Chapter 28 - Chapter 27

Chapter 27 (1.3)

~New beginning ~

ARTHEA PRIMERO-DE CERVANTES's POV

NEW BEGINNING, 'yan ang unang naisip ko nang magising ako isang umaga.

Panahon na siguro para magbago, right? Panahon na para sumuko. Sumuko para saan nga ba? Sumuko para sa lahat-lahat.

Gusto ko ng bagong buhay, new environment and new beginning. Simula kasi nang makilala ko si Lervin ay tila naging miserable na ang buhay ko.

Nasa kanya lang umiikot ang mundo ko, kaya nagagawa pa niya akong saktan.

Siguro ito na ang tamang panahon upang isuko siya. I want to accept what he wants and all.

Siguro nga hindi talaga siya para sa akin. Na minsan din sa buhay ko na nakilala ko siya. Na minahal ko siya. 

Tanggapin ang lahat, dahil ika nila, "everything has a reasons."

Ang sakit ko na 'to ay alam kong may dahilan din. Kaya kahit masakit ay tatanggapin ko ang kapalaran ko. Tatanggapin ko kung ano man ang mangyari sa akin.

Binalik ko sa dating kulay ang buhok ko, black. Dito ako magsisimula sa panibagong yugto ng buhay ko.

At kasama roon si Lervin. Pero nang pinili ko ang bagong kabanata ng buhay ko ay iyon din ang simula na naghihirap na ako sa paglalakad.

Nahihirapan akong humakbang at tila pagod na pagod ang mga paa ko.

At dahil sa kondisyon ko ay pinili kong huwag ng umuwi sa bahay namin ni Lervin.

Bumili ako ng condo at hindi ko na rin pinaalam kina daddy-lo at maski sa mga katulong namin ay pinatiklop ko ang mga bibig nila.

____________________­_

"What's wrong with you, Ms. Primero?" tanong 'yan sa akin ng dean namin.

Pinatawag niya kasi ako kanina kaya nandito ako ngayon sa dean's office. I don't have any idea about that.

"Bumababa ang mga grades mo, Ms. Don't you know that you are one of dean's list? Alam namin na ga-graduate ka with Latin honors. So, what happened?" Pinagsiklop ni dean ang mga daliri niya at nakapatong ito sa table niya.

Seryoso ang mga titig niya sa akin. Nakaka-intimidate siya dahil strict siya sa amin. Nasa mid-50 pa lang siya pero hindi mababakasan ang katandaan niya. Mas nangingibabaw kasi ang kagandahan niya.

Napabuntong-hininga ako at umiling na lang.

"I'm sorry, dean. Pagbubutihan ko po ang pag-aaral ko para sa next semester ay magagawa ko pa ring mapasama sa dean's list," sabi ko sa kalmadong boses.

Kumunot ang noo niya and confused was visible on her eyes.

"Next semester? You mean, second semester? Ms.Primero, this is your last semester at graduate ka na," aniya.

Parang may isang bomba ang sumabog sa ulo ko nang sabihin niya 'yon sa akin.

S-second semester? I t-thought nasa first semester pa lang kami ng college pero...

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pilit na inalala ang nangyari sa akin these past few weeks. But none, hindi ko maalala.

I suddenly remember my situation. I started to forgot the simple information. 

"Sorry, dean, again. But..." bumuntong-hininga ako ulit bago ko dinugtungan ang pangungusap ko, "I'm sick."

LUTANG ang isip ko nang makalabas na ako sa office ng dean namin at nakakapanghina ng tuhod.

Ngayon nagsisimula na akong makakalimot. 

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Nagbabago na ako, 'di ba? Ayoko ng umiyak pa at magpakalugmok dahil sa sakit at kalungkutan na dulot nito ang asawa ko.

Ayoko na...

"Art! A-art!" Napalingon ako kay Shin nang tawagin niya ako.

Patakbong lumapit siya sa akin at may pangamba sa mga mata niya.

"I'm so sorry, Art. H-hindi ko naman sasabihin pero...pero I was force, a-alam na nina Crim na may sakit ka," sabi niya pero bakit hindi na ako nabahala na nalaman na ng mga kaibigan ko ang tungkol sa sakit ko?

