Chapter 47 - Chapter 46

Chapter 46:Heartbreak

Lervin de Cervantes' POV

I grab the bottle of wine and I throw it on the wall. Dinig na dinig sa loob ng kuwarto namin ang tunog nang pagkakabasag no'n.

"Fuck, Lervin!" pagmumura na tawag sa akin ni Cervin at nagmamadali pa silang lapitan ako.

Nakasalampak lang ako sa sahig na nasa paanan ng kama namin ni Art.

Until now, hindi ko p-pa rin tanggap. Isang linggo lang ang nakalipas since the day we got married for real.

At sa loob lang ng isang linggong 'yon ay wala akong ginawang iba kundi ang maglaklak ng alak at ilang beses kong sinubukan ang magpakamatay pero palaging nakabantay sa akin ang mga kaibigan ko.

A-ang sakit-sakit na ng puso ko. Pakiramdam ko bugbog na 'yon sa tila paulit-ulit na pagsuntok sa dibdib ko.

Para ngang pinagbagsakan ako ng mundo dahil sa sakit nito.

"Lervin, dude!" sigaw naman ni Taki sa akin at pilit akong pinapatayo.

Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko. Kahit lango sa alak at nahihilo na ako saka wala pang laman ang sikmura ko ay humihina 'yong katawan ko.

Ilang bote na ba ang nainom ko na hindi ako pinigilan ng mga kaibigan ko pero bakit ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang sakit?

B-bakit naaalala ko pa rin ang huling nakasama ko ang asawa ko? W-why? Why?! Why?!

"That's eno, bud!"

Sina Taki, Cervin at Jaickel ang palaging nakabantay sa akin at minsan pa papalit-palit sina Kierson at mga kaibigan ng asawa ko.

"L-let me die, too, please!" pakikiusap ko sa kanila pero umiling lang sila.

"A-ayoko na...h-hayaan niyo n-na lamang ako. Pakiusap...h-hindi ko na kaya... Let me die, too. Let me die!" sigaw ko at nagawa ko pa rin silang maitulak pero dahil marami sila at hinang-hina ako ay nagawa nila akong talian.

"P-please! Hayaan niyo na lang ako mamatay! H-hindi ko na kaya. A-ang sakit...gusto ko na ring mamatay. Hayaan niyo na akong s-sumunod sa kanya..."

Wala akong pakialam kung makita nila akong ganito. Kung masaksihan man nila ang pamamakaawa ko at ang pagiging mahina ko.

Paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay na ito na kung wala na siya? W-wala na ang asawa ko. P-paano?

"I-iniwan na niya ako! Let me die, too! I Oh...G-God, I love her! I love her, so much. M-mahal na mahal ko ang asawa ko...ibalik n-niyo na lang siya sa akin...pakiusap..."

"Lervin..."

"Bring back my wife, please! Bring back her life, God! I begging you... I love her, I love my wife. M-my baby...please came back..."

Hagulgol ko lang ang maririnig sa buong silid at pagmamaakawa ko na ibalik na lamang nila sa akin ang asawa ko. Kung hindi nila ako hahayaang mamatay ay ibalik na lang nila ang buhay ng asawa ko.

"I-I can't live without her, dude... I n-need my wife. Bring back m-my baby...please."

"Lervin calm down, bud. You still have a chance. She's still alive, bud. She's still breathing..." Jai said at napahinto ako dahil doon.

"Huminto man ang tibok ng puso niya a week ago ay nang i-confine na siya sa hospital. Her heart still beating. Dapat noon pa ay tinanggal na namin sana ang life server niya but we'll never do it. She still breathing but I can't promise you that... magigising pa siya."

"L-let me see my baby...please."

LET me see my baby...please."

"Alright, go fix yourself," Cervin said.

Awtomatikong napatayo na ako at patakbong tinungo ang banyo para makaligo na ako agad.

I thought...wala na siya. N-natakot lang ako. After she lose her conscious ay inagaw na siya kaagad sa akin ng mga kaibigan ko and that time, I lose my hopes.

Akala ko tuluyan na siyang bumitaw, wala rin akong kaalam-alam na naka-confine na siya sa hospital.

K-kaya pala... Kaya pala nakabantay sa akin ang mga kaibigan ko ay buhay pa ang asawa ko.

Mabilisan ang pagligo ko dahil gustong-gusto ko nang makapunta sa hospital.

Oh, God... Wait f me, baby...

***

Pagka-park pa lang ni Cervin ng kotse niya ay nagmamadali na akong bumaba. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin pa.

Alam ko naman ang floor at private room ni Art kaya nauna na akong pumasok sa loob ng hospital namin.

***

Arthea Primero-de Cervantes, basa ko sa pangalan na nakadikit sa pintuan. Nakangiti ako bagamat may luhang tumulo sa aking pisngi.

Nanginginig pa ang kamay kong nakahawak sa doorknob at unti-unti ko itong pinihit papasok.

