Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 26:Spinocerebellar

HINDI KO na alam kung ano na ba ang nangyari sa akin after no'ng pag-iyak ko at nagmamakaawa kay Lervin na huwag niya akong iwan.

Nagising na lang kasi ako na nasa loob na ako ng kuwarto ko. Nakahiga sa kama.

Natuyo na ang mga luha ko sa aking pisngi pero nandito pa rin ang kirot sa puso ko.

"Ma'am, kumain na po kayo," ani ng katulong namin. Siya 'yong napagalitan ko dati.

May dala-dala siyang tray na may lamang kanin, ulam at tubig.

Binaba nito sa center table ko at tumayo sa gilid ko.

"Hindi ako gutom," malamig na sabi ko.

"Bilin po sa akin ni Sir na pakainin ka bago po matulog," aniya at malungkot pa ang boses niya.

Wala na akong pakialam sa Sir niya. Sa kung sino man ang nagbilin sa kanya.

"Dalhin mo 'yan kung lalabas ka na," utos ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay tahimik ay lumabas lang siya.

Nag-init kaagad ang bunbunan ko at marahas na napatayo pa ako.

Marahas na tumayo ako at nilapitan ang tray saka ko ito binato sa pader.

Maririnig sa buong silid ang pagkabasag ng mga plato at baso. Malakas din kasi ang pagkakabato ko.

"M-ma'am..." 

Muling pumasok ang katulong namin at nangingilid na ang mga luha niya.

"Hindi ako gutom!" pagalit na sigaw ko sa kanya at bigla siyang lumuhod dahil sa takot.

"Ma'am..."

Pumasok ang iba naming kasambahay. At ang akala ko ay makiki-tsismis din sa nangyayari sa loob ng kuwarto ko pero hindi.

May bagong tray silang dala at hindi lang iisa.

Tatlo. Nagsalubong ang mga kilay ko at tila ready sila kung ibabato ko ulit ang dala nilang pagkain.

"P-parang awa niyo na po ma'am. K-kumain na kayo," nauutal na sabi no'ng nakaluhod. Iyong boses niya ay nanginginig.

Ano ba ang pakialam nila kung hindi ako kumakain? Wala silang pakialam. 

"K-kami po ang malalagot kapag hindi kayo kakain," sabi ng medyo may katandaan na.

"Ma'am, p-pakiusap. Kumain na po kayo. Hindi kami titigil sa pagdadala sa inyo ng pagkain hangga't hindi po kayo kakain."

"SABI NG HINDI AKO GUTOM!"

Napahinto ako bigla nang sabay-sabay na lumuhod ang tatlong may dalang tray.

Napaatras ako at litong-lito na ako sa nangyayari sa kanila.

"Mawawalan po kami ng trabaho, kung hindi ka namin naaalagaan, ma'am. Parang awa niyo na po, kumain na kayo."

Umiling ako at pinukol ko sila ng masasamang tingin.

"Sino? Sino ang magtatanggal sa inyo ng trabaho?" tanong ko.

"S-si Sir Lervin po, ma'am. Mina-monitor po niya kami kung naaalagaan ka po namin nang maayos. Araw-araw po niya kaming pinapagalitan nang hindi ka kumakain dito sa mansiyon niyo."

Padabog na tinungo ko ang banyo at pumasok. Binuksan ko ang shower at binasa ko ang katawan ko. Kasabay ng luha ko na umagos sa tubig.

What are you doing, Lervin? Ano ba ang tumatakbo sa utak mo Lervin, huh? Hindi ba't iniwan mo na ako? Hindi ba't nakipaghiwalay ka na sa akin?! Pero bakit mina-monitor mo ang mga kasamabahay natin?!

Nalilito na ako, litong-lito.

Bigla ako napahinto nang may sumagi sa isip ko. Umalis ako sa shower at lumabas.

Naroon pa ang mga katulong, nakaluhod. Kahit basang-basa ako ay wala akong pakialam.

"Sino ang nag-uwi sa akin?" walang bahid na emosyong tanong ko sa kanila.

"Si...Sir Lervin po."

Bumalik siya...binalikan niya ako! Kung isa pa itong laro sa 'yo Lervin puwis ayoko ng makisama pa sa larong ito.

____________________

Lervin de Cervantes' POV

(A/N: Ito 'yong one month na hindi na umuwi si Lervin kay Art.)

"I want a mansion beside yours," Jillian said while she's busy fixing her dress.

"No, choose another not the mansion beside our mansion, Jillian," I said while greeting my teeth.

Pabagu-bago siya ng desisyon at pati ang ugali niya ay ganoon din. Sa loob ng isang linggong pagsasama namin ay nagsimula rin akong mairita.

Yes, we had sex but I hate her attitude now.

"No! I want that one beside your house!" What a brat.

I know that I love her at sinabi ko na rin that she is everything to me. Kaya kahit labag sa kalooban ko ang nais niya ay sinunod ko.

I bought a mansion, alam kong may naapakan na akong pagkatao pero ginawa ko pa rin.

