Chereads / Reset [Cheater Series #1] (TAGALOG) / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Third Person's Point Of View.

ISANG-linggo na ang nakakalipas matapos ang kaarawan ni Lysander. Laman sila ng usapan ngayon maski ang mga dating kaeskwela ni Lysander at Yin ay dismayadong dismayado sa nangyari. Kumalat kaagad ang balita.

Nakuhanan ng video ang pangyayari at pinost iyon ng taga Video nila nung oras na yon, pinag-hahanap na rin nila Lysaner kung sino ang nag post ng Videong iyon kung saan kuhang kuha ang eksaktong pangyayari.

Kuhang-kuha ang video nila na kung saan nagulat ang lahat ng marinig ang regalo ni Enxi Damian na pregnancy test, isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nawawala ang usap-usapan.

Samantalang hindi na lamang pinapansin ni Enxi at Lysander ang mga sinasabi ng iba, bagkus ay inanyayahan pa nila ang kanilang mga kaibigan sa gaganaping kasalan nila ni Enxi sa susunod na buwan.

Halos lahat ay hindi makapaniwala sa naging disesyon ni Lysander, merong mga taong nagsasabing ayos naman daw as long as hindi nya sinaktan ang dati nitong asawa. Meron pang nagsasabing sana naman pinatagal muna. At meron pang nagsabing masyadong excited kaya pinadali na.

Maski sila Sirui ay hindi alam ang gagawin kung sasabihin ba sa kaibigan oh hindi. Nagkaayos na ang lahat. Tanggap na nila Sirui at ng iba nya pang kaibigan ang ginawa ni Lysander dahil hiniling mismo sa kanila ni Yin na huwag nang sisihin si Azhi sa mga nangyayari. At sinabi nyang patawarin na lang. Kahit pa gustong magreklamo ni Ellaine at Sirui ay wala na silang nagawa kundi ang patawarin nalang din si Azhi.

Lingid naman sa kaalaman ni Sirui na sinabi ni Ellaine kay Yin ang magaganap na kasalan sa susunod na buwan na gaganapin sa Disyembre 21. Hiniling sa kanya ng kanyang kaibigan na ibigay nalang ang buong suporta kila Enxi at Lysander at huwag nya ng kagalitan saad dito ni Yin.

Tumagal pa ng ilang linggo hanggang sa unti-unti nalang tinanggap ng media ang nagawa ni Lysander, unti-unti na ring tumitiklop ang isyu na nangyari sa kanyang kaarawan.

"Master J" tawag nung isang lalaki at tsaka lumapit sa babaeng ngayon ay abalang abala sa pagpapana.

"Nakakalap po ako ng Impormasyon na sa bahay daw po ni Lysander Javier magaganap ang kasal." yumuko ito bilang paggalang.

Sa sobrang inis na nararamdaman ng babae ay sunod sunod syang bumira, na saktong sakto naman sa target nito. "Siguraduhin mong nakahanda na ang bomba." ani nito.

Tumango naman ang lalaki at tsaka umalis na roon, samantalang ngumisi naman ang babae. "Walang magaganap na kasalan at hindi ko hahayaang matuloy iyon." saad nito habang masamang tinignan ang picture ni Lysander at ni Enxi na nasa gitna, ito ang kanina nya pang pinapana. May tama na sa mukha ang larawan ni Lysander samantalang sa itsura naman ni Enxi ay meron tama sa dalawang mata at bibig nito na sya namang ikinatawa nya. "Like what I've said, tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo Lysander Javier Lozano."

SAMANTALANG abala naman na ang lahat sa gaganaping kasal sa bahay ni Lysander, ang dating bahay nila ni Yin ay nakapangalan nalamg mismo kay Yin. Ibinigay nya na iyon kay Yin dahil alam nyang wala na itong iba pang mapupuntahan bukod don.

Nakangiti sila habang ginaganap ang kanilang Photo shoot, hindi naman maipinta ang ngiti sa labi ni Enxi. Sobrang saya nya samantalang ang Daddy nya naman ay galit na rito. Hindi pa rin nito matanggap ang nagawa nito ni Enxi sapagkat pinakiusapan nya ito na tigilan na ang mag-asawa noon.

Hindi iyon pinansin ni Enxi sa pagkat ipinairal nya pa rin ang kanyang pagmamahal kay Lysander na ngayon ay umabot na nga sa pinapangarap nyang kasalan. Yumakap sa kaniyang likuran si Lysander at patuloy lang sa pag-ilaw ang mga camerang nasa kanilang tagiliran. "Anong pangarap mo Enxi?" tanong nito at tsaka isiniksik ang ulo nito sa kanyang leeg.

