Chapter 3 - Chapter 2

~First meeting~

"Careful, baby," malambing na sabi ni Lervin sa akin at tumabi pa talaga sa akin. He caress my back and I stilled.

Ganito po kalakas ng impact ng asawa ko sa akin. Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman, basta ganito siya.

Kinakabahan ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Naiilang ako minsan pero gustung-gusto ko naman siyang makita. E, kahit na minsan wala na akong pakels sa kanya.

I still remember, our first meeting. Sa Bitter&Better Restaurant kami no'n.

FLASHBACK

"Are you ready to met your future husband, apo?" mahinahong tanong sa akin ni Daddy-lolo Rafidel.

Umuwi ako ng maaga kasi nga ime-met ko raw ang future husband ko sabi ni Daddy-lolo. Freshman pa ako sa college ay gusto na niyang maikasal ako kaagad.

Si Daddy-lolo na lang kasi ang nag-iisa kong pamilya. Ulila na ako sa parents ko. Namatay sila noong five years old pa lamang ako. Car accident daw sabi ni Daddy-lolo at dead on arrival.

Kaya si Daddy-lolo na ang nag-alaga sa akin at ngayon nga ay lumaki naman ako ng maayos. Kaya mahal na mahal ko talaga ang Lolo ko. Kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ko na lang.

Kaka-18 ko pa lang three months ago. Isa pa napagkasunduan din nina Daddy-lolo na civil wedding pa lang daw muna. After graduation ko na lang daw ang grand wedding. Though, okay lang naman sa akin ang civil.

"Yes, daddy-lo," nakangiting sagot ko sa kanya.

Ready na nga ako kahapon pa. Nagsuot lang ako ng isang simpleng off-shoulder dress na hanggang tuhod ko lang ang haba. Kulay red 'to at doll shoes naman ang suot ko. Hinayaan ko na ring nakalugay ang mahaba kong buhok na hanggang baiwang.

Si Daddy-lo ay naka-suit. Formal na formal siya at kahit medyo may katandaan na ay guwapo pa rin ang Lolo ko.

"Good evening." Napaangat ang mukha ko sa nagsalita malapit sa table namin ni Daddy-lolo.

Napaka-baritono ang boses ng lalaki at nang masilayan ko ang hitsura niya ay bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang guwapo! Halos malaglag na nga ang panga ko sa sahig ng resto na ito.

Naka-formal suit din siya at kahit tila pokerface lang siya ay hindi iyon nakabawas sa kapogian niya. Where is justice?

Feeling ko tuloy pang-Wattpad character fictional si kuya.

"Good evening too, hijo. Maupo ka," nakangiting aya sa kanya ni Daddy-lo at base sqa boses ni Daddy-lolo ay masaya siya! Saan naman?

"Uh, hijo. This is Arthea Primero, my beautiful granddaughter," pagpapakilala ni Daddy-lolo sa akin at nagtama ang mga namin.

Doon, mas natitigan ko siya ng husto. Mula sa mala-perpekto niyang kilay, ang malamig na malamig niyang mga mata na may kulay abo, pababa sa matangos niyang ilong at mapupulang labi. Ang guwapo talaga niya. Bigla akong nauhaw, kaya iyon nga ang ginawa ko. I drink my water.

"AND apo, he's Lervin de Cervantes, your future husband."

Wew! Hindi ako lugi nito! Guwapo naman ang mapapangasawa ko. Pero mukhang suplado?

"Hi, beautiful. I'm Lervin," aniya at tumayo pa siya at yumuko. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito.

Napaawang na lang ang mga labi ko sa ginawa niya at napalunok nang makita kong ngumiti siya.

Holy God! He had a set of dimples! Ang ganda! I compose myself and smiled.

"Nice to meet you, Lervin. Just call me, Art," nakangiti ring sabi ko and wew. Hindi ako nautal doon.

"Well, please to meet you too, baby."

