Chapter 44 - Chapter 43

Chapter 43:Lervin & Art's Café

Lervin de Cervantes' POV

I WOKE up early, as usual. Tulog pa ang asawa ko at mahimbing na nakahiga lang sa kama namin.

I leaned in to kiss her temple. "Good morning, baby," I greeted her even she still sleeping.

Inayos ko ang pagkakakumot sa katawan niya bago ko siya iwan sa loob ng kuwarto namin.

I dialed my friend's number to have an information about my surprise for my wife. My surprise is one of her dream.

"Yes, Lervin?" kaagad na sagot ni Jaickel mula sa kabilang linya.

Tiningnan ko pa ang phone ko kung namali ba ako ng numero. Sa pagkakaalala ko kasi si Cervin ang tinawagan ko. Hindi si Jai.

"Number naman 'to ni Cerv, ah? Bakit ikaw ang sumagot?" takang tanong ko sa kaibigan ko.

"You hurting me, bud. Tinamad na sumagot ng sariling phone ang may ari nito. Everything is good, Lerv. Ayos na naman ang lahat sa pinapagawa mo kung 'yan ang itatanong mo," Jai said.

Dinig na dinig ko ang mga boses ng iba pa naming kaibigan. Nangibabaw ang boses ni Kier.

"What did they do, right now?" kunot-noong tanong ko and Jai just chuckled.

"Hayaan mo ang mga baliw na 'yan. Hindi nagkakasundo sa kaibigan ng asawa mo. Si Hillarus, palaging nag-aaway tungkol sa dekorasyon ng café," pagkukuwento niya.

"Hey, bud! Ano'ng oras ba ang ribbon cutting?" singit na tanong ni Taki at nakikiagaw pa.

"Pupunta kami riyan by seven. Eight or eight thirty ang ribbon cutting. Saka, huwag nga kayong magulo riyan. Malas 'yan sa café namin at kakabukas lang," pagbibiro ko sa kanila and as if susundin nila ang sinabi ko.

Knowing them? Napaka-baliw ng mga kaibigan ko. Kahit professional ay may magulo rin sila at may sayad sa utak. Sa trabaho lang silang seryosong tingnan pero hindi sa labas.

"Kasiyahan lang 'to, Lerv. Sige na ibababa ko na 'to. Lalabas na kami agad para sa ribbon," pagpapaalam niya at agad ng pinatay ang tawag.

I enter again into our room at gising na nga ang asawa ko. Nakamulat na ang mga mata niya pero nakahiga pa rin.

Simula nang maging ganito na siya ay ako na ang umaasikaso. Pumupunta naman si mommy para paliguan ang asawa ko.

Hindi ko nga akalain na nahulog din ang loob ni mommy kay Art. Binaba niya ang pride niya para humingi ng patawad sa asawa ko.

Masyadong mabait si Art kaya natuto siyang magpatawad sa mga taong nanakit sa kanya.

Then, how can I live without her? Iisa lang siya sa mundong ito. Hindi na ako makakahanap ng isa pang Art. Dahil siya lang naman ang babaeng walang kapares. Kaya iingatan ko siya.

Kung nais man niyang lisanin ang mundo ay kusa akong sasabay sa kanya.

Sasama ako sa kanya at ayokong maiwanan. Ayokong iwan niya lang ako habang-buhay.

It's better to follow her.

IT'S BETTER to follow her in next life, than being alone with full of sorrows and having a miserable life.

It's better to dying with her and I'll follow her. I'll go with her even her last direction is a h*ll.

Lumapit ako sa kanya at nakasara na ang mga mata niya.

"Art?" tawag ko sa pangalan niya at hindi man lang siya kumibo.

Okay, she can't speak but she's always giving a sign that she was listening to me.

"Baby? Art, you okay, baby?" nag-aalala ng tanong ko sa kanya pero hindi man lang siya gumalaw.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila lumindol ang buong sistema ko.

With my trembling hand, I hold her hands. Malamig. Sobrang lamig nito at mas lalo lang akong kinabahan.

"B-baby, gising ka na ba?" nanginig 'yong boses ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang nanlalamig na mga kamay.

"N-No, not now baby. Please, not now. Huwag ka munang bumitaw, baby please. M-may ipapakita pa ako sa 'yo, Art..." parang ihip lang ng hangin ang mga luha ko at mabilis na nagsituluan.

'Yong takot ko ay sobra-sobra na. Nakakapanghina at tila mauubusan ako nang hininga.

"B-baby...stay awake, please. You c-can't just go that fast, I want to still fulfill your dreams. Arthea..."

