Erika Millario's POV
(Yin)
IT'S been two weeks, dalawang linggo na simula nung humiling sya sa akin na gusto nya ng makipag-hiwalay. Dalawang linggo na rin ng mag-simulang umalis sa bahay si Azhi. Ang sabi nya ay mas maganda daw na huwag na kaming mag-sama sa iisang bahay dahil maghihiwalay na rin naman kami.
I chuckled, I still remember how he detemined to broke the rope bituin us. Ofcourse, yan ang pinaka-hindi ko makakalimutang pangyayari.
And today is November 19, Azhi's birthday.
And I did what I promised. Hawak hawak ko na ang pilit nyang hinihiling sa akin, Ang divorce paper.
I already have a sign with it, sa kanya na lang ang wala.
I sighed heavily and look at the glass, "Manang nasan na ang kwintas na nariyan? Kahapon lamang ay naroon iyon." tanong ko sa babaeng may ari ng jewelry shop.
Halos makilala ko na rin ito dahil paminsan-minsan akong dumadalaw rito para dalawin ang kwintas na pinag-iipunan kong bilhin.
"Ay naku! Pasenya ka na Hija. Naibenta nanamin ang kwintas na pinapasantabi mo." malungkot na ani nito.
Napasapo naman ako ng aking noo. "Hindi iyon maaari, hindi ba't sinabi kong bibilhin ko iyon. Ilang taon ko nang pinag-iipunan iyon at meron na akong sapat na pambayad ngayon." dismayadong pagkasabi ko.
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa nabili ngayong birthday nya. "Pasenya ka na Hija, masyado akong nasilaw sa presyong ibinayad ng lalaki kaya pumayag na akong bilhin nya."
"Mag kano?" tanong ko.
"Eight Million Hija, pasenya ka na." aalis na sana ito ng pigilan ko sya.
"Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang kaniyang pangalan?"
"Titignan ko lang sa listahan Hija" Hinawi nya ang kamay ko na nakahawak sa braso nya at pumasok sa loob.
Nakatayo lang ako dito at dismayado paring nakatingin sa glass kung saan dating nakasabit ang kwintas na gustong-gusto kong bilhin. Lumabas naman na si Manang roon na hawak na ang listahan. "Casper Soriano... Casper Soriano ang pangalan nya Hija" sabay pakita sa akin ng listahan para patunayang totoo nga ang sinabi nito, tumango tango ako at tsaka nag-pasalamat.
Mabilisan akong tumakbo papunta sa kotse ko at tinawagan si Ellaine. "Ellaine..." saad ko ng sagutin nya na ang linya.
["Himala, napatawag ka."] ramdam kong inaantok pa rin ito.
"Can I ask a favor?" tanong ko.
Binibilisan ko na rin ang pagdrive para maka-abot pa ako sa ginaganap na kaarawan ni Azhi. [" tungkol nanaman ba sa asawa mong damulag? No. Hindi kita tutulungan."]
"No it's not about Azhi, can you ask your dad to trace Caper Soriano? I fvcking need to know where he is right now... Please Ellaine, kahit ito lang." patuloy ko pa ring itinutuon ang tingin ko sa daanan.
I heard her sighed. ["Wait for a couple of minute."] pinatay nya na ang kabilang linya.
Napatigil ako sa Cake Shop, pumasok ako at pumili ng kulay itim na Cake. Tanging happy birthday Lysander J. Lang ang pinalagay ko don at hindi ko na ipinalagay ang pangalan ko.
Ng ibigay na sa akin iyon ay pumasok na ako ulit sa kotse at hinihintay na lamang ang itetext sa akin ni Ellaine. Una itong nag send ng Pic ng lalaki at sinabing iyon daw ang itsura ni Casper.
From Ellaine;
Casper Mariano, nagmamay-ari ng pasugalan sa five star hotel. pagmamay-ari nya rin ang casino. Sabi ni Daddy naging kasama nya rin iyon sa pagpapatakbo ng mga ilegal na gawain noon.
To Ellaine;
Last favor. Can you ask him if he knew Caper's favorite place?.
