Chapter 38 - Chapter 37

Chapter 37:Graduation day

TULAK-TULAK ako ni Lervin sa wheelchair na patungo sa exit ng condominium. Bago pa kami tuluyang makapasok sa elevator ay dumating naman ang mga in-laws ko.

I'm a little bit shocked. Ilang buwan na rin kasing hindi ko sila nakikita at hindi ko alam kung magandang ideya ba o timing ang pagdalaw nila rito sa akin.

Ayos lang naman kung makita ako nang ganito ni daddy, ang tatay ni Lervin. Pero 'yong nanay niya? Baka magpa-party pa siya kung makikita niya ako sa ganitong kalagayan ko.

Knowing my mother-in-law? Masungit at judgmental siya. Walang duda, 'yon.

"Son," tawag ni daddy kay Lervin.

"Dad." Lumapit naman siya sa daddy niya para magmano and he kissed her mom's cheek too.

Bago lumipad 'yong tingin nila sa akin. Nanghihina man pero ngumiti lang ako sa kanila.

Kitang-kita ko ang panunubig ng mga mata ng father-in-law ko at bago ko pa sila batiin ay malalaki ang mga hakbang niyang lumapit sa akin.

Ikinagulat ko ang biglang pagluhod ni daddy at hinalikan ako sa noo bago niya ako niyakap nang mahigpit.

Hindi ko na rin naawat ang mga luha kong bumagsak na sa aking pisngi. Ang bilis-bilis nang tibok ng puso ko at tila lalabas na ito mula sa dibdib ko.

"You are too young for having this rare illness," dinig kong saad ni daddy at hinaplos pa niya ang buhok ko.

"D-daddy..." Sa pagkakataong ito ay gumaan ang bigat sa aking dibdib.

Sa katauhan ng father-in-law ko ay tila naramdaman ko sa kanya ang yakap ng isang ama na ipinagkait sa akin ng Diyos.

Sa katauhan ni daddy ay naramdaman ko ang isang ama kung paano siyang umiyak at i-comfort ako.

S-salamat... Salamat dahil naranasan ko 'yon. Naranasan ko ang magkaroon ng pangalawang ama.

Parang sasabog ang milyun-milyon kong emosyon kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapa-hikbi.

Kahit saglit lang, kahit ilang sandali lang ay naranasan ko ang magkaroon ng mga magulang.

Napaka-suwerte ko pa naman, 'di ba? Nakilala ko si Lervin at ang parents niya. Ang mga magulang niya na tinuring din ako na tunay na anak.

Bumitaw sa pagkakayakap sa akin ang daddy ni Lervin at binigyan niya ng space ang asawa niya.

Naluluhang tiningnan ko naman ang mother-in-law ko na ngayon ay tahimik na palang umiiyak.

Hindi ko masasabi na, umaakto lang siya, na palabas niya lang ang umiyak sa harapan ko. Sapagkat, wala ang kanyang matapang na bukas ng mukha. Walang itim na tila bumabalot sa kanya sa tuwing nagka-kausap at nagkaka-sagutan kami.

Tila isang malambot na nanay rin ang nasa harapan ko. Katulad nang ginawa ni daddy ay lumuhod din siya at yumakap sa akin.

"I know it's too late to say this, but, I'm sorry. I'm so sorry, hija. Forgive me," bulong niya malapit sa aking tainga at yumugyog pa ang balikat niya.

Hindi pa naman huli ang magpatawad hindi ba? Mother-in-law ko lang siya at alam kong ang dami na niyang nagawang kasalanan sa akin. Pero masama ang magtanim ng sama ng loob at galit.

Kaya sa huli ay napatawad ko rin. Bakit? Bakit ang dali kong magpatawad? Maikli na lang kasi ang buhay ko and any moment ay babawiin din sa akin ang buhay na ito.

Natanong niyo na rin ba kung pati si Lervin ay napatawad ko na rin? Alam kong masakit ang ginawa niya dahil nagkaroon na ako ng sugat sa puso at kahit ayos na ito o magaling na pero may scar na. May scar na at kung maaalala mo ang ginawa niya ay may kirot pa rin, may sakit pa rin.

