Fight ~
WALANG ka-emo-emosyong pinapanood ko sina Lervin at Jillian.
Nasa dining room kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng lunch namin. Ako ang nagluto, malamang. Wala na nga kaming katulong ngayon. Tinanong pa niya kung nasaan na ang mga kasambahay namin at sinagot ko na nagbakasyon silang lahat.
Nagdududa pa niya akong tiningnan pero inirapan ko na lang siya.
At ngayon sinusubuan pa niya si Jillian. Okay, aminado akong may injure nga siya pero hindi ba puwedeng gamitin naman niya ang kaliwang kamay niya?
Padabog na tumayo ako at napaigtad pa sila sa gulat. Lumapit ako kay Jillian at tinulak ang wheelchair niya.
"Arthea," mariing tawag sa akin ng asawa ko pero hindi ko siya pinansin.
"Tutal ako naman ang may kasalanan nito at hayaan mong pagsilbihan ko ang babae mo," malamig na sabi ko at napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.
Inagaw ko pa sa kanya ang kutsara at ako na ang nagsubo kay Jillian. Sa mukha pa lang ng babaeng ito ay hindi siya sang-ayon.
Nailunok niya lahat ang pagkaing sinubo ko sa kanya.
"Arthea, mag-aral ka na lang. Ako na riyan," aniya at akmang aagawin niya rin sa akin ang kutsara.
"Tapos na ang klase namin at hindi ba dapat nasa trabaho ka ngayon? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kanya ngayon at nakikipag-eye to eye na sa kanya.
"How I wish you are mute. So, in that case, you can't talk. Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo. Ang tabas ng dila mo, Primero."
That's it, natalo ako. Natalo ako sa mga sinabi niya. Tinawag pa niya ako sa surname ko na ginagamit ko pa noong dalaga pa ako.
At dahil sa sama ng loob ay tinapon ko sa pader ang kutsara at nagmamadaling umalis na roon.
"We are not yet done, Arthea! Come back here, b*tch!"
My heart skipped a beat and my tears started to flow on my cheek, now.
I was about to enter our room when Lervin drag my arm.
"Let me go!" naiiyak na sabi ko.
Hinila niya ako papasok sa silid at pabagsak na sinara niya ang pintuan. Hindi lang 'yon ang ginawa niya. Malakas na sinandal pa niya ako sa nakasarang pintuan at hinawakan niya ang panga ko. Masakit iyon dahil sobrang higpit nito.
"How many times do I have to tell you na huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Arthea. You never like it kung paano ako magalit. Pinalampas ko ang ginawa mo kay Jillian pero huwag na huwag mo akong insultuhin."
Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga.
Mukhang naubos na nga ang pasensiya na sa akin. Dahil lumilitaw na ang ugat niya sa leeg dahil sa galit niya sa akin. Masyado ring malamig ang mga mata niya.
At dahil sa ginawa niya sa akin ay bigla akong natakot. Natatakot na ako sa kanya.
"Remember this b*tch. Don't try to hurt her or else..." pambibitin niya pero ang hintuturong daliri niya ay nasa sentido ko na.
"Ako ang makakalaban mo," he added at marahas na binitawan pa ako.
"Umalis ka sa harapan ko ngayon," utos niya at nanginginig na umalis ako roon.
Pagkalabas niya ay saka ako napaluhod sa sahig at umiyak na naman.
BAKIT ngayon? Okay naman kami sa mga nakalipas na araw na bagong sumulpot si Jillian.
Nang hindi ko pa nalalaman na bumili siya ng mansiyon na nasa tabi lang ng bahay namin.
Ayos naman kami no'n at tinatawag pa niya akong baby.
Pero hindi naman 'yon nagtagal at natapos din. Lumamig ulit ang trato niya sa akin. Bumalik ulit siya sa pagiging malamig sa akin.
Masakit talaga. Masakit iyong wala ka namang halaga sa taong mahal mo. Para kang basura na tinatapon lang sa trashcan.
Para kang isang bagay na kung hindi ka na kakailanganin at wala ng halaga ay itatapon ko lang bigla.
Isang linggo na naman ang lumipas at ganoon pa rin ang buhay ko.
Naging instant na katulong ako at caregiver ng babaeng sampig sa buhay namin.
Ganoon pa rin naman ang pagtrato sa akin ni Lervin. Walang bago.
Hindi na siya sa kuwarto naming natutulog. Nasa ibang guest room siya at ipinagpasalamat ko na hindi sila natutulog sa iisa lang na silid.
Pero iyon ang akala ko.
Nasa iisang silid silang natutulog. Naabutan ko kasi sila, isang umaga. Magkatabing nakahiga sa kama at magkayakap.
Parang isang mamahaling basagin si Jillian. Ingat na ingat siya sa babae niya.
At doon mas lalo akong nasaktan. Katulad ng asawa ko ay naubos na rin naman ang pasensiya ko.
Isang araw ay nakita kong nakakalakad mag-isa si Jillian.
"N-nakakalad ka na?" gulat na tanong ko sa kanya.
Nasa trabaho na ang asawa ko at kaming dalawa na lang ang nasa bahay. Nagluluto pa ako no'n ng lunch namin.
Nakasuot lang siya ng spaghetti strap sando at mas nagulat ako sa pang-ibabang suot niya. Naka-red panty lang siya.
Naglakad siya na akala mo ay wala siyang injury.
"Good wife," natatawa niyang sambit.
Umupo siya sa island counter at may pangungutyang tiningnan niya ako.
"Pakikuha ako ng malamig na tubig, yaya Arthea."
Naikuyom ko ang kamao ko at biglang kumulo ang dugo ko. Ako pa talaga ang tatawagin niyang yaya samantalang ako pa ang nagmamay-ari sa mansyong 'to.
