Change 34:Research failed/Suicide
"A-Art..." tawag sa akin ni Shin nang nasa loob na kami ng kotse nila.
"Ayokong mabigo, Shin. Ayoko. A-alam mong walang survivor sa sakit na ito. Walang cure, wala." Nanginig ang boses ko nang sabihin ko 'yon.
Oo, sinabi kong tanggap ko na. Tanggap ko na ang kapalaran ko. But I admit that part of me wants to heal, a part of me wanted to heal my sick but how come?
Kung wala namang lunas at ayokong umasa na mayroon. Ayokong umasa na mabibigo rin sila sa paghahanap ng lunas sa sakit kong ito.
Not because, I underestimate their skills when it comes to their field as a doctor. Pero masakit talaga ang umasa.
"P-paano kung mag-successful naman sila?" untag na tanong ni Shin sa akin at napailing na lamang ako.
"Buo na ang desisyon ko," mariing saad ko at napabuntong-hininga na lamang ako.
Tahimik na ang buong biyahe namin ni Shin at ipinagpasalamat ko 'yon. Dahil tila bumibigat na ang pakiramdam ko.
Ang dami ng gumugulo sa utak ko. Ang dami ko nang problema, to be honest. Dumagdag pa si Lervin.
Paano niya nasasabi na mahal niya ako? Paano niya nasasabi na mag-stay sa tabi ko? Paano niya nasasabi 'yon lahat sa akin?
Mahal niya ako? Mahirap paniwalaan. Isang panlilinlang na naman ba 'yon? Pero bakit tila sincere naman siya no'ng sinabi niya 'yon sa akin?
Pero may pangamba rin ako. Simula nang masaktan niya ako ay nagkaroon na ako ng trust issue.
Ilang beses na niya akong pinaasa at ayoko nang mangyari pa 'yon sa akin.
Pagod na ako, eh. Pagod na pagod na ako sa kanya. Nakakapagod din kasing mahalin siya.
"Ingat ka," saad ko kay Shin nang makababa na ako mula sa sasakyan nila.
Wala na siyang sinabi sa halip ay tumango na lang siya sa akin pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang namumula niyang mga mata at ilong.
Alam kong tahimik na umiiyak siya no'ng nasa biyahe pa kami. Alam kong desperada rin siyang magpagamot ako.
Pero hindi si Shin, hindi sina Drim at Crim, hindi si Hillarus, lalong-lalong hindi si Lervin ang makakapilit sa akin na magpagamot.
Dahil alam kong sarili ko lamang. Sarili ko lamang ang makakapayag sa nais nila. Pero sa ngayon, ayoko. Ayokong magpagamot.
"A-apo..."
Natigilan ako nang makita ko si daddy-lo. Nakatayo lang siya sa tapat ng entrance ng condominium. Namumula ang mga mata ni daddy-lo at may mga luha rin sa kanyang pisngi.
Lumambot ang bukas ng mukha ko at tila nadudurog na naman ang puso ko. Natutunaw na naman ako.
"D-daddy-lo..." nanginig ang boses ko nang sabihin ko 'yon at tinawid ko ang distansya namin ni daddy-lo.
He spread his arms and waiting for me to hug him and I did.
"D-daddy-lo..."
Naiyak ako, naiiyak na naman ako. Kaya wala akong ginawa kundi ang umiyak sa dibdib ni daddy-lo.
I felt comfort, parang safe na ako sa mga bisig ni daddy-lo pero nandito pa rin ang takot. Ang takot ko sa sakit ko.
Humagulgol ako sa dibdib ni daddy-lo. Para akong bata kung umiyak. Para akong bata na may takot. Na may takot sa kung sino mang tao ang maaaring kumuha sa akin.
Para akong batang tinanggalan ng laruan kung umiyak.
"W-why? B-bakit ang apo ko pa? Bakit...ang a-apo ko pa ang nagkaroon ng sakit n-na 'to? D-diyos ko...ako na lang s-sana...ako na lang sana," umiiyak ding saad ni daddy-lo.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nanginginig din ang balikat ni daddy-lo at maririnig sa labas ng condominium ang hagulhol namin.