Napatawad ko man si Lervin ay hindi ko sinabi sa kanya. Hindi ko ipinapakita sa kanya. Sa halip iba ang ipinapakita ko sa kanya.

Ang pagtabuyan siya...

"Akala ko isang ordinaryong sakit lang. Pero nang sinabi sa akin ng lolo mo ang tunay mong sakit ay nagalit ako sa asawa mo, hija," pagsisimula ni daddy at nasa loob na kami ulit ng condo ko.

Nakaupo ako sa sofa at katabi ko si Lervin. Binuhat niya ako kanina rito at hawak-hawak niya rin ang kamay ko.

Nasa tapat naman naming nakaupo ang parents ni Lervin.

"Dahil ngayon niya lang sinabi sa amin ang lahat. I'm sorry, Art," ani daddy at tipid na nginitian ko na lang siya.

"Kung hindi pa sinabi sa amin ni Mr. Arthur ay hindi namin malalaman ang kalagayan mo," saad naman ni mommy.

"Sorry rin, mom, dad. Busy rin po kami sa research team namin at kay Art. Dahil po sa ginawa ko sa kanya noon ay hindi rin ako makalapit sa kanya. Ngayon lang," malungkot na wika ni Lervin.

Sumeryoso ang mukha ng daddy niya sa sinabi niya.

"Dapat lang. You deserve all of that. Tarant*d* ka kasi." Napasinghap ako sa pagmumura ni daddy pero napakamot lang sa leeg ang katabi ko.

"I know that, dad. No need to say that on my face. That's why I'm courting my wife," ani pa niya at pinisil pa ang kamay ko.

"Dad, he force me to sign the divorce paper, too," parang batang saad ko at nagsusumbong sa tatay ko.

Mas sumeryoso pa ang mukha nito at nagtatagis ang bagang na binalingan ang katabi ko.

"Ang lakas ng loob mong tawagin siyang asawa mo, gayong pina-pirma mo na siya ng divorce paper?" walang emosyong sabi ni daddy. Hindi ako natakot sa boses ng father-in-law ko at mas lalong hindi ako matatakot kay Lervin.

Deserve rin malaman ng parents niya ang ginawa niya sa akin. Pasalamat lang siya at hindi ko sinabi kay daddy-lo ang ginawa niya sa akin.

"Dad, okay. I regrets everything, alright? At hindi naman 'yon natuloy," ani Lervin at binitawan ko ang kamay niya na inabot naman niya ito.

"Baby..."

"You signed it, already," nakataas na kilay na saad ko at nag-pout pa ang g*g*.

"He did?" singit naman na sabi ni daddy.

"Yes, dad," sagot ko at sinabayan pa nang pagtango.

"I'm sorry, okay? Oo na, pinirmahan ko na pero hindi mo naman 'yon pinirmahan. Kaya hindi natuloy," sabi pa niya.

"Then, kumuha ka at pipirmahan ko na dali."

"F*ck, no! Pinunit ko na 'yon!" takot na takot na sigaw niya.

"Kumuha ka ng bago," dagdag ko pa at umiba ang emosyon niya.

"No and I won't let that happen, again. You. Are. Still. Married. With. Me," mariing sabi niya at napatulala na lang ako sa sinabi niya.

What the hell ever.

MABILIS na lumipas ang mga araw. Sa kabila ng nanagyari sa akin at lahat-lahat ay ipinagpatuloy ko pa rin ang buhay ko.

Ang pag-aaral ko at hindi naman ako nakakarinig ng negative comments from my schoolmates. Parang normal lang na makita nila akong naka-wheelchair at hindi na rin ako umuupo sa armchair ko. Binigyan lang ako ng table at doon din naunawaan ng dean namin ang nanagyayari sa akin.

Nandiyan si Shin at Hillarus ang palaging kasa-kasama ko sa school. Sina Crim at Drim na kahit busy na sila parehas sa mga trabaho nila ay hindi sila nawalan ng oras para bisitahin ako.

