Chereads / Reset [Cheater Series #1] (TAGALOG) / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Sirui Chan's Point Of View.

MAG-damag naming binantayan nila Rochelle si Yin sa hospital, hindi pa rin ako nakakatulog dahil nag-aalala ako na baka magising si Yin at kailanganin nya ang tulong namin, alam kong hindi sya mahilig humingi ng tulong liban na lang kapag sobrang halaga non.

Sa magdamag na pagbabantay namin halos magdamag ko ding hindi tinigilan sa mahiwahang sumpa ko si Enxi at si Lysander. Kung totoo lang talaga ang mga sumpa sumpa na yan ay baka matagal na silang nag-tae mga gaga sila.

Napatingin ako sa orasan at 5;30 am na, lumapit ako sa kanya at tinitigan ulit ang mukha nya. Kagabi ko pa sya pinagmamasdan pero napakalaking katanungan parin sa akin kung bakit may black eye at pasa pasa sya.

Alam ko namang mahilig ito sa gulo, marunong naman sya makipag bardagulan diyan pero bakit umuwi syang may pasa at galos. Napatitig pa ako sa mga kamay nya.

Andami nyang peklat, ano nanaman ba kase nangyari dito.

Lumingon ako sa pintuan ng marinig ko itong nagbukas, agad na nag init ang ulo ko at gusto ko nanamang sumabog sa harapan ng pashneang ito. "Ang kapal." pagpaparinig ko.

Tumingin ito sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin, Aba't syempre dapat lang na mailang sya gaga sya eh. "I'm sorry" saad ni Ellaine.

Lumingon-lingon pa ako sa aking likuran, "Huy Yin sabi ni Ellaine sorry daw" bulong ko dito kahit alam kong hindi nya naman ako maririnig.

Napa cross arm ako at tumingin kay Ellaine. "Pwede ka pang pumasok ngayon pero mamaya kapag may nakalagay na sa pinto na 'Fake friend is not allowed' hindi ka na makakapasok" itinuro ko pa ang pintuan.

Napabuntong hininga naman sya at tsaka kumuha ng upuan sa tabi ko, buti na lamang at hindi pa rin nagigising sila Rochelle. "Alam kong may kasalanan ako." pagsisimula nito.

Ngumiti naman ako at tsaka tumango-tango. "Mabuti na lang at alam mo"

"Pero, may punto naman ako di'ba? Bakit hinahayaan nya lang si Azhi at Enxi, di'ba dapat ipaglaban nya man lang ang karapatan nya bilang asawa ni Azhi. Bakit parang wala lang sa kanya ang lahat?" tanong nito.

Napailing-iling naman ako at tsaka tinawanan sya. "Sa ating dalawa sino ba ang matagal nya ng naging kaibigan, ikaw diba. Pero bakit parang ako pa ang mas nakakakilala sa kanya? Bakit parang ako pa ang mas nakakaintindi sa kanya? Lumaki kayo magkasama mula pagkabata. Pero parang hindi din hahaha. Kung sa tutuusin ikaw pa nga dapat ang unang aasahan ni Yin na makakaintindi sa kanya kasi alam nyang kilalang kilala mo na sya" unti-unti nang nagsipatakan ang luhang hindi pinipigilan ko. "Alam mo kung paano sya na-trauma nung namatay yung sinasabi mong Ex nya di'ba? Nakita mo kung paano sya mag hirap. Pero sana intindihin mo si Yin ngayon Ellaine, nanahimik lang sya pero alam nya ang mga desisyon na nagagawa nya."

Yumuko ito at tsaka tumango-tango. "Patawad, hindi ko na uulitin" impit na pagkasabi nito.

"Ugh"

Agad kaming napatingin kay Yin na ngayon ay nakatingin na rin sa amin. Pumikit sya at tsaka pinilit na bumangon. Inalalayan namin sya ni Ellaine. Nang makaupo na sya sa kama ay tumingala sya sa kisame, bagay na ginagawa nya sa t'wing malungkot oh nag-iisip sya.

Nagkatinginan lang kami ni Ellaine, ano ba ang dapat kong sabihin kay Yin? Kung kagabi ay sunod sunod ang mga iniisip kong pangaral na gusto kong sabihin pero ngayon umurong na ang dila ko.

Hindi na sya nakatingala ngayon bagkus ay nakatulala na sya sa bintana, alam kong nag sink in na sa kanya lahat ng nangyari kagabi. "Uhm Yin gutom ka na ba?" pagbabasag ko sa katahimikan.

Nabahala naman ako ng hindi ito umiimik at nakatingin lang sa bintana. "Yin..." turan ni Ellaine at hinawakan ang balikat ni Yin.

Niyugyog nya ito ng mahina para magising si Yin sa ulirat pero nakatulala pa rin sya sa bintana, napakagat ako ng labi at pinipigilang huwag tumulo ang luhang papapatak nanaman.

