Chapter 17 :Strict
He true to his words. Nag-stay nga siya sa bahay namin. Dito na siya umuuwi pero katulad ng mga nakagawian namin ay para kaming estranghero sa isa't-isa.
Hindi kami nagkikibuan. Madalas lang niya akong nilalampasan. Kahit nga ang sumulyap sa akin ay hindi niya magawa.
Hindi na rin kami nagtatabi sa pagtulog. Nasa kabilang room na siya at iyon ang ipinagpasalamat ko.
Gusto ko na ang ganitong routine namin para naman ito sa sarili ko. Matututo akong magmahal sa sarili ko na inubos ko lang sa kanya.
Matututo akong gigising ng umaga na wala na siya sa buhay ko. Para hindi ako mas mahulog pa.
Para maihinto ang katangahan ko. Para kalimutan siya. Para kalimutan ko na mahal ko siya. Kalimutan ang p*steng pagmamahal na ito.
Pero sa halip na kalimutan ko siya ay mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo lang ako nahulog. Lunod na lunod na ako at kinatakutan ko na hindi na ako makakaahon.
Mas lalo ko lang kasi siyang minahal. Hinahanap-hanap. Tanga mang sabihin pero palihim ko pa rin siya tinititigan.
Ganito ba talaga kung magmahal? Iyong okay lang sa 'yo kung masaktan ka niya. Pero ang mas nakakatawa? Nakokontento ka sa pagmamasid sa kanya sa malayo. Makokontento ka na, nasa piling mo siya. Iyong nasa sa 'yo siya. Sa 'yo siya umuuwi. Kahit alam mong ang isip at puso niya ay nasa iba.
___________________________________
"Pang-sampung buntong-hininga na 'yon," komento ni Shin.
Nasa waiting shed kami ngayon ng school at nagpapahinga. Break time na namin sa klase at parang lutang pa rin ang isip ko hanggang ngayon.
Kami na lang ni Shin ang tumatambay rito kasi graduate na ang kaibigan naming kambal. Bihira na rin kami magkita. Busy na kasi ang mga 'yon.
Si Crim ay busy na sa pagte-take over ng kompanya ng daddy niya. At si Drim ay busy rin sa pagre-review dahil sa examination nila sa Architecture.
Kahit hindi na siya mag-review ay alam kong makakapasa siya. Summa cum laude sila parehas sa graduation nila, eh.
Kahit mukhang bad boy si Drim ay hindi naman niya pinapabayaan ang pag-aaral niya.
Matalino silang dalawa kaya isa 'yan sa mga kinahangaan ng mga estudyante rito. Kahit na kaliwa't kanan ang girlfriend niya. Ngunit kahit abala man silang dalawa ay may pagkakataon pa rin silang tawagan kami at kamustahin. Lalo na si Drim. Siya ang pinaka-protective sa amin ni Shin. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya sa amin. At kung pinagtataka niyo na kung minsan ba ay nagkagusto kami sa dalawang 'yon o sila mismo ang nagkagusto sa amin.
Si Crim alam kong kaibigan at kapatid lang talaga ang turing niya sa amin. Isa pa, wala siyang balak pumasok sa pakikipag-relasyon. Dahil na rin, na siya ang magpapatakbo ng negosyo ng mga magulang niya.
Si Drim? Gusto ko siya pero hindi bilang lalaki. Gusto ko lang siya bilang kaibigan at alam kong hindi siya ganoon. Minsan na siyang nagpaparamdam ng ligaw sa akin. Pero pinahinto ko na rin. Alam kong hindi naman siya magse-seryoso. At tanggap na niya na bilang kaibigan na niya lang ako. Hindi naman naging awkward 'yon sa amin. Bagkus naging mas close pa kami.
At nitong mga nakalipas na araw ay patuloy pa rin ang mga kababalaghang nangyayari sa katawan ko. Hindi ko na rin 'to sinabi kay Shin.
Naging malihim na ako pagdating sa buhay ko. Ni hindi ko na nga sinabi sa kanila ang pinag-usapan namin ni Lervin.