Sa loob ng isang buwan na hindi ako umuuwi sa mansiyon namin ay kay Jillian ako umuuwi.

Ito na ang pagkakataon na magiging akin siya kaya lahat ginawa ko para sa kanya.

At nalaman ito ng kaibigan ko. Nagalit siya sa akin hindi dahil kinuha ko sa kanya si Jillian. Kundi ang pagtataksil ko raw sa sarili kong asawa.

He told me that Jillian was sick, kaya gagawin ko pa rin ang lahat mapagamot lang siya.

"Gabi-gabi ka na lang pumupunta sa mansiyon niyo. Bakit hindi ka na lang mag-stay rito?! Bakit kailangan mo pang puntahan ang asawa mo?!" she shouted, angrily.

Lingid sa kaalaman niya na pumupuslit ako sa bahay namin para silipin si Art. Sinisilip ko lang kung tulog na ba siya at ilang minuto rin akong tumatagal sa loob ng kuwarto namin.

And that's a reason na kung bakit galit na galit na siya at tinigil ko ang ginagawa ko.

I don't want to lose her, my Jillian.

***

"MAY TANONG ako," I glanced at Hillarus when he spoked.

Nandito siya sa loob ng opisina ko at nanggugulo lang naman siya.

Anak siya ng isa naming mahusay na doktor. Si Hillarus na nag-give up sa pagiging doktor niya.

"What is it?" I asked him, without glancing him.

"Alam mo ba ang sakit na...'yong nawawalan ka ng balanse kahit wala o hindi ka naman nababangga? Example, may bola or something na tatama sa 'yo ay hindi ka kaagad makakaiwas no'n? Kahit may oras ka pa na iwasan ang bagay na tatama sa 'yo," he explained. And somehow, I already have an idea about what he said.

God's knows, that sick is a rare. Walang lunas ang sakit na 'yon at ikamamatay ng biktima. I already encountered the victim who had the same sickness.

"Why did you ask? Have you experience that?" tanong ko at ngayon ay nilingon ko na siya.

"No, hindi ako. She's someone," aniya.

My eyebrows knotted.

"She? A friend or your girlfriend?" I asked him again while raising my left eyebrow.

"No and no. So, ano 'yon? Anong klaseng sakit 'yon?" desperadong tanong niya.

Nakaupo lang siya sa visitor seat at pinapagalaw-galaw niya 'yon.

"It's spinocerebellar ataxia," I answered.

"May surgery ba? Ano ang cause niya?" sunud-sunod niyang tanong sa akin.

"Brain and no, there is no surgery. Therapy would do but is not enough. Ang sakit na 'yon ang ikamamatay niya," I said at binalik ko na ang atensyon ko sa pagtsi-check ng profile ng mga pasyente namin.

"Ganoon ba? Paano kung nangyari 'yon sa taong malapit sa 'yo? Ano'ng gagawin mo?"

Again, nagsasalubong na naman ang mga kilay ko. He's creepy.

"Hinding-hindi 'yan mangyayari, nakukuha lang 'yan sa mga ninuno," sagot ko.

"Well, paano nga?" tanong niya.

I took a deep breath at seryoso ko siyang tiningnan.

"Tingnan natin kung mangyayari 'yon," sabi ko.

"I don't know if you deserve to know the truth, but in your case. You really are not deserving, but I would like to see you miserable. From now on, I zipped my mouth and just wait for that happens. Pero ako 'yong tipong tao na hindi na lang mananahimik ng basta-basta. Hintayin mong maubos ang pasensiya ko sa 'yo," aniya.

"What? W-what are you talk about?"

"Oh, I have a class to attend. See you, Dr.de Cervantes," he said and he left me.

Seriously? What's wrong with him?

____________________­__

"Kamusta naman kayo ng asawa niyo, apo?" tanong 'yon sa akin ng lolo ni Art.

Nasa loob ako ng opisina ko at balak ko na sanang puntahan si Jillian. May check up season kasi siya sa Psychiatrist niya.

Pero tumawag sa akin ang lolo ng asawa ko.

"O-okay lang po kami, lolo," nababahalang sagot ko.

God knows kung ano ang pinag-gagawa ko sa apo niya.

"You know, tumawag sa akin ang apo ko and she asking me about our families history. Iyong sakit na minamana," he said.

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni lolo. Hindi ko alam kung bakit umiba ang nararamdaman kong emosyon.

"She's desperate to know the truth."

"M-may sakit po kayo sa history ng pamilya niyo?" tanong ko kay lolo.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya.

"Yes. And I am afraid na mabubuhay ulit ang sakit na 'yon. Ang weird ng apo ko kung bakit naitanong niya 'yon sa akin kasi wala naman siyang alam doon pero...I have this bad feelings."

Same, tila nagkakaroon na ako ng pangamba.

"Alagaan mo na lang ang asawa mo, hijo and don't forget to inform me, alright?"

Nagpaalam na siya pagkatapos naming mag-usap at napatingala ako sa kisame ng opisina ko.

Fuck this feeling! I don't like it!

#GS1:SIBG