Chapter 46 - Chapter 45

Chapter 45:A tears Wedding

Arthea Primero-de Cervantes' POV

"M-marry me, baby. Marry me before you go, please..."

Those words, I heard it repeatedly. Parang paulit-ulit ng pini-play sa utak ko ang mga binitawan niyang kataga.

At sino ako para tanggihan siya? Mahal na mahal ko si Lervin at kung iyon na ang last favor niya para sa akin ay gagawin ko.

Kasi alam kong iyon na lamang ang tangi kong magagawa. Siguro, isa na 'yong masayang baon para sa akin para maglakbay ako sa kabilang buhay.

Masarap pakinggan, ngunit masakit din. tila pinipiga pa nang mariin ang puso ko. And I can't help myself but to cry.

"Are you happy?" Shin asked me.

Nasa mansion lang ako inayusan at sina Lervin ay baka nasa simbahan na rin.

Hindi man ako nakasagot kay Lervin ay alam naman niya kung ano ang isasagot ko.

Ito'y kahilingan niya. Right, ikakasal kami. Muli kaming ikakasal but this time, hindi lang gusto ng parents niya at ng daddy-lolo ko.

There's no arrange marriage, this time, with our vows, with our promises and with love.

Ikakasal kami sa pangalawang pagkakataon na iyon ay kagustuhan namin. Because we love each other.

Kung sana... K-kung sana hanggang sa pagtanda ay magkasama pa rin kami. Pero alam kong hindi na.

"Hindi man siya makapagsalita ay visible naman sa mga mata niya ang kasiyahan," ang pagsasagot naman ni ate Eu kay Shin.

Si ate Eu kasi ang nag-aayos sa akin at pinagtulungan pa nila akong isuot ang simpleng wedding gown ko.

Long sleeve ang style ng wedding dress ko. May maliliit na crystal pa sa magkabilang sleeve at sa baiwang. Pero hanggang tuhod ko lang ang haba nito.

Simpleng kasal din naman ang magaganap. Piling bisita rin ang inimbitahan ng pamilya namin. Mga kamag-anak ng asawa ko at mga malalapit na kaibigan.

Pinaghandaan ito ni Lervin ng isang linggo lang. Alam kong mabigat sa dibdib niya ang bitawan na ako. Pero naisip niya na iyon na ang magandang choice dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya ang paghihirap ko.

Kahit nandiyan pa siya upang alalayan ako ay alam niyang unti-unti na akong nanghihina at nahihirapan na rin ako sa kondisyon ko.

"H-hindi ka namin kakalimutan, Art," emotional na wika ng kaibigan ko at namumula na ang mga mata niya at ang kanyang ilong.

Hindi pa kami nakakarating sa simabahan ay mugtung-mugto na ang mga mata niya.

Hinawi ko lang ang mga luha niyang masaganang bumuhos sa kanyang pisngi.

"Huwag kayong mag-drama riyan. Pati ako naiiyak," pagsisita sa amin ni ate Eu at napangiti ako. Kahit sumisinghot-singhot si Shin ay tumawa rin siya.

Maikli lang ang buhok ko pero nagawang maisintas ni ate Eu at pinatungan pa ako ng flower crown sa ulo. Na ikinatuwa ko dahil parang nasa fairytale lang ako.

Ito rin 'yong wedding dream ko na nababasa ko rin sa fantasy story.

Hindi ba't nasabi ko na ayoko sa romance dahil tiyak na may drama. O tragic ending. Ayokong malungkot sa pagbabasa.

Pero sino ang mag-aakala na mararanasan ko pala 'to? Na magiging malungkot din ako sa buhay ko?

Na sa kuwento namin ni Lervin ay may trahedya o walang masayang wakas. Sino ang mag-aakala na mararanasan ko ang tragic story na ito?

"TIMES UP!" sigaw ng asawa ni Shin mula sa labas ng kuwarto namin.

Siya ang maghahatid sa amin papuntang simbahan. Kung saan na ikakasal kami ni Lervin sa pangalawang pagkakataon. Though, masasabi rin naman na ito ang unang beses ng kasal namin at sa simbahan pa. Civil wedding lang naman ang kasal namin ni Lervin two years ago.

Pero kahit kasal na kami ay Primero pa rin ang dala-dala kong surname sa university namin. Pero baka ngayon ay tuluyan ko nang dadalhin ang surname ng asawa ko.

