Chapter 38 :Unconscious
~Leaving someone when you love someone, it is a hardest thing to do. I don't wanna leave you. Baby, it tears me up inside, but I'll never be the one you will need. You're needing. I love you, goodbye. ~
***
Lervin de Cervantes'POV
"Art!"
"Oh, my Gosh! Hija!"
Fears consumed all over my body as I watch her, losing her conscious.
I immediately kneeled in front of her to level my face on her. Parang tinutupok ng apoy ang puso ko nang makitang basang-basa na ang pisngi niya dahil sa kanyang luha.
Masuyong sinapo ang ko ang pisngi niya.
"You can't just die right now, baby. Please...don't leave me..."
"Cervin, call the ambulance, asap!" Dinig kong sigaw ng asawa ni Cervin.
Hindi ako makakilos dahil natatakot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hijo..."
"Baka pagod na siya," ani lolo at umiling ako.
Niyakap ko siya nang mahigpit at sinuri naman ni Dra. Even ang pala-pulsuhan ni Art.
"She still have a pulse, she maybe tired. So, she lose her conscious," she said.
Parang nabunutan ako nang tinik sa sinabi niya pero hindi pa rin ako nakokontento. Hangga't hindi nagigising si Art ay ayaw kong maging kampante.
I'm afraid, I am afraid to lose her. Please, God. Don't take her away from me. I'm still proving my sincerety and I wanna love her until my last breath.
Huwag mo na muna po siyang bawiin sa akin. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Please...
"On the way na ang ambulance. Lervin, kung maaari ay huwag mo na munang galawin ang katawan niya. Sensitive pa ang katawan niya sa mga oras na ito," dagdag pang saad ni Dra.Even at hinawakan ko na lamang ang ulo niya para hindi ito matumba.
Naluluhang tiningnan ko ang hitsura niya. I'm so proud of you, baby. I am so d*mn proud of you.
"Here you go, the ambulance just arrived! Prepare the stretcher!"
***
(Two weeks later...)
Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ng asawa ko at walang ilang minuto ang nakalipas na hindi ko binitawan ang mga kamay niya.
Nakabantay lang ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako na kung wala ako sa tabi niya ay baka sumuko siya. Na baka iwan niya agad ako.
It has been two weeks after she lose her conscious and until now, she's still asleep. Walang sign na gigising na siya.
Mahimbing na natutulog lang siya at nang sinuri siya ni Dra. Even, ang in charge doctor niya ay na-trigger lang ang brain niya at napagod.
Hindi ko pala alam na for the past few weeks ay marami pala ang bumabagabag sa isip niya at may mga palaisipan siya. Kaya mas napagod ang brain niya.
But Dra. Even made sure that she woke up, soon. Magigising din siya dahil as of now ay pinapahinga na muna niya ang utak niya.
Pero kahit ganoon ay hindi pa ako kampante. May takot, may takot pa rin sa dibdib ko. Gustung-gusto ko na siyang makitang nakamulat na ang mga mata niya.
I miss her, so much.
"Please, baby... Wake up. Kailangan mo nang magising. 'Di ba magpapatayo ka pa ng coffee shop mo? Malapit na 'yon matapos at dapat nandoon ka para asikasuhin ang lahat. Huwag ka nang matulog diyan," I said.
Araw-araw, gabi-gabi ganito ang ginagawa ko. Nag-leave na rin ako sa trabaho ko dahil si daddy na muna ang umasikaso sa hospital.
Gusto kong 24/7 na nakabantay kay Art. Gusto ko kung magising siya ay ako ang una niyang makikita.
"Gising na. Babarahin mo pa ako at magiging cold ka pa sa akin. 'Di ba, sasaktan mo pa ako? Kaya gising ka na..."
"Hindi pa ba siya nagigising?" Biglang sumulpot naman ang mga kaibigan ng asawa ko.
Limited ang visitor niya, isa-isa lang ang maaaring makapasok sa private room niya at mas matagal na ang thirty minutes.
Halos araw-araw naman silang bumibisita. At kung minsan pa ay natutulog din dito ang kaibigan ni Art at kasama ang asawa niya na kaibigan ko.
"How is she?" untag na tanong naman ng asawa ni Cervin.
"She's still acting a sleeping beauty," I replied and I took a long deep breath.
Cervin tapped my right shoulder. "Don't worry, dude. She's going to be fine. Ngayon pa ba siya susuko?"
"Natatakot ako, Cerv, eh. Paano...paano kung biglang bibitaw siya agad at susuko? Alam mo namang depresse na depress na siya noong nalaman niya na may sakit siya. Tapos huli na noong nalaman ko ang totoo," saad ko at mabigat ang mga katagang binigkas ko.
Naging lakas ko na si Arthea. At naging kahinaan ko na rin. Mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.
Tahimik lang siya pero alam kong may kinikimkim. Kaya bumabawi ako sa lahat. Bumabawi ako sa pagkukulang ko sa kanya.