Ako pa ang iinsultuhin niya sa sarili kong pamamahay.
"Nagkunwari ka lang ba na may injury ka sa paa at maski sa braso ay mukhang wala rin," walang emosyong komento ko at napahalakhak pa siya.
Sinipa-sipa pa niya ang island counter gamit ang paa niyang may cast pa. At tumalon-talon pa siya na akala mo ay maayos na talaga ang lagay niya.
"May sugat at pasa lang ako, yaya. Pero hindi ako nabalian. Acting lang 'yon para ikaw ang magiging instant yaya ko. Naniwala naman si Lervin ko at magpasalamat ka na lang dahil napagsabihan ko na siya na huwag kang sisihin sa pagkahulog ko sa hagdan," mahabang saad niya.
"Hindi naman ko ang nagtulak sa 'yo. Is just that, siningil ka kaagad ng karma. Sasampalin pa sana kita no'n, eh. Pero naunahan ako ng tadhana," nakangising wika ko.
"Mas mabuti nga 'yon. But I don't believe in karma, good wife. Pero okay na ang ganito ako para pansamantala ay makatira rito sa mansyon niyo. Dahil balang araw ako na ang magmamay-ari nito."
Humakbang siya palapit sa akin at may ngisi rin sa kanyang mga labi. Masyadong mababa ang neckline ng sando niya kaya kitang-kita ang ibabaw ng dibdib niya. At dahil manipis lang 'yon ay nakikita rin ang pulang bra niya.
Hinaplos ni Jillian ang pisngi ko at hindi ako nakagalaw roon.
"Pathetic wife. Alam mo bang sa loob ng isang linggong pananatili ko rito ay nasa iisang kuwarto lang kami ng asawa mo? Magkatabi at magkayakap. Habang ikaw ay nasa kabilang kuwarto naman, nag-iisa. Kawawang asawa na hindi namamalayang niloloko na pala siya ng kanyang asawa. Kung sana sa braso ko lang na kunwari may injury ako at wala sa paa. Eh 'di, sana hindi lang sa halikan ang nagagawa namin sa gabi. Pero hindi eh. Hanggang halikan lang kami," aniya at umakto pa siya na nalulungkot.
Inipon ko, inipon ko ang lakas ng loob ko para itulak siya at sigawan. Mas lalo lang kasi sumasakit ang puso ko sa mga sinasabi niya.
Kahit hindi ko nakikita ang mga ginagawa nila ay parang na picture out ko na lahat.
Mula sa yakapan nila sa gabi at mauuwi sa halikan.
Inaamin ko na sobrang sakit at kaunting-kaunti na lamang ang maiiyak na ako.
Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang masaktan ka ng lalaking mahal mo.
Ganito pala ang sakit na mararamdaman mo. Kung sino pa ang mahal mo ay siya rin talaga ang makakasakit sa 'yo.
"Really?" nakataas na kilay na tanong ko.
"Ang sarap ngang humalik ang asawa mo, eh. Ang bilis din ng mga kamay niya at namamalayan ko na lang na nasa gitna na siya ng mga hita ko."
Ngumisi ako sa kanya at tinabig ko ang marurumi niyang kamay na nasa pisngi ko.
"Kukuha lang ako ng malamig na malamig na tubig, ha?" sabi ko at umakto pa akong inosente.
Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang pitcher at kumuha na rin ako ng baso.
Ramdam ko ang mga titig sa akin ni Jillian pero hindi ko 'yon pinansin.
Nakangiti akong lumapit sa kanya at nang nasa harapan na niya ako ay saka lang ako tumungga ng tubig sa baso.
"Uto-uto," bulong pa niya pero narinig ko naman 'yon.
"Here," nakangiting sabi ko at inabot ko na sa kanya ang basong may lamang malamig na tubig.
Bago pa niya makuha ang baso ay binuhos ko na 'to sa pagmumukha niya.
"What the?!" sigaw niya at napapikit pa siya.
Naihilamos niya ang mukha niya at nanglilisik na tiningnan ako.
"Gusto mo pa ng tubig, sweetheart?" malambing na tanong ko. Para akong sinapian ng masamang espirito dahil may mga masasama na akong naisip laban sa kanya.
"Heto pa," sabi ko at tinaggal ko ang takip ng pitcher at binuhos ko 'to sa ulo niya.
At dahil mas matangkad ako sa kanya ay nagawa ko talagang buhusan siya sa ulo.
"Oh my God! F*ck Arthea!"
"For the devil like you, sweetheart. Uhaw na uhaw ka pa ba? Masyado kang ambisyosa, ha? Sweetie, nakalimutan mo ba kung sino ako? Ako lang naman ang nagmamay-ari ng mansyon na 'to at ako ang asawa na inaahas mo."
"Sh*t! Let go of my hair, you f*cking b*tch!" mura niya sa akin at napatawa ako.
Wala siyang kalaban-laban. Hinayaan niya lang akong buhusan siya ng tubig.
"F*cking b*tch ba kamo ako? Sige, maganda 'yon, ah. Ikaw naman ay ahas, ahas na uhaw na uhaw sa dugo ng mga lalaki na kahit may asawa't pamilya na papatulan mo. Para lamang sa pagkauhaw mo," wika ko at tinapon ko na ang pitcher dahil wala ng tubig.
Para siyang basang sisiw ngayon. Basa na ang buhok niya at bumakas na ang sando niya.
Nagkalat na rin ang eyebrows at lipstick niya. Good for her na nakapag-make up pa siya.
"And pangit mo, sweetie. Gusto mong bilhan kita ng make-up na water proof? Para kung mauhaw ka ay hindi ka papangit ng ganyan. Pero ako ang mag-papainom sa 'yo ng tubig, ha?"