From Ellain;
Wait a minute again, honey.
Naghintay pa ako ng ilang minuto, agad umaliwalas ang mukha ko ng magtext na ito.
From Ellaine;
Coffee shop daw malapit sa bahay ni Sirui honey.
To Ellaine.
Tnx. I owe you a lot.
From Ellaine;
Aba! Dapat lang.
Hindi na ako nag-abalang mag reply pa at pinaharurot ko na ang kotse ko papunta sa tinutukoy nitong lugar. Inabot pa ako ng labin limang minuto bago makapunta sa Cofee Shop.
Bumaba na ako at nagmadaling pumasok sa Coffee Shop, buti na lang at maaga pa. Inilibot ko kaagad ang aking mata at isa-isang tinignan ang mga taong nariririto ngayon, kakaunti palang ang narito. At ng mapatingin ako sa dulo ay nakita ko ang lalaking hinahanap ko.
Hindi na ako nagdalawang isip at lumapit na kaagad sa kanya. Napatigil pa ito sa pag-inom ng kape at inangat ang tingin sa akin.
Tinaasan ako nito ng kilay, na pawa'y tinatanong kung anong ginagawa ko sa kanyang harapan. "Pwede ko bang bilhin sayo ang kwintas na binili mo kani-kanina lang?"
"Are you referring to this?" Tanong nito sabay hablot sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang kwintas na matagal ko ng pinapangarap na bilhin.
Napahinga ako ng maluwag ng makita ko iyon, "Maaari ko bang makuha iyan?" Tanong ko.
"At magkano naman ang ibabayad mo sa akin?" pabalik na tanong nito.
"Two Million." nakayukong pagkasabi ko.
Tumawa sya ng puno ng sarkastiko, "Seryoso ka ba? Binili ko ito nang naghahalagang Eight Million tapos bibilhin mo sa akin ng Two Million?" Nakatingin na sa amin ang mga narito.
"Installment, huhulugan ko naman ng buwan buwan, ibigay mo na lamang sa akin iyan at kailangan ko na ngayon. Pangako mag babayad ako ng tamang presyo."
"Hmmm, Actually hindi ko rin naman kailangan ang kwintas na ito kaso lang nagandahan ako eh, Kahit na hindi mo na ito bayaran..."
Napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka dahil don, "Pero..." Dagdag nito.
"Pero?"
DALAWAMPUT siyam na minuto na ang nakakalipas at hindi na ako mapakali dahil malapit ng mag simula ang birthday ni Azhi.
Pinag-bihis ako ni Casper ng damit na pang karate. Ang usapan namin kapag nanalo ako sa labang ito ay ibibigay nya sa akin ang Kwintas ng walang bayad.
Handa namana kong gawin para lang may mairegalo pa kay Azhi, binalaan rin ako ni Casper na hindi lang daw basta-basta ang makakalaban ko.
Ako daw ang ipanglalaban nya, wala naman na akong pakealam kung sino ang makakalaban ko ang gusto ko lang ay makuha na ang kwintas at makaalis na rito. Pumirma na rin ako sa kontratang hinihingi nila, but ofcourse I read it first. Baka kung ano pa nakalagay don. Tinanong din ang buong pangalan ko kaya nilagay ko na kaagad iyon.
Napaayos na ako ng sarili ng lumabas na ang lalaking makakalaban ko, unti-unti ng umingay ang paligid. Hindi ako sanay sa gantong lugar. Punong puno ng mga addict at mga sugalero't sugalera.
Ngumisi ang lalaking may malaking katawan at napa-smirk ng makita ako. Inikot ko na lang ang mata ko.
"Huwag mong kakalimutan ang usapan, kapag hindi ka nanalo walang kwintas. Deal?" paalala ni Casper. Tumango na lang ako bilang tugon.
"Woah... Go Thadeus! Patikimin mo ng kamao mo ang babaeng iyan!" Sigaw ng isang babae sa aking gilid.
Patuloy na sa pagsisigawan ang mga babae at lalaking narito, napa ismid nalang ako.
I don't give a goddamn fvcking care with them, the necklae is precious more than they do.
