Chapter 22: Check Up Test results
PINAKITA sa amin ng caretaker ang blue tent at doon saglit kaming nagpahinga ni Lervin bago kami namasyal sa Lah-odan.
Malapit ito sa Sodpac Falls. Magkahawak kamay na tinungo namin ito.
"Wow! Gusto kong umakyat doon!" masayang sabi ko habang nakaturo ako sa isang puno. Puwede kasing akyatin 'yon, parang isang pugad lang ng ibon? Pero maliit at mula sa itaas ay may tila payong din. May maliit na hagdan at mula roon makikita ang pag-agos ng ilong.
"Ang ganda-ganda!" Nakakamangha talaga ang lugar na ito.
Apat na tao lang siguro ang kasya roon. Mukha namang matibay kahit naka-hang lang siya sa puno pero nasa gitna ang puno at naka-balanse.
"Hey, slow down!" natatawang saway sa akin ni Lervin.
Patakbong nilapitan ko kasi ito at naabutan niya ako. Hinuli niya ang kamay ko at maingat na inalalayan akong makaakyat sa hagdan. Five step lang naman ang hagdan pero walang railing. At gawa lang ito sa kahoy tapos pabilog pa siya.
Natakot pa ako na baka mahulog ako pero nangibabaw ang saya ko kaya hindi ko na rin ininda.
"WOHO!" sigaw ko nang tuluyan na kaming nakaakyat at magkatabing umupo.
Masayang pinanood namin ang Sodpac Falls. Ang taas no'ng talon at ang ganda ng pag-agos ng tubing doon.
Puro punong kahoy lang ang makikita mo sa buong paligid. Ang paghampas ng tubig sa talon ang tangi mong maririnig. Mga huni ng mga ibon at ang masarap na simoy ng hangin.
Masarap sa pakiramdam. Nakaka-relax ang lugar na ito.
"Sana ganito na lang tayo..." bulong ko at humilig ako sa balikat ng asawa ko. Inakbayan naman niya ako at hinawakan pa niya ang mga daliri kong may dalawang singsing na.
Nang hindi pa kami ganito at balewala ako sa kanya ay never kong sinuot ang dalawang singsing na galing sa kanya.
At dahil gusto kong tumakas sa realidad at hiramin ang pagkakataon na ito ay sinuot ko na ang bagay na ito.
Lingid sa kaalaman niya ang mga kababalaghang nangyayari sa akin.
Naghilom na ang sugat ko sa baba pero ang mga binti ko ay punung-puno ng pasa. Naka-jeans na lang ako kasi ayokong makita niya pa 'to.
Madalas p rin akong ma-out of balance. Iyong bigla-bigla na lang akong la-landing sa sahig at dumudulas ang mga kamay ko sa mga bagay na hinahawakan ko. Nagiging blured din madalas ang paningin ko at nawawala ako ng pandinig.
Lahat ng iyon ay naitago ko mula kay Lervin. Wala siyang ideya sa kung ano ba ang nangyayari sa akin.
Nababahala man ako pero mas tinatak ko sa utak ko ang vacation na ito. Ang makasama ko siya sa lugar na ito.
Pumatak ang gabi at nag-iihaw ng barbeque ang asawa ko.
Anim na barbeque. Nasa labas kami ng tent at medyo malamig na ang gabi. Nakasuot ako ng yellow hoodie at ganoon din si Lervin. Puro couples kasi ang mga damit na binili niya sa amin.
"Gutom ka na? Saglit lang 'to at maluluto na," aniya.
Nakaupo ako sa tabi niya at pinanood ko lang siya sa ginagawa niya.
May picnic blanket ang nilatag namin sa damuhan at naka-ready na roon ang kanin at may sawsawan pa kami sa barbeque.
Napaigtad ako nang hawakan niya ang hoodie ng jacket ko at sinuot ito sa ulo ko.
"Malamig, baby." Nginitian ko na lang siya.
Pagkatapos n'on ay kumain na kami. Nag-kuwentuhan pa kami.
At nakatulog ako na katabi siya na may ngiti sa labi.
Kinabukasan ay umuwi na kami. Kahit medyo nalungkot ako pero masaya na ako kahit papaano.
