Chapter 9 - Chapter 8

Secret neighbors ~

TAMA NGA siguro si Jillian na lahat gagawin mo para lamang sa taong mahal mo.

Marami rin naman ang pag-ibig na naglalaho at nasisira rin 'yon. Nakakalungkot but that's the truth.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at nagising ako ay alas-dos ng umaga.

Bumangon ako at lumabas mula sa loob ng silid namin. Tinungo ko ang kusina at nakita kong hindi nagalaw ang mga pagkain. Ibig sabihin hindi umuwi si Lervin.

Kumirot ang dibdib ko at nangingilid na naman ang mga luha ko sa aking mga mata. Mabilis na naglaho ang excitement ko. Napalitan ito ng disappointed.

He still do, he still does. There's no new.

Lahat ng effort ko ay walang kuwenta dahil hindi naman niya na-appreciate.

Then, lumipas ang isa, dalawa at tatlo. Hanggang sa tumagal ng isang buwan na hindi siya umuwi.

Back to school na, natapos ang foundation namin sa school at successful naman ang pagkanta namin ni Shin. At dahil do'n ay sumikat kami sa university namin at niligawan kami ng music club. I'm into music naman kaya sumama na ako.

Pero hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako kay Lervin. Wala man lang call o text para aware naman ako kung nasaan na siya o nasa maayos na kalagayan ba siya.

Hindi ko na rin naman nakikita si Jillian.

Wala akong ideya kung nasaan na siya.

"Dito na lang po ako, manong," magalang na sabi ko sa taxi driver.

Maaga kasi akong umuwi ngayon dahil may meeting ang mga faculty staff at walang pasok sa hapon. Hindi na rin ako nagpasundo sa family driver namin.

At dahil strict ang Subdivision namin ay hanggang sa gate lang ako at bumaba na ako.

Ngumiti sa akin ang guard nang makita niya ako. Kilala nila ang nakatira rito kaya ganoon.

"Ah, ma'am. Dahil po nandito naman kayo ay ibibigay ko na lang po ang in-order ng asawa niyo. Balak ko sanang ako na lang po pero nakita po kita."

Gulung-gulo ang isip ko at wala sa sariling kinuha sa kanya ang dalawang box ng pizza.

"In-order po niya 'to? B-bakit po rito sa Subdivision?" tanong ko at may hinala na ako.

"Every week pong bumibili ng pizza si Sir, 'di ba ma'am? At bakit po hindi rito, e nakatira po kayo rito. 8 pm ng gabi po umuuwi ang asawa niyo."

Parang bomba, parang bomba na sumabog 'yon sa utak ko.

"You mean po. Sa loob ng isang buwan ay nakikita niyo siyang umuuwi rito?" naguguluhang saad ko at nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

"Opo. Gamit po niya ang blue Porsche niya, ma'am, e."

Blue Porsche. Nakaabang ako sa veranda ng mansyon namin at madalas ko iyong nakikita.

Pero humihinto mismo sa tapat ng kapit bahay namin pero dahil medyo madilim sa parteng iyon ay hindi ko nakikita ang may-ari no'n.

At saka... i-isang buwan na rin nang lumipat ang kapitbahay namin. Hindi kaya...

Sana mali ang naiisip ko ngayon.

MULI kong binalik sa security guard ang pizza. Naguguluhan ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Ikaw na lang po ang magbigay niyan sa kanya. May kailangan pa po kasi akong puntahan at huwag niyo na lamang pong sabihin na dumaan ako rito. Please lang po," pagmamakaawa ko at kahit naguguluhan siya ay tumango na lang din siya.

"Sige po, ma'am."

"Maraming salamat po. Aasahan ko 'yan," sabi ko at tipid na nginitian ko siya.

Naglakad na ako papunta sa bahay namin at ang daming katanungan ang nabubuo sa utak ko.

Mapaklang natawa ako at kahit nangingilid na ang mga luha ko ay hindi ko na ito binigyang pansin.

____________________

Matamang tiningnan ko ang bahay na nasa tabi lang nito ang tinitirhan namin ni Lervin.

Kasing laki rin ito ng bahay namin at alam ko kung ilang halaga ng pera ang winaldas ng magaling kong asawa.

Hindi na ako magtataka kung nakatira rin dito ang babae niya. Si Cervin de Cervantes? Marahil hindi ko pa siya kilalang lubos pero alam ko na wala siyang hindi gagawin para lamang sa Jillian na 'yon.

Mahal niya 'yong tao, e. Mahal na mahal niya.

Napatingala ako sa langit. Ang daming ulap na akala mo ay uulan na. Natatakpan nito ang magandang asul na langit. Mapait na napangiti ako.

