Chapter 42 - Chapter 41

Chapter 41 :Unable to speak

NANGINIG ang mga kamay ko at kasabay nito ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Aaminin ko na, gustung-gusto ko pa talagang mabuhay ng matagal.

Marami pa akong pangarap, mga pangarap na nabuo ko noong bata pa lamang ako.

Aaminin ko na minsan naisip ko na may pag-asa pa. May pag-asa pa ako para mabuhay.

Umasa ako na balang araw ay makaka-survive ako sa sakit kong ito.

Sinungaling ako kung hindi ko pinangarap na sana may lunas na nga. Na sana balang araw ay mabubuhay pa ako ng walang sakit.

Pero paano ko ipagpaatuloy ang hopes ko kung pinatunayan ni Aliyaa Lim na lahat ng may sakit na SCA ay namamatay rin sa huli?

Paano ako aasang mabuhay pa kung si Aliyaa Lim ay natalo rin ng sakit niya?

Pinatuyanan niya na hindi na ako makakalaya pa sa sakit na ito. Pinatunayan niya na maikli lang talaga ang buhay ko.

Natatakot ako. Natatakot na ako.

"Baby? What's wrong? Bakit umiiyak ka na naman?" Hindi ko na rin namalayan na nakapasok na pala si Lervin sa loob ng kuwarto niya.

Tumabi ito sa akin at agad na kinulong niya ako sa mga bisig niya. Nakaka-emosyonal ang ganitong sitwasyon. Nakaka-walan ng pag-asa. Pag-asang lumaban at pag-asang mabuhay.

Bago ka pa bawiin niya ay ipaparanas pa sa 'yo ang hirap at sakit. Hindi 'yong isang bagsakan at mawawala na agad.

Lervin caress my hair, umiiyak na naman ako sa dibdib niya. Masakit sa dibdib, tila kinukurot na naman ito.

"Sssh... What is it, baby?"

"W-wala na siya... Wala na siya Lervin..." humihikbing sabi ko at alam kong naguguluhan siya sa akin.

"Who?"

"Si... Aliyaa Lim. Wala na siya. 'Yong babaeng kapareho ng sakit k-ko, Lervin. W-wala n-na siya, n-namatay siya kaninang madaling a-araw..." nauutal ko pang sagot at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Bakit nga ba ako naiiyak? Bakit ganito ako kung iyakan ko pagkamatay ng isang taong hindi ko naman kaanu-ano.

Bukod sa naaawa ako sa kanya na, napaka-bata pa niya para maagang lisanin ang mundo. Alam kong katulad ko rin siya na napaka-raming pangarap ang nabubuo.

Pero pinagkait lang sa amin ang panahon na 'yon. Naiiyak ako dahil parang na-picture out ko na ang sarili ko.

Katulad ni Aliyaa Lim ay maaga ko ring lilisanin ang mundo. Maglalaho na kasabay ang papalubog na araw.

Bigla, natakot ako sa kamatayan.

"Tahan na baby. Hindi makakabuti sa kalusugan mo ang pagsunud-sunod mong pag-iyak. Magiging ayos din ang lahat..." pagtatahan niya sa akin at nakatulog ako sa pag-iyak ko.

***

Hawak-hawak ko ang pendant ng necklace ko na una kong natanggap from Lervin.

Pauwi na kami sa bahay namin. Balak pa sana ng mga in-laws ko na tumira kami roon ng isang linggo pero tumanggi si Lervin.

"We're here, baby," mahinang sabi niya at nginitian ako.

Lervin true to his words. Inalagaan niya ako nang mabuti at ramdam ko. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.

Bakit feeling ko huli na ang mga ginagawa niya? I mean, pinupuna na niya ang mga pagkukulang niya sa akin ay parang bakit hindi pa enough 'yon?

Kasi maikling panahon na lamang ang natitira sa amin.

"Huh?"

Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ni Lervin nang makita kong wala na roon ang bahay nila ni Jillian.

"As what I've said, baby. Ipapagiba ko talaga ang bahay na 'yan. Kaya nakitulog na muna tayo kina dad," aniya.

