Chapter 34 - Chapter 33

WChapter 33:Argument

TAHIMIK na tinatanaw ko lang ang papalayong pigura ng asawa ko.

Ramdam ko ang gap namin sa isa't-isa. Noon pa man ay malayo na talaga ang loob ko sa kanya. Tapos ngayon ay siya naman ang lumalayo.

I won't stop chasing her. This time ay hindi ko na siya bibitawan. Hinding-hindi ko na siya iiwan. Lalo pa na sigurado na ako sa nararamdaman ko.

Alam kong dati indenial pa rin ako sa feelings ko sa kanya. Pero ngayon, siguradong-sigurado na ako.

Ayoko na siyang masaktan pa. Ayoko na siyang paiyakin at iwan sa ere. Nasaktan ko man siya pero hindi ko siya susukuan.

Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako. Kahit ano ang hilingin niya ay ibibigay ko sa kanya. Basta huwag niya lang hilingin na lumayo ako sa kanya.

Because I won't do that, I'll stay with her no matter what happens.

"You hurt her, so much. Don't expect her to forgive you." Napalingon ako sa side ng isa sa kambal na kaibigan ng asawa ko.

Nakilala ko na siya dati dahil pinakilala sila ni Art sa akin.

"It's hard to forgive someone, if that someone who hurt you. These past two years, walang ginawa si Art kundi ang mahalin ka. Kundi ang kunin ang loob mo, ang mapansin mo at maranasan ang mahalin ng taong mahal niya. Pero ano'ng ginawa mo? You just hurt her. The person like you? Hindi na deserve ang second chance. Ang mga taong nasaktan na ay takot ng mag-risk. Takot na silang magtiwala pa. Dahil takot na silang masaktan pa muli. It's hard to get someone's trust, you need to earn that para lang bumalik. But in your case? I don't think so, kung mapapatawad ka pa ba niya," mahabang saad ng kambal.

Nasaktan ako, inaamin ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. Totoo naman, totoo 'yon lahat.

Ramdam ko ang pagkirot sa puso ko. Pero hindi ako magpapatinag. Hindi ko susukuan si Art.

Ngayon pa ba? Ngayon pa ba kung kailangan niya ako? Ngayon ko pa ba siya iiwan gayong alam kong may sakit na siya?

Hindi lang naman ang dahilan ang sakit niya kaya gusto kong mag-stay sa kanya. This is because of my feelings for her.

"You can't stop me. I won't give up on her. Alam kong darating ang araw na mapapatawad niya rin ako," malamig na sabi ko at ngumisi lang siya.

"Akala mo ganoon lang kadali? Alam kong marupok ang kaibigan ko. Dude, mabait siya, eh. Mapagkumbaba, iyong katulad niya ang pinapangarap ng karamihan. Okay lang sa kanya ang masaktan para lang sa mga taong malapit sa kanya. Okay lang kung siya ang umiyak. Madali siyang magpatawad sa mga taong nagkasala sa kanya. Hindi siya 'yong tipong babae na nagtatanim nang sama ng loob. Lahat pinapatawad. Pero sa ngayon? Sarili na lang muna ang uunahin niya. Hindi mo naman kailangang bumalik sa kanya kung awa lang naman ang nararamdaman mo sa kanya."

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Umigting ang panga ko dahil sa kanya. Pero pinipilit ko ang sarili kong kumalma.

"Gawin mo ang gusto mo pero walang kaibigan ni Art ang makakapigil sa akin," malamig na saad ko saka ko sila iniwan doon.

"Gagawin ko ang lahat huwag ka lang makalapit sa kanya," dinig ko pang sabi niya.

Damn it!

_____________________

Mahigpit na hinahawakan ko ngayon ang manibela ng sasakyan ko.

Nag-iinit pa rin ang ulo ko sa mga katagang binigkas ng kambal na 'yon.

Kasalukuyan na akong nagmamaneho ng kotse ko papunta sa hospital.

Kung hindi ko lang kilala ang kambal na 'yon ay baka pagkamalan ko pa na may gusto siya sa asawa ko. Naiinis ako sa kanya.