Lumapit sa akin ang lalaki dahilan para mas lalong lumakas ang sigawan. Hinanda ko na ang aking sarili kung sakaling aatake ito. Inilapit nya ang kanyang mukha sa aking tenga. "Are you sure that you want to have a fight with me?" he teased me.
I rolled my eyes. "Don't try me."
"Tumingin ka sa mga taong nanonood ngayon, asan ang mga taga-suporta mo diyan bakit parang lahat sa akin naka suporta?" asar nito.
"Fvck them all." I said calmly and cross my arm. "Bubulong ka nalang ba diyan na parang bubuyog?"
Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata nito. Hindi siguro sya makapaniwala na nasasagot ko sya ng ganto.
I smirk.
Then I see how he changed his mood, now he's smiling at me devily. "You're interesting"
"You're annoying."
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito, pati ang katabi kong si Casper ay narinig ko ang mahina nyang pagtawa sa aking tabi, tsaka bumalik sa kanyang pwesto. Damn. Kailan ba magsisimula?
Tumunog nang pagkalakas-lakas rito, halos mabingi pa ako.
Sumenyas sa akin si Casper nang thumbs up. Hindi ko nalang ito pinansin at umakyat sa pagsisimulan ng Battle.
Napatigin pa ako kay Thadeus na ngayon ay hindi maalis ang ngiti sa labi. "Let's start the game begin!" sigaw ng kung sino.
Lumapit sa akin si Thadeus ng nakangiti at binigyan ako ng suntok na nailagan ko naman. Dumaan pa ang gulat sa mukha nito pero agad din iyong nawala at tsaka nagpadapo nanaman ng suntok sa aking mukha na muli kung nailagan. "Is that how you punch Mr. Thadeus? Bakit sablay." I said Calmly.
Mukhang napikon naman sya sa sinabi ko kaya sunod-sunod na pagsuntok ang ginawa nya pero kalmado ko lang itong inilagan.
Napatingin pa ako sa mga taong nanonood ngayon dito, I wonder. Ilan kaya ang makukuhang pera ni Casper pagkatapos nito? Andaming pumusta kay Thadeus at sya lang ang pumusta sa akin.
Binalik ko ang atensyon ko sa aking kalaban na ngayon ay halatang pinagpapawisan na. "You are really interesting" daldal nito at tsaka ulit ako sinuntok.
Tumama na ngayon ang suntok nya sa panga ko kaya napatagilid ang aking mukha, naghiyawan nanaman ang mga tao.
Naalala kong malapit na pala ganapin ang birthday ni Azhi baka mahuli pa ako. Hinanda ko na ang pwesto ko at binigyan ng suntok si Thadeus. Nanlaki ang mata nito at tsaka gulat na inilagan ang suntok ko.
Nakatingin sya sa akin ngayon gamit ang gulat nyang mga mata. Sinuntok ko ang kanyang tiyan at sinunod ang kanyang mukha. Matapos non ay sunod-sunod ko ng pinagsusuntok ang tiyan at mukha nya hanggang sa mapaluhod na lang sya.
May lumapit sa amin at binilangan ito ng sampo, hindi ito nakatayo hanggang sampung segundo kaya kami na ang nanalo ni Casper.
Kita ko ang paglaglag ng mga panga ng narito, Nakangiti si Casper ngayon na akala mo'y nanalo ng lotto.
Tinignan ko pa si Thadeus na ngayon ay pinupunasan na nang mga kasama nya, dugo-dugo narin ang mga mukha nito.
Pinagmasdan ko din ang kamay ko na ngayon ay namumula na sa pagsuntok sa bungo ng lalaking iyon, tumingin ako ulit sa kanya at nakita kong papalapit na ito sa akin. "May I know your name?" tanong nito ng makalapit sya sa akin.
Hindi ko sya sinagot dahil tinalikuran ko na sya. "Erika Millario am I right?" napalingon ako sa kaniya ng banggitin nya ang tunay kong pangalan. "Nabasa ko lang sa listahan kanina, syempre nakasulat ang pangalan ng makakalaban sa listahan." dagdag nito. "At si Casper ang nagsali sayo dito diba?" hindi ko ito inimik nakatingin lang ako sa kanya. "Nice to meet you."
