Chapter 40 - Chapter 39

Chapter 39:Finally home

Arthea Primero-de Cervantes' POV

I can hear different voice, chatting? Or should I say, argument? Their voice is so familiar to me, oh... I know already who they are.

Nakapikit pa ang mga mata ko dahil nag-a-adjust pa ako dahil baka masilawan agad ako.

Hindi naman masakit ang katawan ko, sa katunayan nga ay parang ang gaan-gaan nang pakiramdam ko, eh.

Wala akong sakit na nararamdaman.

"Oh, ano'ng pakiramdam ang makitang ganito ang mahal mo?" Kung hindi ako nagkakamali, oh well. Hindi naman talaga ako magkakamali. Boses 'yon ni Drim.

Kalmado lang ang boses niya perk may bahid 'yon ng galit. Ginigisa na naman nila siguro si Lervin.

"Fucking hell," dinig kong sagot ni Lervin. Kumislot ang puso ko sa sinabi niya.

"Buti alam mo. Napakagago mo naman talaga. Tapos ang galing mong tumayming, nakipag-divorce ka pa, eh kahapon lang no'n ang birthday niya," dagdag pang saad ni Drim. Hay naku, Drim. Pinaalala mo na naman sa akin ang masasakit na tagpong 'yon. Ang laki kong t*nga no'n at umasa kay Lervin.

"B-birthday niya no'n?" tanong naman ni Lervin. Gulat ka? G*go ka talaga no'n, eh.

"Iyong bukas na, nakipag-divorce ka na. Base on your reaction ay hindi mo man lang alam ang kaarawan ng asawa mo!" sigaw naman ni Drim.

Napaka-ingay nila. Masakit sa tainga 'yong boses nila. Kay lalaking tao ay ang iingay nilang lahat.

"Aba't gago ka talaga!" Boses 'yon ni Hillarus. Nandito rin ang magulong buhok.

"Pasalamat ka na lang at may silbi ka na ngayon. Siguradihin mo lang na hindi mo kami mabibigo sa paghahanap ng lunas sa sakit ni Art. Kundi, ako kismo ang papatay sa 'yo," pagbabantang sabi naman ni Crim.

Siya 'yong tipong lalaki na tinatago ang feelings kung galit siya. Sa madaling salita ay patalikod siyang lumalaban.

"Ang ingay niyo... natutulog pa ang tao, eh..." reklamo ko sa kanila at ilang segundo pa ang nakalipas bago nakapag-react lahat ang mga maiingay.

Kanya-kanyang tawag sa akin sina Lervin. Minulat ko ang mga mata ko at medyo nasilaw pa ako nang liwanag na nagmumula sa itaas.

Base sa kulay at amoy ng kuwarto ay nasa loob ako ng hospital. Na-confine ba ako?

Pilit na inalala ko naman ang nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay.

Ah...graduation namin!

"Art..."

"B-baby..."

"MAY iba ka pa bang nararamdaman? Like, pananakit ng ulo? O parang nahihilo ka?" tanong sa akin ni Dra.Even at kasalukuyan niya akong sinusuri.

Umiling ako at tipid na ngumiti, "parang normal naman po ang nararamdaman ko," sagot ko.

I roamed around the hospital room as I watched my friends and the Team Art, said Lervin.

Tahimik na nagmamasid lang silang lahat sa akin at tila hinihintay na matapos si Dra. Even sa pag-check up sa akin.

"As what I have expected. Normal lahat, normal ang heartbeat mo, ang blood pressure mo. Hindi nga lang katulad ng mga paa mo na hindi mo na ito magagalaw," mahabang sabi niya.

I try to move my legs and she's right. Iyong mga paa ko lang talaga ang mahina pero wala na akong takot doon.

Tanggap ko na rin ang katotohanang hindi na ako makakapaglakad pa.

"Puwede ka namang umuwi ngayon kaagad," nakangiting sabi niya at tinanguan ko na lamang siya.

Isa-isa namang lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Niyakap pa ako at umiyak pa talaga.

Ang sabi pa nila ay nagmala- Sleeping Beauty raw ako at two weeks din akong tulog.

Nakakagulat sapagkat iyon ang totoo. Basta 'yong panaginip ko ay parang nasa beach ako.

Nakaupo lang ako sa tabing dagat. Nakaka-relax ang lugar na 'yon at napaka-tahimik.

Pinapanood ko lang ang papalubog na araw at tila ang tagal-tagal pa no'n. Sari't-samong boses din ang naririnig ko sa kung saan.

Ginigising nila ako pero ayoko pa talagang umalis sa beach na 'yon.

At siguro kung hindi na ako umalis sa beach na 'yon at hindi nagising ay marahil forever na ako ma-stuck doon. 'Buti hindi ko na nakayanan ang ingay nila.

Huling lumapit sa akin si Lervin. Parang hindi pa nga siya lalapit sa akin kung hindi ko siya pa tiningnan.

Kaya sa huli ay lumapit na siya sa akin at sinalubong niya kaagad ako nang yakap.

Yumugyog ang mga balikat niya at naramdaman ko ang pamamasa ng damit ko.

Napangiti ako at tinapik-tapik ko pa ang likuran niya. Tila naging bata siya.

"What the...iyakin talaga," sabi pa no'ng kaibigan niya na si Dr. Kierson.

"Hayaan mo si Dr. Lervin, moment niya ngayon," komento pa ni Dr. Taki.

"Lumabas na muna tayo. Give them some privacy," ani Cervin at inakbayan pa niya ang kaibigan kong namumula 'yong mga mata niya at ilong.