"How's everything?" tanong ko sa ka-team ko pagkarating ko sa hospital at nasa private laboratory kami.

Pinaka-busy sa aming lahat ay sina Cervin at Kier. Si Cervin na naghahanap ng formula para sa gamot. Kung makukuha ba sa gamot ang Spinocerebellar Ataxia.

Si Kier na abala sa pag-tetest ng mga sakit na possible ipasok sa therapy. Sina Jai, Dra. Even na sinusuri ang bawat parte ng katawan ng mga biktima ng sakit ni Art.

Nervous system disease, isa sa common type ng sakit na 'yon. Si Taki na katuwang ni Kier sa pagsusuri.

Busy kami lahat sa task namin at ako bilang leader ng team na ito ay tsine-check ko lang ang possible out come ng research namin.

Bukas, bukas ang first meeting namin para sa mga napag-aralan namin. Sana bukas ay malalaman na namin agad ang lunas ng sakit na 'yon.

Alam kong hindi lang ako ang kinakabahan. Maski ang mga kasama ko.

"Everything is fine. Don't worry, man. Successful ang research na 'to," sagot sa akin ni Kier.

Si Taki na tinapik-tapik lang ang balikat ko.

"Be positive. Makakahanap tayo ng lunas sa Spinocerebellar Ataxia," aniya.

Sana nga. Sana nga at makahanap na kami ng lunas.

"Kung sakali mang successful ay si Miss Arthea ang unang mabigyan ng lunas sa sakit," singit naman ni Dra. Even.

"Mrs. She's already married," saad ko at tinawanan niya lang ako.

"Sa pagkakakilala ko ay Miss pa lang siya," aniya at may ngisi pa sa labi.

"Saka, divorce na kayo." Masamang tiningnan ko si Jai pero ang g*g* sa iba naman nakatingin.

"Right, magpapakasal na kaya siya. We are invited," pagsesegunda ni Cervin.

He is wearing his eyeglasses and glove. May hawak pa siyang maliit na bote na kinuha ito kaagad ni Kier.

Tinaas ni Kier ang maliit na bote na may lamang pulang likido.

"This is the first medicine for the cure of Spinocerebellar Ataxia. But don't expect too much, dude. Puwede pa itong pumalpak. Iche-check pa ito sa medicine machine kung acceptable na ba ang gamot na ito," pagpapaliwanag niya at napatango na lang kami sa sinabi niya.

"Pero bakit pulang likido? Strawberry flavor ba 'yan?" tila inosenteng tanong pa ni Taki at lumapit pa ito para lamang suruin ang gamot.

"No, hindi naman talaga red ang kulay na 'yan. Orange but it turns to red. Ewan ko kung paano nangyari 'yon but anyway, hindi 'yon ang mahalaga," ani Cervin.

"Get ready for tomorrow," sambit naman ni Dra.Even.

"How's Arthea? Galit pa rin ba sa 'yo?" untag na tanong sa akin ni Jai.

"Ano pa ba?" nanghihinang sabi ko.

"Oh, magbigti ka na," Cervin said.

***

Arthea Primero-de Cervantes' POV

Natapos ang klase namin ngayong araw at pauwi na kami ni Shin.

Inaasahan ko na si Crim ang susundo sa akin ngayon para ihatid ako sa condo ko.

Pagkarating namin sa gate ay hindi lang si Crim ang nakaabang sa amin.

Nandoon sina Drim, Hillarus at maski si Lervin. Pinapaalis ko na siya kanina pero bakit bumalik pa rin siya?

"Art..."

"Baby..."

Napasabay pa ang pagtawag nila sa akin at pabalik-balik ang tingin ko sa apat na kalalakihang nasa tapat lang namin ni Shin.

Sina Crim at Drim na magkatabing nakatayo sa gilid ng sasakyan nila. Nasa hood ng sasakyan nila si Hillarus. As usual naka-leather jacket na naman at magulo ang buhok.

Si Lervin na nakatayo lang din. Walang emosyon ang mukha niya pero nang tumingin ako sa kanya ay lumambot ang bukas ng mukha niya.

