Chapter 42:ABC
Arthea Primero de Cervantes' POV
"Huwag kang bibitaw, ha? Hawakan mo lang nang mahigpit ang kamay ko, Art."
Napangiti ako sa sinabi niya at napatango ako. Gusto ko mang sabihin sa kanya na, 'hinding-hindi ako bibitaw ay alam kong kusa ring bibitaw ang kamay ko.'
Kahit gaano pa kahigpit ang kapit nito kung darating ang araw na kusang bibitaw ito. Kahit ayaw ko pero wala akong magagawa.
Lumipas na ang ilang mga araw o buwan? Hindi ko na rin masyadong maalala. Sa mga simpleng information na nalalaman ko ay nakalimutan ko na rin.
Kailan pa kaya 'yong huli akong nakapagsalita? Ah, hindi ko na rin maalala.
Ang hirap-hirap na nga. Imbis na gumaling ako ay lalo lang lumalala ang sakit ko. Madali na akong mapagod kahit wala naman akong ginagawa.
Manhid na ang katawan ko, dahil halos hindi ko na kasi maigalaw at maramdaman.
Imbis na panghinaan din ako ng loob ay mas lalo lang napupuno ang kasiyahan ko kahit na may taning na ang buhay ko.
Nandiyan ang asawa ko. Nandiyan si Lervin para alalayan ako. At pinuna niya lahat ang pagkukulang niya sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-iingat niya sa akin.
Kung bibigyan pa ako ng pagkakataon at mabubuhay muli ay hinihiling ko na si Lervin lang.
Si Lervin lang ang mamahalin ko. Marami man siyang ginawa upang saktan ako at marami man siyang pagkukulang ay pipiliin ko pa rin siya.
Kahit na sa pangalawang pagkakataon na magtatagpo kami at masasaktan ulit ay siya lang. Si Lervin ang mamahalin ko.
Hindi perpekto si Lervin at lahat naman ng tao ay hindi perpekto. Walang perpekto sa mundo. Lahat nagkakamali. Hindi man maibalik ang nakaraan para ayusin ito o baguhin ay makakaya mo pa ring itama o gawin nang maayos ang pagkakamali mo.
Nasa paanan ko ang notebook na sinusulatan ko at sasagutin ko siya gamit ang pagsusulat ko pero napahinto rin ako.
Hindi ko na maigalaw nang maayos ang mga daliri ko. Nahihirapan na akong magsulat. Kahit ang ballpen ay hindi ko mahawakan.
Nanginginig ang mga kamay ko at nakita 'yon ng asawa ko. Nilingon ko siya at tipid na ngumiti.
Nasasaktan? Of course, nasasaktan ako. Unti-unti nang binabawi sa akin ng Diyos ang kakayahan ko.
Kinulong ni Lervin ang mga kamay ko pero bago 'yon ay hinalikan niya ang likod ng kamay ko.
"You don't need this things, anymore. I can understand you, now baby."
'Yong tipid na ngiti ko ay lumawak na. Sa aming dalawa ay mas iyakin ang asawa ko. Siya pa ang naiiyak lalo sa sitwasyon ko. Habang ako ay unti-unti kong tinatanggap pero siya?
Mas lalong naiiyak. Madalas ko siyang naririnig na umiyak sa gabi.
Ramdam ko na nahihirapan din siya. Kaunti na lang Lervin, magiging maayos din ang lahat.
"Basta huwag kang bumitaw," aniya.
Kinulong na niya ako sa mainit na bisig niya. Sana ganito pa rin kami. Sana ganito na lang kami habang-buhay.
Dear, God. Can we stay like this forever? Puwede bang humiling? Puwede bang bigyan mo pa ako ng second chance para mabuhay? Para makasama ko ang lalaking mahal ko. Dahil hindi ko kakayanin kung maiiwan ko siyang luhaan at nasasaktan. Kung meron ka man ay sana pakinggan mo ang hiling ko. Labis-labis man pero sana pakinggan mo. Pangako, ito na ang huling kahilingan ko sa 'yo.
