Chapter 29:Revelation
"The woman who used to be loved you."
I blinked my eyes, repeatedly as my heart started to beats, faster than a normal.
"What are you trying to say, Hillarus?" I asked him, confused is all over my face.
Hindi ko talaga makuha ang mga sinasabi niya at nalilito na ako sa kanya.
"Napaka-gago mo, sa totoo lang. Nakuha mo pa talagang mag-celebrate habang siya ay nahihirapan na? You are supposed to be by her side! She needs you! But I don't think so, kung ngayon ay ikaw pa ba ang kailangan niya," he said.
Hindi pa rin nagbabago ang emosyon niya. Galit siya sa akin pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit.
Saka...sino ba ang may sakit? Sino ang babaeng...fuck no!
"Wala siyang sakit. Don't bullish*t me, Hillarus," malamig na sabi ko sa kanya.
Hinawakan ko sa braso si Jillian para sana umalis na pero napahinto rin ako nang sumigaw si Hillarus.
"Hanggang ngayon ba ay siya pa rin?! Mas pipiliin mo pa 'yang kabit na 'yan kaysa sa asawa mo?!" Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya.
Nagtatagis ang mga bagang kong binalingan ko siya.
"Do you still remember, the someone who had that sick? Iyong someone na tinutukoy ko sa 'yo, iyong someone na may malubhang sakit," mariin ang bawat pangungusap na binigkas niya.
"W-wala siyang saki--" Natigil sa ere ang sasabihin ko nang maalala ko ang pag-uusap namin ng lolo niya.
Ang tungkol sa sakit na 'yon. Ang pagiging weird daw ni Arthea sa pagtatanong sa history ng pamilya niya.
"I'm sick. I'm sick..."
F*ck!
Bumilis ang pintig ng puso ko at dahil sa panghihina ay nabitawan ko ang braso ni Jillian.
Inalala ang mga nangyayari sa nakaraan, nang kasama ko pa siya.
At doon napagtagpi-tagpi ko ang lahat. Ang pagiging careless niya, out of balance na madalas nangyayari sa kanya.
Hillarus was right, do I deserve the truth or what? I'm a j*rk, yeah I admit that.
Pero hindi kayang i-process ng utak ko ang mga nalaman ko kaya sa huli ay i-deny ko ang katotohanan.
Sana wala, sana hindi 'yon totoo. Kasi kung tama man ang sinabi lahat ni Hillarus ay hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.
Sa tanong ni Dra.Seraphine, na dapat pumili na ako sa kung sino sa kanilang dalawa ay nakapili na ako at alam kong buo na ang desisyon ko.
I already choosed Jillian, from the first place. And still, her.
"MAGPAKATOTOO ka naman sa sarili mo, Lervin." Napalingon ako sa nagsalita.
Si Jaickel, nakasusok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya at walang bahid na emosyon ang mukha niya.
"Sa isip mo ay si Jillian nga ang pinili mo, pero sa puso mo? Alam mong hindi siya," ani Jaickel at punung-puno ng kahulugan.
I'm already f*ck up, kaya hindi na kaya ng utak ko ang lahat ng nalalaman ko. Kaya kung maaari lang ay huwag na nilang dagdagan pa.
Mas lalo lang akong malilito. Walang sakit si Art, wala. Ayokong paniwalaan. Wala lang 'yon, wala.
Pero bakit binabagabag ako ng sakit na 'yon? B-bakit may takot sa puso ko?
"You can't cheat your feelings, Lerv. Iyong isip mo na ang kalaban mo. You decided without your heart consent. Nang tuluyan ka ng nagdesisyon ay siya ring pag-ayaw ng puso mo," Jaickel added.
Tahimik lang ang mga kaibigan namin.
Sina Herom at Cervin na lumuwag ang pagkakahawak kay Hillarus. Pero hindi na naman ito lumalaban sa kabila.
