Chapter 30:Stay
"I'm sorry, Art. I-I'm so s-sorry..."
Yes, I'm such a jerk. Nabulag ako, nabulag ako sa katotohanan.
Hindi dapat ganito, hindi 'to dapat nangyari. Parang unti-unti ako pinapatay sa katotohanan.
Nang huli ko siyang nakita ay hindi siya ganito. Okay pa naman siya roon. Okay pa naman ang paglalakad niya.
G-gusto kong suntukin din ang sarili ko. Doctor ako pero hindi ko man lang nalaman na may s-sakit pala siya? Doctor ako pero ni hindi ko man lang napansin na may karamdaman na pala siya.
Doctor ako pero bakit wala akong nagawa? Ni hindi ko talaga alam na naghihirap na pala siya.
"Please...leave. A-ayaw na kitang makita, eh," naiiyak pa ring sabi niya.
Lumalakas 'yong paghikbi niya at marahan na hinampas pa niya ang dibdib ko.
"I'm sorry. S-sorry baby..."
"No...umalis k-ka na please... Okay n-na ako, okay na a-ako, eh," naiiling na sabi niya at mahigpit na niyakap ko ang ulo niya para mas higpitan ko pa ang yakap niya.
Dapat ako, dapat ako ang unang nakaalam nito. Dapat ako ang naunang nakaalam sa sakit niya.
Pero ano'ng ginawa ko? Patuloy ko pa rin siyang sinasaktan. Paulit-ulit at alam kong hindi ko na deserve na alagaan pa siya.
"AAHHH!" Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang buong lakas siyang sumigaw.
"A-Art..."
"N-nandito ka na naman, eh. Nandito ka n-naman, tapos iiwan mo naman a-ako. Okay n-na ako no'ng s-wala ka, eh. K-kaya bakit bumalik ka pa?" nanghihinang sabi niya at napasinghot pa siya.
"Okay na ako! Okay n-na ako pero bakit bumalik ka pa rin?! I don't need you, anymore... Please, leave. Leave me alone..."
"No... I'll stay, I'll stay, Art. I'll stay..."
"IIWAN MO RIN NAMAN ULIT AKO, EH! IIWAN MO RIN AKO PARA KAY JILLIAN!"
Tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi.
Inalala ko ang mga magagandang pangyayari na nagawa ko para sa kanya.
At ilang saglit lang ay bigla rin 'yong naglaho. Masaya na kami, napasaya ko na siya pero sinuklian ko lang ng sakit.
Walang kapatawaran ang ginawa ko pero ngayon, sigurado ako na hinding-hindi ko na siya iiwan.
Kahit lumalayo na ang loob niya sa akin. Kahit ipagtabuyan pa niya ako.
I will stay...no matter what.
_____
"I WILL stay, no matter what..."
'Yong hikbi niya lang ang tangi kong naririnig. Hindi ito ang unang beses na narinig ko siyang humikbi nang malakas.
Pero malaki pala ang epekto nito sa akin. Napakasakit pala talaga ang marinig 'iyong pag-iyak niya.
Wala na ako sana akong balak kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Kahit alam ko at ramdam ko na may mga matang nakamasid sa amin.
Kasi sa mga naiisip ko ngayon ay tila kaming dalawa na lang sa mundo.
Pero naputol din 'yon, when someone from behind grabbed my collar.
Bago pa ako makapalag ay may matigas na kamao na ang tumama sa kaliwang pisngi ko.
That my second punch that I received from the boy that close to her, Art.
Hindi pa ako nakaka-recover sa pagsuntok sa akin ng isa sa kambal ng kaibigan ni Art nang tumama naman ang kamao niya sa sikmura ko.
At dahil sa lakas no'n ay napaubo pa ako. Bumagsak ako sa damuhan ng school nang nakapikit.
Naramdaman ko naman na may umupo sa bandang tiyan ko at ilang suntok na naman ang tumama sa gilid ng mga mata ko, sa ilong ko, sa kanang pisngi at maski sa gilid ng labi ko.
Puwede akong lumaban kung tutuusin. Nag-aral ako ng Martial Arts pero bakit hindi ko magawang lumaban man lang?
Manhid na ang nararamdaman kong sakit and I think I need that. Gusto kong mawala muna ang pagkirot sa puso ko, kahit saglit lang.
"Sino ka para magpakita pa sa kaibigan ko?!" naulinigan kong sabi nito at patuloy pa rin siya sa pag-sipa sa akin.
"Drim! That's enough!"
