Chapter 4 - Chapter 3

~Drunk~

"WALA kayo sa last subject ko," malamig na sambit ni Miss Emily, ang professor namin sa History. Mid-40 pa lamang 'yan at matandang dalaga kaya natural maldita.

Nakasuot siya ng malaking eyeglasses at ang looks niya? Nakakatakot, pati ang aura niya. Wala kasing emosyon eh.

"Next next week na ang foundation ng University natin. So, I expected you na kayo ang tutugtog sa foundation night. You can't say no to me or else goodbye grades," may pagbabanta na sabi niya, saka niya kami tinalikuran.

Nagkatinginan kami ni Shin at namumutla na rin siya. Crap! I forgot na si Miss Emily pala ang last subject namin at history pa iyon! Siya pa naman ang pinaka-strict at maldita na prof namin.

Third year college na kami ni Shin at same course pa kami, HRM. Magka-klase rin at last year ko lang din nakilala si Shin.

Una, snob 'yan at walang pakialam sa piligid. Akala mo may sariling mundo at cool siya. Kaya roon nakuha niya ang atensyon ko.

Nilapitan ko siya at kinaibigan. Mahirap ding paumuin ang mailap na lion. Pero sa huli napaamo rin.

Bukod kay Marshin Escalante ay may kaibigan pa akong iba. Pero guy bestfriend naman iyon.

Oh, speaking of the devil. Nandiyan na sila.

"Paano na, Art? Tutugtog? Means kakanta rin!" aniya at tila kinakabahan na rin.

"Eh, 'di tutugtog. You can play guitar and me, I can play piano. Pipili na lang tayo ng kanta," sabi ko at may ngiti sa labi.

Wala namang kaso sa akin iyon eh. Saka mahilig akong tumugtog ng piano. At alam kong marunong din tumugtog ng guitar si Shin, maganda rin ang boses niya.

"Nakakainis. Ayoko pa naman sa lahat ang maging center of attention," naiinis na sabi niya at tinawanan ko na lamang siya.

Naglakad na kami at sinalubong naman kami ng kambal.

"Cutting class, ladies?" tanong ni Crimson. Crimson del Labiba. Nasa last year na sila ng college at business management ang course niya.

Si Crimson na guwapo at magaang kausap. Mabait kasi siya at gentleman. Ang dami ngang nahuhumaling sa kanya, maski mga juniors eh.

Maputi siya and he stood 6.2. Pang-model type. May pagka-singkit ang mga mata niya at matangos ang ilong. Pinkish ang lips niya.

"No wonder," parang bored na komento naman ni Drimson.

Drimson del Labiba. Mukhang bad boy at suplado. Snob 'yan pero hindi naman mailap sa tao. May pagka-play boy rin siya. Mainitin ang ulo at nauubos kaagad ang pasensiya. Pero malambing 'yan at mabait sa amin. Architecture ang course niya, same year. Guwapo rin siya, malamang kakambal niya si Crimson.

Inakbayan ako ni Drim at dahil malaking tao siya ay nabigatan ako sa braso niya.

"Ang bigat mo, Drim!" reklamo ko sa kanya at humalakhak lang siya.

"Why so grumpy, Shin?" tanong naman ni Crimson kay Shin na ngayon ay pokerface na siya.

Hindi niya pinansin si Crim at diretso lang ang paglalakad niya at hinabol naman siya ni Crimson.

"Saan kayo pumunta?" untag na tanong sa akin ni Drim, habang naglalakad na kami patungo sa department namin. Ihahatid yata kami ng dalawang 'to.

"Sa SM, gumala," maikling sagot ko.

"Ah..." iyan na lamang ang sinabi niya at tahimik na kaming naglalakad.

IT'S past six pm ng makauwi ako sa bahay namin ni Lervin. Before our wedding ay binili na ito ng parents ng asawa ko.

Malaki ang mansyon. Limang kuwarto at may dalawang guest room. May library, laboratory ni Lervin. Third floor ito at may rooftop.

Simple lang siya kung titingnan pero elegante sa loob. May tatlong kasambahay kami ni Lervin at sila lang ang gumagawa ng trabaho rito.

Estudyante pa ako kaya malamang wala rin akong ginagawa rito sa bahay namin. Isa pa bihira namang umuuwi rito ang asawa ko eh.

Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto namin ni Lervin ay kaagad na ako nagpalit ng school uniform ko. Oo, nasa iisang silid lang kami ng asawa ko pero never naman naming ginagawa ang alam niyo na.

Humiga na ako sa kama ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lamang ako ng marinig ko ang sunud-sunoran na pagkatok mula sa pintuan ng aming silid.

Bumangon na ako at tinungo ang pintuan. Sumalubong naman kaagad sa akin si Aling Susan.

