Chapter 41 - Chapter 40

Chapter 40:Death

I JUST shrugged my shoulder. I know he didn't want to do it. First love niya si Jillian at malamang napakahalaga sa kanya ang mga bagay na pag-aari ng babaeng ahas na 'yon.

"You're doubting me," walang buhay niyang sambit.

I looked deep into his eyes and he is.

"You're doubting my feelings too, baby," nahihirapang saad niya.

"Sino ba ang hindi, Lervin? Minsan mo na akong pinaasa at madalas kang nagsisinungaling sa akin. Do you think I could trust you that fast? Hinayaan na nga kitang makasama ka sa bahay natin kasi alam kong ilang araw na lang ay susuko na ang katawan ko," sabi ko at umiling siya.

He walk towards me at lumuhod pa siya upang magpantay ang mukha namin.

"You will not die, never. You will live, Art. You will live, baby," aniya pero inilingan ko na siya.

"Doctor ka, Lervin at alam mong wala na talaga," mahinang saad ko.

Kinulong naman niya ang magkabilang pisngi ko sa malaking palad niya at tinitigan ako sa aking mga mata.

"I won't let that to happen, baby. Doctor lang ako, oo, pero alam kong mayroon pang pag-asa. Mabubuhay ka, please. Mabubuhay ka," aniya at nakita ko ang pagbuhos ng mga luha niya.

I thought to myself, he still pretenting? Puro panlilinlang pa ba ang nakikita ko sa kanya? Nagsisinungaling na naman ba siya?

Pero sinasabi ng puso ko na hindi na. Totoo na siya. Totoong Lervin na nagmamahal sa akin. Pero meron na akong trust issue at hindi ko na 'yon basta-basta lang ibibigay. Kahit na, kay Lervin na minamahal ko ngayon.

Natatakot na akong magtiwala sa kanya. Kaya sasabay na lang ako sa agos ng buhay namin.

Inabot ko ang pisngi niya at tinuyo ko iyon gamit ang nanghihina kong kamay. Mabilis na hinuli niya ito at hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Nagsisisi na ako, Art. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko sa 'yo two years ago. At habang buhay ko 'yon pagsisisihan. Mahal kita, mahal na mahal kita, baby. Huli man na nalaman ko ang tunay na nararamdaman ko at hindi ka man maniwala sa akin ay gagawin ko ang lahat para lang maniwala ka sa akin. Mahal kita," naiiyak niyang wika at mahigpit na tinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya.

"Did you feel it, baby? Ikaw na, ikaw na ang tinitibok ng puso ko," dagdag pa niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil tama siya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ramdam na ramdam ko.

Nginitian ko na lamang siya. "Gutom na ako. Kain na tayo?" nakangiting saad ko. He chuckled at mabilis na tumayo at tinungo ang likuran ko para maitulak na ako gamit ang wheelchair ko.

Fried rice, scramble egg, hotdog, may egg sandwich. May coffee at isang basong gatas. Naka-ready na lahat sa table.

Tinitigan ko si Lervin at nginitian naman niya ako nang nilingon ko siya.

"Ang sabi mo hindi ka marunong magluto?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Si mommy lang ang nagsabi no'n, baby. And yeah, that's true. Hindi ako marunong magluto pero para sa 'yo, mag-aaral akong magluto. Basic lang ang mga 'yan at madali namang lutuin," tila magmamayabang pa niyang saad.

Pinagsandok niya ako ng pagkain at inabot ko ang kutsara. Pero natulala lang ako nang madulas ito sa aking kamay.

Tiningnan ko ang nanginginig kong kamay. Ramdam ko ang dalawang pares ng mga mata ni Lervin sa akin ngunit hindi ko 'yon pinansin.

Kinuha ko ulit ang kutsara sa table pero katulad ng sa una ay nadulas din ito kaagad.

"Damn it!" I can't help but curse.

"Let me feed you, baby."

Nag-volunteer na nga siyang subuan ako at pakainin. Kahit masama ang loob ko sa sarili ko ay hindi na ako umangal.

Hinayaan ko na lamang siya. Nasa tabi ko siyang nakaupo at ako lang 'yong pinapakain niya.

"Hindi ka pa ba gutom?" tanong ko sa kanya, kasi sunud-sunod 'yong pagsubo niya sa akin.

Hinaplos pa niya ang kaliwang pisngi ko at bago umiling.

"Okay lang ba sa 'yo na mag-share tayo ng spoon, baby?" tanong niya at dahil sa sinabi niya ay nag-init ang pisngi ko.

Hindi pa man ako nakakasagot ay sumubo na siya ng kanin na gamit ang kutsarang ginagamit niya para sa akin.

Namimilog ang mga matang tiningnan ko siya.

