Erika Millario's Point Of View.
TATLONG buwan na ang nakakalipas at nais ko ng umuwi sa Pilipinas, masyado ng matagal ang pag iistay ko rito sa China. Usapan namin ni Sirui na uuwi rin ako kapag dalawang buwan na ngunit umabot na ang tatlong buwan ay hindi pa rin ako umuuwi.
Baka sabihin nyang ineenjoy ko na ang pagtira dito sa bahay nyang punong puno ng sapot. Gusto ko sanang linisan kaso nga lang sinusumpong ako ng katamaran kaya huwag na lamang.
"Ikaw uwi?" tanong ni Ki, tuamango naman ako dahilan para mapabusangot ito.
Sya ang naging kasama ko rito sa loob ng tatlong buwan, at tinuturuan ko itong magsalita ng Chinese. Sa edad na Labin Dalawa ay madali na syang turuan.
"Ako gusto sama" naka pout na ani nito, pinalo ko naman ang nguso nito kaya mas lalong humaba ang nguso nya.
"Ako lungkot"
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa pagsasalita nya.
Hinatid ako ni Ki at ng pamilya nya sa sakayan ng eroplano, kumaway kaway pa ako sa kanila bago tumalikod. Rinig ko pa ang pagsigaw ni Ki sa pangalan ko, ngunit hindi ko na ito nilingon pa.
Sosorpresahin ko sila Sirui.
Hindi muna ako pupunta sa dating bahay namin ni Azhi dahil hindi ko alam kung kakayanin kong makapagtagal roon.
Dati kahit maghapon pa akong tumambay doon at humiga ay wala lamang pero ngayon, nag bago na ang pananaw ko sa bahay na iyon.
Kapag bumalik pa ako don baka bumalik lahat ng sakit.
Kumatok ako sa bahay ni Sirui, napaatras pa ako ng kaonti ng marinig kong may nagsisigawan at nababasag na bote.
Kinuha ko ang hairpin sa aking bag at binuksan ang bahay nito, ngunit pagkapasok ko punong-puno ng tao rito sa loob.
Halos lahat ay lasing na at nagsasayawan, meron pang mga naghahalikan sa gilid. Anong nangyari rito?.
Nasan si Sheanna? Nasan si Sirui?
"Hinahanap mo ba si Sirui?" napalingon ako sa nagsalita at bumungad sa akin ang isang pamilyar na lalaki.
"Kilala ba kita?" tanong ko dito.
"Casper Soriano..." saad nito.
Napaisip naman ako kung saan ko iyon narinig, pero wala talaga akong maalala kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko. "Ako ang nakabili ng kwintas na gustong-gusto mong bilhin noon."
Doon na pumasok ang ala-ala ko tungkol sa kanya. "Ikaw pala yon?"
"Oo"
"Ah. Okay."
"Lumipat na ng bahay si Sirui, Ipinagbili nya na ito sa isa kong kaibigan na ginawa namang bahay-aliwan."
Napasapo naman ako ng noo. "Alam mo kung saan?" I asked.
"Oum." he replied immediately.
"Pwede mo ba akong dalhin don?"
"Oum."
"Tara."
"Oum"
"Sapak?"
"Ou--"
"Aray inaano ka ba?" reklamo nito ng sapakin ko sya.
"Oum" sagot ko.
"Bakit ka ba nananapak?" inis na singhal nito.
"Oum"
"Bwisit"
"Oum"
Sya naman ang napasapo ng noo at masama akong tinignan. "Si Thadeus na lang ang maghatid sayo don busy ako sa aking Chiky babes..." nakangising asong pagkasabi nito.
Nandiri naman ako sa pagtingin nito mukhang gangster na rapist amputa. "Sabihin mo lang sa akin kung nasaan sila at hindi ko kailangan magpahatid."
"Casper kanina ka pa hinahanap ni Aya"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita.
Nakatingin ito sa akin na para bang inaalala kung saan nya ako nakita, If I'm not mistaken. This is Thadues I guess. "Ah... Si Erika yung babaeng nakatalo lang naman sayo..." Tumawa ito ng malakas at sinuntok ng mahina ang braso ni Thadeus.
"Bakit nandito yan"
"Hinahanap nya yung may-ari daw nito."
Ibinaling nya sa akin ang tingin nya. "Gusto mo bang ihatid kita sa kanila?"
Napa-ismid ako, kung mag tataxi baka mas lalong matagalan. "Sige..." Sagot ko.
