Lysander Javier Lozano's POV
(AZHI)
ISANG linggo na ang nakakalipas at hindi ko man lang nakita maski ang anino ni Yin. At isang linggo na din ang nakakalipas ng umpisa ng patirahin ko dito si Enxi. Dalawang linggo na lamang at kaarawan ko na. Marami na kaagad ang nag-aabang sa gaganapin na kaarawan ko.
Nanonood lang kami ng T.v ni Enxi nakayakap ito sa akin samantalang naka akbay naman ako dito."Sa Birthday mo may super duper Gift ako sayo..." panglalambing ni Enxi.
Napangiti naman ako. "Parang gusto ko na tuloy i-move ang Calendar" pilyong pagkasabi ko.
Natawa pa kaming pareho. "Pero Azhi, Isang linggo ng wala si Yin, paano kung bumalik na lang sya dito bigla tas makikita nyang magkasama tayo?" Tanong nya.
Natawa naman ako ng bahagya. "Sa limang araw na paninirahan mo dito, walang araw na hindi mo yan tinanong." pinitik ko ang ilong nito at tsaka sya napapikit.
"Parehong mali ang ginagawa natin Azhi pero dahil mahal kita handa akong labagin ang lahat ng mali para sayo." mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.
"Sweet."
Nagsitayuan ang balahibo ko at agad na tumingon sa likuran namin. Napatayo ako at sinalubong ng masamang tingin ito. Nang suriin ko ang buong katawan nito ay may mga sugat syang papagaling na.
Napaaway nanaman siguro ang Gagong toh.
Tinitigan lang nya ako pati si Enxi at dumiretso sa kwarto nya. Napatawa naman ako ng mapakla.
Ano pa ba aasahan ko sa kanya? Bat ko ba inaasahang magseselos sya?. Syempre naman balewala lang sa kanya yan, mayabang e.
May kung anong pumipilit sa akin na sundan sya at meron namang hindi.
Akmang susundan ko na sana si Yin para tanungin kung saan sya nanggaling ng magsalita si Enxi. "Susundan mo sya dahil?"
Nilingon ko ito, malungkot ang kanyang mga mata at parang nagtatampo.
"Tatanungin ko lang kung saan sya nagpunta." sagot ko.
"Bakit kailangan mo pang tanungin?"
"Dahil asawa ko sya." Mariing tugon ko.
Natahimik naman kaming dalawa at dun ko lang napagtanto ang nasabi ko. "Sa bagay, kabit nga lang pala ako." saad nya at tumayo.
"Saan ka pupunta?" lumapit ako dito at hinawakan ang kanyang siko.
"Uuwi na. Nandiyan na yung Original." May bahid ng lungkot na pagkakasabi nito.
Iniharap ko ito sa akin at niyakap sya ng mahigpit. "I'm sorry." turan ko.
Napabuntong hininga pa ito bago ako niyakap pabalik.
Napabitaw sa akin si Enxi ng marinig nyang mag ring ang kanyang Cellphone. "Hello? Bakit daw? Anong nangyari? Salamat naman. Ayos na talaga sya?"
Kuminang-kinang pa ang mata nito dahilan para mapakunot ang noo ko. "Anong meron?" supladong pagkatanong ko.
"Don't worry wala akong ibang lalaki ikaw lang. And si Daddy nakauwi na daw sya!" masayang pagkasabi nito at lumambitin sa aking leeg. "Uuwi muna ako hah? Wag kang masyadong lalapit kay Yin." Utos nito at kinuha ang kanyang shoulder bag.
Kukunin nya narin sana ang bag na naglalaman ng mga damit at ibang gamit nya ng pigilan ko ito. "Huwag na, babalik ka rin naman rito soon." sabi ko sabay kindat.
Kita ko pa ang pamumula nito. "Bolero ka!" sigaw nito at tsaka tumakbo papalabas.
"Teka Enxi!" hinabol ko ito at tsaka sya hinila papaharap sa akin.
Hinalikan ko ito sa noo, ilong, at nagtagal ng ilang minuto sa kanyang labi.
"Ingat ka"
Tumango ito at hinalikan pa ako sa pisngi bago umalis at pinaandar ang kanyang kotse.
ILANG oras na ang nakakalipas ay boring na boring na ako sa pinapanood ko.