There's no respond nor sign on her conscious. Kahit nanghihina ay tumayo ako.

Nabitawan ko ang phone ko dahil sa panginginig ng mga kamay ko.

"Fuck!" Mabilis na pinulot ko ang phone ko at at basta na lang itong pinindot.

Napamura pa ako nang matagal pa nitong sagutin.

"Fuck it, answer my call!"

"Lervin?" it was Cervin.

"Call the ambulance," diretsong sabi ko at natahimik pa siya sa kabilang linya. Bago ko marinig ang kaguluhan nila.

Lumundag ako sa kama at buong lakas kong binuhat ang asawa ko.

Pagkalabas namin ni Art ay may kotse agad ang pumarada sa tapat ng bahay namin.

"Hop in," mariin na sabi nito. Si Drimson.

Binuksan niya ang pintuan sa back seat at nagmamadaling pinasakay ko na si Art na wala pang malay.

Hindi na namin hinintay ang. ambulance dahil nandito na naman ang kaibigan ng asawa ko para makapunta na kami agad sa hospital.

Abut-abot ang kaba ko habang mahigpit pa rin ang yakap ko sa katawan niya.

Natatakot ako. N-natatakot kung tuluyan na siyang bumitaw. Hindi pa an handa, and never be.

"W-what happened to Art?" nag-aalalang tanong ni Drimson. Out of limits na ang pagmamaneho niya pero alam kong under control niya pa rin ito.

"N-nakita ko pa siyang nagising kanina pero no'ng nilapitan ko ay ganyan na siya," nauutal ko pang sagot.

Palihim na nanalangin ako na sana makarating kami agad sa hospital.

Doctor ako at sanay na sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Ako pa ang nag-oopera sa mga pasyente namin.

Pero iba 'to. Ibang-iba ito dahil naglalaho ang pagiging doctor ko kung ang asawa ko ang pasyente.

Natatakot ako at hindi ako mapakali.

"Do you think, may magagawa pa ba kayong mga doctor? Kahit dalhin natin sa hospital si Art ay wala ring mangyayari. Hindi siya magagamot doon." Nainis ako sa sinabi niya.

Alam ko, alam kong walang magagawa ang mga doctor sa hospital. Pero at least kaya siyang bigyan ng life server doon. She can use oxygen for her to breath. Kaya pa naming i-monitor ang katawan niya roon.

"D*n't f*cking say that!" sigaw ko sa kanya pero hindi na lang siya kumibo.

Naramdaman ko naman na may pumisil sa kamay ko at nang silipin ko ang mukha ng asawa ko ay nakamulat na ito.

Gising na siya.

"Oh, God, baby..."

Hinalikan ko ang nanlalamig niyang mga labi at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Y-you still awake, baby. You...scared the h*ll out of me, Art..." Para na naman akong bata kung umiyak.

Natakot ako, natakot ako roon na akala ko hindi na siya magigising. Akala ko tuluyan na talaga siyang bumitaw.

"Please, baby, don't do that again," hagulgol kong sambit.

Sobra ang sakit. Sobra palang masakit kung makikita mo siyang ganoon. Masasaktan ka kung makikita mo na unti-unti siyang bumibitaw.

Nakakatakot na mamamatay siya sa mga bisig ko. Hindi ko kaya.

Sa halip na sa hospital ang punta namin ay sa café na kami tumuloy.

Paano kung bukas ay ganito rin siya? Paano kung mangyayari ulit sa kanya ang nangyari sa kanya ngayon?

Alam kong hindi na 'yon normal. Dahil malamig na ang katawan niya at hindi na siya nagigising kagaad. I'm scared, fuck!

"You cried?" Iyon kaagad ang tanong sa akin ng mga kaibigan ko nang sumalubong sila sa amin.

Kompleto na silang lahat. Nasa left side nila ang parents mo at ang lolo ni Art. Nagmamadali pa itong lumapit sa amin.

"Ano'ng nangyari sa apo ko?" tanong agad ni lolo at hinaplos ang pisngi ng asawa ko na agad na hinawakan ni Art ang kamay niya.

"My granddaughter, are you alright, apo?" naluluhang tanong nito.

Ngiti lang ang tinugon ng asawa ko at si mommy naman ang lumapit. Mugto na ang mga mata nito at namumula pa ang ilong.

"Nagulat kami nang binalita ni Cervin na tumawag ka sa kanya para sa ambulance. Son, tinakot mo naman kami," ani mommy at niyakap pa siya ni dad.

"Y-you can't blame me, mommy. Natakot din po ako sa nangyari sa kanya kanina. I-I thought... hindi na siya magigising," sagot ko.