"Pero kung bibitaw ka...bigyan mo ako ng sinyales para makapagpaalam tayo sa isa't-isa. I hate goodbyes but I want that for us," naluluha niyang saad.
Tanggap din niya na mawawala na ako. Dahil 'yon ang sinabi ko sa kanya.
Nahihirapan na ako. Aniya pa, "kung pagod ka na talaga. Sige, okay lang. Puwede ka nang magpahina."
***
Lervin de Cervantes' POV
It's hard to let go the things that you love, especially letting go someone you love.
But, we don't have a choice but to let it go. Kahit masakit, kahit ikamamatay mo pa ay wala kang magagawa.
I hate seeing my wife suffering from her sickness. I hate seeing her weak. I hate it that. But mostly I hate seeing her unconscious.
Alam kong nahihirapan na talaga siya kaya hahayaan ko na siya. Mahirap mag-let go pero nasasaktan ako kung nakikita siyang nahihirapan.
Kung bibitaw na siya ay wala akong magagawa. Masaya na ako na nabigyan pa ako ng ilang araw na makasama pa ang babaeng mahal ko.
Ayos na sa akin na naiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Kung sino ka man. Kung sino ka man ang nagsulat sa kuwento namin ni Art ay nagpapasalamat ako. Dahil ako at siya ang pinili mo sa kuwentong ito. Pero sana bigyan mo kami ng masayang wakas.
"Here, baby," I said.
Binigay ko sa kanya ang placard na may ABC. She smiled at me and she started to pointed the ABC.
Tumabi ako nang upo sa kanya at napangiti ako. M, A, H, A, L, K, I, T,A.
"Mahal kita," basa ko sa tinuro niya at niyakap ko siya. Dinala ko sa dibdib ko ang ulo niya at hinalikan ito.
"Mahal na mahal din kita, baby."
I admit that, I decided to let her go but I know deep inside me is not ready for that. I'm not ready and never be prepared for losing my wife.
She's my moon, my life and my breath. Without her? I know I am nothing.
If someday, she will gone? I run after her. I'll go with her. That's my promise to myself.
***
"Stay here for awhile baby," nakangiting sabi ko sa kanya.
I kissed her temple before I left her in our garden.
***
Arthea Primero-de Cervantes' POV
Malungkot na tinatanaw ko lang ang asawa ko na pumasok ulit sa loob ng bahay namin.
Someday, iiwan ko rin siya.
"Arthea the good wife."
Napaigtad ako sa gulat at napalingon sa nagsalita. Napaka-pamilyar ng boses niya. At natulala ako nang makilala siya.
S-si Jillian.
Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit sa akin. Nanglilisik pa ang mga mata niya at pulang-pula ang mukha dahil siguro sa galit?
Napapikit ako nang mariin nang bigla niyang hinablot ang buhok ko. Siyempre masakit 'yon dahil isa pa may sakit ako at hinang-hina na. Kumpara sa babaeng ito na ang lakas-lakas ay talagang masasaktan ko sa kamay niya.
"How dare you?! Nang dahil sa 'yo ay nawala na sa akin si Lervin! Iniwan niya ako that's because of you! You bitch! Mas pinili niya ang mahina niyang asawa at mamamatay na rin sa huli! Fuck you!" galit na sigaw niya at hinihila pa rin ang buhok ko.
Gusto kong lumaban. Gusto kong lumaban pabalik pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang labanan ang malakas at walang sakit na si Jillian.
Nasasaktan ako, nasasaktan ako kaya nangingilid na lang ang mga luha ko.
"Sana namatay ka na! Namatay ka na sana!" sigaw pa rin niya.
Napaiyak na ako dahil sa sobrang sakit nang pagkakasa-bunot niya sa buhok ko. Tila matatangal pa 'yong anit ko.