"Alam mong hindi normal ang nangyayari sa kanya." This time ay si Kier ang nagsalita.
"Shut up!" sigaw ko sa kanila at ako na lang sana ang aalis mag-isa nang hinuli ni Jaickel ang braso ko at muli akong pinaharap sa kanya.
"Hindi mo naman responsibilidad si Jillian. Siya lang ang nakikita ng mga mata mo, dahil mula pa noon ay siya na ang pinangarap mo. Kaya iyan pa rin ang gumugulo sa isip mo," malamig oa ring sambit niya.
"I am the one who checked her CT scan, Lerv."
Mariin na pinikit ko ang mga mata ko. Ayoko, ayoko nang pakinggan.
Nanginginig na ang mga kamay ko at wala pa ring tigil sa pagbilis ng pintig ng puso ko.
Hindi ko na namalayan na patakbong lumabas na pala ako sa club na 'yon.
Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sa akin ni Jillian. Basta ang namamalayan ko na lang sa sarili ko ay nagmamaneho na papuntang university.
Hindi ko matanggap pero tila akong pinapatay kung hindi ko makita mismo ng mga mata ko. Dapat hindi lang sa salita na malalaman ko ang katotohanan.
Lumampas sa drive speed ko ang pagmamaneho ko at ilang kotse na rin ang inunahan ko.
Para akong nasa car racer sa bilis ng pag-drive ng sasakyan ko.
Ilang minuto lang ay narating ko na ang university. Kung saan siya nag-aaral at ito ang pangatlong beses na umapak ako sa school na 'to.
Nagmamadali pa akong bumaba at tinungo ang gate. Hinarangan pa ako ng mga guard pero mabilis 'yong pagtakbo ko.
Nagpalinga-linga pa ako, kung saan ko siya puwdeng mahanap. Fuck! Kahit 'yong course niya ay hindi ko alam. Kaya hindi ko mahanap kung saan ang building nila!
Ganito pala, ganito pala ang pakiramdam ng wala ka man lang kaalam-alam tungkol sa kanya. Simpleng impormasyon lamang ito pero hindi ko alam!
Her birthday too! Malamang hindi ko rin alam. Fuck it! Nakaka-frustate!
"Nakita niyo ba ang taga-HRM department? Iyong ganitong maglakad, oh." Napalingon ako sa side ng mga estudyante.
May apat na estudyante roon na nag-uusap-usap at ang mas napansin ko roon ang panggagaya-gaya nila ng paglalakad.
"Oo! Nakakatawa nga, eh," sabi pa ng isa na may maikling buhok.
"Huwag niyong gayahin, malalagot tayo kay Hillarus!"
Napakuyom ang mga kamao ko nang makuha ko ang tinutukoy nila. Walang emosyon na nilapitan ko sila at nagulat pa sila parehas.
"Guwapo."
"Oh, my God. Student ba siya rito?"
"Bakit ngayon ko lang nakita si pogi?"
Hindi ko pinansin ang mga sinabi nila, "nasaan siya?"
Napaatras sila nang magsalita ako. Marahil nagulat sila sa lamig ng boses ko.
"Where is she?" Mariin pero kalmado lang ang boses ko.
"S-sino po pogi?" namumutlang tanong ng babaeng may headband sa ulo.
"Oh, never mind," sabi ko na lang at nilampasan na sila.
Taga-HRM department daw, iyon ang narinig kong pag-uusap nila kaya hindi ko na sila pinasagot pa.
Naglakad na ako papunta roon pero ilang hakbang lang ang nagawa ko nang makita ko na siya mismo.
Para akong binubusan ng malamig na tubig at nanginginig ang mga kamay at tuhod ko.
"F*ck... What have I done?"
Diretso ang mga mata ko sa papalapit na estudyante.
Iyong paika-ika nang maglakad at nakatungo na lang ang ulo kaya hindi niya pa ako nakikita.
