Chapter 48 - Chapter 47

Chapter 46:Death

"I'M Dr. Hirone Gabriel McLarren, in-charge doctor of patient de Cervantes," the man introduce his name.

My eyebrows knotted and confused visible in my eyes. I don't remember that he is one of our doctor.

Hindi nagkakalayo ang edad namin, base on my observation. I don't know how to describe his physical appearance but I can say, he looks like Cervin. Cervin and his aura are the same, the only difference ay palaging nakangiti ang isang ito.

Somehow, magaan ang bukas ng mukha niya. Dark hair.

"Confused? Me, too. Sa pagkakaalam ko rin ay matatalino at mahuhusay ang mga doctor niyo rito. But I don't know why my cousin...where's my cousin, by the way?" Sa halip na tapusin ang introduction niya ay ang pinsan pa niya ang hinahanap.

"I'm here." Biglang singit naman ni Cervin at inakbayan ang doctor sa harapan ko.

"He's my cousin, mother's side. Don't worry, dude. I trusted him when it comes to this, he's a genius doctor from Italy. Kararating niya lang a week ago at sinadya ko talaga na siya ang kunin as a doctor of your wife. Familiar na siya sa sakit na ito, right Hiro?" baling nito sa pinsan. Kaya pala may pagka-similarity ang dalawang ito dahil magpinsan pala.

"Alam kong bawal na kumuha ng doctor lalo pa na sa ibang bansa pa ito. But, he's a license doctor here. Nasa Italy lang talaga siya para bantayan ang babae niya roon," dagdag pa niya at siniko naman siya ng isa.

"Busy kasi tayo sa paghahanap ng lunas ng SCA. He can help us, too."

"Alright, I understand," sagot ko.

"You can just call me, Dr. Hiro," he said, while smiling.

Iyong presence niya ay pareho talaga ng kay Cervin kaya magaan ang loob ko sa kanya.

***

Tahimik na nagmamasid lang ako kay Dr.Hiro habang sinusuri niya ang asawa ko.

Kami na lang nina Jai ang nandito sa loob at ang iba ay may pinagka-abalahan na.

Pagkatapos no'n ay lumapit siya sa amin ni Jai. Nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa doctor's coat niya.

"As you can see, comatose ang pasyente. She's the only one patient comatose that I have ever encountered. Sa mga pasyente ko dati ay umaabot lang sila ng isa o dalawang taon bago pumanaw. Your wife is a different situation. Kailanman ay hindi umabot ang pasyenteng may SCA na makakatulog ng ganitong kahaba-habang araw. Madalas silang bumibitaw and there is no survivor. Remember that."

"AND as of now ay muli natin siyang o-obserbahan. She take a body CT scan and brain,again. Susuriin natin kung may iba pa bang pagbabago sa katawan niya lalo na ang utak niya."

Pagkatapos nang paliwanag ni Dr.Hiro ay kaagad na siyang nagpaalam at lumabas.

Nasa tabi na naman ako ni Art at hawak-hawak ko na naman ang kamay niya.

Naka-ilang ulit na rin akong nagdasal at humiling sa Diyos na sana bigyan pa kami ng second chance para mabuhay pa si Art at makakasama ko pa siya ng matagal.

When I realized that I really, really love her ay nakabuo na rin ako ng pangarap kasama siya.

I want a simple family with her. I wanna spend my life with her, forever. Bubuo pa kami ng pamilya at magkakaroon ng anak. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal.

"Art?"

Nanlalamig ang katawan ko nang tumunog ang monitor niya at bumaba ang heartbeat no'n.

Napatayo ako sa takot at kahit hindi na ako nagtawag ng doctor ay awtomatikong naka-connect na 'yon sa kanila, sa oras na tumunog ang monitor ng pasyente.

"B-baby..." wala pang dalawang minuto ay pumasok na ang mga kaibigan ko.

Inilayo ako ni Jai mula roon at dahil natulala ako ay nagawa niya akong makalabas doon.

Nagkakagulo na sila mula sa loob.

"Stay here, buddy."

"Lervin, what's the matter?" nag-alalang tanong sa akin ni mommy at lumapit sa akin.

"M-mommy..."

"I'm h-here, son. I'm here."

Sunud-sunod na dumating ang iba at may pag-alalang lumapit din sa akin.

Maya-maya lang ay lumabas si Dr.Hiro na may pagkabigo sa mukha. Umabot pa 'yon ng ilang minuto.

Nanginig ang mga kamay ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Tila kakapusin pa ako nang hininga.

"H-How is she?" nauutal ko pang tanong.

"We gave her a CPR, oxygen and ginawa na namin ang lahat...but..." naiiling na wika niya.