Dito pa lang ay natutunaw na ang puso ko. Pinagiba niya talaga ang bahay nila ni Jillian at kahit isang bakas mg bahay ay wala na. Sobrang linis nito.

"Ikaw ang mahal ko, kaya sa 'yo lang ako makikinig," dagdag pa nigang sambit. Hindi na ako nakapagsalita pa no'ng bumaba na siya sa kotse niya.

***

"Ano'ng gusto mong kainin sa lunch, baby?" Lervin asked me.

Nakaupo na ako sa wheelchair ko at nagbabasa ng libro. Malapit na akong matapos sa binabasa kong The Unwanted Family.

Katulad ng babaeng bida sa kuwento ay nakamit na niya ang pinangarap niyang pag-ibig at makasama ang lalaking mahal niya.

Pero dumaan pa siya sa maraming pagsubok na halos ikamatay niya at ang kanyang anak na babae.

Ganito naman ang pag-ibig. Masasaktan ka na muna bago mo makamit ang happy ending mo.

Ako kaya? Kami ni Lervin, may happy ending din kaya? O katulad din ng mga kuwentong walang happy ending?

"You're spacing out, baby."

Napakislot ako nang hawakan ni Lervin ang magkabilang pisngi ko at tinitigan niya ako sa aking mga mata.

"May bumabagabag na naman ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Inilingan ko siya bilang tugon.

"Lervin..." I called his name.

"Hmm?"

"Kung mabubuhay ako," pagsisimula ko at matiim na tinitigan ako.

"Mabubuhay ka," pagsisingit niya.

Ngumiti ako, "kung mabubuhay ako, ilang anak ang gusto mo?" tanong ko. Hindi ako nahiyang itanong 'yon sa kanya. Bagamat namula siya dahil doon.

"Kahit ilan, basta naggaling sa 'yo ang magiging anak ko," nakangiting sagot niya at nakita ko na naman ang dalawang biloy sa pisngi niya.

"Thank you, Lervin. Mahal kita, mahal na mahal pa rin kita," mahinang bulong ko.

Sa wakas nasabi ko na rin. Nasabi ko na rin ulit na mahal na mahal ko siya. Na mahal ko pa rin siya.

Pumatak ang isang butil ng luha niya bago ako hinagkan sa aking labi.

"I-I love you too, baby. I love you, more."

Hindi ko pinagsisihan ang aminin sa kanya na mahal ko pa rin siya. At masaya na ako na sa huling pagkakataon ay narinig pa niyang sinambit ko na mahal na mahal ko siya.

Narinig pa niya mula sa aking labi na siya pa rin ang mahal ko.

Dahil nagising na lamang ako isang umaga na hinang-hina na. Hindi ko na magawang makapagsalita pa.

Tila bumibigat ang lalamunan ko at ang bigat-bigat din ang bibig ko. I can't speak, anymore. Katulad ng hiniling sa akin ni Lervin sana pipi na lamang ako para hindi na ako makapagsalita. Tuluyan nang nangyari.

Nang malaman 'yon ni Lervin ay sinuntok pa niya nang paulit-ulit ang pader.

Kitang-kita ko ang pagdudugo no'n. Nagagalit siya, nagagalit siya sa kanyang sarili. Pinagsisisihan niya ang mga ginawa niya.

Gusto ko siyang lapitan at i-comfort. Sabihang okay lang pero hindi ko naman magawa.

Tatanawin ko lang siya nang tahimik at hindi ko man lang magawang pagaanin ang bigat sa dibdib niya.

Nasasaktan siya. Nasasaktan din siya para sa akin. Ako rin, Lervin. Nasasaktan din ako pero bakit sa mga nakikita ko ngayon ay ikaw pa ang mas nasasaktan?

Nakaupo lang ako sa wheelchair ko at tahimik na tiningnan ko ang asawa kong tahimik ding umiiyak.

Nakatalikod siya mula sa akin at kitang-kita ko ang pagyugyog ng mga balikat niya. Hindi ko man naririnig ang palihim niyang paghikbi ay tila kinukurot pa rin ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ganito.

Kaya, sabihin niyo? Hindi pa rin ba deserve ni Lervin ang second chance? Gayong sa huli siya ang maiiwan. Sa huli siya ang mag-iisam Makukulong sa alaala, sakit, pighati at pagsisisi. Ako, ako lang ang mawawala at makakalimutan ko rin ang mga nangyari sa akin sa mundo.