To be continue...

454 · Like · React · Edit · Sep 14

Beverly Repuya Rec... replied · 35 replies

S Lyn Hadjiri

SOMEDAY, I'LL BE GONE

Chapter 27 (2.3)

LERVIN DE CERVANTES's POV

"How is she, doc?" tanong ko sa doctor ni Jillian nang makabisita ako sa opisina niya.

I was sitting on the sofa at nakaupo naman siya sa tapat ko.

Dra. Seraphine A. Monragon, Psychiatrist siya ni Jillian, she's 35 years old and married.

"She will be fine as long as she did take her medicine. Nasa common parts pa naman siya ng sakit niya and months from now, gagaling na siya sa sakit niya," she said while smiling.

I felt relief, I just hope na gagaling na siya kaagad.

"How about you, Dr. de Cervantes? Okay ka lang ba? Nitong mga nakaraang linggo ay wala ka sa huwisyo. Tila may kung ano'ng gumugulo sa isip mo. And you can't lie to me, I can read what's on your mind. I'm a psychiatrist and I can be psychology too, you know."

Tipid na nginitian ko na lang si Dra.Monragon. Well, she's right. May gumugulo rin kasi sa isip ko.

"You can talk to me as your psychology, if you won't mind," aniya.

I took a deep breath before I spoke.

"Posible bang may dalawang isip ka? I mean, iyong isang katawan mo lang pero dalawa ang sistema mo?" nalilitong tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit 'yon ang nasa isip ko. Basta pakiramdam ko ay may dalawang isip-- I mean, 'yong parang may isa pa akong pagkatao at magkaiba ang iniisip namin? Is that even possible?

"You mean, one body but there's a two system. Iisa lang ang katawan niyo pero may magkaiba kayong pag-iisip na para bang may isa ka pang katauhan. Tell me more, Dr.de Cervantes."

"Are you aware that I am already married?" sa halip na tanong ko sa kanya.

"Yup, and how about my patient?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Jillian is my love and she is everything to me. But, when I'm with my wife...para bang ibang tao ako. I'm not my usual self, honestly speaking. At kung si Jillian naman ang kasama ko ay iba rin ang pagkatao ko," I said.

"But, with whom that you are comfortable? Sa kanilang dalawa ay saan ka mas masaya?" 

Dahil sa sinabi niya ay hindi na ako nakasagot. Parang iyon na 'yata ang pinakamahirap na tanong niya sa akin. But I knew better. May sagot naman ako pero nahihirapan ako?

"I don't know..." sagot ko sa mahinang boses.

"Let me guess. Nakakalimutan mo ang isa sa kanila kung kasama mo rin ang isa sa kanila," aniya at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Parang binalik lang naman niya ang sinabi niya, ah?

"Iba ka kung kasama mo si Jillian, at iba ka rin kung kasama mo ang asawa mo. Pero alam mo ba kung ano rin ang pinagkaiba nila sa 'yo? Mas komportable ka kay Jillian dahil matagal mo na siyang kilala. Sa buong buhay mo ay siya lang ang laman ng isip at puso mo. Kaya ginagawa mo ang lahat para sa ikabubuti niya. While your wife, you are not just comfortable but I can read you that you are afraid to lose her, too. But you could hurt her just for the sake of Jillian. Ayaw mo ring mawala si Jillian kaya ayos lang sa 'yo kung ang taong mahal mo naman ang masaktan kasi alam mong maiintindihan ka niya. Hindi katulad ni Jillian ay hindi ka maiintindihan dahil sa kondisyon niya. But, Lervin. You can't have them, you need to choose, just one. You need to choose the better or else you can lose your real happiness."

____________________­___

ARTHEA PRIMERO DE CERVANTES's POV

"Art naman, bakit nilihim mo 'to sa amin? Kaibigan mo kami," ani Drim.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at iyong mga luha niya ay nangingilid na sa mga mata niya.

Si Drim na nagtatagis ang mga bagang at nakatayo lang siya sa tapat namin.