"Drop the nice." hinila ko na si Casper at tsaka tinignan sya ng matalim. "Give it to me"
Ngumiti naman ito saka kinapa ang kanyang bulsa, kita ko ang paninigas nya sa kanyang kinatatayuan. "Bakit?" tanong ko.
"Nawawala ang kwintas!" bulalas nito.
Halos matampal ko na ang sariling noo ko dahil sa sobrang inis. "Dumbass!" singhal ko dito.
"Ito ba ang hinahanap nyo?"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Hindi ko kilala ang lalaking may hawak ng kwintas. "Paano mo nakuha yan?" singhal dito ni Casper.
Tumawa naman ito ng malakas, "I have my ways Casper, sa sobrang busy mo sa panonood diyan sa manok mo kanina habang nakikipag-sabong kay Thadeus ay hindi mo na napansin na nakuha ko na." ngumisi pa ito.
Kumunot ang noo ko ng sabihin nyang manok at sabong, makapag-sabi ng manok ito, mukha namang kalapati.
"Give that back to us" I said coldly.
Napatingin naman ito sa akin. "Oh, Hi Erika Right?" turan nito. "Maswerte ka at natalo mo si Thadeus." napahawak pa sya sa kanyang labi na animo'y nag-iisip kahit mukhang wala naman sya non. "Paano mo kaya nagawang talunin si Thadeus? Alam mo bang ilang beses na naming sinubukang pabagsakin ang lalaking yon at hindi ko aakalaing isang babae lang pala ang makakagawa non." mahabang paliwanag nito.
Puro wala namang kwentang impormasyon ang sinasabi nya, pero kunya-kunyari interesado ako para makuha na ang kwintas. "Sa tingin ko ay kakailanganin ka namin laban sa kanya." dagdag nito.
"Hindi sya sasa--" hindi pa natapos ni Casper ang sasabihin nya ng may isang lalaking sumulpot sa amin at tinutukan sya ng baril. Napataas naman ng kamay si Casper at nakatingin sa akin.
"Ibaba mo yan." utos ko dito.
Hindi nya ako pinansin sa pagkat mas pinalapit nya pa ang baril sa ulo ni Casper, Halos manginig na rin ang labi nito sa takot.
Sinipa ko ang kanang kamay ng lalaki na may baril dahilan para mabitawan nya ang baril at malipad sa ere, sinalo ko ang baril at tsaka asintadong pina-ikot ikot. Tumingin ako sa kanya at tsaka pinakita kung paano ikasa ang baril. "Give me that necklace" saad ko.
Nagkatinginan naman sila bago magsalita ang isa. "Kailangan ka namin sa grupo" saad nung lalaking may hawak ng kwintas.
"Sasali ako, basta ibigay mo lang sa akin ang kwintas ngayon dahil kailangan ko na iyon!" reklamo ko.
"Kailangan mo munang patunayan sa amin na kasali ka sa grupo."
"Nababaliw ka na ba?" halatang pikon na pagkasabi ni Casper. "Wag kang sasali, bubugbugin ka muna nila bago ka masali sa grupo nila. yun ang patakaran don."
"Wala akong pake kailangan ko na yun ngayon." tumingin ako sa dalawa at tsaka tinanguan sila, kita ko pa ang pagliwanag ng mga mukha nila.
"Gaya ng ng sinabi ni Casper ay kailangan mo munang mabugbog" tumango na lang din ako, mahuhuli na ako sa kaarawan ni Azhi.
Iniisip na siguro ni Casper na nababaliw na ako sa aking desisyon, pero hindi ko na intensyon pang magpaliwanag sa kanya. I'm determined.
Sumakay na kami sa kotse ng lalaking may hawak ng kwintas ngayon, nasa gilid ko si Casper halatang nag-aalala. Paulit-ulit nyang sinasabi na bawiin ko na lang daw ang nakapag-sunduan at umuwi. Baka daw hindi ko kayanin. "Hindi ka naman nag-alala kaninang makikipag-bugbugan ako kay Thadeus ah?" tanong ko.