"Ayokong maghintay hanggang mamatay ka! Gusto kong mapasa-akin na si Lervin! Ako ang mahal niya at hindi ikaw! In the first place ay ako lang talaga ang pinili niya!"
"Fuck, Jillian!"
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang marinig ko na ang boses ng asawa ko.
Dahil siguro sa galit ni Lervin kay Jillian ay nagawa niya itong hilahin palayo sa akin at buong lakas pa 'yon. Kaya nawalan nang balanse ang babaeng ahas.
"Leave the f*ck, Jillian. Who gave you a f*cking permission to hurt my wife?!"
Lervin hugged me tight as he caress my hair. I cried on his chest.
"Oh my God!" That's mommy's voice.
"M-mommy Cerabelle..."
"DON'T CALL ME LIKE THAT! Hindi kita anak at sino ka para saktan ang anak ko?!" galit na sigaw ng mommy ni Lervin at kahit ang daming luha sa aking mga mata ay kitang-kita ko ang paghila ni mommy sa buhok ni Jillian.
"Pinalampas ko sa una. Oo, alam ko na nagustuhan kita sa una pero sisingsisi ako na ikaw ang nagustuhan ko!"
"Hon, calm down," dinig kong sambit ni daddy.
"I'm sorry baby. Sana hindi na kita iniwan pa rito."
I lose my conscious after that. I just woke up, nasa loob na ako ng silid namin.
"Gising ka na," ani Lervin at hinaplos pa ang pisngi ko.
Nakahiga siya sa tabi ko at naka-unan pa ako sa braso niya. Iyong isa niyang braso ay nakayakap sa baiwang ko.
Sa nanghihinang kamay ko ay niyakap ko rin siya sa baiwang niya. Tumaas iyong kamay niya sa buhok ko. Medyo masakit ito pero nawawala naman kapag hinahaplos niya ito.
"Hinding-hindi ko na hahayaan na masaktan ka pa ng babaeng 'yon. Pasalamat siya at dumating sina dad, kung hindi ay mapapatay ko talaga siya." Kahit kalmado ang boses niya ay may bahid na galit pa 'yon.
Napangiti ako. Hindi ako natatakot sa kung ano man ang gagawin niya sa babaeng 'yon.
Dahil mas pinatunayan pa niya na ako na talaga ang mahal niya. Ako ang pinili niya.
"Umuwi na sina dad kanina pa. Dumalaw lang talaga sila para makita ka. Art, baby..." tawag sa akin ni Lervin.
"Art...baby..."
Ang sarap pakinggan. Sana araw-araw ko na lang maririnig ang boses niya.
Dinig na dinig ko rin ang pagpinting ng puso niya. Katulad ng puso ko ay ganito rin ang pagtibok.
"Kung saan ka man pupunta, Art ay sana maalala mong may asawa kang mahal na mahal ka. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huli o sa kabilang buhay pa. S-sana...sana may pagkakataon ka pa para mabuhay. I love you, baby. I love you, so much, to the point, I am afraid to lose you. I love you but it hurts to let go. I love you, please...huwag ka na munang bumitaw, ha? Hintayin mo ang second research ng team Art. Kung wala na talaga ay susuko na rin ako. Susuko na rin ako at tuluyan ka nang pakawalan. But I can't promise you na wala akong gagawin sa sarili ko. If you go, then I'll go with you."
Please no. Please don't do that, Lervin. Mabuhay ka, mabubuhay ka kahit wala ako.
Please, huwag mong gawin ang naisip mo. Please, live.
"Nararamdaman ko na ayaw mo rin sa desisyon ko, baby. But you can't stop me. There is no someone who can stop me from what I want. I wanna die with you. That's my final decisions. If you live, then I'll be live. But, if you die, then I'll be die. I'll go with you baby..."
You can't die with me, please Lervin. Huwag mo namang isuko ang buhay mo para sa akin. Mabuhay ka.
#GS1:SIBG