Chapter 5 - Chapter 4

~Suspicion~

NAGISING ako kinabukasan na wala na sa tabi ko ang asawa ko. Wala namang bago.

Ganoon pa rin, magtatabi kaming matulog sa gabi at kinabukasan ay madadatnan ko ang katabi kong wala na siya.

Ano pa nga ba ang maaasahan ko sa kanya? Tss.

9 A.M pa ang pasok ko ngayong araw at nang sinuri ko ang wall clock namin ay 7:30 na.

Bumangon na ako at pumasok sa banyo para makaligo na. At nang natapos na ako ay nagsuot na ako ng uniporme ko.

Basang-basa pa ang buhok ko pero hinayaan ko na lang din. Bumaba na ako at tinungo ang kusina.

Doon nadatnan ko ang asawa ko sa dining area, nakaupo na at umiinum ng kape. Nakatutok ang mga mata niya sa hawak-hawak niyang cellphone.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa tapat niya. Sa ganitong pagkakataon ay alam kong hinihintay niya lamang ako.

Sabay kaming mag-aagahan at walang kibuan. Pagkatapos ay aalis na siya kaagad, ako naman ay ihahatid ng family driver namin.

Never, as in never pa niya akong hinatid sa university namin. Kaya tinanggihan ko siya nang akma niya akong ihahatid kahapon.

Like, nakakapanibago hindi ba? Oo na, cold siyang tao. Sa akin lang iyon.

Katulad nga ng sinabi ko ay walang paalam na umalis na siya at base sa mga kilos niya ay nagmamadali pa siya.

Umiiling na tinanaw ko na lamang ang papalayong pigura ng asawa ko at heto na naman ang pagkirot sa dibdib ko.

Kailan ba nagkaroon ng pakialam sa akin ang asawa ko? Kailan ba niya ako naisip? Kailan ba niya ako inalala na naghihintay ako sa kanya at hinahanap siya?

Of course, he didn't know that I care for him. I'm just his wife on paper. Hindi ako espesyal sa kanya. Para lang naman akong hangin at hindi worth it na pansinin at pahalagahan.

Muli akong pumasok sa aming silid upang kunin ang backpack ko.

Bago pa man ako makalabas mula sa silid nang mahagip ng mga mata ko ang brown envelope sa table.

Never nag-iiwan ang asawa ko na brown envelope or mga gamit niya sa bahay. Not unless he forgot. Dahil curious ako ay nilapitan ko ito at tiningnan ang laman.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nabasa ko.

At sa hindi ko inaasahan ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.

He bought a condo at nakapangalan kay Jillian Amero

NAGMAMADALING lumabas ako mula sa loob ng bahay namin at nadatnan ko si Mang Ernesto. Nakasandal siya sa kotseng maghahatid sa akin sa University.

Nang makita niya ako ay magalang na binati niya ako at sumakay na ako sa kotse.

Imbis na sa school ako ihahatid ay binigay ko ang address ng condo na binili ni Lervin para kay Jillian.

Una, hindi sumang-ayon sa akin si Mang Ernesto pero nakiusapan ko kaagad.

Never akong nagsinungaling. Kaya iyon ang ginawa ko. Sinabi kong may project kami at isa sa mga kaklase ko ang nakatira sa condo unit na iyon. Mukha namang naniwala si Mang Enesto.

"Ka-grupo rin niyo si ma'am Cashren, ma'am Art?" tanong sa akin ni Mang Ernesto.

"Hindi po. Nakasali siya sa iba," tugon ko at ilang minuto lang ang nakalipas nang marating namin ang destinasyon namin.

"Puwede po ba akong humingin ng pabor, Mang Ernesto?" pakikiusap ko sa kanya at dahil since high school pa lamang ako ay siya na ang driver ko ay alam kong hindi siya tatanggi sa pabor ko.

"Ano po 'yon, ma'am Art?" tanong niya naman. Matagal simula ng sabihin ko sa kanya na he can cut the 'ma'am' at Art na lang ang itawag niya sa akin pero 'ma'am' pa rin ang tawag niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Kung saan siya mas komportable ay iyon na lang.

"Puwede po bang huwag niyo ng sabihin kay Lervin ang address na 'to at pinuntahan ko?" Tumango lang siya at alam kong maaasahan ko siya sa bagay na iyon.

"Maraming salamat po, Mang Ernesto. Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho," nakangiting sabi ko.

"Sige po, ma'am Art."

___________________

Kanina pa nag-iingay ang cellphone ko pero hindi ko ito binigyang pansin. Dahil abala ako sa paghahanap ng room number ng condo ni Jillian Amero. Nasa 7th floor ito at room 173.

Tumunog ulit ang cellphone ko and this time sinagot ko na para hindi na mangulit nang mangulit ang tumatawag sa akin. At alam kong si Shin ito.

"Nasaan ka na, Art?" bungad na tanong kaagad sa akin ni Shin.

"Sorry Shin, may pinuntahan lang ako," sagot ko 'agad at huminto ako sa tapat ng pintuan. Nahanap ko rin ang hinahanap ko.

"Wala ka sa first subject natin at sa next ba ay wala rin?" tanong niya ulit.

"Baka maya-maya ay nandiyan na rin ako, Shin. Importante lang ang pupuntahan ko."

"Gaano ka-importante ba 'yan? Nasaan ka, Art?" nag-aalalang tanong niya at kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam kong malalim na ang gatla sa kanyang noo.