Nginitian ko siya bago sila makalabas.

Ilang minuto pang umiyak si Lervin bago nahimasmasan. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako.

Parang natutunaw na naman ang puso ko, kung madalas ko siyang nakikitang umiiyak.

Ibang Lervin ang nakikita ko ngayon. Hindi siya 'yong Lervin na pinakasalan kong cold at masungit.

Siya 'yong Lervin na nakasama ko sa Baguio City. Ang Lervin babe ko.

"I...t-thought, hindi ka na gigising pa. Natakot ako, Art. N-natakot ako na baka...bumitaw ka na agad. You can't just give up so easily, we are here. We're fighting for you. So, please. Fight, fight for yourself, with us, too, baby..."

Isang matamis na ngiti lang ang binigay ko sa kanya at hinaplos pa niya ang pisngi ko.

"Miss na miss na kita, sobra."

"Let's go home, Lervin. Umuwi na tayo sa bahay natin?" mahinang saad ko at nagsunud-sunod ang pagtango niya.

Second chance? Nang tumira na siya sa condo ko ay roon na siya nabigyan ng second chance. Hinayaan ko na siyang pumasok ulit sa buhay ko.

Dahil wala na akong oras, nararamdaman ko 'yon. Malapit na, malapit nang matapos ang kabanata ng buhay ko.

KATULAD nga ng gusto ko ay umuwi na rin kami sa mansiyon namin. Sa bahay namin kung saan na labis-labis akong nasaktan sa dalawang taong paghihintay sa kanya.

And who would have thought na gugustuhin mo pa ring umuwi sa bahay niyo kung saan ka unang nasaktan?

Well, nakakagulat.

Pero nang nasa tapat na kami ng bahay namin ay napatigil ako.

Nasa loob pa naman kami ng sasakyan at natulalang napatingin ako sa katabing mansiyon.

May mga maliliit na karayom na naman ang bumaon sa puso ko. Mas masakit 'yata ang nararamdaman ko ngayon.

"Baby...what's wrong?" tanong sa akin ni Lervin nang may tinuyo siyang luha sa pisngi ko.

Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako sa kakatingin sa labas.

I shooked my head and I force myself to smile.

"I'm fine," sagot ko. Ganoon naman tayo.

Ganoon naman tayo na kahit nasasaktan na ay sasabihin nating ayos lang tayo. Kahit ang totoo naman ay hindi.

Mas gugustuhin mong isarili na lamang ang sakit.

Binuhat na ako ni Lervin papasok sa loob. Wala na kaming kasambahay pero malinis ang mansiyon.

Namiss ko 'to. Hinahanap-hanap ko rin ang presensiya ng mansion namin.

I finally home...

Maingat na inihiga ako ni Lervin sa malambot na kama namin at kinumutan.

"May gusto ka bang kainin sa dinner?" malambing na tanong niya sa akin.

I look deep straight into his eyes.

"Hindi ka naman marunong magluto. Nagsinungaling ka pa sa akin na ikaw 'yong nagluto no'ng nakaraan," malamig na sabi ko at bigla siyang na-guilty.

Napaiwas siya nang tingin sa akin at hindi ko na binawi pa ang sinabi ko.

"S-sorry. But I cook for you this time. Mag-aaral akong magluto para sa 'yo, Art," sincere niyang sabi.

"Okay," tipid na sagot ko at pinikit ko na ang mga mata ko.

Bago siya lumabas mula sa silid namin ay hinagkan pa niya ako sa noo.

"Rest well, baby..."

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.

At hindi nga ako nagkamali sa hinala. Unang bumungad sa akin ang maamong mukha ni Lervin.

Nakatitig lang siya sa akin at nang makitang nagising na ako ay ngumiti siya.

"Hindi ka na nagising pa kagabi. Mukhang nakulangan ka pa sa pagtulog, baby," aniya.

At doon ko na-realized na umaga na pala. Kitang-kita ko ang magandang sikat ng araw mula sa bintana.

"Dapat ginising na kita kagabi but I don't have a heart to wake you up. Kaya, tara na. The breakfast is ready. Dapat may laman na ang sikmura mo," dagdag pa niyang sabi at bigla na lamang niya akong binuhat.

Para makaupo na ako sa wheelchair ko.

"I know you don't want to be feel that you're just a burden to me. So, go, mag-toothbrush at maghilamos ka na," nakangiti pa niyang sabi at tinulak na ang wheelchair ko papasok sa banyo.

Walang namutawing pangungusap ang lumabas mula sa bibig ko pero napangiti na lang din ako.

After doing that ay wala pa sa sariling tinungo ko ang veranda. Kung saan na malaya kong nakikita ang kapitbahay namin.

I wonder kung nandiyan pa rin ba si Jillian. Nandito pa rin ang sakit.

"Baby..." Biglang sulpot naman ni Lervin at umiba ang emosyon niya nang makitang nagpapahid na ako ng mga luha ko.

"What happened?" he asked me, worriedly.

Walang pag-alinlangan na tinuro ko ang kabilang bahay.

"That hurts, so much," I said at napatingin siya roon.

Parang naunawaan naman niya ang sinabi ko.

"That's the reason kung bakit ka Nagkaka-ganyan. I'm so sorry, baby. Ipapagiba ko na ang bahay na 'yan," aniya.

"But that's for Jillian."

"I don't care, Art. Ipapagiba ko na 'yan as soon as possible."

#GS1:SIBG