Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

🇵🇭Lyn_Hadjiri
--
chs / week
--
NOT RATINGS
75.3k
Views
Synopsis
Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

Prologue

"GOOD morning," pagbati ko sa babaeng nasa counter.

"Good morning, ma'am," she greeted me back and smiled.

"Saang floor po si Dr. de Cervantes?" magalang na tanong ko sa kanya at kumunot ang noo niya.

"5th floor po, ma'am. Sino po ba sila?"

Kung kanina ay may ngiti sa mga labi. Ngayon naman ay nakasimangot siya at mukhang...galit?

"I'm Arthea Primero-de Cervantes. I'm his wife," nakangiting sagot ko at tila proud pa akong sabihin sa kanya na asawa ako ni Dr. de Cervantes.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo," walang emosyon na sambit niya at ako naman ang napakanuot-noo.

"Me either, I'm not joking around, miss. I just wanna know kung saan ang floor ng office ng asawa ko," matigas na sambit ko at wala ring emosyon sa boses ko.

Kung makapagsabi siya na hindi siya nakikipagbiruan sa akin ay mukha rin ba akong nakikipagbiruan sa kanya? Hindi naman, ah? Gusto ko lang malaman kung saang floor ang office ng asawa ko!

Ay! Nasa 5th floor daw! Sabi niya.

I was about to leave the girl when she stopped me.

"Lumabas kanina si Dr.de Cervantes, kasama ang wife niya, miss," aniya at pinagdiinan talaga ang word na wife.

At dahil sa sinabi niya ay tila may karayom ang bumaon sa dibdib ko. Did I heard it right? O namali lang ako sa narinig ko?

Si ano? 'Yong asawa ko ay kasama  ang asawa niya? Seriously? Eh, nandito pa kaya ako. Sino naman kayang asawa 'yon?

"S-sino?" nauutal kong tanong sa babae.

"Jillian de Cervantes," nakangisi pa niyang sagot sa akin.

Huh? Si Jillian? Si Jillian de Cervantes? Kailan pa napalitan ng de Cervantes ang surname niya? And what? J-Jillian? Jillian Ramirez-Amero ba kamo?

Oh, yeah! Jillian, si Jillian na first love niya. Ang unang babaeng minahal ng aking asawa. Levin's first love.

Napahawak ako sa dibdib ko nang mas maramdaman ang pagkirot nito. Wala sa sariling naglakad ako pabalik at hindi ko na rin namalayan ang mga luha kong masaganang tumulo mula sa mga mata ko.

Nasa exit na ako ng hospital nang makita ko ang asawa ko...at kasama niya nga ang babaeng iyon.

"Thank you for the treat, babe," dinig kong sambit ni Jillian at napahinto na ako sa paglalakad.

"No problem, babe," nakangiting saad naman ng asawa ko.

Ibang-iba talaga siya kapag kasama niya si Jillian. Sa babaeng ito ay sumasaya si Lervin.

Naglalakad na sila patungo sa direksyon ko at parang napako na ako sa kinatatayuan ko.

I started to walk and I did. Pero nawalan ako ng balanse at nadapa ako. Ramdam ko ang pagkirot sa chin ko at tiyak na may sugat na ako sa parteng 'to.

Nakakatawa pa, hindi ko kayang tumayo. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko.

"Miss, okay ka lang?" tanong n'ong lalaki mula sa unahan ko.

Mukha ba akong okay sa lagay na oto? Iyon sana ang isasagot ko sa lalaking iyon. Pero maski ang boses ko ay hindi ko magawang ilabas.

Hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin. Madalas nawawalan ako ng balanse at madalas hindi ako nakakapag-salita.

Bakit kaya? May mali na ba sa akin? H-hindi na ba ako normal?

"Stand up, stupid." Tuluyan nang bumuhos ang nagbabadya kong mga luha nang marinig ko ang malamig niyang boses.

My husband...

#Someday,I'llBeGone