Pumunta ako sa kusina at naghanap ng makakain sa Ref. Ng makakuha na ako ng makakain ay pumunta na ako sa lamesa.
Nilantakan ko na ito at ng matapos ako ay hinugasan ko na rin ang plato.
Babalik na sana ako sa sala, ng makita ko si Yin na nakatayo sa may Laundry.
Nakatingin sya sa sahig at seryoso lang sya, ng tignan ko ang tinitignan nya roon ay halos manigas ako sa aking kinatatayuan. Tulala sya roon.
Mabilisan kong dinampot ang bra ni Enxi pati ang nakakalat sa gilid na brief ko.
Nilagay ko iyon sa labahan at kabadong tumingin kay Yin.
May kung ano sa akin na nagsasabing nagseselos sya dahil sa nakita nya, hindi ko alam pero mas lalo pa akong natuwa ng dahil don.
Sa sahig pa rin sya nakatingin kahit nailagay ko na sa laundry ang bra ni Enxi.
Pumunta ako sa harapan nya at iwinagayway ang aking kamay sa tinitignan nya pero, tulala lang sya.
Mukhang wala sya sa sarili. Hinawakan ko ang balikat nito at tsaka niyugyog. "Huy, Yin" saad ko at patuloy parin sa pagyugyog.
Pero patuloy parin syang nakatitig sa sahig. "Yin!" sigaw ko at malakasan syang itinulak para magising sya sa kanyang ulirat.
Napaupo sya sa sahig. Pero ganon pa din, nakatitig pa rin sya sa sahig. "Stop..." mahinang pagkasabi nito pero sapat na para marinig ko.
"Stop what?" iritadong pagkatanong ko.
Hindi ko talaga masakayan trip ng babaeng toh, nakatulala pa rin sya sa sahig at hindi tumatayo mula sa pagkakaupo.
"ANO BA ERIKA MILLARIO!!!" Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng bahay namin.
Doon bumalik ang ulirat nya. "Ano bang nangyayari sayo hah?! Isang linggo ka lang na nawala ganyan ka na kaagad?!" sigaw ko dito.
"Don't yell...please." halos kapusin sya sa hininga ng sabihin nya ito.
Napatakip pa sya ng kanyang tenga, para syang bata kung umasta. Tumingala sya at pumikit.
Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa nya, hanggang sa mahimasmasan na sya ay tumayo na sya at pumuntang kusina.
Sinundan ko sya doon, umupo ako sa harapan nya at pinanood syang kumain. "Erika Millario." paninimula ko.
Handa na ako, handa na akong sabihin sa kanya ang lahat. Napahinto sya sa pagkain pero sa pagkain nya parin ang kanyang tingin. "Why?" tanong nya.
"Pwede ba akong humiling?" I ask coldy.
"Spill it" tugon naman nya.
"Gusto ko ng makipag-hiwalay." I said strait to the point.
Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa at mas lalo pa syang masasaktan kung patatagalin ko pa.
Kaya nyang tanggapin lahat pero si Enxi hindi, ayokong masaktan sya. Marami ang mga taong mapanghusga ngayon kaya maraming masasakit na salitang matatanggap si Enxi hanggang kasal pa rin kami ni Yin.
Nabitawan nya ang hawak nyang kustara at tinidor, nakatitig pa rin sya sa kinakain nya. "Can you wait a one month?" halos pabulong na pagkasabi nito.
"No."
Inangat nya ang kanyang ulo at tumitig sa akin. "Are you happy with your descision?" nakatingin lang sya sa aking mata. Tumango naman ako bilang tugon. "Just promise me, promise me na hindi mo pagsisisihan ang ginawa mo..." she said weakly.
I look at her with a serious face. "I promise." i said while not broking our look.
Napakagat sya ng labi at tsaka tumango-tango. "Can we just talk about it tommorow? K-kahit ngayon lang. I'm tired right now, marami kasi akong ginawa eh. Pwede ba?" saad nito at tumingin sa ibang direksyon.
Hindi sya nagsisinungaling, she really looks tired base on her face.
There's something wrong in her voice that I can't figure out. Is it happiness. Is she happy that she's now free. I-is she happy that the tail will be removed between us.
I hope she does.
"Okay." i answered.
************************************
#RE•SET