May galit pa rin naman sila kay Lervin pero hindi na lamang umiimik. Si Lervin na araw-araw akong hatid-sundo at hindi agad aalis kung hindi niya ako naihahatid hanggang classroom namin.

Sa condo ko na siya nakikituloy kahit na ayaw ko. May pader pa rin ang nakaharang sa pagitan namin ni Lervin.

Malamig pa rin ang pakikitungo ko sa kanya kahit na acting ko lang 'yon. Nag-e-enjoy rin kasi ako sa nakikita kong inaalagaan niya ako at kung paano siya mag-alala sa akin. Pero minsan ay lumalambot ang puso ko at isang kalabit na lang ay bibigay na ako sa kanya.

Si Shin ang tumulong sa akin sa pagsusuot ko ng toga. Dito rin kasi siya natulog kagabi at ang asawa niya at napaka, nakitulog din siya kasama ang anak nila na si Renna Cerae. One year and two months old na ang baby girl nila.

Kamukhang-kamukha ni Cervin ang bata. Ang kaso may pagka-maldita. Manang-mana sa tunay na mommy nito.

Lumapit sa akin si Lervin at maingat na binuhat ako para makaupo na ako sa wheelchair ko.

Nakalugay lang ang maikli kong buhok at nilagyan na rin ako ni Shin ng light make-up.

Black ang toga namin at may green ito. Ang damit ko naman sa loob ay ang simpleng off-shoulder na color green. Si ate Eu, ulit ang nag-design nito.

"You are so beatiful," pamumuri na naman sa akin ni Lervin.

"Gago ka lang at humanap ka pa nang iba," pambabara ko sa kanya. Sa halip na magalit o magtampo ay nasanay na siya sa pambabara ko. Ngumingiti na lamang siya kahit visible sa face niya na nasasaktan siya sa pambabara ko.

"Uupo na lang ba ako rito sa wheelchair ko at hindi na ako...aakyat sa stage?" malungkot na tanong ko sa kanya. He kneeled in front of me at hinaplos na naman niya ang buhok ko.

"I can be your legs, so, that you can still go to stage para makuha mo ang diploma mo," aniya at lumambot ang puso ko.

__________________________

"ARTHEA Primero, Cum laude," tawag sa akin ng dean namin at medyo nagulat pa ako.

Hindi ko akalain na ga-graduate pa rin ako with Latin honors dahil alam kong bumababa ang mga grades ko.

Pero ayos na sa akin 'yon. Si Shin ay graduate Summa Cum laude rin siya at kung hindi lang daw ako nagkasakit ay baka summa rin ako.

Pero kontento na ako. Ayos na sa akin 'yon. Katulad nga nang sinabi sa akin ni Lervin ay tulak-tulak niya ang wheelchair ko at kasama ko siya sa pag-akyat sa itaas ng stage.

Kahit nga sa march ay ganoon din. Binigyan din kasi siya ng permission. Kahit ganoon lang ay masaya na ako. Dahil kahit papaano ay natupad naman ang pangarap ko.

Naiiyak na sinalubong ko ang dean na may hawak-hawak ng medal.

"Congratulations, Miss. Primero, despite of the everything happens to you, and you still continue to live like a normal life you are always do, congrats, again," bati niya sa akin at pangalawang inabot sa akin ang bouquet of roses.

"T-thank you, dean," pagpapasalamat ko at niyakap pa niya ako.

Masayang sinalubong ako ng mga in-laws ko, mga kaibigan ko at maging si daddy-lo. Umiiyak silang lahat.

Tears of joy, ang sarap ng feelings. Napatingala ako sa langit.

Proud din ba kayo sa akin, mama, papa? Naka-graduate na ako with my Latin honors. Naka-graduate ako kahit na may sakit ako.

Isang malamig ngunit comfort naman ang nararamdaman ko at yumakap ito sa akin.

Salamat, mama, papa. Hanggang sa graduation ko ay naramdaman ko kayo.

"Art? A-Art, what h-happened?"

"Art!"

"Art!"

May ngiti sa labi na pinikit ko ang mga mata ko at hindi na malinaw sa pandinig ko ang mga boses nila.

***

#GS1:SIBG