Minsan napaka-unfair sa atin ang buhay. Hay, Cupid. Sa lahat ng puwedeng panain mo ng arrow mo ay bakit kay Lervin pa at sa akin? Hindi ba puwedeng pumili ka ng mas matino at hindi 'yong nangangabit?

Ang unfair din sa atin ni Cupid, e ano? Ang unfair ng pag-ibig. Kung sino pa ang mahal mo at minamahal mo ay siya pa 'yong nakakasakit sa 'yo. Kung sino pa ang mahal mo ay siya pang magmamahal sa iba.

Kung kailan ko 'to naramdaman ay napaka-wrong timing naman.

Dear Cupid,

Magbigay ka naman ng oras kung ang arrow mo na para sa akin ay ipapana mo na sa ka-match ko. Please, piliin mo naman ang tamang lalaki para sa akin. Bigyan mo naman ako ng babala, lalo pa na kung masasaktan din naman ako.

Pero totoo naman ang kasabihang 'to, "there's no wrong being in love with a wrong person." Is just that, wrong timing lang.

SECRET neighbors. Nakakatawa dahil kapitbahay ko lang ang asawa ko at ang babae niya.

May pagkatanga rin naman itong asawa ko. Sana pinili niyang bilhin ang mansyon na malayo sa bahay namin. Para hindi kaagad mabunyag ang sekreto niya.

Una, bumili siya ng condo unit. Pangalawa, itong mansyon na katabi lang ng bahay namin.

Ano naman kaya sa susunod? Aabangan ko na lang din.

Pagkapasok ko pa lang sa loob ng kabahayan ay tinipon ko na ang mga kasambahay namin.

Halata sa mukha nila ang pagtataka pero seryoso ko lang silang tiningnan.

"Pack your things, bukas susunduin kayo ng mga tauhan ng lolo ko. Simula bukas ay isa na kayong kasambahay sa mansyon ng lolo ko," seryosong saad ko.

Kahit gusto nilang magtanong ay hindi ko sila pinahintulutan. Ayoko ng katanungan. Dahil maski ang sarili kong mga tanong ay hindi ko masagut-sagot. Kaya huwag nilang guluhin ang isipan ko.

___________________________

"Seryoso ka ba riyan, apo?" tanong sa akin ni daddy-lo over the phone call.

Tinawagan ko kasi siya tungkol sa mga kasambahay namin. Hindi ko naman magawang tanggalan sila lahat ng trabaho at mas lalong ayaw ko silang ibalik sa mansyon na kung saan doon talaga sila naninilbihan. Sa halip na pinadala ko sila kay daddy-lo.

"Opo, daddy-lo. I want to serve my husband in my own. Gusto kong ako na lang po ang gagawa sa gawain dito sa bahay namin," sabi ko at pinilit ko sa sarili ko na itago ang totoo kong emosyon.

"Apo, nag-aaral ka pa naman at hindi mo kayang gawin 'yon lahat. Ayokong mapagod ka at ma-stress. Ganito na lang apo. Ipapadala ko na lang sila once in a week upang maglinis diyan, okay?" Hindi na ako nakatanggi sa kagustuhan ng lolo ko kaya sumang-ayon na lang ako.

"Mag-ingat ka riyan, apo. Tawagan mo lang si lolo kung may kailangan ka."

"Opo, daddy-lo."

"Sige, I love you apo."

"Love you too, daddy-lo."

Nanghihinang napaupo ako sa dulo ng kama at hinawakan ko ang sentido kung sumasakit na.

Napatingin ako sa drawer ko. Naglakad ako palapit at binuksan 'yon. Isa-isa kong kinuha ang mga ATM, Credit card ko. May black card pa ako na unlimited cash 'to.

Binigay 'to sa akin ni daddy-lo pero hindi ko naman nagagamit dahil hindi naman ako lumalabas para mag-shopping.

Cash lang naman ang dinadala kong pera kung may bibilhin ako na materials para sa school. Saka si daddy-lo ang bumibili sa akin ng mga damit.

May sarili kasi akong stylist at boutique pero never ko pang napupuntahan. Hindi ko nga rin kilala ang stylist ko. Pero may calling card naman siyang binigay sa akin at narito ang address.

Siguro, simula na para baguhin ko ang sarili ko.

Sa ngayon, wala pa akong pina-plano against Lervin. Hindi ako ang tipo ng babae na susugod agad-agad.

Bago ka sumugod sa digmaan ay dapat handa ka at may plano ka.

Sa ngayon, mananatiling nakatiklop ang mga labi ko at magbibingi-bingihan ako. Magbubulag-bulagan ako sa katotohanan.

Kahit masakit ay kakayanin ko.