Hindi namin alintana ang mga tao na nagmamasid sa paligid. Gusto ko ring pakawalan ang sama ng loob ko. Napakabigat sa dibdib.
"A-ako na lang sana apo, eh. Ako n-na lang..."
"Dy...d-daddy-lo... N-natatakot po ako. Natata...kot po ako. D-dy...gusto ko pang mabuhay. Gusto k-ko pang mabuhay, d-daddy-lo. G-gusto ko pa, eh..." naiiyak na sambit ko at mas lumakas pa ang paghikbi ko.
Naramdaman ko naman ang paglambot ng katawan ni daddy-lo at kumalas siya sa yakap ko.
Magsasalita sana ako nang may yumakap din sa akin mula sa likuran ko.
Ang pamilyar na presensiya. Ang pamilyar na pabango niya. Ang pamilyar ng klaseng yakap niya. Ang pagpintig ng puso ko. Sobrang bilis nito.
Kahit hindi ko pa nililingon kung sino siya, kung sino ang yumakap sa akin ay alam na alam na ng puso ko kung sino siya.
"L-lervin..."
"I'm here b-baby... I'm here... H-hindi kita pababayaan. G-gagawin ko ang lahat...gumaling ka lang..."
Nanghina ang tuhod ko at kumikirot na naman ang puso ko. Halos hindi ko na makita ang paligid at kahit ang pandinig ko ay hindi na malinaw. At ilang saglit lang ay nawalan na ako ng malay.
***
Lervin de Cervantes' POV
MAHIGPIT na hawak-hawak ko ang kamay niya. Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi ako umalis sa tabi niya.
Mahimbing lang siyang natutulog sa kama niya pero bakas pa rin ang mga luha niya.
Masuyo kong sinapo ang kanyang pisngi at ginawaran ko pa ito ng halik.
Matapos ang iyakan nila kanina ng lolo niya ay nawalan siya ng malay.
Ramdam ko. Ramdam ko na may takot siya. Natatakot siya. Kahit sinabi niyang tanggap na niya ang kapalaran niya at ang sakit niya ay alam kong natatakot pa rin siya.
Parang may pumipiga na naman sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niya.
She wants to live. G-gusto pa niyang mabuhay kaya natatakot siya. Natatakot siya sa kung ano man ang mangyari sa kanya kinabukasan.
Ang sakit marinig 'yon. Sobra, parang sinasaksak ka ng kutsilyo nang paulit-ulit.
Kung dati sana, kung dati pa lang sana naging mabait na ako sa kanya. Naging maganda sana ang pakikitungo ko sa kanya. Ayos na sana kami. If I just can turn back the time, I would do it.
Gusto kong ibalik ang mga oras na una ko siyang nakilala at nakasama. Siguro tama nga sila, nasa huli talaga ang pagsisisi.
Pero alam kong kasalanan ko. Nabulag ako, nabulag ako sa pag-ibig na pansamantala lang palang mararamdaman.
"Please... take care of my granddaughter," ani lolo.
Sinabi ko kasi sa lolo ni Art na confirm nga na may akit ang apo niya. Sa phone pa lang ay umiiyak na siya, paano pa kaya kung magkaharap na sila ng kanyang apo?
"I will, lolo," sagot ko.
_____________________________
De Cervantes Hospital
We are ready for our meeting. Kaya nakaupo na kaming lahat katulad ng puwesto namin noong unang nag-meeting kami sa Team Art.
Ilang saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Walang nagsasalita. Kaya ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Mas kinabahan ako lalo. Parang nakikiramdam din ang iba.
Tumikhim si Cervin at napatingin kami lahat sa kanya. Siya ang unang bumasag sa katahimikan namin.
"Y-you know, team Art..." pangbibitin na sabi ni Cervin at nanginig ang mga kamay ko.
"Inaasahan na natin 'di ba ang lalabas na resulta ukol sa pinag-aralan nating gamot?" dagdag niyang sabi. Napatangu-tango kami sa sinabi niya.
"This is my first time that I failed with my research formula," aniya.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi pa man buo ang sinasabi niya ay parang alam na namin ang ibig na pinupunto niya.