END OF FLASHBACK

Okay naman ang unang pagkikita namin but after our wedding? Nah, biglang naglaho ang kabaitan niya at hayon nga. Madalas hindi siya umuuwi sa bahay namin.

Minsan ko na lang din siya nakikita eh. Oo na, sinabi ko kanina na wala akong pakels--pakialam sa kanya pero totoo! Nag-aalala ako sa kanya.

At dahil nag-aalala nga ako ay nakakatampo iyon. Kasi ako ang asawa niya at wala man lang akong idea kung saan siya nagpupunta o kung okay lang ba siya.

Isa pa, alam ko namang busy tiyang tao. Busy siya sa mga pasyente nila sa hospital.

___________________

"Ihahatid na kita." Malamig na naman ang boses niya. Kainis siya. Hindi porket asawa ko siya ay hindi ko siya aawayin. Hmp!

"Just go, I can go back to school. Magra-ride ako ng taxi. Sayang ang oras mo sa akin," may pagtatampo kong sabi.

Hindi naman kami close niyan pero paminsan-minsan din ay nag-uusap. Komportable naman akong awayin siya pero madalas talaga, wala kaming kibuan.

Mariin na magkalapat ang mga labi niya at malamig na tiningnan niya ako. Tapos parang bored na bored pa siyang titigan ako.

Nilingon ko ang kaibigan ko na nasa tabi pa rin ng kanyang asawa. Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa pamimili ng materials namin kuno.

"DON'T be stubborn, Arthea," mariin na saad niya at ginamitan pa ako ng pagka-awtoridad niya. Pss.

Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lamang siya. Lumapit ako sa kaibigan ko at pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Shin.

"You guys can go na. We can manage ourselves to go back to school," sabi ko at napabuntong-hininga lang si Lervin.

Magsasalita na rin sana ang hubby ni Shin, kaso naunahan na siya ng kaibigan ko.

"Yeah. Okay na kami rito. Sasakay na lamang kami ng taxi," mahinahong saad ni Shin.

"Alright," pagsuko ni Lervin at nginisian ko na lamang siya.

"Ipapara ko na lang kayo ng taxi," ani Cervin at iyon na nga ang ginawa niya.

Huminto sa tapat namin ang taxi na pinara ni Cervin at binuksan nito kaagad ang pintuan.

Ako ang unang sumakay at hindi ko tinapunan ng tingin ang asawa ko.

Bago pa isara ni Cervin ang pintuan ng sasakyan ay binalaan pa nito ang driver.

"Dahan-dahan po kayo sa pagmamaneho, manong. May babae kayong pasahero." Cool.

"Take care."

Pinausad na ng taxi driver ang kanyang sasakyan at parehas pa kami ni Shin na tumingin sa labas.

Mabilis din silang sumakay sa sarili nilang sasakyan at napailing na lamang ako.

Tiningnan ko ang kaibigan ko na katulad ko rin ang kanyang reaksyon.

"Seriously? Bakit nakasunod ang kotse ng asawa mo, Art?" nagtatakang tanong niya.

Napaismid ako, "bakit nakasunod din ang sasakyan ng asawa mo, Shin?" ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Sa totoo lang, Art. Pang-Wattpad fictional character talaga ang face ng hubby mo eh," aniya at may pagkamangha na naman sa kanyang boses.

Sa kanya ko po nalaman ang mga ganyang fictional character kamo.

"Parang iyong asawa mo rin?" tila inosenteng tanong ko.

"Oo. Madalas na snob at tahimik. Kahit strict 'yan ay alam kong importante sa kanya ang mga taong nasa paligid niya," sabi ng kaibigan ko at may kahulugan iyon, ah.

"Kasama ka naman kaya?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

"Ewan ko," sagot niya at nagkibit-balikat na lang.

Okay na sana 'yang asawa ko eh. Kung hindi lang siya gago. Alam ko naman na hindi magaspang ang ugali niya. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ibang-iba ang pagtatrato niya sa akin.

Nakakaiyak nga ang ugali niya eh, kahit na hindi ko pa siya lubos na kilala.