"Let me go, Crim. Let me fucking kill this asshole!"
"No...no. C-crim...t-tama na please..." Her voice... Her sweet voice that made the boy stopped.
"Art..."
"D-don't hurt him, please..."
"Art, alam mo naman ang ginawa niya sa 'yo, 'di ba?! Hayaan mo akong patayin ang gago na 'to!"
"No! Stop it! H-hayaan niyo na siyang umalis. J-just...don't hurt him, please."
Bakit? Bakit sa kabila ng mga ginawa ko, sa mga kasalanan ko at pagpapaiyak sa kanya ay bakit ako pa rin? Bakit ako pa rin ang inaalala niya? Bakit ako pa rin ang kinakampihan niya?
Siguro tama nga si Hillarus, h-hindi ko deserve si Art. I'm just a fucked man who always hurt her, not just one but I hurt her repeatedly.
"Art."
"HINDI NAMAN KAYO ANG MASASAKTAN! AKO! A-AKO ANG NASASAKTAN SA GINAGAWA NIYO!"
Sukat no'n ay umalis sa ibabaw ko ang lalaki at naramdaman ko na lang na may humaplos sa buhok ko.
Kahit naninilim ang paningin ko dahil sa suntok at sikmura kong natanggap ay naaanigan ko pa rin ang mukha niya.
Ang maamo niyang mukha na umaagos ang sariwang mga luha niya.
Nakaunan na pala ako sa mga paa niya at dinig na dinig ko ang paghikbi niya.
"A-ang dami na niyang pasa. Putok ang m-mga labi. What have you done?!" naiiyak niyang sambit at tila takot pa siyang hawakan ang mukha ko.
SA NANGHIHINA kong mga kamay ay inabot ko ang kamay niya at tinapat ko ito sa dibdib ko, mahigpit.
"L-lervin..."
"D-don't cry, please. D-don't... H-huwag ka n-nang umiyak kapag k-kaharap ako..." nanghihina kong sabi at nakapikit pa rin ang mga mata ko.
Okay lang, okay lang sa akin ang paulit-ulit na bugbugin ng mga kaibigan niya. I deserve all of that.
Kahit ilang katao pa 'yan ay ayos lang sa akin. Kahit mabalian pa ako ng buto ay ayos lang sa akin.
Kahit gawin nila ang gusto nila ay ayos lang sa akin. B-basta para sa kanya. Basta p-para kay Art.
Pero sana...huwag nilang hilingin sa akin na huwag ko nang makita si Art. Sana huwag nilang ilayo sa akin ang babaeng paulit-ulit kong pinaramdam ang sakit.
Sa babaeng pinaiyak ko nang hindi lang sa isang beses. Maraming beses ko na siyang pinaiyak.
"H-huwag ka nang m-magpapakita pa sa akin. Leave, Lervin. U-umalis ka na katulad nang pag-iwan at pagtalikod mo sa akin. H-huwag mo na akong l-lapitan pa. P-para hindi ka na masaktan pa ng mga kaibigan ko," nauutal niyang sabi at ramdam ko ang pagbigat ng mga katagang binibigkas niya.
"N-no. I can't do that... I c-can't do that, baby..."
"Umalis ka na. H-hindi lang 'yan... Hindi lang 'yan ang a-aabutin mo mula sa mga kamay ng k-kaibigan ko. Dahil alam kong...h-hindi pa sila kontento sa mga ginawa nila sa 'yo."
Kahit nanghihina ay nagawa kong umiling. Hindi ako sang-ayon sa gusto niya, hindi. Ayoko na, ayoko na siyang iwan. A-ako, ako na ang magdedesiyon para sa sarili ko.
"It's o-okay. It's fine with me if they are beated up me to death. I accept their hundred punchs, just don't take you away from me. A-ayoko nang umalis l-lalo na sa kondisyon mo. Let me stay... please, baby. L-let me stay, t-this time...I'll stay with you."
"No! You leave! You don't need to stay with me, Lervin. I'll be good, right? You said, I'll be good without you. And let me fucking go! I'll be good! I'll be good!" Kahit pagalit ang Bose's niya ay may bahid na pag-iyak 'yon.
"Come on, twins! Punch me, kick me, do whatever you want just let me stay with her, please! And if you can't... Just k-kill me, j-just kill me if you take her away from me." Iyon na lang ang huli kong nasabi and everything went blank.
_____
I WOKE up one morning, I was on the white room. Sa amoy at hitsura pa lang ay alam kong nasa loob na ako ng hospital.
#GS1:SIBG