Kahit sa maikling panahon lang. Masaya na ako. Masaya na ako at naging parte na ako ng buhay niya.

Maingat na binuhat na ako ni Cervin para makasakay na ako sa sasakyan.

Napangiti ako nang makita ang kotseng sasakyan namin. Punung-puno ito ng bulaklak.

Tumabi nang upo sa akin si Shin na kandong ang anak ni Cervin.

Napatingin ako sa anak nila. Kung sana ay mabibigyan ko pa ng anak si Lervin bago man lang ako pumanaw pero isang pangarap na lang din 'yon.

"Hon, hindi naman ako driver niyo. Lumipat ka sa tabi ko," pagrereklamo ni Cervin.

"Ano ba talaga ang gagawin mo kung hindi ang magmaneho?" masungit na tanong sa kanya ni Shin.

Hindi na nakasagot ang doctor na asawa niya dahil sa pagsusungit niya. One thing I observed from them.

Nag-iba ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Lalo na si Shin na hindi na masyadong cold sa asawa niya at ganoon din si Cervin.

Parang tunay na mag-asawa na sila kung umasta sa harapan ko ngayon. Sana lang ay hindi na mahanap ni Cervin ang tunay niyang asawa.

Dahil alam kong masasaktan si Shin at hindi ko alam kung saan na siya pupulutin. Ako lang ang naging kaibigan ni Shin at sa kuwento niya ay nakatira lang siya sa malayong probinsya na hindi pamilyar sa akin.

Kaya kung makakabalik na ang legal wife nito ay saan na pupunta si Shin? Natatakot na ako sa mangyayari sa kanya sa hinaharap.

Hiling ko lang sana na huwag siyang pababayaan ng Diyos. Matapang at alam kong kayang-kaya ito ni Shin. Maybe gabay na lang din ang magagawa ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na namin ang simbahan.

Gusto ko sanang maglakad patungo sa altar kung saan naghihintay sa akin ang lalaking mahal ko.

Pero hindi ko naman 'yon magagawa dahil sa kalagayan ko.

Muli akong pinaupo ni Cervin sa wheelchair ko. Itong wheelchair ko na naman ang magiging paa ko pero ayos na sa akin.

Special ang araw na ito sa akin dahil ito ang araw ng kasal namin ni Lervin.

"Apo," tawag sa akin ni daddy-lo nang makita niya ako.

Napangiti ako. Hinagkan ako ni daddy-lo sa noo na may luhang namumuo sa kanyang mga mata.

"K-kung kaya ko lang isanla ang buhay ko na kapalit ang buhay mo ay gagawin ko, apo. Ikaw na lang ang natitira kong kamag-anak at apo p-pero...maaga ka pa ring babawiin sa akin." Nagiging emotional na naman si daddy-lo.

Lahat naman ng mga tao sa paligid ko ay nagiging emotional. Ang mga kaibigan ko at pati kaibigan ng asawa ko.

"Pero masaya akong naging apo kita, Art. Masaya ako na nakasama pa rin kita ng twenty one years. Kung pagbibigyan man ako ng Panginoon ng pangalawang buhay ay hinihiling ko na sana ikaw pa rin ang magiging apo ko, kahit paulit-ulit na henerasyon pa 'yon. Mahal na mahal kita, apo," naiiyak nang wika ni daddy-lo.

Naiiyak na rin ako ngunit pinipigilan ko lang dahil baka masira 'yong make-up ko. Batukan pa ako ni ate Eu.

Sina daddy at daddy-lo ang naghatid sa akin patungo sa altar. Nahihiya nga ako dahil si daddy ang nagtutulak ng wheelchair ko. Habang si daddy-lo ay nasa gilid ko lang at naglalakad.

Iyong pinipigilan kong luha ay tuluyan nang bumagsak. Lalo na nang marinig ko ang favorite song ko na hindi ko inakala na magiging wedding song namin ni Lervin.

Si Shin din ang kumakanta at may isang lalaki na hindi pamilyar sa akin ang nagpapatugtog ng piano.

Kahit umiyak kanina si Shin ay na kaya pa rin niyang kumanta sa kasal namin ni Lervin.

***

"Baby..." pagsisimula ni Lervin matapos ilagay sa daliri ko ang magandang singsing.

