Chapter 21:Unexpected vacation
HINDI KO namalayan na naka-idlip na pala ako at nagising na lamang ako kinabukasan ay nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na kuwarto.
I roamed my eyes around the room. Puting kisame, ang pintuan ay kulay pula. Hindi masyadong malaki ang room pero malinis ito at maganda kahit simple lang.
May bintana na natatakpan ng dirty white na curtain. May black na malaking cabinet na malapit sa bintana.
At sa gilid no'n ay may bed-table pero nakadikit ito sa wall. May bulaklak din na nasa vase. Tapos mula sa ulunan ko ay kulay asul ang wall. May limang painting at mas malaki roon ang painting na may 'love'.
Simple lang talaga siya pero ang ganda-ganda ng kuwarto.
Bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang mala-adonis kong asawa. Nakasuot lang siya ng asul na pajama at puting hoodie.
Magulo pa ang buhok niya at parang bagong gising pa siya. Mapupungay ang mga mata at nakaawang pa ang mga labi niya.
Naglakad siya palapit sa akin at umupo siya sa gilid ng kama.
Tinitigan niya ako ng matagal bago siya ngumiti.
"Good morning, baby. How's your sleep?" malambing niyang tanong sa akin at inayos niya ang nagulo kong buhok.
Umayos ako nang upo at nabahala ako sa ayos ko. Wala akong bad breath sa umaga kaya siguro okay lang.
Hindi ko siya nasagot sa tanong niya dahil nakuha ang atensyon ko sa suot-suot kong damit.
Naka-asul pajama na ko na may bulaklak ang desinyon nito at nakasuot na rin ako ng puting hoodie.
At nang tiningnan ko muli ang suot-suot niya ay napagtanto ko na couple pala ang suot naming hoodie.
Nasa Baguio na nga kami. Kahit nasa loob pa lang kami ay ramdam ko na ang lamig.
Teka...
"Ikaw ba ang nagsuot nito sa akin?" tanong ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya.
"Sino ba ang aasahan mo na magsuot niyan sa 'yo, misis? Eh, 'di sino pa? Ang asawa mo lang naman," nakangising sabi niya at nainis ako sa tonong 'yon. Sasapakin ko na sana siya pero mabilis na hinuli niya ang pala-pulsuhan ko.
"Huwag 'yong sapak ang ibigay mo sa akin, misis. Dapat good morning kiss, 'yon," may panunuya niyang sabi at napatili ako nang bigla siyang sumampa sa akin.
"Shit, Lervin!" pagmumura ko sa kanya at ngumiti lang ang gago.
Hinaplos niya ang pisngi ko at malamlam ang mga matang tinitigan ako.
"Ang ganda-ganda mo talaga. Wala ka ng make-up kasi pinunasan kita kagabi. Tapos ang ganda mo pa rin," namamangha niyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko.
Napalunok ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Hindi naman siya mabigat kasi nakatukod ang isang kamay niya sa kama at may balanse siya roon.
Bumaba ang mga mata niya sa labi ko at nakita ko pa ang paglunok niya. Nagtaas-baba ang adams apple niya at pinatakan na niya ako ng mainit na halik sa mga labi ko.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang mga labi sa noo ko.
"Good morning, again, baby."
Umalis na siya sa ibabaw ko at maingat na hinila para makabangon na ako.
"The breakfast is ready," aniya.
Magkahawak kamay na lumabas kami sa loob ng silid at dinala niya ako sa balcony.
Napaawang ang mga labi ko nang makita ko ang paligid.
"Oh my, God!" iyon ang nanulas na katagang lumabas mula sa mga labi ko.
Ang ganda ng view kahit mga matatayog na punong kahoy lang ang makikita mo. Sobrang ganda.
Table for two lang ang nasa balcony at naka-ready na nga ang breakfast namin doon.
Malamig ang simoy ng hangin at iyong asul na kalangitan ay sobrang ganda.
"Nasaan tayo?" namamangha pa rin tanong ko.
He chuckled, at hinila na niya ako palapit sa table para makaupo na ako.
"Nasa Bradd's Pick Hotel tayo, misis. Former known as Sukhavati Inn, one of the cheapest type hotel in Baguio City," sagot niya.
Color yellow ang hotel at sobrang ganda rin. May kanya-kanyang balcony pero connection ito.
"Let's eat, baby? Mamamasyal pa tayo after this."
"T-thank you..."
"No problem. You're my wife. You deserve all of this."
Kahit na puro kasinungalingan lang 'yon ay maaari ba akong kumagat? Sakyan na lang siya?
Alam kong saglit lang 'to. Saglit lang ang kasiyahang 'to pero puwede ko bang hiramin?