Tila magiging sanggol ako at walang kamuwang-muwang.

Siya pa rin ang mag-iisa sa huli. Makukulong sa alaala namin.

***

Lervin de Cervantes' POV

Noon, hiniling ko talaga na isang pipi na lang ang asawa ko para hindi na siya makapagsalita pa.

Naiinis kasi ako sa mga katagang binibigkas niya noon. Kaya hiniling ko 'yon.

Pero hindi ko akalain na darating din pala ang panahon na mangyayari 'yon.

Sobrang sakit. Parang may kotseng bumangga sa pagkatao ko at may kutsilyong bumaon sa dibdib ko. Mahapdi na, sobrang hapdi na ng puso ko.

Nasaktan ako noong nalaman kong may sakit siya. Nasaktan ako noong na-realized kong mahal na mahal ko siya pero nagawa ko pa rin siyang saktan. Nasaktan ako noong naghihirap na siya.

Nasaktan ako noong unang kita ko sa kanya ay hindi na siya nakakapaglakad nang maayos. Nasaktan ako noong naalala ko na hiniling ko pala 'yon.

Nasaktan ako noon balak niyang magpakamatay na lang. Nasaktan ako noong sinabi niyang nahihirapan na siya.

Nasaktan ako noong sinabi niyang hindi na niya ako mahal. Nasaktan ako nang tuluyang hindi na siya nakakapaglakad.

Nasaktan ako dahil sa takot niya, nawalan siya ng pag-asa. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.

Nasasaktan ako sa lahat-lahat ng nanagyayari sa kanya. At ngayon? Tuluyan na siyang naging pipi.

Unang sinuri ko siya ay masyado nang humihina ang katawan niya. Unti-unti na siyang kinakain ng sakit niya at natatakot na ako sa mangyayari pa sa kanya sa huli.

Hanggang ngayon ay hindi pa namin nahahanap ang lunas. Napakahirap.

Ramdam ko ang pagkirot sa magkabilang kamao ko na buhat nang pagkakasuntok ko sa pader.

Sinisisi ko ang sarili ko. Nagagalit ako sa sarili ko at kung magagawa ko sana ay baka iyong sarili ko na mismo ang susuntukin ko.

Pero dahil mas masakit ang dibdib ko ay parang wala lang ito sa akin.

Hindi ko na kayang tingnan ang asawa ko ngayon. Nasasaktan ako. Nakakabakla man pero naiiyak talaga ako.

I'm silently crying. Tinakpan ko pa ang bibig ko para hindi kumawala ang hikbi ko.

Ang sakit sobra.

Napaigtad ako nang maramdaman ko ang nanghihina niyang mga braso na yumakap sa aking baiwang.

Hindi na malinaw 'yong paningin ko dahil sa mga luhang bumuhos sa aking pisngi pero malinaw, malinaw ko pa ring nakikita, nababasa ang notebook na nasa kandungan ko at hawak-hawak niya.

Nakayakap siya sa akin mula sa likuran ko. 'Yong lihim kong paghikbi ay tuluyan nang lumabas.

"Don't cry, I love you."

Iyon ang mababasa sa sinulat niya. K-kahit hindi 'yon masyadong mabasa dahil siguro sa panginginig ng mga kamay niya pero nagawa niyang sumulat.

Humarap na ako sa kanya. Napaluhod ako at mahigpit na niyakap ko ang tiyan niya.

"P-patawad, baby. Patawarin mo ako. S-sana ako na lang. Sana a-ako n-na lang ang nasa kalagayan mo, baby. Ayokong nakikita kang ganito. N-nasasaktan ako, nasasaktan ako... Patawad, baby..." naiiyak kong sambit at naramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa buhok ko pababa sa likuran ko.

Please, Lord. Ako na lang po. Ako na lang po ang kunin niyo at huwag na si Art. Huwag ang asawa ko. A-ako na lang po. Hayaan niyo siyang mabuhay ng matagal. Pagalingin mo na po siya.

Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang asawa ko.

#GS1:SIBG