"E-ellaine, kapag natagal ng ilang buwan na ganyan si Yin p-pwede na syang magkaroon ng PTSD" ani ko.

Napasabunot sya sa sarili, alam kong sinisisi nya rin ngayon ang sarili nya dahil sa nasabi nya kahapon pero alam kong wala namang kinalaman iyon sa ginawa ni Yin na sadyang pagbunggo sa poste. Alam kong tungkol yun kay Azhi at kay Enxi. Pero di ko lang din maiwasang magalit kay Ellaine kasi mukhang pinag-mukha nya pa kahapong si Yin ang may kasalanan ng lahat.

Ginising ko sila Rochelle at dumaan ang gulat sa kanilang mukha ng makita ngayon si Yin, ngunit agad ding napalitan ng pagtataka ng lumapit sila sa kanya ay hindi man lang sila nito pinapansin dahil nakatulala lang sya sa bintana.

"Mas nakakabuti kung huwag muna natin syang kausapin." saad ni Rochelle kila Janine at Cyrus.

"Bakit nakatulala lang sya?"

"Baka na trauma sa narinig nya kahapon?" hula naman ni Cyrus.

May punto sya, bukod sa mga narinig nya ay baka may bumugbog din sa kanya. Nabugbog na nga sya sa mismong Birthday ni Azhi ay mas lalo pa syang mabubugbog sa salitang narinig nya kahapon.

Feeling ko tuloy ay napakawalang kwentang kaibigan ko dahil wala man lang akong magawa para tulungan sya, wala akong masabing salitang magpapagaan sa kanya.

Lahat ng tingin namin nila Cyrus ay naibaling sa pintong bumukas, iniluwa non si Enxi at Azhi. Mas lalo akong naghina dahil don. Bakit ba hanggang dito kailangan pa nilang dagdagan ang problema ni Yin.

Nakayukom ang kamao ni Azhi at lumapit kay Yin. Malakasan nyang niyugyog ang balikat nito kaya agadan kaming lumapit ni Ellaine para pigilan sya pero napaupo lang kami dahil sa sobrang lakas ni Azhi.

Bakit ba galit sya ngayon. Bakit ba galit na galit sya samantalang si Yin ang mas may karapatang magalit. "Bakit ba napaka bida-bida mo?!" inis na sigaw ni Azhi.

Nanghihina na ako, hindi ako makatayo at walang makagalaw sa aming narito tanging hikbi ni Enxi ang naririnig maging ang sigaw ni Azhi. "Binunggo mo ang poste para lang magpapansin ano?!" sigaw nya ulit. "Alam mo ba kung paano na unti-unting nasisira ang pangalan ko sa publiko ng dahil sa ginawa mo? Alam mo bang ang init-init na ng mata nila sa amin ni Enxi." kinuha nya ang kamay ni Yin at hinawakan ito ng mahigpit. Pero balewala lang iyon kay Yin dahil nakatulala lang ito mula sa bintana.

"Azhi tama na..." maging si Ellaine ay nahihirapan na rin sa nangyayari.

At ito ang ayaw na ayaw mangyari ni Yin, ang madamay ang mga taong malalapit sa kanya sa sarili nyang problema.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang--" napatigil sa pagsasalita si Azhi at tinitigan ang buong mukha ni Yin. Napahilamos sya ng mukha. "Anong nangyari bakit may Black Eye at galos galos sya?" halos masindak kaming lahat sa tono ng pananalita nito.

"Hindi namin alam, s-sa tingin namin ay nung pumunta pa si Yin sa birthday mo ay meron na iyan, nakatakip lang ang mata nya kaya hindi masyadong h-halata" kinakabahang saad ni Cyrus.

Napamewang si Azhi at tumingin sa gilid. "Huwag mo na kaming bigyan ng problema Yin please?" tanong nito kay Yin na hindi pa rin umiimik at nakatulala lang.

Unti-unti ng napaluhod si Azhi sa harapan nya. "Palayain mo na kami ni Enxi, huwag mo na kaming guluhin ple--"

"Bakit parang si Yin pa ang pinapalabas nyong gumagawa ng gulo?!" Galit na singhal ko dito.

"Bakit hindi ba?! Humiling ako sa kanya nang divorce paper at pumayag naman sya tapos ano--"

Hindi ko na sya pinatapos dahil sinampal ko sya ng malakas. Hindi nya iyon pinansin at hinawakan nya ang dalawang kamay ni Yin at inilagay nya sa pisngi nya. "Huling hiling k-ko, sana tanggapin mo na ang katotohanan s-sana huwag mo nang saktan ang sarili mo." hinalikan nya ang likuran ng kamay ni Yin at tsaka umiyak na sa harapan nito.