"My formula was failed. H-hindi siya nag-positive na puwede siyang i-apply sa Spinocerebellar Ataxia. Paulit-ulit siya nitong nire-reject ng machine," pagpapaliwanag niya.
"Mine..." singit ni Kier at huminga na muna siya nang malalim bago niya dinugtungan ang sinabi niya.
"Therapy wasn't enough for her. Someday, her body is gonna be weak. Kakainin ng sakit niya ang lahat ng lakas niya. Magiging paralisado siya at unti-unti na siya nitong kakainin. Hindi siya puwedeng ipasok sa therapy lalo pa na nasa second to the last na siya ng stage of Spinocerebellar Ataxia. Iyong symptoms, dalawa na lang ang kulang at mawawalan na siya ng lakas."
Mahigpit na nakahawak lang ako sa ballpen na nasa kamay ko. Paano na?
Paano na? B-bakit ngayon lang kaming pumalpak? Kailangan na namin ang lunas.
***
"ACCORDING to my own reaserch too." Kay Dra.Even naman kami napatingin.
Ang hitsura nila parang pinagbagsakan din ng langit. Bakas sa mga mata nila ang disappointment at pagkabigo.
"Honestly, there is no known cure for Spinocerebellar Ataxi. But...the best treatment options for SCA vary by type and often depend on the signs and symptoms present in each person. Physical therapy can help strengthen muscles, while special device, crane, crutches,or wheelchair can assist in mobility and other activities of daily life," she explained.
"Pero nasabi na ni Kier na hindi sapat ang therapy lang," pagsingit ni Taki at sinang-ayunan ito ni Jai.
"Yeah, lalo pa na walang tine-take na medicine ang pasyente. Soon, manghihina ang katawan nito. Lalo pa ang mga symptoms na unti-unti na ring lumalabas at nararamdaman ng biktima ng SCA. We can't stop that to happens," ani Jai.
"How about you reaserch your new formula, Cervin?" I asked Cervin at umiling lang siya.
"Wala na tayong oras para bumalik from the top na maghahanap ng panibagong gamot," sagot niya.
Bumagsak ang balikat ko at bigung-bigo na naman ako.
"Kailangang ipasok muli sa CT scan or MRT scan ang pasyente. Kailangan din siyang i-operate at i-monitor dahil sa mga symptoms niya," ani Kier.
"Pinaka-rare type na ang sakit na 'yon. Walang opera. Kung sana ay puwede ngang i-opera pero hindi. Wala namang mga tumors or something na nag-cause sa brain ng pasyente. We don't have anything to remove, we can't operate. Parang malinis lang ang sakit na 'yon," mahinang sambit ni Taki.
"Kung sana isang brain cancer or something that we can operate the patient ay mas madali sana. Parang Alzheimer disease, ang pinagkaiba lang sa dalawang 'yon ay bumabalik sa pagkabata ang pag-iisip no'n. Manghihina rin ang katawan pero hindi katulad ng SCA, unti-unting mawawalan ng simple information, magiging paralisado rin ang buo niyang katawan and the worst thing is, hindi na siya makakapagsalita."
I remember what I have said to her. D*mn it!
Nahinto ang pag-uusap namin nang tumunog ang phone ni Cervin. Sinagot niya agad ito.
"Yes, honey? W-what?!" Napatayo si Cervin at tumingin sa akin.
Pangamba ang nakaguhit sa mukha niya.
"W-what's wong?" untag na tanong ko sa kanya.
"At the beach, come on, Lervin!" sigaw niya bigla at nagsalubong ang kilay ko.
"What happened?" tanong naman nina Kier.
"Your wife... Damn it! Hurry up! Your wife's committed suicide!"
Napaawang ang mga labi ko sa gulat. Suicide? H-hindi 'yon gagawin ni Art! Fuck!
No, Art. Wait for me! Hindi kita susukuan. Gagawin ko pa rin ang lahat. Hindi ako susuko, hindi kami susuko sa paghahanap ng lunas sa sakit mo.
Hindi kita susukuan, hangga't nabubuhay ako. Wait for me, please baby. Dear God, save my wife, save my baby.
#GS1:SIBG