Parang ayoko nang marinig ang idudugtong niya. A-ayoko na.

"She didn't make it..."

"No..." Tuluyan na akong napaluhod at bumuhos na naman ang mga luha ko.

"I'm s-so sorry, bud."

"N-no please... My b-baby! Art!"

"L-Lervin..."

"She can't just die! Arthea!" I force myself to stand but I can't.

Lumakas na naman 'yong iyak ko. Nadudurog na naman ang puso ko. No please, no.

"Time of death, 08:23 am in the morning."

Is this a dream, I mean a nightmare, right? Can someone wake me up, please?

Gisingin niyo 'ko!

"Baby! Art! Art!"

Nakapasok ako sa loob at nagawa ko siyang yakapin. Y-yakapin nang mahigpit.

"Gumising ka na, baby... Gumising ka na. N-nandito na ako. Nandito na ako!"

There is no respond from her. Malamig na malamig ang katawan niya.

"Baby, isama mo na lang ako! I-isama m-mo n-n l-lang ako sa 'yo..."

Kahit ano pa ang ginawa ko ay wala na talaga. Dito na lang ba? Dito na lang ba matatapos ang kuwento namin?

I-isama niyo na lamang ako, please...

***

"BABY... Don't go please...don't. D-Don't leave me... Stay...s-stay..." I cried like a baby.

Who would not? Sino ang hindi maiiyak kung bigla kang mawalan ng pinaka-importanteng tao sa buhay mo? Sino ang hindi maiiyak kung ang taong 'yon ay ang pinakamamahal mong babae?

I am afraid, because I know, habang-buhay na hindi ko na siya makikita pa. But, I have my promise too.

Na susunod ako sa kanya. I think, I'm dying inside.

"Art...my baby...wake up... Don't leave me, please..."

"Lervin! Hey, Dr.Lervin!" Naalimpungatan ako sa yumuyugyog sa balikat ko at ang malakas na paghampas sa pisngi ko.

"Dr.Lervin, wake up!"

"Huh?" Napaayos ako nang upo at napatingin ako sa tumatawag sa akin.

"D-Dra.Even?" gulat na bigkas ko sa pangalan niya.

"You cried? Binabangungot ka. Kanina pa kita ginigising and you keep calling your wife."

I stilled when she said those words and I automatically my eyes landing at the bed.

Napaawang ang mga labi ko at mabilis na hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.

"Oh...G-God..." naiiyak na namang sambit ko.

Is that a dream? A nightmare? Hindi ko alam kung ikasaya ko ba 'yon dahil panaginip lang ang nawala na sa akin ang asawa ko o matatakot ako na baka isang senyales na 'yon.

"Please... Lord, don't take my wife away from me. Let her stay with me, please..."

Sobra akong natakot, iyak ako nang iyak dahil sa panaginip ko. Pero masaya pa rin ang puso ko na buhay siya.

Kahit nakahiga lang siya sa hospital at wala pa ring malay ay okay na sa akin. A-ayos na sa akin 'yon. Huwag lang siyang bumitaw.

"I love you, so much, baby. I love you, a-akala ko mawawala...ka na tuluyan sa akin. A-Art, g-gumising ka na riyan..."

"Is just a dream, Dr.Lervin. Huwag mong totohanin ang isang panaginip," pag-aalo sa akin ni Dra.Even at tinapik-tapik ang balikat ko.

Dahil sa lakas nang pag-iyak ko ay nagmamadaling pumasok sa loob ng private room ang mga kaibigan ko.

"What's the matter?" bungad na tanong agad ni Jai.

"B-bakit umiiyak ang isang 'yan?" dinig kong tanong ni Kierson.

"Nanaginip ng masama," sagot ni Dra.Even.

"Baby...don't die, please. I begging you, Art..."

"Look at him. Parang dalawa 'ata ang pasyente ko," Dr.Hiro said.

Wala naman sa kanila ang atensyon ko. Ang atensyon ko ay na kay Art. Dahil sa panaginip kong 'yon ay natatakot na ako.

Natatakot na akong isasara ko pa ang mga mata ko. Paano kung nakatulog ako at bigla siyang bumitaw sa mga kamay ko?

Paano kung pagkatalikod ko lang ay siyang pagbibitaw niya rin?

"Everything is gonna be fine. Trust Him, dude. Mahigpit ang kapit natin sa Diyos at alam kong hindi niya pababayaan ang asawa mo. Gagabayan niya si Mrs.de Cervantes. Isa pa...lumalaban siya. Lumalaban si Mrs.de Cervantes," Taki said.

#GS1:SIBG