Lumakas ang hikbi nya at tsaka unti-unting nagbaba ng tingin sa kanya si Yin. Napako kami nila Ellaine sa aming kinatatayuan at ang tanging nagagawa lang namin ay panoorin kung paano nila unti-unting pinapatay ang damdamin ni Yin.

Parang inosenteng bata si Yin at nagulat ng makitang umiiyak si Azhi. Napatayo si Azhi at pinunasan ang luha nito. "Pwede ba akong humiling Yin?" tanong ni Azhi. Parang batang lumiwanag naman ang istura ni Yin at tsaka tumango-tango. "Huwag mo nang saktan ang sarili mo." lumawak ang ngiti ni Yin at tsaka tumango tango. "Huwag mo nang guluhin ang buhay ko."

Napatingin ako sa ibang direksyon, hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko kay Azhi. Bakit napakasama nya?

"At huwag ka ng lalapit sa akin."

Tuluyan ng nawala ang ngiti ni Yin sa labi, tumango-tango ito agad. At tsaka tumayo.

Lalapit sana kami ng sumenyas sya na huwag na. Ramdam kong ibinibigay nya na lahat ng lakas nya para lang makatayo. "P-pwede rin ba akong humiling?" halos hindi ko makilala ang tono ng pananalita ni Yin.

Mula sa nakahiligan nitong kalmadong pananalita, muka sa nakahiligan nitong malamig na tonong pananalita ngayon ay nag-iba na. "Pwede ba kitang yakapin?" tanong nito.

Napatakip na lang ako ng bibig ko at tumalikod sa kanila, masyadong masakit ito pero paano nagagawang tanggapin ni Yin ang lahat ng ganon-ganon lang.

Humarap ulit ako para sana palabasin na si Azhi at sabihing huwag na munang manggugulo ngunit nawala din ang balak kong iyon ng makita kong dahan-dahang lumapit si Yin kay Azhi at dahan-dahan nya ring iniyakap ang kanyang kamay sa bewang nito.

Walang makapagsalita. Maski si Enxi na kaninang humihikbi ay tulalang pinapanood nalang ang nangyari. Isiniksik ni Yin ang ulo nya sa leeg ni Azhi at may binulong pa na hindi namin marinig.

Dahan-dahan din nyang inalis ang pagkakayakap nya rito na para bang ayaw nya pang umalis sa pagkakayap kay Azhi pero wala na syang choice kung hindi ang pakawalan na lang ito.

Bumalik si Yin sa kinahihigaan nya at napahawak sa ulo at tiyan nya, Samantalang tulala lang kaming lahat.

Hanggang sa mahimasmasan si Azhi at tsaka niyaya si Enxi na umuwi na, ngunit bago pa sila makalabas ay may sinabi pa si Yin na sapat na para marinig nilang dalawa.

"Papalayin kita pero huwag mo sanang kalimutan na kapag pinalaya na kita, ay wala ka ng babalikan."

Huminto sa paglalakad si Azhi at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mukha nito, tumingin sya kay Yin na ngayon ay nakatingin ulit sa bintana.

Tumalikod sya at tuluyan ng hinila si Enxi papalabas. Bakit parang ako pa ang mas nasasaktan sa nangyayari kay Yin.

Bakit parang ako pa ang sinaktan ni Azhi?. Tanging pagsarado na lang ng pinto ang maririnig mo at ang ingay ng aircon. Tahimik ang lahat at hinihintay kung sino ang unang babasag ng katahimikan. nakatingin lang kami kay Yin na ngayon ay nakatingala nang muli sa kisame.

"Hindi pa ako handang palayain sya." walang umimik sa amin.

"Hihintayin ko na lang sigurong mapagod ang sarili ko hanggang sa ako na mismo ang susuko at ako naman ang mawawalan ng pake sa kanila."dagdag nya.

"I'm sorry..." paghingi ng tawad ni Ellaine.

Tinanguan naman ito ni Yin ngunit sa kisame pa rin ang tingin, "No need to be sorry. Walang hihingi ng sorry sa inyong lahat at ayokong makarinig ng paghingi ng sorry sa inyo." napahawak sya sa kanyang tiyan. "Ansakit ng buong katawan ko. Damn." reklamo nito. "Sirui, pwede bang doon muna ako China ng dalawang buwan?"

I nodded weakly. At ngumiti naman sya ng parang walang dinadalang problema. "Gusto kong ayusin mo na bukas dahil hindi ako makaka pag-isip ng mabuti habang narito ako" dagdag nya.

Maysado na siguro syang nasaktan kaya nais nya munang lumayo ng dalawang buwan, hindi naman sya ganito. Hindi nya mahilig takbuhan ang problema pero naiisip ko na baka hahanapin nya muna ang kanyang sarili at tsaka pag katapos ng dalawang buwan pagbalik nya ay haharapin nya na ulit ang problemang iniwan nya.

Sa oras na ito tama ang pasya nyang ayusin muna ang kanyang sarili.

Yin learned.