Kahit paika-ika akong maglakad ay tinungo ko ang side ni Lervin.

Hindi para siya ang gusto kong maghatid sa akin. Dinig ko pa ang mahihinang pagmumura ng iba.

Nakita kong sumilip ang ngiti niya pero hindi ko na 'yon pinansin.

Binato ko sa kanya ang backpack ko at tumama pa ito sa dibdib niya. Sinalo niya 'yon at hindi alintana ang pagkakabato ko sa gamit ko. May lamang dalawang libro iyon kaya may kabigatan at alam kong masakit 'yon. Pero balewala lang 'yon sa kanya.

"Baby..."

"Don't call me like that!" sigaw ko sa kanya at nabigla pa siya dahil tumaas ang boses ko.

"Who do you think you are?" tanong ko at walang bahid na emosyon ang pagkakasabi ko.

"Art, w-what's wrong?" he asked me at pilit na lumapit sa akin pero umatras ako.

"Don't trying to help me because I don't need you, anymore. Don't waste your time para lang makahanap kayo ng cure sa sakit ko na 'to," sabi ko at tinuro ko pa ang sentido ko.

"Ar--"

"Huwag kang sumabat! Patapusin mo muna ako!" sigaw ko sa kanya.

Nag-iinit 'yong dugo ko sa kanya. Nakakagalit, eh. Parang pinapakita niya sa akin na awa, na awa lang ang nararamdaman niya sa akin.

Na guilty lang siya dahil sa kondisyon ko ngayon. Ayoko nang ganoon. Ang kaawaan ako!

"Huwag niyo ng ituloy pa ang paghahanap niyo. Stop it at hinding-hindi niyo ako mapipilit na magpagamot. Okay na ako! Tanggap ko na ang sakit na 'to, eh!" sabi ko at nakaturo pa rin ang daliri ko sa ulo ko.

"Art please..."

"Oh, don't use that tone to me! Huwag kang makiusap sa akin na magpagamot ako! Hindi ako si Jillian para ipilit mong magpagamot ako! Huwag mong gawin ang ginawa mo sa babae mo para lang mapaigamot ko ang sarili ko! Maybe kung sa akin mo 'yon sinabi sa una pa lang? Baka sasang-agon ako kaagad sa 'yo. Baka oo ang sagot ko at magpapagamot ako ora mismo. Pero hindi. Ayokong magpagamot at hayaan niyo na lang akong mamatay. Nag-give up na ako, eh," mahabang sambit ko at ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko.

Habol pa ang aking hininga at tinalikuran siya. Hahakbang na sana ako pero naramdaman ko ang mga bisig na kumulong sa akin.

Mariin na pinikit ko ang mga mata ko para huwag bumuhos ang luha ko.

Sinubsob ni Lervin ang mukha niya sa leeg ko.

"H-hindi ako makikiusap na magpagamot ka, Art. Pero ipipilit ko pa rin ang sarili mo para magpagamot ka lang. Art...alam kong hindi ka maniniwala sa akin. A-alam k-kong huli na ako. P-pero...mahal kita. Mahal kita, eh..." mahinang sabi niya at naikuyom ko ang kamao ko.

Hindi ako makukuha sa sinabi niya. Napaka-imposibleng mangyari. Mahal niya ako? Mahal niya ako dahil sa sakit kong 'to? Hindi niya ako malilinlang.

Lies, lies, lies.

"I don't love you. Hindi na kita mahal. Galit, galit ang nararamdaman ko sa 'yo, ngayon," mariing sambit ko at binaklas ko ang mga braso niya.

"Don't say that... Art. You still love me, you still." Iyong boses niya ay pumipiyok na. Umiiyak na naman siya pero hindi niya ako madadala sa drama niya.

"I will die. I'll die and that's my final decision. Hindi ako magpapagamot," finality kong sabi bago sila tinalikuran.

Si Shin lang ang lumapit sa akin at sa kanya na ako sumabay.

"Baby...please."

GS1:SIBG