"You can still use another spoon," saad ko at umiling siya ulit.

"Nah, okay naman ito." Sinubuan na naman niya ako ulit.

"Darating ang araw ay magsasawa ka ring subuan ako, Lervin. I'm a useless person, now. Balang araw ay babalik ka rin kay Jillian," sambit ko sa kalagitnaan nang pagkain namin.

Napahinto siya at naibaba niya ang mga kamay niyang may hawak na kutsara at tumingin sa akin.

"Stop saying those words, 'balang araw', baby. Ayoko nang marinig pa 'yon sa 'yo. Nakaka-trauma ang 'someday' mo na 'yan and no, hindi ko na babalikan si Jillian. Sa 'yo lang ako babalik," sabi pa niya at nahihirapan pa siyang sabihin 'yon.

Umatras 'yong dila ko at wala na akong nasabi pa. Tahimik na natapos ang agahan namin at hinatid naman ako niya ako sa silid namin. Diretso sa banyo.

"Gusto mo bang paliguan kita, baby?" pilyong tanong niya at sinamaan ko siya nang tingin.

"No. Mahina lang ako pero kaya kong paliguan ang sarili ko!" saad ko at humalahakhak lang siya.

Hinalikan pa niya ang tungki ng ilong ko.

"Okay, sabi mo 'yan. Pero paano mo nga magagawang paliguan ang sarili mo, eh gayong hindi ka na makatayo pa?" nag-aalalang tanong niya.

Iyon ang hindi ko alam, saka kahit asawa ko pa siya ay nakakahiya kaya 'yon. Nahihiya akong ipakita sa kanya ang katawan ko. D*mn it.

"Baby..."

"Huwag mo namang ipamukha sa akin na lumpo na talaga ako, kahit na totoo naman. Gusto k-kong...alagaan ang sarili ko ng walang tulong kahit nino," sabi ko at hindi ko mapigilan ang maging emosyunal.

Ganito ba ang may sakit na SCA? Palaging stress at emotional?

"I'm sorry, baby. Gusto ko lang naman na gawin 'yon upang hindi ka na mahirapan. I'm your husband, puwede kang dumepende sa akin, baby. Puwede mo akong utus-utosan." Naramdaman ko naman ang pagdampi ng mainit na labi niya sa noo ko.

Alam kong hindi ko na nga kaya 'yon. Kahit nga ang paghawak ko lang sa kutsara ay nadudulas na mula sa aking kamay. Ano pa kaya kung maliligo akong mag-isa?

"Fine! Just close your eyes," sabi ko at mariin na pinikit ko ang mga mata ko nang makitang tumaas ang sulok ng labi niya.

Kaya sa huli, kahit nakakahiya 'yong pangyayaring 'yon ay hinayaan ko na lamang. Pero nasanay naman ako.

Noong sinuotan pa niya ako ng damit ay binantayan ko talaga ang mga galaw niya at pati ang mga mata niya ay nakapikit.

"Where are we going, Lervin?" tanong ko noong pinasakay niya ako sa kotse niya.

"Somewhere para hindi ka ma-disturbo," sagot niya.

Napatingin ako sa sasakyang gagamitin namin at kaagad na gumalaw ako sa bisig niya.

"Ayokong sakyan 'yan," malamig na sabi niya.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"Ito ang ginagamit mo noong umuuwi ka sa bahay niyo ni Jillian," sagot ko at nawalan ng emosyon ang mukha niya.

"I'm so sorry, baby. Okay hindi na."

Sa huli ay iyong pangalawang kotse niya ang ginamit namin. Ang lakas naman kasi ng loob niya na ipaalala pa sa akin ang masasakit na pangyayaring 'yon.

Walang imik na nakaupo lang ako sa passenger's seat. Hindi ko na siya pinansin pagkatapos no'n.

Kumikirot na naman kasi ang puso ko sa tuwing naalala ko ang mga ginawa niya sa akin noon.

"Fuck it! Isasama ko talaga 'yon sa pag-giba ng bahay ," mahinang bulong niya na narinig ko naman.

HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako sa loob ng sasakyan ni Lervin at napatingin ako sa katabi ko.

Hayan na naman ang mga ngiti niya. Kanina pa yatang nakatitig sa akin. Nahawakan ko ang pisngi ko at tumingin sa labas ng kotse.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

Narinig ko naman ang pagbukas nang pinto ng kotse niya at bumaba siya roon. Umikot sa side ko at pinagbuksan ako naman ako ng pintuan.

Maingat na binuhat niya ako at hindi ko na kailangan ang sagot niya dahil alam ko na kung nasaan kami.

Nasa mansion kami ng parents niya.

"Puwede mo naman akong ilagay sa wheelchair ko," sabi ko pa.

"Nah, okay lang."