'Yong mga luha ko ay parang hindi nauubus-ubos. Nang tuluyan ko na siyang makita ay nanghina ang mga tuhod ko.

"Lervin," tawag sa akin ni mommy. Pero iyong atensiyon ko ay nasa babaeng nakahiga lang sa hospital bed.

I stepped towards her at umupo ako sa upuan na nasa gilid lang niya.

"M-my Art, baby..." I called her name, cried.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan 'yon. Ang kanang kamay ko naman ay hinaplos ko ang pisngi niya.

I can't still believe na nandito pa siya. Kahit nakahiga lang siya at walang malay ay buhay na buhay pa siya.

Naririnig ko pa rin ang pagtibok ng puso niya. My baby still breathing... Oh, God...

"H-hey, baby. Sorry kung ngayon lang ako pumunta. I t-thought...hindi na kita makikita pa, Art. Can you still fight, baby? P-puwede ko bang bawiin ang sinabi ko sa 'yo?" utal na utal kong tanong sa natutulog kong asawa.

Naka-life server na siya at tanging 'yon na lamang ang bumubuhay sa kanya.

"Art, huwag ka nang bumitaw. H-hindi na kita hahayaan pa. Dito ka na lamang sa tabi ko, Art. Stay with me, please. S-stay..."

Here I am, nakikiusap na mag-stay na lang siya sa tabi ko. Nagmamaakawang huwag na siyang bumitaw pa.

Pero bakit noong siya ang nakiusap sa akin na manatili ako sa tabi niya ay hindi ko nagawa? Mas pinagtabuyan ko pa.

Now I know the feeling being desperate of something important that you don't want to let go. Being desperate to hold her tightly.

I was a j*rk, really. Bumabaligtad sa akin ang lahat nang ginawa ko sa kanya.

It's my karma, I guessed so.

"H-HUWAG ka nang bumitaw, baby. Dito ka na lang. H-hindi ko pala kaya. H-hindi ko kayang mawala ka pa sa akin, Art."

Dahil sa paghagulgol ko ay lumapit na sa akin si mommy at niyakap ako mula sa likuran ko.

Hinaplos ni mommy ang buhok ko. Kahit papaano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko. Dahil sa mga yakap ni mommy pero hindi pa rin kampante ang puso ko.

Narito pa rin ang takot at pangamba. H-hindi ko alam kung kailan siya gigising o magigising pa ba siya.

I'm afraid, I am. Isipin ko pa lang na mawawala na siya sa akin ay para na akong pinapatay. Mahal na mahal ko talaga siya. M-mahal na mahal.

Hindi ko alam kung umabot ba ng oras ang pag-iyak ko bago ako nahimasmasan.

Natulala na lang ako sa kawalan at wala ring tigil ang mga luha ko. Natakot na nga sa akin si mommy kaya hindi na siya lumayo sa akin.

"Lervin, umayos ka naman, bud. Hindi 'yan gusto ni Mrs.de Cervantes ang makita kang ganyan. Be a man, bud, be a man," Kier said at tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.

Si mommy na walang sawa sa pagpupunas ng mga luha ko. Ang sakit-sakit pa rin sa dibdib, eh.

"Ang s-sakit dito, eh, sobra. Cerv," tawag ko sa kaibigan ko na mabilis na lumapit sa amin.

"What is it?" tanong niya.

"Puwede mo ba akong b-bigyan ng gamot? A-ang sakit-sakit ng puso ko, eh."

Napabuntong-hininga siya at umiling.

"Wala akong maibibigay sa 'yong gamot, dude. Mas mabuting kumain ka para may laman na ang sikmura mo. Ilang araw ka ring hindi kumakain nang maayos," pangsesermon niya sa akin. Sa mga oras na 'yon ay tila naging daddy ko siya.

Si Taki ang bumili ng pagkain para sa akin at si mommy ang nag-asikaso sa akin.

Kahit nakaupo ako sa malayo ay nakabantay pa rin ang mga mata ko sa asawa kong natutulog pa rin hanggang ngayon.

Ayaw lubayan ng mga mata ko si Art. Natatakot kasi ako na baka mawala na siya roon. Baka kung pipikit ako ay hindi ko na siya makita roon.

Sa huli ay napilitan din akong kumain. My friends force me to eat, and I can't do anything about it.

Pagkatapos no'n ay muli akong lumapit sa kanya at muli kong hinawakan ang kamay niya.

"Hindi ka bibitaw, dahil hindi ko 'yon hahayaan. Hahawakan ko nang mahigpit ang kamay mo para hindi ka na bumitaw pa," seryosong saad ko.

Masyado kitang mahal, Art. Kaya hindi na kita bibitawan pa. Patawad, kahit hirap na hirap ka na ay hindi kita hahayaang umalis. You are belong to me, baby.

...

#GS1:SIBG