Napapikit pa sya sa sobrang inis, "Iba yon! Kaibigan ko si Thadeus at alam kong hindi nya masyadong sinasaktan ang mga babaeng nakakalaban nya, at ang mga fraternity na papasukan mo ay hindi ko alam kung anong klaseng tao" napahilamos pa sya at tsaka huminga ng malalim.
Kung bubug-bugin nila ako ngayon baka makita nila Sirui ang sugat ko mamaya, siguradong mag-aalala nanaman yon. Grabe pa naman mag-alala yon akala mo mamamatay ka na dahil sa pag-papanic nya. Minsan nga naiisip kong kapag may natatamo akong sugat ay mas mamamatay pa ako sa ingay ni Sirui, sa sobrang ingay pati nurse di na sya maawatan.
"Sigurado ka na ba talaga?" tanong nanaman ni Casper.
Kanina pa ito nag-iingay at naiinis na ako dahil don, bagay sila ni Sirui. Parehas na maingay.
"Pupunta ba ako kung hindi?" tanong ko.
Mas lalo pa syang nainis at tsaka napasipa sa baba ng kotse, kita ko pa ang pag silip sa salamin ang dalawang lalaki dito sa aming likuran.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang kanilang pugad, bumungad sa akin ang mga ka-hairstyle nung lalaking nanutok kanina kay Casper. Pare-parehas silang nagmukhang kalapati. Pero meron namang naiiba dahil yung isa mukhang Agila.
"Jarred!" sigaw ng isa sa mga ito at lumapit sa amin. Nagtaka naman sya ng makita nya kami ni Casper. Humawak ng mahigpit sa braso ko si Casper.
"Bumalik nalang tayo don Erika, masyadong delikado itong binabalak mo." bulong nito sa akin ng makita nya ang mga lalaking naglalakihan ang katawan.
Hinawakan ko ang braso nito, "Kapag naabgradyado na ako, huwag mo akong pabayaan." hiling ko dito.
Halos maistatwa ako sa aking narinig mula sa aking sarili, ito ang unang beses na humiling ako sa iba tungkol sa kapakanan ko. Huwag mo akong pabayaan. What the fudge. Kailan pa ako naging cheesy.
"Maiwan ka muna dito pre." hinarangan sya nang isang lalaking punong puno ng tattoo ang katawan.
Tinignan sya ng masama ni Casper na halatang naghahamon na ng sapakan ngayon. Humarang na ako sa pagitan nila. "Ako na ang bahala Casper hintayin mo nalang ako sa labas."
"Nababaliwa ka na nga!" hindi makapaniwalang turan nito.
Ngayon lang kami nagkakilala pero masasabi kong mabait nga sya, maybe. Sa una. Pangit talaga ang ugali nya. Pero ngayon hindi naman pala. "Kapag hindi mo na kaya, sumigaw ka ng malakas." ani nito, tumango naman ako bilang tugon.
Hinila na ng ibang lalaki si Casper papalabas at tanging limang lalaki na lang ang narito, mukhang ang limang ito lang ang lider ng Gang.
Maski ako ay kinakabahan na rin, paano ko ba makakayang tanggapin ang mga bugbog nila ng hindi ako lumalaban. Baka balian na ako ng buto kapag uwi ko, birthday pa naman ni Azhi baka mag-alala pa yon.
"Wala na bang ibang choice?"
Nagtinginan sila at tsaka tumawa ng malakas, "Ngayon ka pa talaga babawi?" nakakalokong ngiti ang iginagawad nila sa akin.
"Tumayo ka lang diyan at huwag na huwag kang magtatangkang lumapit sa amin dahil kung nagkataon, hindi mo na makikita ang lalaking kasama mo ngayon."
Agad nagsitayuan ang aking balahibo, Goddamn. I'm doomed.
May lalaking lumapit sa likuran ko at hinila ang aking buhok, iisipin ko pa sanang bakla sya dahil sinabunutan nya ako ng bigla naman akong sinuntok ng isa sa kanila sa aking tiyan.
