminom.
Hawak nya ng mahigpit ang bote na para bang ayaw nya ng pakawalan iyon, Pakening shit naman this.
Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan edi sana hindi na ako pumayag. Iba pa naman ang babaeng ito kapag nalalasing. Dinaig pa nito si Sirui kapag lasing.
"Erika tara na umuwi" saad ko dito at tsaka lumapit sa kanya pero sinagi nya lang ang kamay ko at tsaka tumingin sa akin ng pasuray-suray.
"Ikaw!" saad nya ulit sabay turo sa akin. "Sabi mo kasalanan ko ang lahat!" anas nya at tsaka iwinasiwas ang kamay nyang may hawak ng bote sa ere.
Agad na lumamlay ang mata ko dahil sa sinabi nya, hanggang ngayon pala iniisip nya pa rin yung sinabi ko non. Pinag-sisihan ko naman na iyon masyado lang talaga akong nadala sa galit ko kay Lysander at nasabi ko iyon sa kanya.
"Yin uwi na tayo." maotoridad na utos ko rito ngunit wala man lang epekto sa kanya iyon dahil bumaba na sya at dumukdok na sa lamesa.
"Bukod sa pag-inom ng alak Ellaine ano pang alam mong makakatanggal nang problema? Amnesia? Pwede yon noh?" napaghahalataang lasing sya dahil sa kanyang pananalita nya.
"Umuwi na tayo" Umiling-iling ito habang nakadukdok pa rin. "Uwi na."
"Walang uuwi!" napatayo sya mula sa pagsigaw.
Nakatingin na rin ang ilang nakakakilala sa amin rito meron pang kumukuha ng litarato at meron pang nagvivideo.
Sabi na, maling-mali talaga. Sus maryusep, matagal ko ng inilalayo ang sarili ko sa kahihiyan na mga pinag-gagawa namin nila Erika noon tapos inilalapit nanaman nya ako.
"Hindi ba iyon yung dating asawa ni Lysander?"
"Kawawa naman"
Lumakas ang bulungan ng narito at nakatingin na sa amin ang lahat. Napapikit pa ako sa inis at tsaka hinawakan ang braso ni Yin. "Umuwi na tayo." pamimilit ko rito.
Tumawa lang sya ng malakas at tsaka tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Pumunta sya sa gitna kung saan lahat ng tao ay nakatingin sa kanya at vinivediohan sya.
Napahilamos na lang ako ng mukha, mahirap pa naman pigilan ang letcheng to. Marahas nyang inagaw ang Mic sa babaeng kumakanta at tsaka tinitigan ito ng matalim. Nasindak naman ang babae at tumakbo pababa.
"Alam nyo naman na siguro na kasal na sa ibang babae ang asawa ko diba?!" sigaw nito.
Rinig ng buong lahat lalo na't walang umiimik maging ang tugtog ay tumigil na rin.
Sunod-sunod ng nagsilabasan ng cellphone ang iba at vinivediohan na sya ngayon. "Wala pang dalawang buwan non na hiwalay kami pero nagpakasal na sya kay Enxi."
Ramdam ko ang hinanakit sa boses nito, alam ko na ang susunod nyang gagawin. Ilalabas nya na lahat ng sama nya ng loob.
Pupunta na sana ako sa gitna para pigilan sya ng may humarang sa kin. Isa itong matandang babae. "Nais naming marinig ang opinyon nya." tugon nito.
Hindi ko na sya pinansin at akmang aalis na sana ako ng isang may dalawang kamay ang humila sa akin. "Ano ba! Bitawan nyo nga ako!" reklamo ko sa may hawak sa braso ko.
"Dito ka lang at gusto naming malaman ang katotohanan." singit nung may hawak sa kanang braso ko.
"Chismosa ka? Tanginamo."
Hindi nila ako pinansin at tinuon nila ang kanilang atensyon sa gitna kung nasan si Erika. Napangiwi pa ako sa sakit dahil sa diin ng paghawak ng dalawang ito.
Wala na akong nagawa kundi panoorin nalang sya dahil alam kong wala naman rin akong magagawa at hindi ko sya mapipigilan dahil mas matigas pa sa bato ang ulo ng letcheng yan.
"Sa mga nagtatanong kung ano ang aking naramdaman nung nalaman ko iyon, syempre isang sagot lang. Masakit. Pero alam nyo ba na yong salitang masakit nayon, ay hindi sapat para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Oo masakit. Masakit na masakit. Pero yung salitang masakit ay kulang pa para maipaliwanag kung paano ako nasasaktan." tumigil ito at tsaka uminom sa hawak nyang bote at nagpatuloy sa pagsasalita. "Akala ng iba na ayos lang at makakarecover din ako pero tangina hanggang ngayon ang sakit-sakit parin, nakakatawa ngang isipin kasi habang patagal ng patagal pasakit ng pasakit. Mas masakit pa ata iyon kaysa sa mga bugbog na natatamo ko e."
"Bitawan nyo na ang kamay ko." mahinang ani ko pero umiling-iling lang sila pero nasa gitna pa rin ang tingin. "Hindi ko sya pipigilan pangako..."
Binitawan na nila ang kamay ko. At ang una kong ginawa ay tinakpan ko ang mukha ko at pinigilan ang namumuong luha sa aking mga mata, para na syang batang nagrereklamo na sinasabing hindi patas lahat ng nangyayari sa buhay nya.
"Nakita nyo rin ba kung gaano sya kasaya nung kinasal sila?" yumuko ito. "Ako kasi kitang-kita ko. Andun ako e!" anas nito at tsaka tumawa.
"Nakakatawa nga lang isipin na naisipan ko pang pigilan ang kasal nila, pero nabawi din kasi nakita kong ang saya saya ni Azhi. Ang saya saya nya." nabitawan nya ang hawak nyang bote dahilan para mabasag ito. Tumingala sya.
She don't deserve that pain. She don't deserve that.
Bakit kung sino pa yung may mga mabubuting puso sila pa yung nakakaranas ng ganito? Sila pa yung binibigyan ng matinding pag-subok.
If god really love us, then why he let us suffered?. Alam kong wala akong karapatan para idikta lahat sa Diyos. Pero eto ako eh, sa t'wing may mga problema akong kinahaharap tatanungin at tatanungin ang sarili ko at sisisihin ko ang Diyos.
"Gusto nyo bang magkwento ako?!!" malakasang sigaw nito.
Agad namang sumigaw ang lahat bilang tugon. Ngumiti ng mapakla si Yin at tsaka tumango-tango.