Sapat na sa akin ang makita siyang nakamulat pa ang kanyang mga mata. Dahil kung nakasara na lang ito hanggang bukas o tuluyan na siyang nawala sa akin ay roon na ako kikilos upang sundan siya. Susundan ko pa rin siya kahit sa kabilang buhay pa.

I don't care about my career, my life. Kung wala naman sa tabi ko ang asawa ko.

Kahit marami pa akong kaibigan at nandiyang ang parents ko ay wala ring silbi kung wala si Art sa buhay ko.

Paano ako uusad sa buhay kung wala akong Art makikita araw-araw?

Paano ako makakapasok sa trabaho ko kung walang Art ang nakikita ko sa umaga at sa tuwing uuwi ako ay wala ring Art ang sasalubong sa akin?

Paano ako mabubuhay kung hindi ko siya nayayakap at nahahalikan? Paano ako mabubuhay kung isa sa mga inspirasyon ko sa buhay ay wala na?

Alam kong nakakasawa na itong pakinggan but I can't live my life without Art. Without my wife? Its miserable.

***

Arthea Primero-de Cervantes' POV

"Congrats!"

"Congratulations, Art!"

Lervin & Art's Café, basa ko sa titulong nasa mga kamay ko na.

Labis-labis 'yong tuwa ko na sa wakas ay natupad na ang isa ko pang pangarap sa buhay. Ang makapagtayo ng café kahit hindi na si Shin ang kasosyo ko.

Kundi ang taong mahal ko. Ang aking asawa. Nakangiting tiningnan ko ang buong paligid.

Simpleng café pero maganda 'yong pagkaka-arrange nila sa loob. Lalo na ang mga decorations. Nakakataba ng puso ang mga efforts ng mga taong malapit na sa akin.

Kahit masama 'yong pakiramdam ko ay ipinakita ko pa rin sa kanila na kaya ko pa.

Ipinakita ko pa sa kanila na kung gaano ako kasaya ngayong araw. Kahit na umiyak pa si Lervin dahil natakot siya sa nangyari sa akin kanina.

Hindi ko rin maintindihan 'yong sarili ko. Bigla rin kasing huminto 'yong tibok ng puso ko at namalayan ko na lamang na naglalakad na pala ako sa maliwanag na lugar.

Pero kaagad din akong huminto, sa mga oras na iyon ay tila alam ko na ang direksyon ko. Pero nang marinig ko ang boses ng asawa ko ay tila hinihigop ako nito pabalik.

Kaya nagising na lang ako na nakakulong sa mga bisig niya at basang-basa na ng mga luha ang kanyang pisngi.

Tapos may surprise pa siya sa akin ngayon. Masaya na ako. Isa-isa kong sinulyapan ang mga kaibigan ko.

Iyong mga taong malapit sa akin. Masaya kong lilisanin ang mundo na may ngiti sa labi. Masaya akong nakilala ko silang lahat.

"Ayoko nang mga tingin na 'yan. Tila nagpapahiwatig ka na na lilisan na." Napatingin ako sa nagsalita.

I smiled at him and I caress his cheek. Mabilis na hinawakan ito at hinalikan.

"Hindi pa ako handa and I never be, baby. Kaya huwag ngayon. Huwag mo na munang putulin ang kasiyahan ko. Abuso ka na, Art. Tinakot mo ako kanina kaya huwag na huwag ka na munang bibitaw," seryosong wika niya bagamat may bahid na pangamba at lungkot.

"Ano kaya ang magandang ideya? Suicide?"

Mabilis na nag-init ang bunbunan ko. Ngali-ngali ko siyang batukan o ihampas sa pagmumukha niya 'yong tray.

Saan doon ang magandang ideya?

"Aw, baby. Hinang-hina ka na, lahat-lahat pero nagagawa mo pa rin akong urutin," nakanguso nitong sambit.

I glared at him and he just kissed my temple.

"Pero gusto ko 'yong walang dugo. Ayokong maging karumal-dumal ang pagkamatay ko. How about, magpapalunod na lang ako sa dagat? Katulad nang ginawa mo noon?"

B*llshit, Lervin! Nagsisisi na ako kung bakit ko ginawa 'yon. Dahil nabigyan ko pa siya ng ideya!

"O lalasunin ko na lang ang sarili ko?"

"Pero alam kong higit pa roon ang magagawa ko, kung mawawala ka na sa akin. Basta, Art, sasama ako sa 'yo. Ang buhay ko ay karugtong na ng buhay mo. Kung mawawala ka ay kasama rin akong mawawala."

***

#GS1:SIBG