'Yong luha niya ay walang tigil sa kakabuhos. Tila naging ulan na ito at sunud-sunod ang pagtulo.

Nadadala ako sa iyak niya. Kahit may nararamdaman akong kirot sa puso ay may masaya pa rin sa parte ng puso ko.

"I promise to love you, forever. And I'm sorry for what I've done to you for the past two years. Your tears, your heartache, that I gave to you in the past, I regrets all of that. And from this day, I promise to t-take care of you, to love you as long as I live..." Halos hindi na niya madugtungan ang speech niya for me dahil umiiyak na siya ngayon. Garalgal na nga 'yong boses niya. Nakaluhod lang siya in front of me.

May naririnig din akong paghikbi sa loob ng simabahan bukod sa pag-iyak ng asawa ko at pinapatugtog pa rin ang wedding song namin na musika na lamang.

"A-alam kong napaka-imposible nang makasama pa kita, a-after this. A-a-alam k-kong wala ng sapat na oras pero Art, my baby... Never forget that there is Lervin de Cervantes who are in love with Arthea Primero-de Cervantes. Despites of the everything he did to you, the heartache, he still truly, madly and deeply in love with you. Naging tang* man siya at naging b*b* man siya pag-ibig ay minahal ka rin ng g*g*ng Lervin na 'yon. P-pinapangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo. I'll never forget you, nandito ka lang sa puso ko kung saan man ako magpunta o kung nasaan ka man. Dala-dala k-kong masayang alaala natin k-kahit sa maikling panahon man. I love you, so much, Arthea Primero-de Cervantes. I love you even more and I promise this, if you will die, I'll die with you, too. If you are t-tired to fight then let's give up and let me follow you. Let's die together, Art..."

Dinig ko ang iilan na pagsinghap ng bisita sa kasal namin at ako, wala na ngang nagawa kundi ang humagugol na lamang sa dibdib niya.

Gusto ko siyang pagalitan.G-gusto ko siyang pagsabihan at hindi ako sang-ayon sa nais niya.

A-ayokong mawala rin siya. Please, ayoko. S-sapat na, na ako lang ang mawawala sa mundong ito. Sapat na sa akin na ako lang ang lilisan. Please, God, huwag mo siyang isama sa akin.

"I'll die with you, b-baby. 'Cause I knew...I-I can't live without you. You're my life, my star and my breath, you are the reason why I like on this earth. Binitawan man kita pero hindi ibig sabihin na habang-buhay na kitang bibitawan. I already promise you that, we'll die together..."

No please... Sobra-sobra na 'yong minahal din ako ng asawa ko pero huwag naman pong sumobra talaga.

S-sapat n-na sa akin ang mahalin niya ako at huwag na niyang isuko pa ang buhay niya para sa akin.

Worth it ba akong tao para lang isuko niya ang buhay ko? A-alam kong nasaktan niya ako pero ayoko namang isama pa siya hanggang sa kabilang buhay.

Pero kahit sinabi pa niya na umiiyak ay seryosong-seryoso ang boses niya at tila pinapahiwatig na walang makakapigil sa kanya.

Kahit ang parents niya ay walang magagawa sapagkat ipinangako na niya ito sa akin at mismo sa harapan pa ng Panginoon.

"I pronounce you a husband, and wife. You may kiss the bride," the priest said.

Humihikbi pa ako nang halikan ako ni Lervin sa labi ko. Ramdam ko ang mainit at malambot niyang mga labi na nagbibigay sa akin ng milyun-milyong emosyon.

Naghalu-halo ang emosyon ko, lungkot, takot, kaba, galak, saya at pagmamahal. Hindi ko nakayanan at nag-break down na ako.

I'm sorry, Lervin. I love you, too. I love you more...

"A-Art..."

"I love you, so much, Art. I love you, baby..."

"I-I love you, too..." I don't know kung nasabi ko ba ito sa kanya o baka pinagbigyan din ako ng Diyos sa huling pagkakataon na masabi ko ang katagang iyon bago ako mawalan ng malay.

Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko at ramdam ko na unti-unting humina... hindi ko na rin halos marinig ang buong paligid Pero ramdam ko ang kagulohan no'n. Bago huminto ang pagtibok ng puso ko ay muli kong narinig ang boses ng lalaking mahal na mahal ko.

"M-mahal n-na mahal k-kita, Art... Salamat...salamat."

#GS1:SIBG