Napangiwi pa ako sa sobrang sakit, merong humawak sa dalawang kamay ko para siguraduhing hindi ako lalaban. Kumuha ng tela ang lalaking pinakamay maraming tattoo sa kanila, inikot nya ito sa kanyang kamay at tsaka lumapit sa akin.
Hindi pa ako nakakamove-on sa pasuntok sa tiyan ko kanina ng makatanggap nanaman ako ng napakalakas na suntok sa akin tiyan. Feeling ko ay matatanggal na ang bituka ko. Parang hinati ang tiyan ko.
Gustong-gusto ko na hawakan ang tiyan ko dahil sa sobrang sakit pero may nakahawak naman sa aking dalawang kamay, halos manlabo ang paningin ko ng isang suntok sa mukha ang natamo ko. May dumaloy nalasahan akong dugo sa aking labi, nanlalabo ang paningin ko. Sa tingin ko lahat ng pwersa ng lalaking ito ay ibinigay nya sa suntok nya.
At mas lalo na akong nanlabo ng makatanggap nanaman ako ng suntok na tumama sa mata ko.
Hanggang sa may narinig kaming malalalim na boses, galit ang boses nito na akala mo'y papatay na ng tao. "Titigilan nyo sya oh papatayin ko kayo dito mismo sa teritoryo nyo." sa sobrang lalim ng boses nya ay nasindak nya ang mga lalaki rito.
Ngumiti ako sa kanya ng dumaan ang tingin nya sa akin, naramdaman ko na lang na parang may humihila sa akin. Hanggang sa namalayan ko nalang na puro dilim nalang ang nakikita ko.
I failed Azhi.
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, tinanggal ko ang kumot na nakalagay sa aking katawan at tsaka bumaba.
Inilala ko ang huling nangyari, naalala kong biglang dumating si Thadeus at tinakot ang mga lalaki. At yun nalang ang naalala ko. Bumangon ako ngunit halos masuka ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking tiyan. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa tiyan kung masakit ang puson mo, pero nagkamali ako dahil mas masakit pa ito.
Parang may kumuha ata sa bituka ko, natawa naman ako dahilan para mas lalong kumirot ang tiyan ko, pinilit ko namang tumayo.
Late na ako sa birthday ni Azhi.
Lumabas na ako sa malaking bahay na ito nang walang paalam-alam, nakita pa ako ng ibang katulong at lalapit sana sa akin para kausapin ako pero nagmamadali ako.
Wala na akong oras, gabi na. Paika-ika akong tumakbo at nakahawak sa tiyan ko.
"Ihahatid na kita."
Napalingon ako sa nagsalita, nakapambahay ito, terno ang kanyang damit na pangtulog. Mukhang ginising sya ng kanyang mga katulong.
Tumango ako, pakapalan na lang ng mukha, basta gustong-gusto ko ng makaalis. Pumasok naman sya sa loob ng bahay nya at mabilisang kinuha ang susi. Nang makuha nya na ang susi ay may dala na rin syang Coat na inilahad nya sa akin.
Nagulat naman ako ng ibigay nya sa akin iyon, "Malamig." Tipid na saad nito at inilalayan akong ipasok sa kotse. "Saan ang bahay mo?" pangbabasag nito sa katahimikan habang nagdridrive.
"Tapat ng Catalina Hotel" mahina ang boses ko.
Pati sa pagsasalita ay masakit pa rin ang tiyan ko. "Makakauwi kabang may black eye?"
Agaran akong napahawak sa isang mata ko at naramdaman kong may bukol ito, "Damn."
"Bili muna tayo ng ipantatakip diyan sa mata mo." saad nito at tsaka ipinagpatuloy na ang pagdridrive.
Napakagat na lang ako ng labi, hindi ako sanay ng ganito. Masyado akong pa espesyal.
Tumigil sya at sinabing hintayin ko daw sya dito. Tumango-tango nalang din ako dahil sasakit lang ang tiyan ko kapag nagsalita paa ko.