"Bakit po?" inaantok na tanong ko sa kanya.

"Nakauwi na ang asawa mo, hija at nasa baba na siya. Puntahan mo," sabi sa akin ni Aling Susan.

Nawala naman bigla ang antok ko at kumunot na lamang ang aking noo.

Himala yatang umuwi ang asawa ko. Napako naman ang tingin ko sa wall clock.

Nice. 9 P.M na!

Sinuklay ko na lang ang buhok ko na gamit ang mga daliri ko at lumabas na ako mula sa aming silid.

Nadatnan ko si Lervin na nasa living room at may bote ng alak ang hawak-hawak niya.

Kita mo 'tong asawa ko. As usual talaga, kung umuwi ay naglalasing na kaagad. Parang hindi doctor ang 'sang 'to. Kaloka.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at akma na niyang ilalaklak ang bote nang mabilis na inagaw ko 'to.

Seriously? Ano na naman kaya ang drama ng isang 'to. Talagang wala ng pagbabago sa kanya.

"There you are my beautiful wife," aniya at lumapit sa akin. He snake his arm on my waist and he hugged me.

"Doctor ka ba talaga o trip mo lang? Alam mo namang masama sa kalusugan ang alak ah!" pangangaral ko sa kanya at malakas na tinulak siya.

Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya nakabalanse kaagad.

"Amoy alak ka!" naiinis na sabi ko.

"Uh-huh? Come here, baby. Payakap ako," nakangising sambit niya.

"What's your problem, Lervin de Cervantes?" malamig na tanong ko sa kanya at napahawak pa ako sa baiwang ko.

"Jillian...Jillian."

Natigilan ako sa biglang pagsambit niya sa pangalang iyon. Matagal-tagal na rin simula ng marinig ko ang pangalang binigkas niya.

Hanggang ngayon ba naman ay si Jillian pa rin ang hinahanap-hanapĀ mo, Lervin? Si Jillian pa rin ba kaya ang mahal mo?

Ang Jillian na iyon na walang ginawang iba kundi ang saktan ka lang niya? Kundi ang paiyakin at pahirapan ka niya?

"Why this world is unfair?" malungkot na tanong niya. I took a deep breath. Heto na, hetona naman ang pagkirot sa puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Basta nagising na lang ako isang umaga ay nasasaktan na para kay Lervin na sobra-sobrang nagmahal sa babaeng kasal na.

NAKILALA ko si Jillian noong honeymoon namin sana ni Lervin.

Sa Canada ang honeymoon namin pero iniwan niya lang ako roon at sumama siya sa Jillian na iyon.

Doon niya rin sinabi na may mahal na siyang iba at huwag daw akong umasa sa kanya na mamahalin niya ako.

Hindi naman siya against sa kasalang ito pero wala lang daw siyang choice. Sa totoo lang ay puwede naman siyang tumanggi pero hindi eh.

Pinili pa rin niya ang matali sa akin kahit na may mahal na siyang iba. Pero akala ko mahal din siya ni Jillian pero hindi rin.

Last year ko lang nalaman na kasal na si Jillian. Three years na yata itong kasal sa matalik na kaibign din ni Lervin.

Sa una, oo. Wala akong pakialam sa kanya pero makalipas ng dalawang taon ay nagsisimula na akong magkagusto sa kanya. Kahit bihira ko lang siya makita.

"Hmm... Jillian..." mahinang bulong niya at nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na labi niyang dumapi sa balikat ko.

"For Pete's sake, Lervin! You are drunk!" bulyaw ko sa kanya at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Walang hiya ang lalaking ito.

__________________________

Matapos kong alalayang makapasok si Lervin sa aming silid ay pinalitan ko na kaagad ang kasuotan niya. Ngayon ay mahimbing na ang tulog niya.

White t-shirt at black pajama ang kasuotan niya ngayon at kahit papaano ay hindi na siya amoy alak. Matapos ko rin siyang punasan ay nakatulog na siya kaagad.

Ang kaso ay wala ring tigil ang pagbigkas niya sa pangalan ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ba'ng mayroon sa babaeng iyon at hanggang ngayon ay patay na patay pa rin ang asawa ko.

By that thought, may kung anong patalim na naman ang bumaon sa puso ko.

I took a deep breath. Humiga na ako sa tabi ng asawa ko at naalimpungatan siya dahil doon. Lumapit siya sa akin at kinulong niya ako sa mga bisig niya.

Hinayaan ko na lang siya at niyakap pabalik. Parang kanina eh, maayos pa siya. Pero nang umuwi na eh, para siyang natalo sa sugalan.

Bigung-bigo siya. Hay naku, Lervin babe, kung maaari lang utusan ang puso mo na magmahal sa iba baka mag-apply pa ako para ako na lang ang mahalin mo.