Ibinulsa nya ang kanyang kamay at niyaya na akong sumakay sa kanyang bagong kotse, parang gusto ko na rin bumili ng bagong ganito. Gastusin ko na ba ang naipon kong two million para sana sa kwintas?
"Mag-kano ang ganitong kotse?" I ask while not looking at him.
"1 million lang."
Pina-ikot ko naman ang mata ko, ang yabang. Edi sya na.
Nang makasakay na kami sa kotse nya ay malayo na ang nararating nang isipan ko. Ano kaya ang bibilhin ko.
Gagastusin ko na yung two million para sa aking sarili, nakuha ko naman na rin ang kwintas na hindi naman nakuha ni Lysander dahil ayaw kong ibigay sa di ko malamang dahilan.
I made my final descision, bibili na lang ako ng bagong bahay at ang bahay namin ni Lysander ay ibibigay ko na lamang sa kanya.
Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Thadeus, "Andito na tayo." saad nya.
Lumabas na ako at tsaka sya hinarap. "Thanks." Ani ko.
Ngumiti lang sya ng tipid at tsaka sumakay na agad sa kotse nya. Ng tignan ko ang bahay sa aking harapan, masasabi kong mas maganda ang dati nyang bahay kaysa sa pinaglipatan nya.
Ng makapunta na ako kinatok ko na ang pinto, ng mabuksan ang pinto ay tumambad sa harapan ko si Sheanna na nabitawan pa ang hawak nyang teddy bear. "Mommy!!!!" sigaw nito at tumakbo para tawagin si Sirui.
"Ano bang meron hah?" tanong nito habang hila-hila sya ni Sheanna sa laylayan nya ng damit.
Nanlaki ang mata nya nung mapansin nya ako. Agad itong lumapit at lumambitin sa leeg ko. "Ambigat." reklamo ko kaya naman bumitaw na sya.
"Hoy gaga ka! Akala ko ba ay dalawang buwan lang bakit naging tatlong buwan hah?" nakapamewang na ani nito.
Ngumiti lang ako ng kaunti, Ayoko ng isipin ang dahilan. Masyadong masakit para alalahanin pa iyon kaya hanggang kaya kong iwasan at pigilang maalala yon ay gagawawin ko.
MASAYA naman ang naging araw ko kila Sirui, tuwang-tuwa pa sya dahil pinasalubungan ko sya ng paborito nyang Chineese Food.
Tinanong nya pa ako kung saan ako titira ngayon ayaw kong tumira sa dating bahay namin ni Azhi, at ang sabi ko ay kukuha na lang ako ng mapag-rerentahan.
Kahit na ang totoo ay pupunta ako kay Jerlyn Jay, kapatid ni Ace.
KUMATOK ako sa bahay ni Jerlyn, Higit kalahating taon na rin simula nung makita ko sya.
Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha ni Jerlyn ng pag buksan nya ako ng pinto, at hindi rin nakatakas sa akin ang namumuong luha sa kaniyang mata. Maya-maya pa ay tumakbo ito papalapit sa akin at niyakap ako. "Sorry ate wala akong nagawa---"
"Shhh it's okay." pamputol ko sa sinabi nya.
Napanguso naman sya at tsaka pinapasok ako. "Tama ka nga ate mas magandang mamuhay na galing sa hirap at tiyaga mo mismo makukuha ang mga bagay na gusto mong bilhin" nagningning pa ang kanyang mga mata na parang batang nagkwekwento. "Sariling sikap ko mismo ang bahay na ito Ate hindi ako humingi ng tulong kila Mommy."
"Tama yan." I replied.
Tinatamad na akong magsalita, napansin nya naman iyon kaya iginaya nya na lang ako sa guess room. "Mag-usap na lang tayo kapag ayos ka na ate hah?"
"Ayos naman ako ah."
Umiling-iling nalang sya na para bang pinapalabas na hindi ko sya maloloko. Binuksan nya na ang pinto at ipinasok doon ang maleta ko. "Good Night" pahabol nito ng makaalis sya.
Tinanguan ko ito at tsaka binigyan ng thumbs up. Tumalon ako sa kama at tsaka humiga. Nakamasid lang ako sa kisame at pilit na iwinawaksi sa isipan si Lysander.
Kung kailan ayaw mong isipin don naman sya pilit na lalabas. Nakakainis. Kinuha ko ang unan at tsaka dumapa, pinantakip ko sa tenga ko ang unan at tsaka pilit na iniiba ang iisipin.
Sa sobrang board na nararamdaman ko ay tinawagan ko si Ellaine para yayain syang uminom.