Pagod na pagod pa kami sa biyahe nang sabay na tumunog ang cellphone namin.
Pero text message lang ang natanggap ko from Shin.
"Hello? Jillian?"
Napayuko ako. Nakabalik na ako sa realidad. Ang masakit na realidad.
"Lumabas na ang test result mo sa CT scan and MRI scan, Art. Bukas ng 2 pm ng hapon. Ime-meet natin si Dra. Even."
Ewan ko kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga oras na ito.
Takot at kaba? Pero bakit mas masakit ang puso ko?
"Stay there, Jillian. Pupuntahan kita."
***
KABADONG-kabado si Shin nang makarating kami sa hospital.
Parang siya 'yong may sakit dito at natatakot siya sa test results ko. Kahit na ako rin kinakabahan pero nakuha ko pa ang maging kalmado.
Nasa researching area na kami at parang may conference meeting ang magaganap.
Malamig sa loob dahil sa aircon nito at maaamoy mo rin mga gamot. Mga computer at iba pang mga equipment nila sa loob.
Tahimik lang si Shin na nasa tabi ko at hawak-hawak niya ang kaliwang kamay ko.
Nasa tapat lang naming nakaupo si Dr. Cheng at pinaglalaruan lang ang ballpen sa mahabang table.
"79th foundation ng DV Hospital, nandoon din kami, Miss Arthea," ani Dr. Cheng.
"Really? Akala ko kung ano'ng party lang 'yon," sabi ko at inalala ko ang nangyari sa party na 'yon.
"Nakita ka namin ni Dra. Even at kung paano rin sinuntok ng asawa mo si Dr. Mojeh," nakangising sabi niya.
Nagkibit balikat lang ako at sumandal ako sa likuran ng chair ko.
"Sino pa ba ang hinihintay natin? Si Dra. Even?" walang emosyong tanong ni Shin, pero nasa boses nito ang pagka-inip.
"Relax, pretty lady. Just wait," ani Dr. Cheng.
Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Dra. Even na may hawak na dalawang brown envelope at may nakasunod siya.
Pamilyar sa akin ang pigura ng isang lalaki. Naka-doctor's coat siya at may suot na eye-glasses.
"Whoa!" Bigla siyang napahinto nang makita niya ako. Kahit nakatakpan man ang gray eyes niya ng makapal na salamin at visible pa rin ang namimilog niyang mga mata.
"What are you do-- don't tell me that you are here because of the test results? Are you the patient?" sunud-sunod niyang tanong sa akin.
"Yeah," maigsing sagot ko.
"Come on, maupo ka na Dr. Mojeh," pag-aaya sa kanya ni Dra. Even.
Umupo naman ito sa tabi ni Dr. Cheng at nagkatapat kami. Nasa right side naman si Dra. Even.
"Let's start," ani Dra. Even.
Tumikhim si Dr. Mojeh at pinaglalaruan niya ang lower lip niya habang nakatingin sa akin.
"Quit staring at her, id**t!" biglang sigaw sa kanya ni Shin and he chuckled.
"Ow, another pretty lady," komento niya.
"Come on, man. Let's proceed to our topic," untag ni Dr. Cheng sa kanya at siniko pa siya.
Umayos siya nang upo at kinuha ang brown envelope at binuksan niya 'yon.
"I am the one who checked this CT scan and MRI scan. So, ako ang unang nakakaalam tungkol sa test result mo. Bihasa ako sa field na ito, kaya believe me, Mrs. de Cervantes. Hindi nagkamali ang mga machines or ang pag-aaral ko rito dahil sa test result mo..." aniya at sa totoo lang nangbibitin pa siya.
Lumakas lalo ang kabog sa dibdib ko at bumigat ang atmosphere namin.
"You are positive of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia, is a term referring to a group of hereditary ataxia that are characterized by degenerative changes in the part of the brain related to the movement control cerebellum, and sometimes in the spinal cord. Let me explain that clearly, the spinocerebellar ataxia, it's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk, walk, write or even eat," mahabang pagpapaliwanag niya at sumikip ang dibdib ko sa narinig.
What kind of that sick?
Hindi ako pa handa.
"Damn, that's a rare sick for God's sake!" ani Dr. Cheng at napaawang ang mga labing tiningnan niya ako.