Wala pang limang minuto ay nakabili na sya. Ng mabuksan nya ang kotse ay inabot nya sa akin ang binili nya aabutin ko sana ito pero sya na ang lumapit at kinuha ang nasa loob nito.
Salamin na kulay itim ang binili nya, inilagay nya ito sa aking mata. Kahit pa hindi ako nakaharap sa kanya ay sya na ang nag-adjust para makabit iyon.
Nahihiya tuloy ako sa ginagawa nya, nang magtama ang tingin namin ay agad syang nag-iwas ng tingin.
"Iuuwi na kita" saad nya.
Tumango-tango ulit ako.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Azhi, nagsinungaling akong bahay ko ito dahil ang totoo dito gaganapin ang birthday ni Azhi kaya dito ko na lang sinabi na dito ang bahay ko. "Asan pala ang kotse ko?" tanong ko sa kanya nang makababa ako.
Hawak-hawak ko pa rin ang tiyan ko.
"Naitext ko na kanina nung bumili ako ng shades kay Casper na dito nya ihatid sa tapat ng Catalina Hotel ang kotse mo, mga ilang minuto nalang din siguro ay narito na iyon." paliwanag nito.
Hilaw akong ngumiti, Parang may kulang sa akin, parang may naiwan akong mahalagang bagay na hindi ko alam kung ano.
Tumalikod na ako at paika-ikang naglakad. "Wait" tumigil naman ako ng marinig ko ang boses ni Thadeus. "Sigurado kabang kaya mong maglakad?"
Ngumiti nalang ako at tsaka nagbigay ng thumbs up, mukhang hindi naman sya satisfied sa ginawa ko. Huminga pa sya ng malalim at tsaka lumapit sa akin.
Kinuha nya ang kamay ko at tsaka may inilagay roon, "Take this."
Ng buksan ko ang kamay ko ay halos mailuwa ko ang aking mata ng makitang ang kwintas iyon.
Kumirot ang mata ko pero hindi ko na binigyan iyon ng pake. "M-madaming salamat!" masayang ani ko pero agad ding napangiwi ng maramdaman ko ang sakit sa aking tiyan.
"Ayan, hindi mo kasi masyadong pinag-iisipan ang mga desisyon mo." pinitik nito ang noo ko at tsaka tumalikod. "I hope na magkita tayong muli." saad nito at tsaka itinaas ang kanang kamay.
Hindi muna ako pumasok sa loob, hinihintay ko ang kotse ko dahil nandoon ang Cake at ang Divorce Paper.
Anim na minuto pa ang hinintay ko bago dumating si Casper, seryoso lang sya. Doon sya sumakay sa kanyang kotse at may ibang tao syang ipinagdrive. "Kasalanan ko kung bat nangyari yan."
"Sanay na ako." sagot ko nalang at paika-ikang lumapit sa kotse ko at kinuha ang Cake at Divorce Paper.
"Para saan ang papel?" tanong ni Casper ng makalapit sya sa akin.
"Dp" kumunot ang noo nito sa aking isinagot.
"Divorce Paper."
Tumalikod na ako at tsaka nagsalita. "Kailangan ko na talagang umalis Casper see you next time." nagmamdaling ani ko.
Pumasok na ako sa bahay nila Azhi, hindi pa rin nagbabago ang mga desenyo. Gantong-ganto parin.
Pumunta ako kung saan naririnig ang mga ingay, napangiti ako ng makitang nagbubukas na ng mga regalo si Azhi sa harapan ng mga kaibigan nya.
"Woah.... Ang mahal ng relo na iyan sino ang nagbigay?" Sigaw ni Caspian mula sa malayo at mabilisnag lumapit kay Azhi. "Hehe, ako pala" sagot nito at napakamot pa ng batok.
Agad namang nagtawanan ang mga naroon maging ang mga magulang ni Azhi. Maging ako ay napatawa rin, gustong-gusto kong kuhanan ng litrato si Azhi. Sobrang gwapo nya sa damit nya.