"Ang maipakasal sa iyo." nakangiting ani nito, napangiti naman si Lysander ng sabihin nya iyon.

Natapos ang Photo Shoot at nasa kwarto na lang silang dalawa. Nakaupo sa kama si Enxi at nakangiting tinitignan si Lysander. Lumapit naman ito sa kanya at lumuhod. Hinawakan nya ang tiyan nito at tsaka inilapit ang kaniyang tenga. "Hell there baby, can you here me?" tanong nito.

"Yes Daddy." nagpa baby voice pa si Enxi.

Tumawa sila ng sabay at tsaka lumabas na roon para kumain ng hapunan.

LUMIPAS na ang ilang linggo at ngayon ay araw na ng Disyembre 21, Halos matraffic na sa daan dahil sa ginaganap na kasalan sa bahay nila Lysander. Punong-puno ng tao sa labas at tsaka lahat ay nakatingin sa malaking screen na kung saan mapapanood ang nangyayari sa loob.

Sari-saring opinyon ang maririnig sa mga ito, merong mga tutol at meron namang sinuportahan nalang at meron namang sobrang saya sa gaganapin na kasalan.

Dumating na ang babaeng ikakasal hawak-hawak ang bulaklak at tsaka nakangiting nakatingin sa lalaki, nakangiti ito at halos maiyak papunta sa harapan ni Lysander.

Nakangiti si Lysander dito at naramdaman nya na lamang na may tumulo ng luha sa kanyang mga mata. Maging si Lysander ay naiyak na rin.

Hindi dinala ni Alfredo Damian ang kaniyang anak papunta kay Lysander kaya ang tatay na lamang ni Lysander ang nag-abot ng kamay nito kay Lysander.

Nadismaya naman si Enxi dahil don, Napatingin sya sa ama nya ngayon na halatang napilitan lang na umattend sa kasal nya. Para kasi sa kanyang tatay ay kahibangan lang ang ginagawa nyang ito.

Ngunit imbis na sirain pa ang kanyang araw ay diniretso nya na lang ang tingin nya kay Lysander. "You're so beautiful." bulong nito.

Natawa naman si Enxi tsaka mahina itong hinampas sa braso.

Sa kabilang banda ay halos walang makangiti sa kanila, inimbitahan sila Sirui at ang iba pang kaibigan nito na dumalo sa kasal nila ngunit para sa kanila ay pang-iinsulto ito. Pero wala na silang nagawa kundi umattend para hindi isipin ni Lysander na kinikimkim pa nila ang galit nila rito kahit na ang totoo ay sinusumpa na sya nito sa kamatayan.

Natapos ang kasal ng wala namang masamang nangyari, may mga nakangiti at masayang tinanggap ang kasal nilang dalawa at meron namang hindi at meron pang napipilitan. Kahit ganoon ay hindi naman nabawasan ang kaligayahan na nararamdaman ni Enxi.

HALOS hindi naman magkandamayaw ang mga tauhan ng babaeng nakaupo ngayon sa isang parang trono. "Mga bobo!" singhal nito at tsaka isa-isang dinuro ang kanyang mga tauhan. "Hindi ba't sinabi kong gumawa kayo ng paraan upang hindi matuloy ang kasal?!" nanggagalaiti ito sa galit.

"Pero Master hindi po namin alam kung ano ang nangyari. Nakita po kami nang tatay---"

"Bobo ka kase!!" Hinagis nito ang hawak nyang baso sa lalaki at tumama naman ito sa ulo.

Napaupo ang lalaki at ininda ang sakit sa kanyang ulo, pilit nyang huwag sumigaw at iinda ng malakas ang sakit na nararamdaman nya sahil alam nyang mas magagalit ang kanyang amo.

Tumayo ang babae sa pagkakaupo at kinuha ang mga boteng may laman pang alak at isa-isang pinagbabasag, "ang tatanga talaga!" inis na sigaw nito at tsaka pinaghahagis ang mga bote.

Mabilisan nilang pinagpupulot ang bubog at tinapon sa malaking basurahan na nasa gilid.

Walang sino man ang nagtatangkang mag-ingay dahil sa kanila maibubunton ng babae ang kaniyang galit kung nagkataon.

************************************

RE•SET