Oo, nasabi kong maghiwalay na kami ni Lervin. Pero alam niyo ba ang nakakatawa? Hiniling ko na sana hindi siya sasang-ayong sa akin. Ang totoo niyan ay hindi ko na kayang mawala pa siya sa akin. Mahal na mahal ko siya, eh.
"Hay naku, Art. Magsalita ka naman diyan. Hindi ako sanay na hindi ka nag-iingay," aniya.
"May gusto ka bang kainin, Art? Bibili ako ng pagkain para sa 'yo. Magsabi ka lang." Alam kong nakukulitan na talaga siya sa akin pero wala talaga ako sa mood magsalita ngayon.
"Masama lang talaga ang pakiramdam ko, Shin," sabi ko sa mahinang boses at narinig ko pa siyang bumuntong-hininga.
"Bakit pumasok ka pa kung masama pala ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin at umiling lang ako.
Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at binigay ko ang buong bigat ko sa kanya. Para kasing pagod na pagod ako.
Tinapik-tapik ni Shin ang likod ko and she started to hum the song.
PINIKIT ko ang mga mata ko at buong puso kong pinakinggan ang pagha-hum ni Shin ng kanta.
This is my favorite song. A thousand years by Christina Perri. Iyong kantang hindi naluluma kahit lumipas man ang maraming taon.
Gumaan ang pakiramdam ko at saglit nakalimutan ko ang problema ko sa buhay ko. Lalo na iyong narinig ko na ang malambing na boses ni Shin. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang boses niya.
Iyong dumating na sa chorus ay kumanta na si Shin.
"I have died everyday waiting for me
Darling, don't afraid I have loved you
For a thousand years,
I love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Times has brought your heart to me
I have loved your for a thousand years
I loved you for a thousand more..."
Hindi ko na namalayan na naka-idlip na pala ako. Nakakadala nga kasi ang boses ni Shin.
Para siyang may super powers sa boses niya. Isa rin 'to sa pinaka-gusto ng kaibigan naming kambal.
Mahilig kasing kumanta si Shin at ako naman sa piano. Minsan na rin ako naging trainor ng junior high sa piano recitation.
Nagising na lang ako na nakaunan na ako sa paa ni Shin, habang hinahaplos niya ang buhok ko.
Nagmulat ako ng mga mata at umupo.
"What time is it?" tanong ko kay Shin.
Nakahawak siya cellphone niya at mukhang may ka-text din siya.
"Alas-dos pa lang ng hapon at tinext ko kanina ang isang kaklase natin. Magpapa-excuse sana ako sa first period natin this afternoon pero hindi raw dumating ang prof. Ilang minuto na lang ay second period na tayo. Halos dalawang oras kang nakatulog, mukha kang pagod," seryoso niyang sabi.
Mukhang okay na nga ang pakiramdam ko at hindi na masyadong mabigat.
Ang sarap din nang tulog ko, eh. Kahit medyo hindi komportable na humiga ako sa bench.
May nakabalot na ring jacket sa baiwang ko.
"Hiniram ko 'yan kay Hillarus. Para hindi ka masilipan ng mga estudyanteng bastos. Ang daming dumaraan dito, eh. At hindi naiwasang sulyapan ka. Buti dumaan kanina, ang ugok na 'yon," pagkukuwento niya nang nakita niyang nagtataka ako sa itim na jacket.
"Baka ikaw naman ang sinusulyapan ng mga 'yon," giit ko sa kanya.
"Sabi nila, may sleeping beauty raw."
I shrugged my shoulder at pinasadahan ko ang buhok ng mga daliri ko.
"Buti talaga hindi bawal ang magpakulay ng buhok," naiiling na sabi niya.
"Magpa-color ka," suggest ko sa kanya.
"Balak ko nga kaso, pinagbawalan ako ni Cervin."
"Whatever. Tara na at baka mahuli pa tayo sa klase. Salamat pala, Shin. Nakatulog ako at ang sarap sa pakiramdam," nakangiting wika ko.
Hindi na rin masyadong mataas ang araw at sariwa pa ang simoy ng hangin.
Naglalakad na ako nang bigla akong nawalan ng balanse. Nagulat ako dahil bigla akong nagkaganoon.
"Art! Ang clumsy mo naman!"