"Yeah, hindi lang basta-basta ang sakit na 'yon, Miss Arthea. Ang sakit na 'yon ay dito mismo nagmumula," sabi niya at tinuro ang ulo niya.
"Our brain, the functions of your movements," she added.
Bumuntong-hininga si Dr. Mojeh, at nagsimulang nagpaliwanag, "affected people may experience the following, problems with coordinations and balance, uncoordinated walk, poor hand-eye coordination, abnormal speech, involuntary eye movement, vision of problems and difficulty processing, learning, and remembering information. That's the signs and syntoms of the patient."
Iyon nga, iyon nga ang mga nararamdaman ko.
"That's ridiculous! Paano naman niya makukuha ang ganoong sakit?! Alam ko! Alam ko ang sakit na 'yon!" hysterical na sigaw ni Shin at nanatili lang akong walang kibo.
Pinagpawisan ang mga kamay ko at wala ng tigil sa pagpintig ng malakas ang puso ko.
Ganoon? Ganoong klase ang sakit ko?
"Calm down, Miss."
"Familiar na ako sa ganoong sakit," napatingin ako kay Dr. Cheng dahil sa sinabi niya.
"Kaya nag-suggest ako na magpa-check up ka as soon as possible. This is sounds creepy but, nakikita kita sa university niyo. Na-a-out of balance," pagpapatuloy niya.
"Iyong mga strange moves mo, iyong gusto mong humakbang pero hindi mo kaya. Tila paralisado ka o minsan pa ay mahihirapan kang magsalita at gumalaw. Lahat 'yon syntoms ng sakit ng spinocerebellar ataxia," ani Dra. Even. Hindi na babakasan ang emosyon sa mukha niya.
"Pero...pero paano niya nakuha ang ganoong sakit?" tanong ulit ni Shin.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ramdam ko ang panginginig nito.
"Ang sabi niyo, cause of the brain ang sakit na 'yon. Maaari bang nakuha niya ito sa isang aksidente? O nauntog ang ulo niya or something?" sunud-sunod na tanong ni Shin.
Pinisil ko 'yong kamay niya at napatingin siya sa akin.
"Walang aksidente. Siguro..." Napatingin ako sa tatlong doctor na nasa tapat namin.
"Maaaring namana ko 'to mula sa mga ninuno namin. Hindi ba?" Napatangu-tango silang lahat sa sinabi ko.
"M-may gamot ba? May surgery ba ang magaganap?" nababahalang tanong ko.
"Sadly, there is no known cure for spinocerebellar ataxia. That's a rare and there is no survivor of that sickness," sagot ni Dr. Mojeh.
"Bullsh*t! How can you say that?! You are a doctor! You know something!"
"I'm sorry..."
Bigo, bigong-bigo ang mga mukha nila at napayuko lang si Dra.Even.
Si Dr. Cheng na napatulala na lang at si Dr. Mojeh ay napatingin na lang sa kisame.
Tumayo ako at nakuha ko lahat ang atensyon nila.
"That's end of the conversation. Lahat ng mga nalaman niyo ay sa inyo na lang. Walang makakaalam nito maliban sa ating lima. Hindi naman ako nagulat o hindi ko masabing maliit lang ang mundo para lang magkasa-kasama ang mga kaibigan ng asawa ko. Hospital niya ito at sana...hanggang dito na lamang ang malalaman niyo," walang emosyong sabi ko.
Napatayo si Dr. Mojeh.
"You are going to die. Wala mang oras or exact date mo ay depende 'yon sa sakit mo. Uubusin nito ang lakas mo hanggang sa manghihina ka," aniya pero umiling ako.
"Hanggang sa ito na ang magiging dahilan ng pagkamatay mo," Dr.Even.
"Wala akong pakialam. Kung mamamatay ako ay mamamatay. Ito na sana ang huling araw na makikita ko kayo. If we crossed our paths again, please ignore me." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nagmamadali na akong lumabas.
I can't cheat myself, masakit. Sobrang masakit sa puso ang malaman mo na may sakit ka.
"Art! Art!"
Fuck that sick! Fuck the world!
If I'll die then be it! I don't fucking care!
#GS1:SIBG