Parang pinupunit ang puso ko sa nakikita ko. Sobrang sakit at paulit-ulit na pinupunit.
Nahihirapan siya, nahihirapan siyang maglakad.
Pero alam niyo ba ang napansin ko? Hindi ko siya nakitaan nang lungkot at paghihirap.
Nanatiling maaliwalas ang bukas ng mukha niya.
"ART! Hintayin mo naman ako, Art!" tawag pa sa kanya ng kaibigan niya.
Mariin na napahawak ako sa dibdib ko kung saan nakatapat nito ang puso ko na hindi na naalis ang pagkirot.
Nasasaktan ba ako? Nasasaktan ba ako sa nakikita ko? Nasasaktan ba ako sa natuklasan ko?
"Bilis na! Bagal mo kasi!" natatawa pa niyang sigaw.
Alam niyo ang pinakamasakit? Ang makita siyang nakangiti, ang masaya siya na sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya. Nakuha pa niya ang ngumiti, nakuha pa niya ang maging masaya. Masakit kasi tanggap niya ang nangyayari sa kanya.
Hindi ko na naigalaw ang mga tuhod ko at napako na ako sa kinatatayuan ko. Nag-iinit na rin ang sulok ng mga mata ko. Nahihirapan na rin akong huminga.
Napakasakit pala talaga malaman ang katotohanan. Parang isang bangungot. Kaya ayoko, eh. Kaya ayokong malaman kasi sobrang sakit pala.
Napahakbang ako nang bigla siyang nadapa. Naigalaw ko ang mga paa ko na kanina ay tila paralisado na.
Nagawa kong humakbang palapit sa direksyon niya nang makita ko ring nahihirapan na siyang tumayo.
Kitang-kita ko ang pag-ngiwi niya at sakit na gumuhit sa mga mata niya.
"Art..." sambit ko sa pangalan niya at napaangat ang ulo niya.
Nagtama ang mga mata namin at gulat, gulat ang mababasa sa mukha niya.
"Art!"
Napayuko siya at nahuli ko pa ang pagtulo ng mga luha niya.
Inunahan ko ang kaibigan niya sa paghila sa mga braso niya upang tulungan siyang makatayo pero tinabig niya ang mga kamay ko.
"A-art..." Pumiyok pa ang boses ko sa pagtawag sa kanya.
Lumuhod na ako para mapantayan ko ang mukha niya pero mas lalo lang siyang yumuko.
"Alis...alis. A-alis n-na. Dali...alis..." mahinang sabi niya at iyong mga kamay niya ay itinutulak ako pero walang lakas 'yon.
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at pilit na pinapaharap ko siya sa akin.
"Art... Look at me, please."
"No. Alis na, please. Go...just g-go," humihikbing sabi niya at doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko pala akalain na darating ang araw na maiiyak ako. I never crying for someone, maski si Jillian. Hindi ko iniyakan.
"Art..." muling tawag ko sa kanya pero nagpupumiglas na siya.
"S-shin... Shin, alis mo n-na siya. Ayaw, a-ayaw ko sa kanya. Shin, p-paalisin mo na siya," naiiyak niyang sabi. Tila naging bata siya at ayaw niya sa kalaro niya.
Kahit nagpupumiglas man siya ay kinulong ko na siya sa mga bisig ko. Paulit-ulit na pinapaalis ako pero hindi ako nakinig.
I hug her tight. Iyong klaseng yakap na ginawa niya sa akin noong iniwan ko siya.
Iyong klaseng yakap na para bang ayaw mo na siyang mawala. Ganito pala ang pakiramdam noong ginagawa niya 'to sa akin.
"I'm sorry, Art. I-I'm so s-sorry..."
Binaon ko sa buhok niya ang mukha ko at malaya nang umagos ang mga luha ko. Umiiyak na siya, umiiyak na siya sa dibdib ko at pilit pa rin akong pinapaalis.
I'm such a jerk