Naramdaman ko ang pagkirot sa tuhod ko. Maikli lang ang skirt ng uniform namin kaya malamang nagalusan ako sa tuhod.
Dinaluhan ako ni Shin at tutulungan niya sana akong tumayo pero namamanhid na naman ang mga paa ko. Hindi ko na naman siya naigagalaw. Nakakainis, ayoko na sa ganitong pakiramdam.
"Makakatayo ka ba?"
Umiling ako sa katanungang 'yon. Hindi ko talaga kayang igalaw ang mga paa ko. Hindi na 'to normal sa akin.
"Ano ba naman 'yan! Can somebody help us!" biglang sigaw ni Shin at may mga estudyanteng lalaki na ang lumapit sa amin.
"Ano'ng nangyari, Marshin?"
"Tulungan mo akong dalhin sa infirmary ang kaibigan ko," natatarantang sabi ni Shin.
Bago pa man ako buhatin ng lalaking kilala yata si Shin ay may nakauna nang bumuhat sa akin.
"Here."
"Cervin?"
INFIRMARY
Nandito na naman ako sa loob ng clinic na 'to. Parang sa nakaraan lang.
Nakaupo ako sa mini bed at nakasandal sa headboard nito.
Nasa gilid kong nakaupo si Shin at nag-alalang tinititigan ako. Ang asawa niyang nakatayo lang malapit sa pintuan ng clinic.
Ang tagal na nga niyang nakatayo roon at hindi man lang sumakit ang mga binti niya.
Bakit kaya nandito ang asawa niya sa school namin?
Tapos na akong ginamot ng head nurse at nag-stay lang kami rito saglit. In-excuse na rin kami sa klase namin sa second period ngayong hapon. Si Cervin bebe ni Shin ang gumawa no'n.
Bumukas ang pintuan at nagulat ako nang makita ang pumasok doon.
What the! Ano'ng ginagawa niya rito? At sino ang...no wonder. Baka sinabi ng kaibigan niya. At bakit naman niya pinapunta rito? Eh, wala namang nangyaring masama sa akin, ah? Saka, as if may care 'yan sa akin. Baka sa ahas dito sa university namin ay meron.
Pinukol ko ng masamang tingin ang asawa ni Shin. At ang hinayupak, nag-shrugged lang siya ng balikat niya. Tss.
"Honey, come here," malambing na tawag ni Cervin sa kaibigan ko.
Hindi siya pinansin ni Shin pero lumapit na siya at hinila na niya si Shin.
Walang nagawa si Shin kundi ang magpatianod sa asawa niya.
Naiwan kami na kaming lang dalawa. Lumabas din kasi kanina ang head-nurse.
Lumapit sa akin si Lervin. No expression. I looked away. Kinain kami ng katahimikan. Umupo siya sa gilid ng mini bed ko at hindi ko na siya sinulyapan pa.
"Talk to me, baby..."
P*steng baby na 'yan! Heto na naman siya! Heto na naman ang malambing niyang boses.
Kinakausap na naman niya ako.
"You're just wasting your time. You can leave, now."
"Don't be harsh on me, baby. I am your husband at hawak kita," aniya at gusto ko na siyang sipain, eh.
Nakakainis siya.
"You are so clumsy, Art. Ingatan mo naman ang sarili mo." As if makikinig ako sa pangangaral niya? Never.
"Graduating ka na, Art. Inaasahan ng parents natin na mabubuntis ka na sa susunod na taon."
Doon na ako napatingin sa kanya. Seryoso siya? Walang bahid na joke kasi ang face niya at maski ang boses niya.
"Asa ka, hindi ko dadalhin sa sinapupunan ko ang anak mo!" sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya.
"Nah-uh. You are going to carry my first baby born, baby. Isang anak lang na lalaki, Art. At ibibigay ko na sa 'yo ang kagustuhan mong hiwalayan ako," he said.
"And, ayokong makipaglapit ka sa mga lalaki," dagdag pa niya at tinapon sa malayo ang jacket ni Hillarus.
"Kay Hillarus, 'yon!" I shouted him.
"Hillarus? Tell him to stay away from you. I'm a strict husband, now, Art. So, no boys for you, baby..."
________________
GS1:SIBG