To Ellaine;
Wer r u? You already know that I'm here right? Are you free tonight?
Naghintay pa ako ng kalahating oras bago nya sinagot ang text ko.
From Ellaine;
Hulaan ko. Hindi ka nanaman makatulog noh?
To Ellaine;
Yeah.
From Ellaine;
Inom us?
To Ellaine;
Tatanungin k plang sna yan
From Ellaine;
Hintayin kita sa paborito nating club
Ngumiti ako at tsaka nagbihis, I want to enjoy this.
Nang makatakas na ako sa bahay ni Jerlyn ay nagpara na ako ng Taxi papuntang club. Doon kami umiinom dati nila Ellaine t'wing may problema sya. Pero ngayon, iinom kami doon dahil ako naman ang may problema.
Ng makapunta na ako sa Club ay sunod-sunod ko ng narinig ang tugtog na halos ikabingi ko na. Hinanap ko pa si Ellaine at hindi naman ako natagalan dahil andon sya sa dulo, ang paborito din naming pag-upuan. Hindi ko na binigyan ng pansin ang mga babaeng nakakasalubong ko at bigla-bigla na lang magbubulungan.
Tumabo ako don at tsaka umupo sa harap nya. Bahagya pa syang nagulat at agad ding napawi iyon dahil kumuha na sya ng maiinom. "Kalimutan mo na natin ang mga problema!" saad nya at tsaka tinaas ang isa nyang kamay na may hawak na bote ng alak.
Wala na akong pake kung anong alak ang hawak nya at agad kinuha ang isa sa kanyang kamay at nilagok iyon. Napatigil pa ako saglit dahil sumakit ang ngala-ngala ko.
Ang tapang ng alak na ito.
Napangiwi ako ng bumaba maramdaman kong bumaba nasa tiyan ko ang alak, grabe.
Ininom ko ito hanggang sa nakasanayan ko na. Tulad ng dati ay ganon na ganon pa rin ang reaksyon ko sa t'wing umiinom ako ng alak. Mapapangiwi sa umpisa hanggang sa nakasanayan ko na.
Ng maubos ko na ang isang bote ay napatingin ako kay Ellaine, nakatingin lang sya sa akin. Hinahayaan nya lang ako dahil alam kong gusto nya ring mawala ang problema ko kahit papaano.
"Kumuha ka pa!" hirit ko.
Tumayo naman sya at kumuha nanaman ng panibago, unti-unti ko iyong ininom hanggang sa maubos ulit at humirit nanaman ako. Mukhang nag-aalinlangan pa si Ellaine na bigyan ako dahil mukhang hindi na maayos ang kalagayan ko.
"Kahit ngayon lang." papikit-pikit na ani ko.
Nakakaramdam na rin ako ng hilo at unti-unti ng umiikot ang bawat paligid, pero mas ineenjoy ko iyon dahil kahit papaano mahihirapan akong isipin si Lysander.
Inilapag nya na ang nakuha nyang panibago at tsaka binuksan iyon, kinuha ko kaagad at ininom ng dahan-dahan.
Dinadama ang bawat lasa. Na kaninang mapait ngayon ay masarap na.
Akala ko kapag uminom ako ay makakalimutan ko sya, para syang kabute na pasulpot sulpot sa isip ko.
"Woahh... Let's have fun!!" sigaw ko at tsaka tumayo sa lamesa.
"Ano ba Erika iuuwi na kita."
"Walang uwi-uwi gago!" sinabayan ko ng pagsayaw ang tugtog at binabalance ang aking katawan sa lamesa upang hindi mahulog.
Iginiling-giling ko ang aking bewang at dinama ang bawat lyrics ng tugtog. Hindi ko alam kung ano ang pamagat ng tugtog. Masyado akong na-aamaze sa pasimula.
'Did you really think, I just forgive and forget, No. After cathing you with her your blood should run cold. So cold'
Napahagikhik pa ako dahil sa Lyrics.
'You... You two timing, cheap lying wanna be. Your fool. If you thought that but just serve as so Cold.'
"Yin tama na!" suway sa akin ni Ellaine at sinenyasang bumaba na. Pero hindi ako bumaba dahil dinadama ko lang ang tugtog.
'I see red, red, oh red, to your head, a gun to your head, head, to your head...'
Ng marinig ko ang salitang baril bigla na lang lumabas sa imahinasyon ko ang aking sarili na may hawak na baril at nakatutok kay Enxi.
Hindi ako ganyan mag-isip kaya alam kong may tama na ako pero who cares? No one cares at all.
***************************************
re•set