"She's strong. Kilala ko ang kaibigan ko. Gigising din siya, kung hindi ngayon ay may bukas pa," komento naman ni Shin.
"I'm still waiting for her."
***
As usual ay malamig pa rin ang trato sa akin ng isa. 'Yong mas batang kambal na nagngangalang, Drimson.
Kahit papaano ay maayos naman ang pakikitungo sa akin ng isa na si Crimson.
"Ano ba naman 'yan," pagsisimula ni Crim at lumapit din sa asawa ko.
"Akala mo kung sinong maganda. Hoy, Art! Gumising ka na," aniya.
Hindi naman medyo malakas 'yong boses niya dahil may kahinaan naman 'yon.
"Nakakapagod kayang matulog araw at gabi. Ano'ng akala mo, si Sleeping Beauty ka? Gising na, tanghali na, oh," dagdag pa niyang sabi at marahang tinapik-tapik ang pisngi nito.
And as usual, there's no respond from her. Tila mahimbing ang tulog niya. Wala ng life support pero naka-dextrose pa rin. Parang normal na pasyente lang siya at natutulog.
"Ang dami mo nang na-missed na mga araw, Art. Saka naghihintay na sa 'yo ang manliligaw mo," he said. At ako ang tinutukoy niyang manliligaw.
Iyong si Drimson ay nakapamulsang nakatayo lang sa gilid ni Art. May pag-aalala ang mababasa sa mga mata niya.
"Wake up, my princess. You need to wake up, soon," mahinang bulong niya na sapat na upang marinig namin.
Bumukas naman ang pintuan at pumasok ang new visitor ni Art, si Hillarus.
"Ang ingay mo naman, Crimson. Dinig na dinig ko ang boses mo mula sa labas. Sige ka, kung magigising ang prinsesa natin ay baka mabatukan ka niyan," pagbibiro niya.
"Humahaba na kasi ang hair niya at ang gusto niya ay pagmasdan lang siyang natutulog. Aba, pumapanget na siya kamo," sagot pa ni Crimson.
"Ilang panahon pa, bigyan na muna natin siya ng panahon para makapagpahinga. That's what she need, a rest," sabi pa ni Hillarus.
Kahit papaano ay nauunawaan ko. Kaya hindi gumigising si Art dahil mas nais pa niyang magpahinga.
But... Art. Huwag mo namang tagalan ang pagtulog mo. Marami pa kaming naghihintay sa 'yo. Nandiyan ang mga kaibigan mo, ang parents natin, si daddy-lo at nandito pa ako.
Nandito pa ako, Art at naghihintay sa 'yo. Kaya kung okay ka na ay gumising ka na agad.
Namimiss ko na ang pagiging cold mo sa akin. Namimiss ko na ang pag-iwas mo sa akin at ang hindi pagkibo.
Gumising ka na at kailangan mo pang ipagpatuloy ang buhay mo.
Alam kong...hindi pa ito ang oras mo. Alam kong gagaling ka rin at makakahanap pa kami ng lunas sa sakit mo.
Mabubuhay ka pa, Art. Makakasama mo pa kami ng matagal.
"Oh, ano'ng pakiramdam ang makitang ganito ang mahal mo?" tanong ni Drimson ay may bahid na galit 'yon kahit kalmado lang ang boses niya.
"Fucking hell," diretsong sagot ko at tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Buti alam mo. Napakagago mo naman talaga. Tapos ang galing mong tumayming, nakipag-divorce ka pa, eh kahapon lang no'n ang birthday niya." Natigilan ako sa sinabi niya at napaawang pa ang mga labi ko.
"B-birthday niya no'n?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Iyong bukas na nakipag-divorce ka na. Base on your reaction ay hindi mo man lang alam ang kaarawan ng asawa mo!" mahinang sigaw nito sa akin.
"Aba't gago ka talaga!" pagsesegundo naman ni Hillarus.
"Pasalamat ka na lang at may silbi ka na ngayon. Siguraduhin mo lang na hindi mo kami mabibigo sa paghahanap ng lunas sa sakit ni Art. Kundi, ako mismo ang papatay sa 'yo," seryosong sabi naman ni Crimson.
Oh, fuck! I didn't know! Hindi ko naman talaga alam kung kailan ang birthday niya!
Kaya pala... Kaya pala noong sinundo ko siya noon ay ang lawak-lawak pa ng ngiti niya! Ang saya-saya pa niya no'n. S-siguro umasa siya na naalala ko ang birthday niya?
Oh shit!
"Ang ingay niyo...natutulog pa ang tao, eh..."
Gulat na gulat na napatingin kami sa hospital bed. Ang boses na 'yon. Ang boses na 'yon ang matagal na naming hindi narinig at hinihintay naming marinig iyon ulit.
"Art!"
***
#GS1:SIBG