Ang saya-saya nya, ang saya-saya nya ngayon. Halos mapunit din ang labi ko kakangiti habang pinapanood syang tignan ang nagbubukas ng regalo. Mukhang kanina pa sila nagsimula dahil yung ibang regalo na nabuksan ay nandon na sa gilid. Apaka dami nyang regalo.
At sa tingin ko ay sa mga kakilala lang namin ang binubuksan ngayon, yung sa mga Fans naman nya ay nakahiwalay at sa sa aking palagay ay sya na ang magbubukas non.
Kumunot ang noo ng nagbubukas nang regalo. "Mr. Lozano, kay liit naman ng ragalong ito." tugon nito, nakahawak sya ng mic kaya maririnig sya ng lahat.
Ng buksan na ng taga bukas ng regalo ay nabitawan nya ang kanyang hawak, halos lahat ay nagatatakang tumingin sa kanya. "Pregnancy test" halos hindi makapaniwalang pagkasabi nito.
Unti-unti nang naglaho ang ngiti sa aking labi.
Tumayo si Enxi sa stage at kinuha ang mic sa nagbubukas ng regalo. Halos lahat kami ay gulat na nakatingin sa kaniya lalong-lalo na si Azhi.
Walang nakakakita sa akin dito sa likuran dahil nakasilip lamang ako sa pintuan. Napahawak ako ng mahigpit sa tiyan kong namimilipit na ngayon sa sakit.
" Ama ka na Lysander Javier Lozano." nakangiting ani nito.
Gulat na gulat ang lahat, halos hindi makapaniwala sa nasaksihan.
"Dalawang linggo na akong buntis." dagdag nya, mas lalo pa kaming nagulat ng tumayo si Alfredo, Ang tatay ni Enxi. Binigyan nya ito ng pagkalakas-lakas na sampal.
"Alfredo!" awat naman ng ina nito.
"Hindi ba't sinabi ko sayong itigil mo na ang kahibangan na ito?!" galit na sigaw ng tatay nya, umalulong ang sigaw nito sa Mic.
Napahawak ng pisngi si Enxi at parang balewala lang ang ginawa ng ama dahil tinignan nya si Azhi. "Wala akong pake sa sasabihin ng iba Lysander, sayo lang ang gusto kong pagtuonan ng pansin".
Nagkagulo ang lahat, unti-unti ng umingay ang bawat paligid. Napuno ng bulungan ang buong silid.
Nakahawak na ngayon ang Nanay ni Enxi kay Alfredo, galit na galit ito at parang nais nyang saktan ang kanyang anak ngunit pinipigilan nya lang dahil sa dami ng tao.
Napahawak ako ng mahigpit sa Cake at Divorce Paper at lalong lalo na sa kwintas na halos ikamatay ko para lang makuha para sa kanya, at ang kwintas na pinaghirapan ko ng ilang taon para lang mairegalo sa kanya.
I force a smile.
Ngunit nawala rin iyon ng makita ko sa stage si Ellaine at Sirui na ngayon ay sinasabunutan na si Azhi at Enxi, pilit pa silang pinipigilan ng iba pero masyado silang malakas at lahat ng nagtatangkang lumapit sa kanila ay napapaupo. Gusto kong lumapit at tulungan si Azhi gusto kong pigilan si Ellaine at Sirui na huwag na silang saktan.
Nasasaktan na si Azhi.
Pero ngayong gabi, maliwanag na sa akin ang lahat. Maliwanag na sa akin na mahal na mahal nya talaga si Enxi, sobrang tanga ko pa sa part na, iniisip kong baka mas mahal nya ako kay Enxi na baka nagkakamali lang sya ng nararamdaman, na baka naguguluhan lang sya oh baka naman masyado lang syang nadala sa emosyon nya na makita ulit si Enxi. Na baka marerealize nya rin na mas mahal na mahal nya ako kaysa kay Enxi.
Ang sakit maging tanga ah. Pero mas maganda na ang ganito, na maliwanag na ang lahat para sa akin.
Na kahit anong gawin ko hindi ko matatapatan ang pagmamahal nya sa una nyang pag-ibig.
Bakit parating ako na lang ang nasasaktan sa huli?.
***********************************
RE•SET