"Basta, kuwento ko sa 'yo mamaya, Shin. Sige ibababa ko na 'to." Hindi ko na pinasagot pa si Shin at tuluyan ko ng pinatay ang tawag. In-off ko pa ang cellphone ko para hindi na ito mag-iingay pa.

Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Bakit nga ba ako nag-aaksaya ng oras para lamang ang hanapin ang condo na ito?

Simple lang, may hinala ako. May hinala ako na nandito na nga sa bansa si Jillian. Sa pagkakaalam ko ay nakatira na sila sa Switzerland at for good na iyon.

May kutob din ako na tama ang hinala ko at baka nga may tinatago rin sa akin ang asawa ko.

Sa nabasa ko sa paper ay binili ni Lervin ang condo na ito last week lang at bakit nga ba bibili si Lervin ng condo gayong alam kong may unit na siya?

E, malamang binili niya ito para kay Jillian at nandoon na ang proof. May pangalan at may signature din ang babae. Kaya malamang sa malamang ay nandito na rin siya.

Kanina pa ako nakatayo rito at hindi ko naman alam kung ano na ba ang susunod kong hakbang. Kakatok ba at ng malaman ko na totoo ang mga hinala ko?

Hindi ba ako masasaktan sa kung ano man ang malaman ko sa loob ng condo na ito?

Pero hindi ba't nasasaktan na ako sa malaman na binili ito ni Lervin para sa ibang babae?

Nagseselos ba ako o naiingit? Kasi alam kong kahit isang bagay o regalo ay wala akong natatanggap from him.

Aasa pa ba ako? Kahit nga wedding aniversary namin, Christmas at maski birthday ko ay never siyang nagbigay ng regalo sa akin.

At condo unit? Nagwaldas pa siya ng milyon para lang sa babaeng iyon? Well, ano nga ba ang maaasahan ko sa kanya?

Mahal niya si Jillian. Mahal niya ito kahit kasal na sa kaibigan niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung kakatok na ba ako. Ngunit sa huli mas pinili ko ang umalis na lang at umakto na lang na walang alam. Ngunit sino ba ang niloloko ko? Malamang sarili ko lang naman.

Pero bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko nang bumukas na ang pintuan at tumambad sa akin ang mukha ng asawa ko.

He is hard to read at kahit pagkagulat ay hindi ko man lang nakitaan. Tila inaasahan na niya ako pero maya-maya lang, ang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng mabangis na ekspresyon.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa asawa ko. Sanay akong makita ang walang emosyon sa mga mata niya pero hindi ngayon.

"What the f*** are you doing here?" malamig na tanong niya at kahit ang boses niya ay parang hinukay pa sa libingan. Nakakatakot sa sobrang lamig nito.

Lalabas na sana siya pero napahinto siya nang may brasong yumakap sa baiwang niya mula sa kanyang likuran.

"What took you so long, babe?" malambing na tanong ng babae.

Boses pa lang iyon at alam ko kung sino ang babaeng yumakap sa kanya.

Walang iba kundi si Jillian Amero. Si Jillian na first love niya.

Tumabi na sa kanya si Jillian at nagulat pa ito nang makita niya ako pero ngumisi lang siya pagkatapos.

"So, the good wife is here. Good morning, Mrs. de Cervantes. Long time no see?"

Ayoko sa malawak na ngiti niya. Ayoko sa ngiting iyon. Dahil alam kong nang-iinsulto siya sa akin. Tila pinapamukha niya sa akin na nakuha niya si Lervin mula sa akin.

"Excuse me," iyon lang ang sinabi ko at tinalikuran ko na sila.

Masakit, mabigat sa dibdib. Kaya hindi ko na napigilan ang mga luha kong nagbabadya na ring mahulog.

Tama nga ang hinala ko. Tama rin ang kutob ko. Tama ako na nandito na siya. Tama ang kutob ko na may relasyon sila. Alam ba 'to ng asawa ni Jillian? Alam ba niyang nandito ang asawa niya?

Alam ba niyang may relasyon ang asawa niya at ang kanyang kaibigan? Alam ba niya ito at hinayaan na lamang niya?

Maraming katanungan ang gumugulo sa utak ko at hindi ko makuha-kuha ang kasagutan. Sasabog ang utak ko.

Bumukas nag elevator at pumasok na ako. Bago pa man ito sumara ay may kamay na ang humarang dito. Muli itong bumukas at nasa nakatayo na tapat ko si Lervin.

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Nakakatakot pa rin at nagbabanta.

"How I wish that you don't have a legs to walk. You can't walk, so, you can't follow me here," he said in a cold voice again.

Tila may mga karayom ang tumutusok sa puso ko. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit ay naluluha na ako sa mga sinabi niya.

Hindi na bago sa akin ang mga masasakit na salita niya and I used to it. But I can't help myself, hurting.

"Don't worry, your secret is safe with me," matapang na sabi ko at umatras na siya para makalabas na sa elevator.

Unti-unting sumasara ang elevator at paunti-unti ring nawawala ang lakas ko.

Kahit pasara na ang elevator ay hindi namin binitawan ang titigan namin at hanggang sa tuluyan ng sumara ito.

Napaluhod na lang ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko at nag-uunahan ng bumagsak ang mga luha ko sa aking pisngi.

Ganito pala kasakit. kailanman ay hindi ako naging malungkot. Ang sabi nga ni Daddy-lo ay happy go lucky ako at energetic.

Kailanman ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero ng dahil lang kay Lervin ay nararamdaman ko ito.