Puwede ko bang hiramin ang oras na ito? Kahit hindi naman ito totoo para kay Lervin. Kahit isang panlilinlang lang niya 'to. Gusto ko munang kalimutan ang realidad. Gusto ko munang maging masaya kahit saglit lang.
Napaigtad ako sa gulat nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang kamay na humaplos sa pisngi ko.
"You're spacing out, baby."
"Puwede bang kalimutan na muna natin ang realidad, Lervin? Puwede mo bang ibigay sa akin ang pagkakataon na ito? Ang maging masaya ako sa piling mo? Puwede mo bang kalimutan na muna si Jillian at isipin mo na ako ang mahal mo? Na nagmamahalan tayo?" malungkot kong tanong sa kanya at nawala ang expression ng mukha niya.
Naging malamlam ang mga mata niya at bumigat ang paghinga niya.
Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. Bumuhos na ang mga luha ko sa aking pisngi.
"Please... C-can you give me what I want, baby? Puwede ko bang nakawin saglit ang puso mo? A-after this...hindi na ako hihingi pa. H-hahayaan kitang m-makasama mo na siya. Ngayon lang, k-kahit ngayon lang Lervin. Pagbigyan mo na ako," pakikiusap ko sa kanya at parang tinatambol ng malakas ang dibdib ko.
Ang sakit. Sobrang sakit pala. Masakit 'yong humihiling ka sa kanya. Na tila hindi pa niya mabibigyan.
"H-hindi ako madamot, Lervin. Mahal kita, mahal na mahal kita at kaya kitang ipahiram sa iba. Kahit masakit. Kahit alam kong m-masakit. I-ibibigay k-ko...ibibigay ko ang lahat para lang maging masaya ka," sambit ko at humihikbi na ako.
Dinala niya ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap na niya ako. Napapikit na lamang ako.
"Ssh... Strop crying, baby. Sa lugar na ito, sa mga oras na ito ay tayong dalawa lang sa mundong ito. Tayong dalawa lang..."
Napahagulgol na ako dahil sa sinabi niya. K-kahit may kirot ay may parte rin sa puso ko na masaya, masaya ako sa sinabi kahit hindi naman 'to totoo.
"S-salamat. Salamat."
I felt his lips on my temple.
______________________
Pagkatapos naming kumain ng breakfast ni Lervin ay masayang nilibot namin ang Baguio City.
Pinuntahan namin ang Bamboo Eco Park, Botanical Garden Wright Park, and The Mansion.
Malapit lang 'yon sa tinutuluyan naming hotel at saglit na nakalimutan ko nga ang realidad.
Saglit na nakalimutan ko ang sakit, ang sakit na nararamdaman ko na siya rin ang nagdudulot nito.
Naging masaya ako. Para kaming bagong kasal at nag-honey moon. Okay na ako, okay na ako sa ganito. Kontento na ako sa hiram na oras.
Tatlong araw kaming nanatili sa Bradd's Pick Hotel at ngayon ay bumibiyahe na naman kami.
Hindi pa kami babalik sa Manila at ang tungkol naman sa school. Ay, in-excuse niya ako sa klase ko. Nag-leave rin siya sa trabaho niya.
At dito sa Baguio ay walang ahas ang gumambala sa amin.
"Lay-odan Farm," basa ko sa karatulang kahoy.
Dito hininto ni Lervin ang sasakyan niya.
Bumaba si Lervin at umikot sa gawi ko. Binuksan niya ang pintuan sa front seat at naglahad pa siya ng kamay sa akin na 'agad ko namang tinanggap.
Magkahawak na kamay na naglalakad kami. Dala-dala niya ang traveling bag niya na naglalaman ng mga gamit namin. At dahil hindi namin in-expect ang vacation na 'to ay bumili na rin kami ng mga gamit namin.
Halos 4 hours din ang biyahe namin from Baguio City.
"Careful baby," ani Lervin.
Lupa na lang kasi ang dinaraanan namin at medyo madulas kahit tuyo naman ang lupa.
Mayroon ka na namang kahoy na puwede mong hawakan pababa.
Hindi ito bundok na aakyatin mo dahil bababa ka pa. Wala akong ideya kung ano ang meron sa ibaba. Pero excited ako.
Ilang minuto lang ay may nakita na kaming isang bahay. Bahay ba o ano?
"Welcome to Lay-odan Farm, baby."
"Lay-odan Farm is located in Mogao, Balili, Manyakan, Benguet. This is almost 3 hectares of land consists of pristine uphill forestry, family-owned house, a function hall, a small cafe, livestocks pen, section of vegetating plants and flowers and a grand view of Sodpac Falls. This is the most amazing place, I have ever seen," he added.
"Where did you found this, place?"
"On the internet, baby. Come on."
Oh, my God. Napaka-ganda talaga ng lugar na ito at naiiyak ako sa effort ng asawa ko para lang hanapin ang lugar na ito.