Nasa study area kami at heto nga, pinapaulanan nila ako ng mga katanungan nila.

"You are being unfair to us, Art. Kaibigan mo kami at alam mong hinding-hindi ka namin iiwan o tatalikuran lang!" sigaw ni Drim.

To be continue...

Edited · 470 · Like · React · Edit · Sep 14

Beverly Repuya Rec... replied · 38 replies

S Lyn Hadjiri

SOMEDAY, I'LL BE GONE

Chapter 27 (3.3)

"BAKIT pakiramdam ko ay hindi kami mahalaga sa 'yo, Art? Wala ka bang tiwala sa amin?" madamdaming tanong sa akin ni Crim at umiling ako.

"Hindi ganoon 'yon, Crim. Mahalaga kayo sa akin dahil matalik na kaibigan ko kayo. Is just that...ayoko nang mag-alala pa kayo sa akin kaya tinago ko ang tungkol sa sakit ko," sabi ko sa mahinang boses.

Napamura nang malakas si Drim at sinipa pa niya ang sementadong mesa.

"Art, kaibigan mo kami! At alam mong first priority ka namin. Sa tingin mo ba, Art ay hindi rin kami mag-aalala kahit hindi namin malaman?!" sigaw sa akin ni Drim at nakakuyom ang mga kamao niya.

Alam kong hindi naman siya galit sa akin pero siguro naiinis lang? Dahil naglihim ako sa kanila?

"Kaya pala ganoon na lang kung lumapit sa 'yo ang Lazallo na 'yon. Alam niya, alam niyang may sakit ka!" ani Drim at base sa boses niya ay may pagtatampo 'yon.

"Hey, I heard my name!" Biglang sulpot naman ni Hillarus.

Iyong uniform niya ay pinatungan na naman niya ng leather jacket at magulo na naman ang buhok niya. Naka-puting sapatos sa halip na black shoes ang susuutin niya.

Nasa bulsa niya ang kanyang magkabilang kamay at may ngisi pa sa labi. Kaya lalo lang nagalit sa kanya si Drim.

"Bakit siya na hindi mo man lang kaibigan ay may alam siya tungkol sa sakit mo?" kalmadong sabi naman ni Crim at katulad ng kay Crim ay may pagtatampo rin sa kanyang boses.

"Hindi ko kaya sinabi sa kanya," naiiling na sabi ko at mukhang hindi pa sila naniwala sa akin.

"Right, hindi naman niya sinabi sa akin dahil nag-obserba lang naman ako. I'm not like you, mga manhid," may pang-aasar na sabi ni Hillarus. Sinamaan ko siya nang tingin kasi mas lalo niya lang ginagalit ang magkambal. He just shrugged his shoulder at me.

"I'm sorry, Crim, Drim," iyon na lang ang nasabi ko. 

"Shin was acting weird, kaya nalaman ko kaagad kung ano ang problema niya," ani Crim at napalingon siya kay Shin.

Na nakaupo lang sa kabilang bench at malayo ang tingin. Alam kong nakikinig lang siya sa amin. Kahit nanatili pa rin siyang walang imik.

"Art, you can count on us. Nandito kami para tulungan ka. Magpapagamot ka na, please!" Napailing ako sa sinabi ni Crim.

"There is no known cure, idi-t," sabat naman ni Hillarus.

"We are not talking to you. Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Leave," mariing sambit ni Drim pero hindi siya pinansin nito. Particular na ugali 'yon ni Hillarus.

"May...may chance pa naman, 'di ba?" ani Crim. Nasa boses niya ang pagka-desperado.

"Paano? Paano, Crim, kung wala naman talagang lunas ang sakit na 'to?" nanghihinang sabi ko at hinawakan ni Crim ang magkabilang balimat ko.

"Art, trust me. Meron pa, meron pang chance. Please, magpagamot ka na? We're here, Art. Nandito kami para sa 'yo, hindi ka namin iiwan."

Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"You can count on me, too," Hillarus said.

"I'm here, too," Drim said and he walked towards my direction.

"Art, I'm here too," Shin added.

Tuluyan nang umagos ang mga luha ko sa aking pisngi.

End of chapter 27