"Mabigat ba ako?" I asked again. Sumulyap siya sa akin saglit at umiling.

"Doctor ako pero hindi ko naman naaalagaan ang kalusugan mo. Hindi ka kumakain sa tamang oras. Kaya namamayat ka. Sa tingin mo hindi ka magaan?" mahabang saad niya at nagsalubong lang ang kilay ko.

"Whatever," iyon na lamang ang nasabi ko.

Nang makapasok kami sa loob ng mansion nila ay medyo madilim pa. Nagtatakang napatingin ako sa paligid. Bago pa ako ulit makapagtanong sa kanya ay bumukas naman ang ilaw at may sumigaw pa.

"Happy birthday, Art!" sigaw nila tapos may pinaputok pa.

Kompleto ang mga kaibigan ko. Sina Shin, Crim, Drim at Hillarus. 'Yong kaibigang doctor ni Lervin narito lahat. Sina ate Eu at ang kanyang anak. Napatingin ako sa huling lalaking nakatayo at may ngiti sa labi.

"D-daddy-lo," tila naiiyak ko pang sambit sa kanyang pangalan.

Ngumiti sa akin si daddy-lo at binaba ako ni Lervin sa sofa saka siya tumabi sa akin. Lumapit sa akin si daddy-lo at naupo sa left side ko. Niyakap pa niya ako.

"Ano 'to?" naluluhang tanong ko sa kanilang lahat.

"Birthday celebration mo," sagot ni Dr. Taki.

"Hindi naman," sagot ko agad.

"Late celebration ito ng ex-husband mo, Art," ani Crim.

"She's still my wife, Crimson," mariing singit naman ni Lervin. Kahit nga ako ay hindi ko na siya matawag pa na asawa ko.

"Sabi mo, eh," wala sa sariling sabi ni Crim.

"Wala rito ang party," biglang singit ng mommy ni Lervin.

"Let's go to the pool area," nakangiti pa niyang saad.

Namamanghang napatingin ako sa paligid. Nakaupo na ako sa wheelchair ko at nasa likuran ko lang si Lervin. Maganda 'yong decorations sa pool niya at may long table na nandoon lahat ang iba't-ibang putahe ng pagkain. Para akong bata!

May tarpaulin pa at mga balloons, siyempre may mga flowers din!

Tapos may twelve round table pa na ang ganda rin ng decorations.

Naka-pormal silang lahat sa totoo lang. Ako lang yata 'yong naka-black jeans at baby pink na tee-shirt na may white blazer din. Si Lervin ay simple rin naman ang suot niya.

"You did this for me?" tanong ko.

"Yup."

Lumayo naman sa akin si Lervin at lumapit sa long table. May kinuha siyang bouquet of roses at bumalik din naman siya sa akin.

"Belated happy birthday, baby," pagbati niyasa akin and he kissed my forehead.

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko at tila sasabog na naman ang napakarami kong emosyon. Nakakaluha.

At tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko nang makita ko ang isang maliit na black velvet at may red ribbon.

"This is my gift, baby."

"Ito ang unang gift na natanggap ko mula sa 'yo. And maybe...ito na rin ang last," emotional kong sabi.

"No, marami pa akong gift na ibibigay sa 'yo. Hindi 'yan ang last," mariing sabi niya at binuksan na niya iyong velvet.

Natulala ako nang makita ko ang bagay na 'yon. Crescent moon Necklace.

"You are my crescent moon, baby. And I'm your star." Matapos isuot sa akin ang necklace na binigay niya sa akin ay ipinakita niya sa akin 'yong kuwintas niyang maliit na star. Black 'yon.

"Without my moon, isang madilim at walang kulay na maliit na bituwin lamang ako. So, baby, don't leave me. I need you in my life, para mas maliwanag ang mundo ko," he said, smiling.

"L-Lervin..."

"Hindi man ito ang exact birthday mo at nahuli man ako. Pero magpa-party pa rin ako sa birthday mo. I love you so much, baby. You're my crescent moon, my sunshine."

Wala na akong naisagot pa dahil nauwi na naman sa paghagulgol ang pag-iyak ko.

Mahigpit na niyakap na naman ako ni Lervin at tahimik lang nagmamasid ang iba naming kasama. Pero naririnig ko pa naman 'yong impit na paghikbi nila.

Halos isang oras yatang umiiyak ako bago ako nahimasmasan. Saka kami tuluyang kumain.

***

Nasa loob na ako ng silid ni Lervin na nasa mansion nila. Nakahiga ako sa kama niya.

Sa nanghihinang kamay ko ay inabot ko ang laptop niya sa bed-side table. Dito raw kami matutulog ngayong gabi.

I reaserch again the HFTA Orphangage at nawindang ako nang makita ang bagong update no'n.

#GS1:SIBG