NAKAKAIYAK na to the point na hindi ko na siya kayang i-let go pa. Pero ano nga ba ang magagawa ko?
Wala. Labis-labis na nga ang hiniling ko sa kanya.
"We can spend our one night here, baby."
"Magandang hapon po," bati sa amin ng isang lalaki. Nasa mid-30 pa ang edad niya at medyo may katangkaran.
"Magandang hapon din po. Kami po 'yong nag-rent ng isang tent niyo, Lervin de Cervantes," ani Lervin.
Marahil siya ang may-ari ng Lay-odan Farm na ito.
Mas namangha pa ako nang makita ko sa malapitan ang small cafe.
Second floor ito at gawa sa kahoy ang structure niya. Tapos iyong second floor ay kulay puti ang dingding. Pero sa front ng cafe ay salamin ang wall niya tapos salamin din iyong mga bintana.
Pinalibot ko ang tingin ko nang makaupo na kami ni Lervin. May isang mahabang brown table at may round table rin sa tabi nito at dito kami naupo.
Maraming light bulb sa itaas at may bulaklak din. Mula sa left side namin ay may maliit na counter at may nakasulat na 'Lay-odan'.
Ang sabi rin sa akin ni Lervin ay limited pa ang mga customer nila.
Hinaplos ni Lervin ang pisngi ko at napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya at may kislap ang mga mata niya.
Humilig ako sa balikat niya at sinupling niya ang buhok ko sa likod ng tainga ko. Natuwa ang puso ko sa simpleng gesture niya.
"Ang sarap mong titigan kapag ganyan ka. Iyong masaya ka at nakangiti," aniya. Kahit malamig ang boses niya ay may lambing naman.
"I am happy, really. Na-appreciate ko ang effort mo, baby," malambing kong sabi at lumawak pa ang ngiti niya.
May isang babae ang nagdala ng tray na may lamang two slice of banana cake at dalawang kiwi juice.
Inilapag niya ito sa round table namin at umayos na ako ng upo.
"Nagutom ako bigla! Ang haba rin kasi no'ng biyahe natin, eh," energetic kong sabi at napahalakhak siya.
Mabilis na kinuha ko ang kutsara na naka-balot pa ng table napkins. Pero inagaw ko ito sa akin ni Lervin at napasimangot ako.
"Let me feed my wife, come on."
Natuwa ako dahil susubuan niya raw ang asawa niya. Para akong bata dahil energetic talaga ako. Ang sarap sa feelings iyong sini-serve ka nang maayos ng asawa mo.
Sana...sana ganito na lang kami. Sana wala ng magbabago sa samahan namin. Sana ako na lang. Sana ako na lang siya, ako na lang sana si Jillian. Para ako na lang din ang babaeng mamahalin ni Lervin. Handa akong maging ibang tao para lamang sa kanya.
Sinubuan na nga niya ako at ang sarap-sarap talaga sa feelings. At dahil pati ang puso ko ay masaya, nagdulot nito ang mga luha kong malayang naglandas mula sa mga mata ko.
"Oh, bakit na naman?" tanong niya at pinupunasan na niya ang mga luha ko.
Napasinghop ako at nag-blured na naman ang mga mata ko dahil sa luha ko.
Iyong puso ko na kinukurot na naman. Ganito pala ako ka-emotional kapag masaya ako? Kapag masaya ako sa hiram na sandali?
Tiyak na namumula na ang mga mata at ilong ko. Iyong sipon ko ay tutulo na rin. Maging sa nauwi sa malakas na hikbi ang pag-iyak ko.
Natataranta na rin si Lervin sa pag-aalo sa akin. Mahigpit na yayakapin ako at hahalikan ako sa gilid ng ulo ko.
Mariin pa ang pagkakahawak ko sa dibdib ko kung saan nakatapat nito ang puso ko paunti-unti na namang nadudurog.
"Baby naman. Tahan na. Sh*t, stop crying..."
"T-tears of joy lang ito, Lervin. Tears of joy," nahihirapan kong sambit.
"Kung sa ganitong paraan ang tears of joy na iyan ay ayoko nang makita pa, Art. Mas okay na sa akin ang nakangiti ka at hindi iyong ganito ka kung umiyak," malamig at mariin ang bawat na pangungusap na binigkas niya.
Hinampas ko siya sa braso niya. Nahuhulog na naman ang puso ko.
"G-gusto kong bumalik dito."
"We will. Kahit ilang beses pa 'yan."
Hindi. Hindi Lervin. Ako na lang, ako na lang mag-isa ang babalik dito. Alam kong sa oras na uuwi na kami sa Manila ay si Jillian na ang buhay mo.
Si Jillian na naman ang makikita mo. Si Jillian ang dahilan nang pagtibok ng puso mo. Ang puso mong matagal ko ng pinangarap.
#GS1:SIBG